You are on page 1of 2

Sa Dulo ng Paghihirap

Si Don Juan kahit malungkot ay patuloy pa rin sa kanyang paglalakbay. Limang buwan ang paglalakad at
pitong bundok ang dinaanan, pitong dusa at pitong hirap bago narating ang hinahangad. Nakita niya ang
Ermitanyong ang balbas ay hanggang baywang at nakatatakot kung tingnan. Pagkakita ng Ermitanyo sa
Prinsipe ay bigla itong natakot at pinalayo si Don Juan dahil sa tagal ng kanyang paninirahan doon ay
ngayon lamang may nakakita sa kanya.

Agad na ipinakita ni Don Juan ang baro ng matandang sugatan at doon din napag-isipan na mali ang
kanyang iniisip na masamang tao si Don Juan. Hinagkan ng ermitanyo ang baro at nagwika ng pasasalamat
sa Panginoon. Tinanong niya ang Prinsipe sa sadya nito na agad namang sinagot ni Don Juan na hinahanap
niya ang Reyno de los Cristales. Tulad ng matandang sugatan, wala ring kaalam-alam ang Ermitanyo kung
saan ito matatagpuan.

Tinawag ng Ermitanyo ang kanyang mga alagang hayop at tinanong kung sino sa kanila ang nakakaalam sa
Reyno ng Cristalinos ngunit wala ni isa sa kanila ang nakaaalam.Tahimik lamang na nakikinig si Don Juan
ngunit buo pa rin ang kanyang pananalig na ito’y kanyang mapagtatagumpayan.Tinuruan ng ermitanyo si
Don Juan na puntahan ang ikapitong bundok at ipinadala nito ang kanyang baro na ipapakita ni Don Juan sa
isa na namang Ermitanyo.

Inutusan ng Ermitanyo ang kanyang olikornyo na ihatid si Don Juan. Sumakay si Don Juan sa likod ng ibon
at agad naman itong dumating sa sadyang patutunguhan. Nagtaka at nabigla rin ang Ermitanyo kung bakit
naparating sa kanyang tirahan si Don Juan kaya agad nitong ipinakita ang kapirasong baron a ipinadala ng
naunang Ermitanyo.Tulad ng ginawa ng naunang Ermitanyo ay hinagkan at iniyakan rin ito ng Ermitanyo
bago nagpasalamat sa Panginoon.

Tinanong ng Ermitanyo si Don Juan sa sadya nito. Ipinahayag nya na hinahanap niya ang kinaroroonan ng
Reyno ng mga Kristal ngunit tulad ng dalawang nauna ay wala rin itong alam. Kaya, tinawag nito ang
kanyang mga alagang ibon at tinanong kung sino sa kanila ang nakaaalam sa reyno ng mga Kristal ngunit
wala ni isa sa kanila ang nakaaalam. Hindi nasiyahan ang Ermitanyo sa kanilang sagot. Kaya muli niyang
inusisa at siniyasat kung sino pa ang hindi dumarating at doon nalaman na ang agila pala. Sa gitana ng
pagpupulong ay agad na nakarating ang agila na agad namang tinanong ng Ermitanyo sa dahilan ng kanyang
pagkahuli.

Pakumbabang nagsalaysay ang agila na siya’y nanggaling sa napakalayong lakbayin kaya’t hindi siya agad
nakarating kahit binilisan na niya ang kanyang paglipad. Nagtanong pa ang Ermitanyo kung anong lugar
iyon at baka iyon ang kanyang hinahanap. Sinalaysay ng ibon na narating nita ang lupang marikit, kaharian
ng Cristales. Laki ang pasasalamat ng prinsipe na masayang-masaya na ang kanyang paghihirap ay
magkakaroon na ng bunga.

