You are on page 1of 20

Scene 1 (Palace)

Narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong


magigiting na prinsipe ang naging bunga ng pagmamahalan
nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak
si Don Pedrong may tindig na pagkainam, sumunod si Don
Diegong malumanay at ang maginoong totoo na si Don Juan.
Sila’y lubos na minamahal ng kanilang magulang.

Don Fernando: Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang


mataas na pangalang mga panta. Yamang ngayo’y panahon
nang kayo’y tumalaga, mili kayo sa dalawa, magpari o
magkorona?

Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kaharia’t bayan


upang mga ito’y paglingkuran ay aming naiibigan.
Don Fernando: Ipinapagmalaki ko kayo mga anak...

Scene 2 (Don Fernando’s room)


Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don
Fernando, napanaginipan niyang kanyang bunsong anak na
si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang
tampalasan.

(a short re-enactment of the king’s dream)


(Sa sususnod na araw)...
(Don Fernando’s wife and sons worriedly gathered to see the
ill king)

Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa


iyo? (looks at husband sadly)

Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng


pangimpan, mabigat man at maselan, may mabisang
gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag
ito’y narinig mong kumanta, ang sakit mo ay mawawala. Ito ay
tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikitaang
Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna.
Don Fernando: Diego, anak, hanapin mo ang ibong adarna
para ako’y gumaling na. Huwag mong dalhin ang iyong
kabayo sa paglalakbay sapagkat ito’y.... Sundin mo ako.

Scene 3 (Mountain)
Narrator: Sa kasamaang palad, sumuway sa utos ni Don
Fernando si Don Pedro. Una siyang naglakbay sa
kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang
Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas,
punong tirahan ng ibong Adarna, siya ay dumaan sa mga
iba’t ibang pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha
lang ang lunas para sa kanyang amang mahal

Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay


ang aking kabayo...

Narrator: Hanggang sa...

Don Pedro: Natanaw ko na ang Piedras Platas... Ang ganda


ng kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto...
(Breathing Heavily)...
(Walks toward the tree)....
(sits under the tree)
(Ibong Adarna came, lands on the tree and begins to sing)

Don Pedro: (yawns, (count1234 silently.. and sleeps)


(Ibong adarna drops on Don Pedro)
(Don Pedro becomes stone)
Scene 4 (Palace)
Narrator: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng
paghihintay kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman
ito ni Don Diego.

Mga tao (group of commoners): Nasaan na kaya si Don


Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumali ang mahal na
hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa
pagbabalik ng iyong nakatatandang kapatid na si Don Pedro
kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng Tabor upang
hanapin ang iyong kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa
iyong ama

Don Diego: (confidently says): Hindi ko po kayo bibiguin...


Kayang-kaya ko ito

Scene 5 (Mountain)
Narrator: Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok Taborna
hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang. Inabot nglimang
buwan ang paglalakbay ni Don Diego bagonakarating sa
patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirapbago nakarating sa
Piedras Platas.

Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’ynakakaakit


sa mata!... Lumalalim na ang gabi, ako’ymamahinga muna(sits on
a rock).(Ibong Adarna comes and sings)

Don Diego: (sleeps)(Ibong Adarna drops on the prince, then he


becomes a rock.)

Narrator: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedro’y naging batodin si


Don Diego.

Scene 6 (King’s room)


Donya Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, masamaang
kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Anoba ang
dapat gawin natin? (worried)

Don Fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay


angaking pag-asang ako’y gumaling na sa pamamagitan
ngpaghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna.

Don Juan: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya...Paalam po


sa inyo.(walks out of the king’s room)

Scene 7(Mountain)
Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t Donya
Valeriana na mawalay ang pinakamamahal nilanganak ay wala
silang magawa dahil sa paghahangad ni DonJuan. Kababaan ng
loob at pagpapala ng Diyos ang tangingnaging baon niya sa
kanyang paglalakbay. (Don Juan tryingly hikes)

Ermitanyo: Tulungan mo ako, ako’y gutom na gutom...

Don Juan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para
saaking paglalakbay.

Ermitanyo: Salamat! Ano po ba ang aking ipaglilingkod saiyo


bilang gantimpala sa iyong kabaitan? Itong tinapay ayibabalik ko
sa iyo...

Don Juan: Huwag po, para sa iyo ang tinapay.(Hermit


disappears)

Don Juan: (See Piedras Platas with amazement then sees asmall
house and knocks)

Ermitanyo: Tumuloy ka, halika’t sumalo sa akin sa pagkain.Don


Juan: (sits down) Ang aking ama po’y may sakit at angtanging
lunas lamang ay ang Ibong Adarna.Ermitanyo: Don Juan, ang
Ibong Adarna ay may engkanto nawala pang tumatalo.

Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking
ama.

Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nangnaraanan,


ay doon nga namamahay ang Ibong Adarna. Angibon ay
dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ngmalambing at
magpapalit ng itsura ng balahibo hanggangika’y aantokin. Bwat
kantang pakinggan ang palad mo aysugatan, saka agad mong
pigaan ng dayap ang hiwanglaman kung hindi mo ito magagawa,
ikaw ay magiging batakatulad ng iyong mga kapatid na sina Don
Pedro’t DonDiego. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo
pagkahawak saIbong Adarna. Don Juan, hayo ka na, ito’y oras na
talaga ngpagdating ng Ibong Adarna.

Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras


Platas,sinunod niya ang ipinayo ng matandang ermitanyo

Don Juan: Nandito na ang ibon...(Bird sing and changed color)


Don Juan: (does the things that the hermit said and thengets the
bird with the rope) Ngayong nasa akin na ang IbongAdarna,
panahon nang aking iligtas ang aking mga kapatid.

Ermitanyo: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mong tubig


at dahan-dahan mong ibuhos sa dalawang bato.Don Pedro’t Don
Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kami’ybinuhay mo...
Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Mag-ingat
kayo...

Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli...(wave


at the hermit)
Narrator: Pauwi na ang tatalo sa kaharian, isang
masamangbalakin ang nabuo sa isipan ng nakatatandang kapatid
nasinang-ayunan sa bandang hui ng ikalawang kapatid.

Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya aymasaktan at


mamatay. Nakawin natin ang ibong Adarna,ibigay natin kay ama,
ipapagmalaki tayo ni ama at sa huli’ytayo’y magiging hari ng
Berbanya, ang lahat ngkapangyarihan upang mamuno ay nasa
atin sa huli...

Don Pedro and Diego: (punch Don Juan, grabs the ibongadarna
and then run away)

Scene 8(King’s room)

Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala angibong
makakapaggamot sa iyong karamdaman.

Don Fernando: Nasaan si Don Juan?

Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming
kapatid. Ngunit bumalik kami upang kayo ay gamutin. ibong
adarna, ikaw ay kumanta na.(Ibong Adarna does not sing and
turns ugly)

Don Fernando: Ano ang nangyari?!?!


Scene 9(Mountain and Hermit’s house)
Ermitanyo: (appears and helps Don Juan lie down)
Prinsipe,malubha ang iyong sugat hayaan mong gamutin ko ito.

Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handangumuwi


na si Don Juan dahil sa tulong ng Ermitanyo.Don Juan: Salamat
po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes the hermit’s
hand)

Scene 10(King’s room)

Don Juan: Ama, ako’y nandito na..

Don Fernando: Anak ko, ako’y maligaya sapagakat ikaw naay


dumating.

Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’ybiglang


kumanta at gumanda.(Ibong Adarna sings)

Donya Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang


iyongpakiramdam? Don Fernando: Ako’y bumuti na! Ang ganda
ng akingpakiramdam!

Tao: Aba, Haring Don Fernando, si Don Juan po’y nagtiis


ngmadlang hirap, kamatayan ay hinamak at sa utos
mo’ytumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak na sina Don
Pedro’t Don Diego.
Don Fernando: Don Pedro’t Don Diego, ako ay hindi natuwasa
inyong ginawa. Ako’y galit na galit sa inyo! Dahil diyannais ko
kayong ipatapon.

Don Juan: Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatidko’y


aking pinapatawad at sana’y patawarin ninyo po silaama. Nais po
naming bantayan ang ibong adarna, bawat isasa ami’y may
tatlong oras sa pagbabantay.

Don Fernando: Magandang ideya iyan anak.Narrator:


Magkasundong nagbantay sa ibon angmagkakapatid hanggang
sa...(Don Juan sleeps)

Don Pedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitongibong


Adarna. Gisingin mo si Don Juan pagdating dito ayiwa’t huwag
mo siyang halinhan.

Don Diego: At paano naman siya tatanod nang makalawa?

Don Pedro: Huwag kang mag-alala’tmay magandang plano ako.


(Both exits)

Don Diego: Juan, gumising ka na...

Don Juan: (goes out to see the bird) Hay naku, ang sarap ngtulog
ko kagabi, magpapahinga muna nga ako...(sits on thechair and
sleeps)

Don Diego at Pedro: (Sneak towards the room and releasethe


bird)Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya
angbukas na hawla ng Ibong Adarna
Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! Ako’y aalisna
sa palasyo para sa ikabubuti ng aking mga kapatid, hindi ko
gustong sila ay mapahamak. (runs away)

Narrator: Bago mitak ang umaga, si Don Juan ay umalis naupang


pagtakpan ang ginawang kasalanan ng mga kapatid.Don
Fernando: Nasaan na ang Ibong Adarna!?!?!

