You are on page 1of 1

Ang Katapusan ng Ibong Adarna

Nang makarating si Don Juan sa ikapitong bundok ay nakita at nakausap na niya ang
Ermitanyo. Nung una ay nagalit ito sa kanya dahil sa tagal niya daw naninirahan doon ay walang
nakakapunta doon ni isa. Inabot ni Don Juan ang kapirasong tela na dala niya at agad ay hinagkan ito
ng ermitanyo at siya ay tinulungan. Tinawag ng Ermitanyo ang lahat ng kanyang nasasakupang hayop
ngunit ni isa dito ay walang nakakaalam sa De Los Cristal kaya pinasakay niya si Don Juan sa
Olikornyo at ipinahatid sa isa pang ermitanyo na nasa ikapitong bundok ulit. Pinadala din ng
matanda ang kapiraso ng baro niya na ipapakita sa isa pang ermitanyo.
Nang maihatid ng Olikornyo si Don Juan ay agad niyang ipinakita sa ermitanyo ang dala niyang
kapirasong tela ngunit ang ikinamangha ni Don Juan ay mas lalo itong tumanda at humaba pa ang
balbas na sumasayad na sa lupa. Tinawag din nito ang lahat ng nasasakupan niya ngunit wala ding
nakakaalam ng De Los Cristal hanggang sa dumating ng huli ang Agila at alam pala nito ang De Los
Cristal. Ipinahatid ng ermitanyo si Don Juan sa agila at matapos ang isang buwang paglalakbay ay
narating nila ang Kahariann ng De Los Cristal.
Iniwan ng Agila si Don Juan sa ilog kung saan naliligo ang magkakapatid tuwing sasapit ang
ikaapat na oras. Nagtago at naghintay doon si Don Juan hanggang sa dumating ang magkakapatid.
Namangha siya ng makita si Donya Maria Blanca dahil wala ngang katulad ang ganda nito kaya madali
niyang nakilala ito. Sa sobrang humaling niya sa dalaga ay itinago niya ang baro nito na naging
dahilan upang maiwan na ito ng kanyang mga kapatid. Nagagalit na pinalabas ng dalaga ang kumuha
ng kanyang damit at lumitaw naman ng buong pagpapakumbaba si Don Juan. Nagmakaawa si Don
Juan sa dalaga na patawarin siya sa kanyang nagawa at hindi nagtagal ay pinatawad naman siya ng
dalaga.
Tuwing gabi ay nagtatagpo ang dalawa upang malaman ni Donya Maria Blanca ang pagsubok
na ibinibigay ng kanyang ama kay Don Juan na upang matupad ay siya na mismo ang gagawa dahil sa
taglay niyang Mahika Blanca.
Mga Pagsubok ni Haring Salermo
1. Patagin ang bundok at taniman ng trigo upang kinabukasan ay lutuin ito upang maging
tinapay na dadatnan dapat ng hari sa kanyang hapag-kainan.
2. Isauli sa Prasko (bote) ang 12 itang alaga ng hari na pinakawalan niya sa dagat.
3. Ang bundok ay itapat sa kanyang bintana upang paggising niya ay makalanghap siya ng
sariwang hangin
4. Ang bundok ay itabon sa dagat at gawing Tanggulang Kastilyo na malalakaran at madadalaw
niya kinabukasan na maririnig niya na may mga kanyong nagpapasabog.
5. Hanapin ang singsing na nahulog sa dagat at ilagay sa ilalim ng kanyang unan
kinaumagahan.
6. Pagpapaamo sa kabayo (ito’y walang iba kundi si Haring Salermo).
Kinabukasan ay pinapanhik na ni Haring Salermo si Don Juan sa palasyo at doon ay pipili siya
ng isang pinto sa tatlong pinto na ang tanging nakalawit lamang ay hintuturo ng babae. Nagulat ang
hari sapagkat ang napili ni Don Juan ay si Donya Maria Blanca. Umisip ulit ng paraan ang hari upang
mailayo si Don Juan kay Maria Blanca ngunit nalaman ito ni Maria Blanca kaya silang dalawa ni Don
Juan ay tumakas. (Ipapakasal si Don Juan sa kanyang kapatid sa Inglatera)
Bilin ni Maria Blanca na ang kunin na kabayo sa kanilang paglisan ay nasa ikapitong pinto
ngunit ang nakuha ni Don Juan ay nasa ikawalong pinto kung kaya maaabutan sila n g hari sa
kanilang pagtakas. Inilaglag ni Maria Blanca ang karayom na naging tinik/dawag na humarang
kay Haring Fernando sa paghabol.. sumunod naman ay inilaglag niya ang kanyang sabon na
naging bundok na dahilan upang umiba ng daan si Haring Salermo.. sa huli ay inilaglag niya
ang kanyang kohe na naging karagatan na naging dahilan upang hindi na makahabol ang Hari.
Isinumpa niya si Maria Blanca na pagdating sa Berbanya ay lilimutin siya ni Don Juan at sa iba
magpapakasal. Sa sobrang lungkot ay nagkasakit at namatay si Haring Salermo.
Pagsapit nina Donya Maria Blanca at Don Juan sa Berbanya ay iniwan muna ni Don Juan si
Maria Blanca sa kabayanan upang maihanda niya ang kaharian. Pinagbilinan siya ni Donya Maria
Blanca na huwag titingin sa sinumang babae upang hindi siya nito malimot. Nangako si Don
Juan na ito’y gagawin ngunit pagsapit niya sa kaharian ay agad siyang niyakap ni Donya Leonora at
sinabi ni Donya Leonora na dito siya pakakasal kaya makalipas ang tatlong araw ay magpapakasal na
sila ni Don Juan. (Tuluyan ng naganap ang sumpa ni Haring Salermo sa anak)
Dahil sa kanyang kapangyarihan ay nalaman ni Maria Blanca ang nangyaring paglimot sa kanya
ni Don Juan at ito ay magpapakasal na kay Donya Leonora. Sa araw mismo ng kasal ay dumalo siya
(mala emperatris) at hinandugan ng isang palabas ang ikakasal ngunit hindi pa din siya naalala ni
Don Juan kaya bigla siyang tumayo ay papatayin ang lahat ng naroon gamit ang kanyang
kapangyarihan at bigla ay niyakap siya ni Don Juan at sinabing ito nga ang Prinsesang kanyang
minamahal.
Dahil sa kaganapan ay nagpaliwanag si Donya Leonora kung bakit sa kanya dapat mapunta si
Don Juan na agad din namang sinagot ng isa pang paliwanag ni Donya Maria Blanca. Sa huli ang
nagpasya ay si Don Juan at ang tunay nga niyang minamahal ay si Donya Maria Blanca.
Sa huli ay nagpakasal si Donya Leonora kay Don Pedro at si Donya Maria Blanca naman ay kay
Don Juan. Si Don Juan sana ang puputungan upang maging Hari ng Berbanya ngunit sinabi ni Donya
Maria Blanca na sa Kaharian nila maghahari si Don Juan.

THE END!

You might also like