You are on page 1of 6

Kabanata 20: Buod

Nalulungkot na si Donya Leonora dahil iniisip niya na sana buhay pa si


Don Juan, at bakit hindi pa bumabalik ang lobo na inutusan niya para
gamutin si Don Juan. Habang sya ay araw-gabing tumatangis, si Don
Juan nama’y ‘di na sya ang irog kundi si Maria Blanca.

Talasalitaan:
1. tumatangis – umiyak

2. iwa – sugat

3. maliw – kupas

4. hilahil – pagdurus

5. dalisay – wagas

Kabanata 21: Buod


Sa Kabanata na ito makikita natin ang pagpapatuloy nang paglalakbay
ni Don Juan papunta si Reyno De Los Cristales. Pagkatapos siya utusan
ng matanda na ibigay ang barong sa Ermitanyo ng ang balbas ay
hanggang baywang. Ngunit nang kanyang ibigay , nagulat ang
Ermitanyo at nagpasalamat sa Diyos. Sinubukan na tulungan ng
Ermitanyo si Don Juan. Tinawag nang Ermitanyo ang mga hayop ng
Armenya at tinanong sila kung alam nila kung saan ang Reyno De Los
Cristales. Sumagot ang mga hayop na hindi nila alam kung nasaan ito.
Ngunit sinabi ng Ermitanyo na pumunta siya sa ikapitong bundok at
hanapin ang isang matanda. Pumunta siya dito gamit ang Olikornyo na
pinahatid nang Ermitanyo. Pagkadating nila sa bundok , nakita ni Don
Juan ang Matanda na may balbas na abot sa lupa. Nagulat din siya sa
kanyang natanggap na barong. Bilang kabayaran , tutulungan na niya si
Don Juan. Tinawag niya ang mga hayop at tinanong kung alam nila kung
nasaan ang Reyno De Cristales. Ang tanging nakakaalam ay ang Agila
dahil kakapunta lang niya doon. Inutusan na nang matanda na ihatid
nang Agila si Don Juan sa kanyang pupuntahan. Sabi nang Agila na
ibaba niya si Don Juan sa banyo ni Donya Maria.
Kabanata 22: Buod
Walang ginawa si Prinsesa Leonora kundi tumangis sa kanyang silid.
Naiisip nya na baka patay na si Don Juan. Si Don Pedro naman ay
ipinipilit ang kanyang gusto na pakasalan na siya ni Leonora dahil hindi
na babalik si Don Juan. Kahit anong pilit nito, hindi pumapayag ang
prinsesa. Umalis na lang siya sa harap ng silid nito na masama ang loob.

