You are on page 1of 13

“IBONG ADARNA”

Scene 1(Palasyo)
Narrator:Noong unang panahon, mayroong isang kahariang tinatawag na Berbanya.Sa
kaharian ng mapayapang Berbanya, may haring nagngangalang Haring Fernando na
hinahangaan ng lahat dahil sa angking kahusayan sa pamamalakad ng kaharian. (curtains
off)

Reyna Valeriana: Fernando, nandito ang mga anak natin (natutuwa)


(Don Pedro at Don Diego enter then bow at mano)

Haring Fernando: Oh nandiyan naman pala kayo mga anak, ano ang sadya niyo? (nagtataka)

Narrrator: Sila ay may tatlong anak. Panganay ay si Don Pedrong may tindig ng pagkainam.

Don Pedro:(mayabang) Ama! Nais ko lang iparating na natapos ko ng walang kahirap-hirap


ang gawaing ipinagagawa niyo saakin.(pakita ang muscles)

Narrator: Sumunod naman kay Don Pedro ay si Don Diegong malumanay.

Don Diego: (medyo mayabang) Ehem! Ah ama, tapos na rin ho akong magsibak ng kahoy.

Haring Fernando: Mabuti naman… (nag-aalala) nasaan pala si bunso?

Narrator: At ang bunso na maginoong totoo naman ay si Don Juan na may pusong pagsuyo
at sa sandaling ‘di makita ng ama’t ina ay akala’y nawala na.
(Don Juan enters ng pagod na pagod)
Don Juan:(nahihiya) Pasensya na pala ama ‘pagkat ako’y nahuli dahil katatapos ko lang
kumain sa hapag at nag-ensayo. (nagkakamot ng ulo at pinunasan ang pawis niya)

Haring Fernando: Ayos lang iyon.Iyon lang ba ang mga pakay niyo? O sige, Susulitin ko na rin
ang pagkakataong ito dahil may aanunsyuhin akong importante sa inyong tatlo.

Don Pedro,Don Diego,at Don Juan: (nagtataka) Ano po yon itay?

Haring Fernando: (kalmado) Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang pantas na totoo.
Yamang ngayo’y panahon ng kayo’s tumalaga, pumili sa dalawa, magpari o ang korona?
Don Pedro, Diego at Juan: (natutuwa) Humawak ng kaharian bayan nami’y paglingkuran ay
aming naiibigan.

Don Fernando: Nagalak ako sa inyong mga desisyon. Ipinapagmalaki ko kayo mga anak…

Scene 2(Haring Fernando’s room)

Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Haring Fernando, napanaginipan


niyang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang
tampalasan.
(a re-enactment ng panaginip-sinusuntok si Don Juan)(natatakot si Haring Fernando na
tulog)

Don Juan: AHHHHHHH!!! Tulonggg!!!

Haring Fernando: Don Juannnnn! Hindiii!!


(Sa susunod na araw)(Si Donya Valeriana at anak nila ni Haring Fernanado ay nakapalibot sa
hirap na hirap na hari)

Narrator:Habang tumatagal, palala ng palala ang karamdaman ng hari ngunit walang may
alam kung anong lunas nito kaya pinatawag ang isang manggamot na albularyo na
sinasabing pinakamagaling na manggamot sa buong kaharian.

Donya Valeriana: Naku,mahal ko,ano ba ang nangyari saiyo?(naaawa at nag-aalala)


Pinatawag ko na ang pinakamagaling na manggagamot sa buong kaharian.Gumaling ka na
sana giliw ko.

Manggagamot/ermitano: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga napanaginipan, mabigat man


at maselan, may mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag ito’y
narinig mong umawit, ang sakit mo Haring mahal ay gagaling at mawawala.

Don Pedro: Saan ito makikita? Anong hitsura ng ibong iyan?

Manggagamot/ermitanyo:Ito ay tumatahan sa kabundukan ng Tabor kung saan makikita


ang Piedras Platas,ang punong tirahan ng Ibong Adarna. Gabi ito umuuwi sa punungkahoy
nitong bahay.Kaya mahal na monarka, iyon po ang ipakuha kaagad na gagaling ka sa sakit
mong dinadala dahil sa boses nitong napakaganda.
Don Fernando:(nanghihina) Pedro,anak,hanapin mo ang Ibong Adarna para ako’y gumaling
na.