Scene 11(Mountain)

Narrator: Mga bukid, burol at bundok, bawat dako’ysinalugsog


upang hanapin si Don Juan, ngunit sila’y walang nakita.

Don Diego: (stops) Wala, wala si Don Juan...Ako’y pagod


napagod, Nasaan na kaya siya?

Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunitwala pa


rin nakita si Don Juan. Hanggang sa, nakita na rinnila si Don Juan
sa Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ngArmenya’yisang
pook na maganda at napaliligiran ngtanawing kaaya-aya. Sa
Armenya tumahan si Don Juanupang doon pagsisihan ang
nagawang pagkukulang

Don Diego: Juan, sa wakas ay natagpuan ka na naming...

Don Pedro: Ang ganda ng lugar na ito, gusto kong tumira dito.

Don Diego: Pedro, ako’y nahihiya na sa ating kapatid na si Juan,


ang dami ng mga masasamang bagay ang ginawanatin sa kanya.

Don Pedro: Ikaw sana’y huwag ganyan, lakasan mo angiyong


loob at ang kahihiya’y ipaglihim mo kay Juan.( says itto Don
Diego silently)Kung ibig ninyong huwag nang balikanang ating
mga magulang, pabayaan mo na sila saBerbanya’t dito na tayo
tumira sa Armenya. Tuklasin natingtatlo ang ating kapalaran sa
ibang kaharian.Narrator: Masaya silang naninirahan sa Armenya,
nangipasyang akyatin nila ang bundok na hindi pag
nilanahahalughog.

Don Juan: Ang balong ito’y may hiwaga, ihugos ninyo ang
talinang dahan-dahan, huwag ninyong bitawan hanggang
akingsasabihin.

Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako


angihugos muna ninyo.

Don Pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako angpanganay.

Don Juan at Don Diego: Kung gayon, ikaw ang mauna atkami
nama’y bahala.

Don Pedro: (Goes inside the well) Hindi ko matagalan


angnakakatakot na dilim para akong sinasakal. (Goes up)

Don Diego: Ako naman...(Goes down and then goes up) Anglalim
at ang dilim ng balong ito...

Don Juan: Handa na akong pumasok sa balon (Goes down)

Narrator: Si Don Jua’y walang takot na binaba ang balon.

Don Pedro: Ang tagal naman nitong si Juan!

Don Diego: Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Scene 12(Inside the well)


Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siyaay
namangha sa ganda ng palasyong gawa sa ginto at pilakat
lalong-lalo na sa ganda ni Donya Juana.

Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O,mahal
na prinsesa, ang ganda mo’y nakakasilaw, gusto kongipahayag
sa iyo ang aking tunay na pagmamahal.

Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyanpag


naglaho’y nagtaksil ka sa akin.

Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ayang


aking buhay.

Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa


akin,kailangan mo siyang matalo bago ako’y mapasayo.

Don Juan: Kung gayon, gagawin mo ang lahat para sa iyo.(Giant


appears) (Don Juan gets sword and fights until the giant is dead)

Don Juan: Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay,balak


kitang iuwi sa aking kaharian.

Donya Juana: Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’yiyong


iligtas ang aking kapatid na si Donya Leonora mula
saserpyenteng nagbabantay sa kanya sa isang palasyo.

Don Juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong hiling.


(runs)

Scene 13(Donya Leonora’s palace)

Donya Leonora: Sino ka ba at ano ang iyong kailangan?


Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan namagliligtas
sa iyo laban sa Serpyenteng nagbabantay sa iyosa palasyong ito.

Don Juan: Serpyente! Papatayin kita! (runs toward theserpent)

Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusanniya


ng balsamo upang ito’y hindi na muling mabuhay.(Serpent
appears and fights with Don Juan, every then dies)

Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ayaking


hinahangaan.

Don Juan: Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayodito.


Kumapit ka sa akin ng mahigpit at pupunta tayo saKaharian ng
Berbanya.

Narrator: Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at


DonDiego sa kanilang bunsong kapatid nang muli
itongmagtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng
balon.Dagdag pa rito si Leonorang pagkaganda na bumihag
sapuso ni Don Pedro.(Donya Leonora holds Don Juan tightly)

Narrator: Paalis na sana silang lahat upang magbalik saBerbanya


ngunit...

Donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan.Paano


na iyan?

Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukuninang


iyong singsing. Babalik rin ako. (Goes down)

Narrator: Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro


sakanyang bunsong kapatid at nagawa niyang....

Don Pedro: (cuts rope)


Donya Leonora: Huwag!

Don Juan: (falls down and screams)

Narrator: Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharianng


Berbanya na kasama ang magkapatid na prinsesa

Scene 14(Palace)

Don Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko


kayonghinintay, natagpuan ba ninyo si Juan?

Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di


namingnahalughog, siniyasat naming ang bawat tumok, sapa,
batisat ilog, ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahalna
si Don Juan.

Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na


Juan?

Don Fernando: Hindi ito maaari...

Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsessang sabalon po


tumitira, aming niligtas sila sa kapahamakan.

Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si DonDiego’y


nais ikasal din kay Donya Juana.

Donya Leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpalibanmuna


ang kasal ng pitong taon. Hiling ko naman po’y iyoakong bigyan
ng silid upang doon ako matulog.

Don Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling,


DonyaLeonora. Ikaw naman, Donya Juana, maghanda ka na’t
saika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego

Scene 15(Donya Leonora’s room)

Donya Leonora: Aking alaga lobo, iligtas mo si Don Juangaking


giliw upang siya ay mapasaakin. Don Juan, ako’ynangungulila sa
iyong pagamamahal! (cries)

Scene 16(Mountain)

Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos


siyanggamutin ng lobong alaga ni Leonora.Nang naging
mabutiang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.

Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blancang


kahariang Cristalinos at kalimutan mo na si Donya Leonora. Ang
payo ko ay makabubuti sa iyo. (flies away)(Man goes to Don
Juan)

Don Juan: Tulungan ninyo po ako. Ako po ay naglakbaypatungo


sa De los Cristal ngunit hindi ko po iyon makita.

Lalaki: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitonghanay.


Doon ay may ermitanyong sasalubong sa iyo, angbarong na ito’y
ipakita mo sa kanya. (gives the barong) Kayahumayo ka na’t baka
ikaw ay didilimin sa daan.

Don Juan: Salamat po!


Scene 17(Palace)
Don Pedro: (knocks on Leonora’s door) Leonora, aking giliw,paki-
usap buksan mo ang pinto
.Donya Leonora: (crying) Hindi ko gustong maikasal sa iyo! Ako
ay maghihintay kay Don Juan, siya ang tunay kongminamahal at
hindi ikaw!
Don Pedro: Kahit anong mangyari ay hihintayin kitangbuksan ang
iyong puso para sa akin. (sadly goes out)
Scene 18(Mountain)
Ermitanyo: Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isangdistorbo!
Don Juan: (gives the baro)
Ermitanyo: Isang galak ko na pagkakita sa baro mo. Patawadsa
aking inasal, ano po ba ang ipaglilingkod ko sa iyo?
Don Juan: Marangal na Ermitanyo, saan ba matatagpuan
angReyno de los Cristales?
Ermitanyo: Ikaw ay ililipad sa kaharian ng Cristalinos ngaking
alagang agila
Scene 19(Lake)
Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos satulong
ng agilang alaga ng ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay
Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang puso.
Don Juan: O prinsesang sadyang marikit, ako’y humahangasa
iyong kagandahan, pakay ko ay maglahad ng aking pag-irog sa
iyo. Ako si Don Juang nais magbigay sa iyo ng ligayahabang-
buhay.
Donya Maria: Huwag kang maingay at baka marinig tayo niama.
Don Juan: Para sa iyo, ako’y buong tapang na magpapakilalang
aking sarili sa iyong ama.
Scene 20(Haring Salermo’s palace)
Don Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan kananggaling at
ano ang iyong sadya?
Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan,ako’y
nanggaling sa kaharian ng Berbanya at nandito po akoupang
magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak nasi Donya
Maria Blanca.
Don Salermo: Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na
dapat mong pagtagumpayan kung hindi, ikaw aymamamatay.
Don Juan: Tanggap ko po ang iyong hamon, Mahal na hari.
Don Salermo: Ang unang hiling ko ay dapat mong pataginang
bundok upang pagtaniman ng trigo, patubuin,pagkataposay
anihin at sa aking paggising ay may tinapayna akong aalmusalin.
Narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay satulong ng
kapangyarihan ni Donya Maria Blanca.
Haring Salermo: Ang pangalawa mong pagsubok aykailangan
mong hulihin ang labindalawang maliliit na mganegrito na aking
pawawalan sa laot ng karagatan at sa huli’ysila ay isisilid mo sa
prasko.
Narrator: Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni
Donya Maria.
Haring Salermo: Ang huli mong pagsubok ay angpagpapaamo ng
aking kabayo.
Narrator: Sa huli ay nagtagumpay si Don Juan sa tulong ni Donya
Maria. Pagkatapos ng kanyang huling hamon,ipinaopunta ni
Haring Salermo si Don Juan sa isang kwartona may tatlong pinto
na may butasna nakalitaw ang mgahintuturo ng mga prinsesa.
Haring Salermo: Ituro mo kung saan ang hintuturo ni DonyaMaria
Blanca.(Don Juan points)
Narrator: Sa tulong ng mahika ni Donya Maria aynagtagumpay si
Don Juan.
Haring Salermo: Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para saaking
anak...
Donya Maria: Wala na ho kayong magawa, ama. Ako’ysasama
kay Juan at mamumuhay ng mapayapa. (runs withDon Juan)
Don Salermo: Pagsisisihan ninyo ito, hindi kayomagtatagumpay
at magiging masaya magpakailanman! (dies because of heart
attack)
Scene 21(Nayon)
Narrator: Pansamantalang itinigil ni Don Juan sa isang nayon si
Donya Maria.
Don Juan: Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya
upangmagbigay alam sa lahat na tayo’y magpapakasal.
Babalikan kita.
Donya Maria: Mag-ingat ka’t balikan mo ako...
Don Juan: Pangako…
Scene 22(Palace)
Narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangakokay
Donya Maria…
Donya Leonora: Don Juan, aking mahal! Ako’y maligaya’tikaw ay
bumalik para sa akin...Amang hari, ako po’ymagpapakasal kay
Don Juan. Siya po ang aking tunay namahal.
Don Fernando: Kung gayon, kayo’y ikakasal
Scene 23(Nayon)
Donya Maria: Nagtaksil sa akin si Don Juan, hindi dapat
itomangyari... Siya ay para sa akin lamang
Scene 24(Palace)

Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang


magarang karosa at suot ang isang napakagandangkasuotan. At
siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pag-iibigan nila ni Don
Juan upang muli siyang maalala nito.

Donya Valeriana: Magandang pagdating, Emperatris.

Don Fernando: Itigil muna natin ang kasal upang atingipakita sa


Emperatris ang ating malugod na pagtanggap sakanya.

Donya Maria: Ako’y maghahandog ng palabas sa inyo


naipinagbibidahan ng mga maliliit na mga negrito

Narrator: Sa kasawiang palad ay hindi pa rin maalala ni DonJuan


si Donya Maria. Kalaunan, nagbalik sa alaala ni Don Juan ang
kanyang sumpa kay Donya Maria sa pamamagitanng
pagsasalaysay nito at ng mga negrito ang mgapangyayari

Don Juan: Ikaw nga, ang Mariang aking mahal...


Tayo’ymagpapakasal ngayon din.

Donya Leonora: Hindi! Akin si Don Juan , sa akin


siyamagpapakasal.

Don Juan: Leonora, arsobispo at ama tunay ko pong mahal si


Donya Maria.(Archbishop ang the king talk)

Don Fernando: Ako at ang Arsobispo’y nagkasundo. Si


DonPedro’y ikakasal kay Donya Leonora at si Don Juan ay
parakay Donya Maria.
Donya Leonora: Kung saan ka masaya Don Juan ay doon dinako.
Tanggap ko nang kayo’y magpapakasal kay Donya Maria

Donya Maria: Maraming salamat, Leonora. (hugs Leonora)

Arsobispo: Don Juan, matatanggap mo ba si Donya Mariabilang


iyong asawa?

Don Juan: Opo

Arsobispo: Don Pedro, matatanggap mo ba si Donya


Leonorabilang iyong asawa?

Don Pedro: Opo

Arsobispo: Don Pedro, tanggapin mo itong setro’t koronabilang


bagong hari ng Berbanya at Donya Leonora,tanggapin mo itong
dyadema bilang simbolong ikaw na angbagong reyna ng
Berbanya.Kayo Haring Pedro’t Reyna Leonora, at Don Juan at
Donya Maria Blanca ay tanggap na mag-kabiyak.

Tao: Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay!

Don Juan: Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid,kami ni
Maria ay uuwi na sa Cristalinos upang doonmanirahan at
mamuno ng mapayapa.

Don Juan at Donya Maria: Paalam sa inyong lahat!

Narrator: Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedroat


nagbalik naman sina Don Juan at Donya Maria sa
KaharingCristalinos upang doon magsimula ng bagong buhay...
Atdito nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarnamula
sa akda ni Florante C. Garcia.
Narrator: At ayan po ang pag tatapos ng aming roleplay para sa
Filipino

All: Maraming salamat po (bow)

You might also like