Talasalitaan:
1. pangngingitngit – matinding galit

2. sakbibi – puno ng damdamin

Kabanata 23: Buod


Naglakbay si Don Juan ng tatlong taon patungo sa Reyno de los
Cristales. Habang naglalakbay, nakakita siya ng isang Ermitanyo.
Humingi siya ng makakain at maiinom sa Ermitanyo kaya binigyan siya
ng itim na tinapay. Kahit maitim na ito, kinain pa rin ito ni Don Juan
dahil sa gutom. Matapos kumain, itinanong niya kung saan mahahanap
ang Reyno de los Cristales. Pinayuhan siya ng Ermitanyo na pumunta sa
malayong mbundok at hanapin ang isa pang Ermitanyo. Binigyan rin
siya ng Ermitanyo ng isang barong maipapakita niya sa susunod na
Ermitanyo. Naglakbay ulit si Don Juan at nakita niya ang ikalawang
Ermitanyo. Ipinakita niya ang baro at nagtanong ng daan patungo
Reyno de los Cristales. Dahil hindi alam ng Ermitanyo at ng mga hayop
ang daan, sinabihan siya na humingi nalang ng tulong sa isa pang
Ermitanyo. Pagdating niya sa pangatlong Ermitanyo, pinakita niya ulit
ang baro at nagtanong ng daan patungo sa Reyno de los Cristales.
Tinawag ng Ermitanyo ang mga ibon pero hindi rin nila alam kung
nasaan ito. Sa kabutihang palad, ang isang Agila na nahuli ay galing
lang doon. Sumakay si Don Jauan sa Agila at nakarating siya sa Reyno
de los Cristales. Doon, nakita niya si Maria habang naliligo siya kaya
kinuha niya ang damit ni Maria. Makalipas ang isang oras, ibinalik na ni
Don Juan ang damit. Kahit nagalit si Maria, napatawad rin niya si Don
Juan dahil nagawa lang niya ito dahil sa pag-ibig. Bago niya pwedeng
pakasalan si Donya Maria, kailangan muna niyang dumaan sa pagsubok
ni haring Salermo. Ikinuwento ni Donya Maria na naging bato ang iba
niyang manliligaw at upang hindi maging bato si Don Juan, hindi siya
pwede pumasok sa bahay ni Haring Salermo. Sinundan siya ni Don Juan
at hindi siya naging bato. Ang unang utos ng hari ay ang pagtamin ng
trigo. Inutusan niya si Don Juan na tibagin ang bundok at magtanim ng
trigo na kailangan niyang gawing tinapay. Hindi alam ni Don Juan kung
paano to gagawin pero sa tulong ng mahika ni Donya Maria, natupad
niya ang hiling na ito. Nagulat si Haring Salermo na nagawa niya ito
pero marami pa siyang kailangang lampasan na pagsubok. Ang susunod
na pagsubok ay ang pagbalik ng mga ita sa prasko. Sa tulong nanaman
ni Donya Maria, natakot ang mga ita at bumalik sila sa loob ng prasko.
Pagkatapos nito, inutusan naman siya ng hari na iurong ang isang
bundok. Sa tulong ni Donya Maria, nagawa rin niya ito. Pagkatapos nito,
inutusan siya ng hari na ilagay ang bundok sa dagat at magtayo ng
palasyo dito. Ginamit nanaman ni Donya Maria ang kanyang mahika at
natupad ang kahilingan ng hari. Matapos makita ng hari ang kastilyo,
pinaalis naman niya ito. Madaling nagawa ito ni Maria. Nagtaka ang hari
kung paano niya nagawa ang kanyang mga utos at hindi siya nasiyahan
dahil mas tinitingalaan na siya ng mga tao. Isang araw, sadyang
itinapon ng hari ang kanyang singsing sa loob ng dagat at inutusan si
Don Juan na kunin ang singsing. Sinabayan ni Don Juan si Maria sa
dagat at inutusan ni Maria si Don Juan na tadtarin siya para makuha
niya ang singsing. Habang kinukuha ni Maria ang singsing, nakatulog si
Don Juan at hindi niya nakuha ang singsing galing kay Maria. Dahil sito,
nagalit si Maria pero dahil na rin sa pagmamahal niya kay Don Juan,
muli siyang nagpatadtad upang kunin ang singsing. Nakuha nila ang
singsing pero dahil nagmadali si Juan sa pagtadtad, nawala ang dulo ng
darili niya. Nang magising ang hari, nakita niya ang singsing. Nagulat
siya at nagawa ito ni Don Juan pero may isa pa siyang pagsubok bago
sumuko. Inutusan ni Haring Salermo si Don Juan na paamuhin ang
kabayo. Ang hindi alam ni Don Juan ay si Haring Salermo ang kabayong
iyon. Sa kabila nito, nagawa ito ni Don Juan dahil sa tulong ni Maria.
Malapit nang sumuko ang hari pero mayroon pa siyang isang pagsubok
para kay Don Juan. Pinapili niya si Don Juan ng mapangangasawa.
Mayroong tatlong silid na may butas at nakalabas lamang ang hintuturo
ng mga babae. Nagulat ang hari dahil napili ni Don Juan si Donya Maria.
Dahil dito, nag-isip siya ng paraan upang talunin si Don Juan. Plano
niyang dalhin si Juan sa Inglatera upang mapangasawa niya ang kapatid
ni Haring Salermo. Kapag hindi ito gumana, papatayin nalang niya si
Don Juan. Narinig ni Maria ang plano niyang ito at tumakas sila ni Don
Juan. Hinabol sila ni Haring Salermo pero dahil sa mahika ni Maria,
nakatakas sila. Bago mamatay si Haring Salermo, sinumpa niya si Don
Juan para makalilimutan ni Don Juan si Maria sa sandaling makarating
sila sa Berbanya. Habang pabalik sa Berbanya, iniwan muna ni Don Juan
si Maria sa ibang bayan para makapaghanda ang Berbanya sa kanyang
pagdating. Pagbalik ni Don Juan sa Berbanya, nakalimutan na niya si
Maria. Ibinunyag ni Leonora na si Don Juan ang kanyang mahal kaya
inihanda na ang kanilang kasal. Nalaman ito ni Maria nagalit siya. Sa
araw ng kasal, dumating siya sa palasyo, suot ang damit na pang
Emperatris. Hinala ng lahat na siya’y isang Emperatris kaya itinigil muna
nila ang kasal. Naghandog si Maria ng isang palabas na nagsasalaysay
ng mga karanasan ni Don Juan kasama si Maria. May mga pagkakataon
ring pinalo ng negrita ang negrito pero si Don Juan ang nasasaktan. Sa
kabila ng lahat nito, hindi pa rin naaalala ni Don Juan si Maria kay
nagalit na siya. Tinangka niyang sirain ang prasko upang mabaha ang
Berbanya. Sa huling sandali, naalala ni Don Juan si Donya Maria at
sinabi niya na si Maria ang mahal niya. Matapos nitto isinalaysay nina
Leonora at Maria ang kanilang karanasan kasama si Don Juan. Dahil si
Leonora ang pinili ng Asobispo, nagalit si Maria at tuluyan na niyang
sinira ang prasko. Upang masolusyonan ang problema, sinabi ni Don
Juan na si Maria ang gusto niyang mapangasawa at mas mabuti na kung
mapunta si Leonora kay Pedro para hindi na sila mag-away. Sa huli,
nakasal sina Pedro at Leonora at silay naging mga pinuno ng Berbanya.
Si Maria at Juan ay kinasal rin at sila ang namuno sa Reyno De los
Cristales. Sa ilalim ng kanilang pamumuno, umunlad ang buong
kaharian. Nang mamatay na sila, lahat ay nagluksa dahil sila ay
mabuting mga pinuno.