Don Pedro:(mayabang) Hahanapin ko iyon itay ng walang kahirap-hirap. Huwag ka ng


mangamba at magtiwala ka lang saakin. Sa mga kapatid ko, bilang panganay, gagampanan
ko ang mga responsibilidad ko.At pangako na huhusayan at bibilisan ko ang pagdakip sa
Adarna.
Scene 3(Mountain)

Narrator: Inihanda na ni Don Pedro ang kabayo at ang sarili niya.

Don Pedro: HIYAH! Hmmm...’pag nakuha ko and Adarna, tiyak na ako na ang paboritong
anak ng Haring Ama at ng Mahal kong inay...tskk…. Magandang ideya iyon.HAHAHA(devil
laugh)

Narrator: Naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan si Don Pedro bago narating
ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas,punong tirahan ng ibong Adarna,
siya ay dumaan sa mga iba’t ibang pahamak at pagsubok sa kanyang paglalakbay upang
makuha lang ang lunas para sa kanyang amang mahal .

Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang aking kabayo…grrrr..walang
kwenta.. hayyss paano na ako nito?hay nako..tsk..Lampa!(naiinis)
Narrator: Hanggang sa pag-iikot niya sa bundok at nang sumapit na ang kadiliman..

Don Pedro: (nagtataka)teka…namamalik-mata ba ako? Bakit kakaiba ang punong iyon? Baka
iyon na ang Piedras Platas! Oo, ayun na nga.(tuwang-tuwa at natalon ng parang
bata)Hayun! Iyon ang Piedras Platas! Yes! Hahaha ang galing ko talaga.
(mayabang)Panigurado na kung si Don Diego o kaya si Don Juan ito ay di nila matatanawan
ito hahaha! Dahil lampa naman sila eh hahahaha .Natanaw ko na ang Piedras Platas… kaya
naman hihintayin ko na lang ang Adarna. Ang ganda-ganda naman nitong punong ‘to
lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto…(Breathing Heavily)…(tiningnan ang
puno)….(umupo)
(lumapag ang adarna sa puno)
Don Pedro: (yawns), nakakaantok naman…….hindiii... hihintayin ko ang Adarna
Narrator: Hindi namalayan ni Don Pedrong tulog na lumapag na ang Adarna sa puno at
nagsimula na itong umawit.
Ibong Adarna: hmmmmmmmmmmm(x7)
Narrataor: At nang nakatulog na si Don Pedro, dumumi na ang Adarna at napatakan si Don
Pedro at naging Taong-bato.
Scene 4(Palace)
Narrator: Nainip na ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay kay Don Pedro kaya
minabuting hanapin naman ito ni Don Diego.

Mga tao:Nasaan na kaya si Don Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumaling ang mahal na
hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang
kapatid na si Don Pedro kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin
ang iyong kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa iyong ama.

Haring Fernando: Ano na bang nangyari kay Pedro? Ako’y nangangamba na (nag-aalala).
Don Diego, nais ko na ika’y maglakbay at kunin ang Adarna, iuwi mo rin ang kapatid mo.

Don Diego: (confidently beautiful says charoott) Hindi ko po kayo bibiguin ama, ina, at sa
lahat sa inyo…Kayang-kaya ko ito.
Scene 6(Mountain)

Narrator: Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok . Sa lakad ay walang humpay, at


inabot ng limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego at kabayong sinasakyan ay namatay
rin bago nakarating sa patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago nakarating sa
Piedras Platas na ang daho’t sanga’y kumikintab ginto pati mga ugat.

Don Diego:Ayun! Ayun ang Piedras Platas! (namamangha) Ano bang laking hiwaga, punong
ganda’y nakakaakit sa mata!… Ngunit bakit kaya ito ‘di dinadapuan na mga ibon? Kahit
ako’y magipit, ay ‘di ako aalis dahil alam kong dito natira ang Adarna.

Narrator: Lumalalim na ang gabi kaya namahinga muna si Don Diego

Don Diego:(umupo sa isang bato)hmm bakit hugis tao ito? Bat ang tagal ng Adarna?

Narrator:Dumating ang Ibong Adarna.


Don Diego: Hayon na ang Adarna!(natutuwa) kumanta at nakinig ang prinsipe ng mga
mata’y nakapikit tila nakalimot sa daigdig.Pitong awit ,bawa’t isa balahibo’y iniiba at may
kaniya-kaniyang ganda sa titingin ay gayuma.
Don Diego: Zzzzzzz... (sleeps)(Dumumi ang ibong adarna at inabot ng patak.)