Inutusan ng Ermitanyo ang agila na maghanda ng kanyang mga dadalhin sa paglalakbay na tatagal ng
sampung buwan. Dinala niya ang 10 maliliit na ibon na siyang maghahain sa kanya ng pagkain habang siya
ay lumilipad. Sumakay na si Don Juan sa agila na masiglang lumilipad. Sa lipad na pagkataas ang lupa ay di
na makikita bukod tanging ang malawak na dagat at langit ang makikita. Walang hinto sa paglipad ang agila
sa loob ng sampung buwan hangga’t sila ay makarating sa bayo ni Donya Maria.
Si Don Juan sa Reyno de los Cristales

Bago umalis ang agila, pinagbilinan niya si Don Juan na magtago sa halamanan upang siya’y hindi makita.
Asahang sa ikaapat ng madaling araw, darating na ang prinsesa na kanyang hinahanap. Sinabi pa nito, tatlo
silang magkakapatid na puro magaganda ngunit mas nakahihigit si Donya Mariang mabait. Pinapaalala pa
nito na sa paliguan ay may kanya-kanya silang silid. Binilin pa nitong huwag kalilimutan ang kanyang mga
sinabi.

Napag-isa na ang prinsipe na gulong-gulo ang isip ngunit pinagbuti ang pagtatago. Magdamag na naghintay
si Don Juan at sa wakas ay nakita na niya ang matagal na niyang hinahangad. Ganda ni Donya Maria ay
walang kapantay ninuman. Nabihag ng husto si Don Juan sa kagandahang taglay ng prinsesa. Lalo pang
nabighani ang prisipe nang ito’y maghubad ng kanyang damit at lumusong satubig tila isang sirena sa dagat
na nagsasabog ng dilag si Donya Maria.

Hindi nakapagpigil siDon Juan sa kanyang pagmamasid at sa kanyang pag-ibig kaya’t ninakaw niya ang
damit ng prinsesa. Ang damit ay dinala niya sa kanyang pinagtataguan at sa ganoong pagkakasala ay handa
siyang maparusahan. Niyayakap at pinaliguan ng halik ng prinsipe ang damit nito kaya’t nang umahon ang
prinsesa at hindi makita ang kanyang damit ay galit na galit ito at sinabi pang papatayin ang kumuha nito.
Nagtataka nang lubusan ang prinsesa kung sino ang gumawa niyon sa kanya. Mag-iisang oras na sa
paghahanap ngunit hindi pa rin nawawala ang galit ng prinsesa.

Di kalauna’y humarap na si Don Juan at lumuhod sa harapan ng prinsesa na humingi ng paumanhin sa


kalapastangang kanyang ginawa. Nagturing na nagawa lamang niya iyon bunsod ng kanyang di mapigilang
pagsinta. Galit ng prinsesa ay agad napawi ng marinig ang prinsipe tila ito’y isang natutunaw na bula.
Tinanong prinsesa ang prinsipe kung sino siya at saang kahariaan siya nanggagaling.Sinabi ni Don Juan na
matagal na niyang hinahanap ang lupain ng prinsesa na sa puso niya ay bumabagabag ang isang talang
napakaganda.

Hinahangad ng prinsipe na kung siya ay mamalasin sa kanyang pakay ay mas mabuti pang mamatay na
lamang. Inabot ng prinsipe ang damit ng prinsesa at agad itong nagbihis. Nang matapos, lumapit siya sa
prinsipe na may ngiting pagkatamis. Pinapatayo nito ang nakaluhod na prinsipe at pinahawak sa kanyang
kamay. Tumindig si Don Juan at masuyong hinawakan ang kamay ng prinsesang kanyang mahal.

Umupo sila sa isang batong makinis na kapwa puso ay umaawit ng ligaya sa pag-ibig. Nagsalota ang
prinsesa na sa kanilang pagliligawan ay hindi pwede ang maglihim at magtaksil. Pinakita at tinuro ng
prinsesa ang mga abtong nakahanay sa palasyo at sinabing lahat ng iyon ay taong tunay na naparusahan.

You might also like