Kabanata 24: Buod


Isang buwang naglakbay si Don Juan sakay sa agila at sa wakas ay
nakarating din sa kaharian ng de los Crystales. Doon ay inilapag siya sa
paliguan ng tatlong maririkit na prinsesa. Hindi naman nahihirapan si
Don Juan na kilalanin si Doña Maria dahil sa namumukod tanging
kagandahan na taglay nito. Nabighani nang husto si Don Juan sa kanya,
kaya naman kinuha niya ang damit nito. Nang malamang kasuota'y
nawawala, galit na galit ang prinsesa. Bago pa mag-ikalima ng umaga,
humarap at nagpakita si Don Juan. Lumuhod ito sa harapan, at humingi
ng kapatawaran sa ginawang kapangahasan. Nabawasan ang galit ni
Doña Maria at nahabag sa ginawang pagsamo ng prinsipeng sa kanya'y
may pagsinta. Umibig din si Doña Maria kay Don Juan. Binigyan niya ang
prinsipe ng mga tagubilin upang maiwasan nito ang kapahamakang
sinapit ng iba na ginawang mga bato ng kanyang ama. Sinabi ng
prinsesa na tuwing ikalima ng umaga gumigising ang ama niya. Kapag
tinanong siya tungkol sa layon ng kanyang pagpaparoo'y kailangan
niyang sagutin ito na upang maglingkod at maging gantimpala ang sa
anak ay makasal. Kung aanyayahan naman siya napumanhik sa palasyo,
pasalamatan ang paanyaya ngunit huwag paunlakan. Pinakahuli ay
kailangang maging handa ang prinsipe sa mga kautusan ng hari. Si
Doña Maria naman ang bahalang tumupad sa mga kahilingan ng
kanyang ama. gabi ng umaga ay pumunta si don Juan sa palasyo at
nakipag usap kay Haring Salermo. Nang matapos na ni Don Juan ang
kanyang misyon, sya ay agad pinapili ng hari sa kanyang tatlong anak
gamit ang kanilang hintuturo. At sya ay nakapunta sa ikatatlong kwarto
at sinabi nya na ang babaeng na nasa kwarto ay ang kanyang liyag at sa
kasamaang palad hindi ito si Princesa Maria kundi si Princesa Leonora.
Nagalit si Princesa Maria kay Don Juan.