Narrator: Tulad ng nangyari kay Don Pedro’y naging bato din si Don Diego.Sa kabilang
banda, nainip na sa kahihintay ang Berbanya at hari’y di mapalagay kung anong nangyari sa
dalawa.
Scene 7(King’s room)

Reyna Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina
Don Pedro’t Don Diego. Ano ba ang dapat natin gawin?Matagal na silang hindi
wala.(worried)

Don Juan:Ama nais kong hanapin ang Adarna at iuwi’t iligtas ang aking mga kapatid.
Haring Fernando: Hindi ako papayag na ika’y mapahamak kaya hindi ako sang-ayon sa plano
mong maglakbay at kahit anong pilit mo man ay iisa lang ang sasagutin ko,iyon ay ang
HINDI.

Don Juan: Ama,kung ika’y ‘di sang-ayon ako’y aalis ng palihim upang mahanap ang Adarna
para iyong sakit ay mapawi at mahanap ang mga kapatid kong nawawala dahil Tatlong taon
na, di pa sila dumating at ako’y lubos na nagangamba.

Haring Fernando:(napilitan) Kahit anong tanggi ko, alam ko, tututol at tututol ka kaya,Ako’y
sasang-ayon na sa iyong hangad na paghanap sa Adarna ngunit dapat ipangako mo na ika’y
mag iingat .
Scene 8(Mountain)

Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t Donya Valeriana na mawalay ang
pinakamamahal nilang anak ay wala silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan.
Kababaan ng loob at pagpapala ng Diyos ang tanging naging baon niya sa kanyang
paglalakbay. Wala siyang dalang kabayo at may baon siyang limang tinapay. Buwan-buwan
lamang siya nakain ng tinapay na dala niya. Apat na buwan siyang naglakad at isng tinapay
na lang ang natira.(Don Juan tryingly hikes)(ermitanyo enters)

Ermitanyo: (hinang-hina)Tulungan mo ako, ako’y gutom na gutom…Limos mo’y kailangan ko

Don Juan: (Gets bread) Ito ho, isa at huling tinapay na baon para sa aking paglalakbay.

Ermitanyo: (eats bread) Salamat! Ano po ba ang aking ipaglilingkod saiyo bilang gantimpala
sa iyong kabaitan?
Don Juan: Ang hanap ko po dito’y panlunas sa mahal kong ama na Ibong Adarna lang daw
ang tanging gamot. Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging lunas ay ang awit ng
Adarna.

Ermitanyo: Malaki pang kahirapan ang iyong pagdadaraanan kaya mag-ingat ka at lumibot
ka lang at sa ibaba’y maitatanaw na bahay na ang taong nakatira, ay ang magtuturo sa
Adarna. Itong tinapay ay ibabalik ko sa iyo…
Don Juan: Ginoo bakit nga ba iya’y isasauli pa?

Narrator: Pilit pa ring ibinabalik ng ermitanyo ang tinapay hanggang sa Lumisan na lang si
Don Juan ng walang paalam. At sa paglalakad niya, naabot ang bahay na tinutukoy ng
Leprosong ermitanyo kanina. Naghanda ng pagkain ang ermitanyo at nagsalo silang magiliw
ngunit sa prinsipeng nagtataka, tinapay na bigay niya ano’t doon ay nakita?

Don Juan: Bakit naroon ang tinapay na nilimusan ng Matandang ermitanyo kanina sa akin?

Ermitanyo: Don Juan, bakit ka nga ba dumating? Anong pakay mo?

Don Juan: Ang pakay ko po ay ang Adarna. Nais ko itong mahuli para sa aking mahal na
Ama.

Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto nawala pang tumatalo.

Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama.

Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang ay ang Piedras Platas, ay doon nga namamahay
ang Ibong Adarna. Ang ibon ay dumadapo ditto tuwing hatinggabi, umaawit ito ng 7 beses
at nagpapalit ng kulay ng balahibo hanggang ika’y antokin sa bawat musikang awitin. Narito
ang labaha at pitong dayap.Bawat kantang pakinggan, ang palad mo ay sugatan, saka agad
mong pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magiging
bato katulad ng iyong mga kapatid na sina Don Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong
sintas, itali mo pagkahawak sa Ibong Adarna. Don Juan, humayo ka na, ito’y oras na talaga
ang pagdating ng Adarna.Hangad ko ay tagumpay mo.

Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas,sinunod niya ang ipinayo ng
matandang ermitanyo.

Don Juan: Nandito na ang ibon…(Bird sings and changed color ) Ahhhh!Arayyy
Narrator: Bawat kanta, ay may katumbas na hiwa at papatakan ni Don Juan ng katas ng
dayap. Sa hapdi ay halos maiyak, katawan ay napaliyad. At nang matapos ang pitong kanta,
ibon ay dumumi na inilagan ng prinsipe.Dahan-dahang tinalian ni Don Juan ang adarna ng
gintong sintas sa paa.
Don Juan:Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking
mga kapatid.
Narrator: Dinala ni Don Juan and Ibong Adarna sa ermitanyo ng tuwang-tuwa.

Ermitanyo: Iyang banga ay kunin mo, punoin mong tubig at dahan-dahan mong ibuhos sa
dalawang bato.

Narrator: Sinunod ni Don Juan ang sabi ng ermitanyo .

Don Pedro’t Don Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kami’y binuhay mo…

Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Mag-ingat kayo at huwag mag lililo at
kunin mo na itong hawla Don Juan.

Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli…(wave at ermitanyo)

Narrator: Pauwi na ang tatlo sa kaharian, isang masamang balak ang nabuo sa isipan ni Don
Pedro na sinang-ayunan sa bandang huli ni Don Diego na naduduwag.

Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. At nakawin
natin ang Adarna at ibigay natin kay ama, ipapagmalaki tayo ni ama at sa huli’y tayo’y
magiging hari ng Berbanya, ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa
huli…
Don Diego: Sigurado kaba? Ah eh.. sige na nga kasi siya nanaman ang paborito ng buong
kaharian kung sakaling mauwi niya and adarna at kahihiyaan natin yun.

Don Pedro and Diego: (punches Don Juan, grabs the ibong darna, and then run away)
Scene 9(King’s room)

Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang Adarna makakapaggamot sa
iyong karamdaman.

Don Fernando: Nasaan si Don Juan? Bakit kayong dalawa lang?

Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik kami
upang kayo ay gamutin. Ibong adarna, ikaw ay kumanta na.(Ibong Adarna does not sing and
turns ugly)

Don Fernando: Anyare?!?!Bakit napakapangit niyan?at ayaw pang kumanta?!?!


Don Pedro: iyan po ay aming iningatan at hindi naming alam kung bakit hindi na maganda
ang Adarna kanina naman ay maayos pa iyan.

Don Diego: Ama, iyan po ay hulog ng langit dahil magagamot na ang inyong sakit.

Don Fernando:Kaya pala napaka panget,dahil hinulog lang pala yan ng langit!!Eww

Narrator:Nag patuloy pa rin ang pag lubha ng sakit ni Haring Fernando dahil sa pagtangging
kumanta ng Adarna.

Scene 10(Mountain and Ermitanyo’s house)

Ermitanyo: (appears and helps Don Juan lie down) Prinsipe,malubha ang iyong sugat hayaan
mong gamutin ko ito.

Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handa ng umuwi si Don Juan dahil sa
tulong ng Ermitanyo dahil milagrong nawala agad ang sakit at sugat niya sa katawan niya.

Don Juan: Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes the ermitanyo’s hand)

11(King’s room)

Don Juan: Ama, ako’y nandito na…

Haring Fernando: Anak ko, ako’y maligaya sapagkat ikaw ay dumating na.Anong nangyari
sa’yo?

Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang kumanta at
gumanda.(Ibong Adarna sings)

Reyna Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam? Okay ka naba? Kamusta
na?

Don Fernando:Ako’y bumuti na.Ang ganda ng aking pakiramdam!Parang kaya ko ng


sumayaw!

Adarna(voice): Aba, Haring Don Fernando,si Don Juan po’y nagtiis ng hirap, kamatayan ay
hinamak at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak na sina Don Pedro’t
Don Diego, siya’y pinagbubugbog na walang awa at iniwan sa kalagitnaan ng kabundukan.
Don Fernando: Don Pedro’t Don Diego, ako ay hindi natuwa sa inyong ginawa. Ako’y galit na
galit sa inyo! Dahil diyan nais ko kayong ipatapon.

Don Juan:Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y aking napatawad na at
sana’y patawarin ninyo na rin po sila.
Don Fernando: Kayo ngayon ay lalaya,sa pangakong magtatanda at huwag niyo ng ulitin pa
ito ‘pagkat kamatayan na ang kapalit kaya matuto na kayo.

