You are on page 1of 4

Ermitanyo:

Kailangan mo lamang na hiwaan ang iyong palad at pigaan ng dayap. Bago ito matulog, magdudumi ito
na nagiging bato. Sa iyo na ang gintong sintas na ito bilang panggapos sa ibon. Ano pa ang hinihintay mo,
pumunta ka na sa ilalim ng pauno lalo na’t dumidilim na ang paligid.

CONT.

Don Juan:

Salamat po sa inyong binigay na labaha’t pitong dayap gayundin sa inyong babala. Tiyak ko na sa
pagbabalik, nahuli ko na ang Ibong Adarna.

(Don Juan, patuloy sa paglalakbay hanggang sa makarating sa puno ng Piedras Platas)

Don Juan:

Ang ganda naman ng punong ito, marahil ay ito na ang sinasabi ng matandang ermitanyo kung saan
matatagpuan ang Ibong Adarna.

(Don Juan, titingin tingin sa paligid at makikita ang dalawang taong bato)

Don Juan:

Mga kapatid ko hayaan niyo at ililigtas ko kayo.

Ina (Narrator):

Matiyagang nag abang si Don Juan sa pagdating ng Ibong Adarna. Malalim na ang gabi nang dumating
ito. Nagsimula na itong umawit kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito. Dahil sa mahimig na
awit ng ibon, dinapuan ng antok si Don Juan at muntikan na itongmakatulog. Upang maiwasan na maging
bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap. Dumumi ang ibon
ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang mata at nakabuka ang
malabay na pakpak nito. Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa dampa
ng ermitanyo.

Don Juan: Nabihag ko na ang Ibong Adarna, ngunit paano ko matutulungan ang aking mga kapatid?

Ermitanyo:

Narito ang banga, punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato upang manumbalik sila bilang tao.

Don Diego at Don Pedro:


(nakaupo sa ilaalim ng puno ng Piedras Platas)

Don Juan:

(may dalang banga na puno ng tubig, at pumunta sa kinaroroonan ng dalawang kapatid niya, unang
bubuhusan si Don Pedro at pagkatapos ay si Don Diego)

Don Pedro:

Maraming salamat! (yayakapin si Don Juan)

Don Diego:

Salamat saiyo bunsong kapatid! Utang naming sayo ang aming buhay (yayakapin si Don Juan)

Don Pedro:

Teka! Nasaan na ba ang Ibong Adarna, nahuli mo ba?

Don Juan:

Oo, nahuli ko na. Tara na at humayo pabalik ng Berbanya upang mabigyang lunas ang amang hari.

Ina (Narrator):

Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo. Naghanda ito ng simpleng piging para sa tatlong
prinsipe. Pagkatapos ng piging ay kumuha ang ermitanyo ng misteryosong botelya ang matanda at
pinahid ito sa palad ni Don Juan at agad itong gumaling. Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo
sa kanilang pag alis.

Ermitanyo:

Ginoong Juan, heto na ang Ibong Adarna (I-aabot ang hawla kay Don Juan) Kayo ay magmadaali at
baka mapano ang inyong hari!

Don Juan:

Salamat sa inyong tulong. Kung inyong mamarapatin ay hihingiin ko ang bendisyon ninyo sa aking pag
alis.
Ermitanyo:

Ngunit ako ay isang ermitanyo lamang.

Don Juan:

Utang namin sainyo ang aming buhay.

Ermitanyo: Kung iyan ang inyong kagustuhan Ginoong Juan. “Ikaw ay aking binebendisyunan ko na
maging mapayapa at mailayo sa panganib ang inyong paglalakbay pabalik sa Berbanya.

Ina (Narrator):

Habang binabagtas ang daanan pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang kamalay-malay na
nagbabalak na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don
Diego na patayin si Don Juan.

Don Pedro:

Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha kay Juan ang Ibong Adarna.

Don Diego:

Ngunit iniligtas niya tayo. Kung hindi dahil sakanya ay baton a tayo habangbuhay.

Don Pedro:

Gugustuhin mo bang mapahiya sa amang hari at malaman sa buong kaharian na mas magaling kaysa satin
ang bunso nating kapatid dahil siya ang nag iisang nakahuli ng Ibong Adarna? Mag isip ka nga!

Don Diego:

Ayaw kong mapahiya!

Don Pedro:

Kaya ngayon, pagtulungan natin si Juan. Patayin natin siya upang hindi na makabalik ng Berbanya!

Don Diego:

O Mahabaging Diyos! Hindi ko magagawang patayin ang sarili nating kapatid!

Don Pedro:

Pwes! Kung ayaw mo, ako ang gagawa. Huwag mo akong pigilan at baka pati ikaw ay itulad ko sakanya.
Pagbalik natin sa kaharian siguraduhin mo na mananahimik ka lang.

(labanan nina Don Pedro, Don Diego, Don Juan)

You might also like