You are on page 1of 3

Payo ng Ibong Adarna kay Don Juan (Scene 19)

N: Nang mag-isa si Don Juan, pinuno siya ng pag alala kaya agad kaya agad siyang lumunod at nanalangin

Don Juan: "O, Panginoon Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo'y mahabag naa ituro
yaong landas.."

"Yaong landas na natuwid at ligtas po sa panganib, O, ama kong iniibig pagpalain ka rin ng Langit..!"

N: Pagkatapos manalangin, nagpasiya siyang umuwi na rin. Puso niya'y nalulumbay sa kanilang
pagkahiwalay. Dahan dahan siyang naglakad sa kabundukan na kanyang tinatahak tahak. Ang daana'y ay
kanyang hinahanap nang makarating siya kaagad. Ngunit dinalaw na siya ng kapaguran kaya't humanap
siya sumandal nang magdarapit hapon. Sapagkat labis ang kanyang pagod at di naglaon ay humimlay
siya. Pati ang kagutuman ay di niya nararamdaman man lang. Nakatulog ng mahimbing si Don Juan. Sa
kanyang pamamahinga, dumating ang Adarna. Natanaw naman niya agad si Don Juan at agad niya itong
nakilala. Pagdapo ng Adarna sa punongkahoy, ito ay namayagpag. Balahibo nito'y unang sapin ay
hinubad na di nagtagal. Nang malabas na nito ang bago na sadyang makislap, kay Don Juan siya'y
tumungo at umawit dito.

Adarna: "O, prinsipe ng Berbanya, katoto kong sinisinta sa tulog mo'y gumising ka ako ay may ibabadya.."

N: Nang marinig iyon ni Don Juan, agad siyang nagising. Tuwa, lugod at paggiliw ang kanyang
nararamdaman nang makita niya ang Adarna. Pinakinggan niya ang pagkantang kina gigiliwan niya. Sa
sarili nasabi niya pa'y:

Don Juan: "Tila ito'y langit ko na.."

Adarna: "Anong haba na ngang araw ang sa ati'y namagitan mulang tayo'y maghiwalay sa Berbanyang
inyong bayan.."

"Kung ako man ay umalis di sa iyo'y hinanakit, manapa nga'y sa pag ibig maligtas ka sa panakit..."

"Salamat at hawla lamang ang naisip nilang bulasan, ang talagang pinapakay nila ikaw at ako'y
mamatay.."

"Ngunit anhin pa ba nating ang nagdaa'y sariwain, ang matapat ngayong gawin ligaya mo ay hanapin.."

"Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora, dito ay may lalo pa sa karangalan ang ganda.."
"Malaya nga lang ang kinalalagyan nitong reyno, gayumpaman, prinsipe ko, pagpagurang lakbayin mo.."

"Bayan kanyang tinitirhan sa ganda ay hahangaan, isang sadya kaharian sa dako ng silangan.."

"Sila'y tatlong magkakapatid nag-aagawan sa rikit, tatlong mutya ng pag ibig sa mundo'y walang
kaparis.."

"Sila'y anak ni Salermo, Hari sa nasabing trono, kapwa hari't maginoo'y gumagalang na totoo.."

"Sa tatlo'y piliin si Maria Blancang butihin, ganda niya ay tantuin daig ang talagang maningning.."

"Dalawang kapatid niya'y si Isabel at Juana, una'y tala sa umaga, bituin ang pangalwa.."

"Kaya tayo na, Don Juan sa reyno ng mga Cristal, iyong ipagkakarangal sa ama mong minamahal.."

N: Awit ng Ibong Adarna at tinapos niya ito sa pagbabadyang..

Adarna: "Don Juan, huwag mangamba sa hirap at magdusa.."

"Manalig kang walang hirap na di-nagtatamong palad, pagmasdan mo't yaong ulap hinahawi ng
liwanag.."

N: Sa payo ng Adarna, ang prinsipe ay lumakad na. Nakalimutan niya ang sinisintang si Leonora at ang
puso nga'y nakay Maria Blanca na..

Dahil sa sinabi ni Leonora, hindi agad nakaimik ang hari. Ang hiwaga'y iniisip ng tutop ang kanyang
dibdib. Sampung kamahalans narinig sa sinabi ni Leonorang naghihimpis. Tila ba sila ay natigilan sa
ganong kababalaghan. Napaka ang kanilang mga tingin sa dalawang mga taksil. Hindi nila inakala na may
tago tagong pala itong lihim. Sila ay hindi kumikilos, halata ang kanilang hiya. Noon lang nakilala na may
katwiran pala si Leonora. Ito ang sinabi ng hari:

Hari: "Leonora, sa iyong hingi walang tutol yaong budhi, Sinuman nga sa dalawa ang pilii'y pakasal ka,
ikaw naman ay umasang manugang ding mahal kita."

"Pagiisang dibdib ninyo'y gagawin sa linggong ito, ganito ang pasiya ko't nang matapos na ang gulo.."

"Samantalang naghihintay ako sana'y pagtapatan, ang pinutol na hinakdal may malaking kahulugan"

"Isang bagay na dapat kong linawagin ng totoo ang Haring ama ninyo sa masama ay ayoko"
"Anak ko man ay suwail ang marapal itatakwil, kasamang pausbugin sa bayan ay pagtataksil."

Leonora: "Tunay nga po, Haring Mahal."

N: Tugon ni Leonora..

Leonora: "Ngunit ako'y pairugan pagkaraos na ng kasal."

N: Sa wakas ay naayos din ang pusong suliranin. Kasiyaha'y nangibabaw at nagpatuloy nang maningnins..

You might also like