Narrator:Naaliw si Haring Fernando sa Adarna kaya pinabantayan nya ito sa kanyang mga
anak kung saan, ang bawat isa sa kanila ay mayroong 3 oras sa pag bantay. Magkasundong
nagbantay sa ibon ang magkakapatid hanggang sa…(Don Juan sleeps)

Don Pedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay sa Adarna. Gisingin mo si Don Juan
pagdating dito ay iwa’t huwag mo siyang halinhan.
Don Diego: At paano naman siya tatanod nang makalawa?

Don Pedro: Huwag kang mag-alala’t may magandang plano ako.(nagbulungan)(Both exits)

Don Diego: Juan, gumising ka na…

Don Juan: (goes out to see the bird) Hay naku, kulang ang tulog ko kagabi, magpapahinga
muna nga ako…(sits on the chair and sleeps)

Don Diego at Pedro: (Sneak towards the room and releases the bird) HAHAHAHA

Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas na hawla ng Ibong
Adarna.

Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! Ako’y aalis na sa palasyo para sa ikabubuti
ng aking mga kapatid, hindi ko gustong sila ay mapahamak. (runs away)

Narrator: Bago pumatak ang umaga, si Don Juan ay umalis naupang pagtakpan ang
ginawang kasalanan ng mga kapatid.

Haring Fernando: Nasaan na ang Ibong Adarna!?!?

Don Pedro’t Diego:Ama’y ewan ang bantay po’y si Don Juan baka tinamad.

Narrator:Si Don Jua’y pinahanap sa dalawang may sala at hindi babalik pag si Don Jua’y di
kasama.Sa wakas si Don Jua’y natagpuan din sa bundok ng Armenya. Itong bundok ng
Armenya’y isang pook na maganda at lahat ng kailangan ay narito na.
Don Pedro:Juan, nandito ka lang pala kung saan-saang dako pa kami pumunta

Don Juan: Dito ang buhay ko’y mapayapa kaya tayo na ay mag pasya na huwag nang
bumalik ng Berbanya ‘pagkat kompleto na ang pangangailangan natin ditto.

Narrator:Sumangayon ang magkakapatid sa isa’t isa na huwag ng bumalik ng Berbanya.sa


kanilang pag libot sa Armenya may isang mahiwagang balon silang nakita.

Don Juan: Ang balong ito’y may hiwaga, ihulog ninyo ang talinang dahan-dahan, huwag
ninyong bitawan hanggang aking sasabihin.

Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang mauna sa inyo.

Don Pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay at mas magaling sa inyo.

Don Juan at Don Diego: Kung gayon, ikaw ang mauna at kami nama’y bahala.

Don Pedro: (Goes inside the well) Hindi ko matagalan ang nakakatakot na dilim para akong
sinasakal. (Goes up)Nakakatakot.

Don Diego: Ako naman…(Goes down and then goes up) MAMA!!Ang lalim at ang dilim ng
balong ito… Ayoko ng bumalik pa!

Don Juan: Handa na akong pumasok sa balon (Goes down)Tutal, ginusto ko ito kaya
tatapusin ko to.

Narrator: Si Don Jua’y walang takot na binaba ang balon.Kahit ang lalim at napakadilim nito.

Don Pedro: Ang tagal naman nitong si Juan!

Don Diego: Ano na kaya ang nangyari sa kanya?


Scene 13(Inside the well)

Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda
ng palasyong gawa sa ginto at pilak at lalong-lalo na sa ganda ni Donya Juana.

Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O,mahal na prinsesa, ang ganda mo’y
nakakasilaw, gusto kong ipahayag sa iyo ang aking tunay na pagmamahal.

Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa akin.
Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang aking buhay.

Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa akin,kailangan mo siyang matalo bago
ako’y mapasaiyo. At duon mo mapapatunayan ang pagmamahal mo sa akin.

Don Juan: Kung gayon,gagawin ko ang lahat para sa’yo at hirap ay hihimukin para sa’yo
Narrator: Hanggang sa may narinig silang malalakas yapak ng higante.(Giant appears)
Higante: Hmmm.May ulam na pala ako.Mabango-bango HAHAH
Don Juan: Higante, itikom mo ang bibig mo ako’y di mo matitiris.(Don Juan gets sword
and fights until the giant is dead)

Don Juan: Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay,balak kitang iuwi sa aking kaharian.