Kabanata 25: Buod


Tinawag si Juan ni Salermo at ipinakita ang si Juan tatlong pintuan.
Bawat pintuan ay may isng butas na mayhintuturo, dapat si Juan pumili
ng isa para magkasal siya sa isa sa mga anak ni Salermo nasa loob ng
mga silid. Pinili ni Juan ang hintuturo ni Maria at si Salermo ay nagalit.
Binalak ni Salermo na ipadala si Juan sa Inglatera kung saan matagpuan
ang kapatid niya at ditto ipakasal kung hindi ito mangyari ipapatay niya
si Juan, nalaman ni Maria ang binabalak ng amaniya at gusto niya
mapupunta nalang sa Berbanya para matakas nila ang ama niya at
sinabi ni Maria kay Juan na ikukuha ang ika-pitong kabayo pero kinuha
ni Juan ang ika-walo dahil nakalimutan niya ang sinabi ni Maria. Sa
umaga nalaman ng hari at sinubok niyahumabol sa kanila. At sa unang
pagkataon na lumapit siya sa kanila ginamit ni Maria ang mahika niya
paramaging pawang tinik ang isang karayom at sa ikalawang
pagkakataon tinapon ni Maria ang sabon niya at natabunan ang daan ni
Salermo dahil nagging malaki ang sabon, sa pangatlong pagkakataon
itinapon Ni Maria isang kohe na nagging malawak na dagat, hapagod na
ang hari at isinumpang makakalimutan ng prinsipe ang prinsesa.

Kabanata 26: Buod


Ipinakilala ni Don Juan ang kanyang sarili sa ama ni Maria Blanca, si
Haring Salermo. Sinabi niya ang pakay sa bunso nito at binigyan siya ni
Haring Salermo ng utos. Utos ng Hari kay Don Juan na patagin ang
bundok, itanim ang trigo, patubuin ang trigo sa gabi at sa umaga’y
gawin itong tinapay. Hindi alam ni Don Juan kung paano ito gagawin,
mabuti na lamang at si Donya Maria ay may alam na mahika blanka.
Gamit ito, pinatag nya ang bundok, ipinunla ang trigo, pinatubo ang
trigo, ginawang tinapay bago gumising ang hari. Humanga ang Hari kay
Don Juan ngunit mayroon pa itong mga utos.

Talasalitaan:
1. hapis – lungkot

2. banayad – marahan

3. ipunla – itanim

4. dunong – kaalaman

Kabanata 27: Buod


Nasisiyahan si Haring Salermo sa unang pagsubok subalit Hindi siya
naglubay. Binigyan ng ikalawang pagsubok… ang labindalawang maliliit
na tao na nasa loob ng prasko. Pinakawalan ang mga ito sa karagatan
pagkatapos. Si Don Juan ang magsisilid na muli sa prasko ng walang
labis, walang kulang. Nais ng hari na kinabukasan, sa kanyang pag-
aalmusal ay naroon sa kanyang hapag ang prasko. Sa tulong ng mahika
ni Donya Maria, naisilid ang mga ito. Hindi ito matanggap ni Haring
Salermo kaya’t nag-isip muli ng higit na mabigat na pagsubok.

Talasalitaan:
1. munsing-munsing – maliit, munti

2. pulos – pawa, puro


3. hibo – paghimok ukol sa masamang Gawain

You might also like