Donya Juana: Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’y iyong iligtas ang aking kapatid na si
Donya Leonora mula sa serpyenteng nagbabantay sa kanya sa isang palasyo.

Don Juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong hiling.Sandalin lamang, ika’y
babalikan.

Scene 14(Donya Leonora’s palace)

Donya Leonora: O,mapangahas sino ka ba at ano ang iyong kailangan?

Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo laban sa Serpyenteng
nagbabantay sa iyo sa palasyong ito.Ganda mo’y walang kapantay, nais ko’y maglingkod
sa’yo.
Donya Leonora: Mapanganib ang iyong buhay!
Don Juan: Leonora kong minamahal,O buhay ng aking buhay,sa puso ko’t katayuhan,wala ka
ng kalantalan. Wag kang mag-alala, kakayanin ko ito sa tibay ng iyong oo, akin ka at ako’y
iyo lamang .(dumating ang serpyente)

Don Juan: Serpyente! Papatayin kita!Hiyahhh! (runs toward the serpent)


Donya Leonora: Don Juan, tingna’t naririto ang balsamo at ibuhos lang ito sa ulong
maipuputol mo upang ika’y magtagumpay.

Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya ng balsamo upang ito’y
hindi na muling mabuhay.(Serpent appears and fights with Don Juan, then dies)

Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan.
Don Juan: Prinsesa kong mahal, halika na’t umalis na tayo dito. Kumapit ka sa akin ng
mahigpit at pupunta tayo sa Kaharian ng Berbanya.

Narrator:Pag-akyat ng balon nagpakilala ang mga prinsesa sa mga kapatid ni Don Juan.

Donya Leonora:Ako si Leonora ang prinsesang kabiak ng puso ni Don Juan.

Donya Juana:Ako naman si Juana ang prinsesang naghintay sa wala. At ang babaeng
pinaasa

Narrator: Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong
kapatid nang muli itong magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng balon.Dagdag pa
rito si Leonorang pagkaganda-ganda na bumihag sa puso ni Don Pedro.(Donya Leonora
holds Don Juan tightly) Paalis na sana silang lahat upang magbalik sa Berbanya ngunit…

Donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan.Paano na iyan?

Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong singsing. Babalik rin ako.
Donya Leonora: Giliw ko, ang singsing ko’y bayaan na sapagkat ako’y nagaalala.Huwag na...
Don Juan:Hindi..kukunin ko ang singsing mo Donya Leonorang giliw.(Goes down)

Narrator: Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sakanyang bunsong kapatid at
nagawa niyang….

Don Pedro: (cuts rope)

Donya Leonora: Huwagggg!

Don Juan: (falls down and screams)AHHHHHH

Narrator:Ngunit bago sila tumuloy sa Berbanya si Donya Leonora ay nag payo sa Lobong
Engkantada.

Donya Leonora:Si Don Juan ay iyong alagaan at gamutin upang sya ay maka balik ng
Berbanya at ako’y bawiin sa kapatid na taksil.Sabihi’y di ako iibig kahit kanino man kundi sa
kanya lang.

Narrator: Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama ang
magkapatid na prinsesa na pinilit.
(Berbanya)
Narrator: nanaginip ang hari na bunso niya’y tinadyakan at mukha’y pinagtampal-tampal at
itinulak sa banging kagulat-gulat.
Scene 15(Palace)

Haring Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay, natagpuan niyo ba si
Juan?

Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat naming
ang bawat sulok, sapa, pati sa mga ilog, ngunit hindi po naming nakita si Don Juan.

Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?

Don Fernando: Hindi ito maaari…nasaan si Don Juan? At sino sila?

Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsesang sa balon po tumitira, aming niligtas sila
sa kapahamakan.

Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay Donya
Juana.

Donya Leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon.
Hiling ko naman po’y iyo akong bigyan ng silid upang doon ako matulog.

Haring Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya
Juana, maghanda ka na’t saika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego.
Narrator: At ikinasal si Donya Juana at Don Diego at ang kabuuan ng Berbanya ay
nagdiwang.

Scene 16(Mountain)
Narrator:Samantala,si Don Juan ay tinitulungan na ng lobo.Kumuha ito ng tatlong bote
dalawa sa paa at isa sa bibig at tumungo sa Ilog Jordan upng kumuha ng tubig na gagamitin
upang gamutin si Don Juan.(Lobo collects water as stated)Nanumbalik ang lakas ni Don
Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni Leonora.Nang naging mabuti na ang
pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.

You might also like