You are on page 1of 14

IBONG ADARNA SCRIPT

SCENE 1

Tagpuan: Sa gitna ng entablado, may dalawang trono na laan para sa hari at


reyna ng Berbanya.

(Lalabas ang mga mananayaw sa kanang bahagi ng entablado)


(Magsisimula sa isang masayang sayawan ng mga mamamayan ng kaharian nang
biglang tutunog ang isang trumpeta, hudyat ng pagdating nina Haring Fernando
at ng kaniyang buong pamilya)
(Hihina ang musika ng pagtunog ng trumpeta)

Kawal 1: Magbunyi sa pagdating ng mahal na Haring Fernando at butihing Reyna


Valeriana!

(Papasok ang dalawa nang may kasiyahan habang kumakaway sa buong kaharian)

Kawal 1: Kasama rin ang tatlong matipunong prinsipe ng Berbanya. Sina Don
Pedro (papasok ng may pagyayabang) Don Diego (makikigaya sa ginagawa ni
Don Pedro) at si Don Juan (papasok nang matipuno ngunit may
pagpapakumbaba at tanging magbibigay-pugay sa hari at reyna)

Haring Fernando: Magdiwang tayo para sa patuloy na kapayapaan,


pagmamahalan at mabuting kalusugan!

(saglit na magpapatuloy ang kasiyahan hanggang magbago ang emosyon ng


mga tao. Nagulat o nag-alala dahil biglang napahawak ang hari sa kanyang
dibdib at napaupo sa kanyang trono)

Reyna Valeriana: O mahal kong Fernando, ano ba itong karamdamang dumapo


sa iyo. Mga kawal, agad magpatawag ng manggagamot.
(darating ang isang manggagamot, magbibigay pugay sa hari at reyna)

Manggagamot: Mahal na reyna, hindi po karaniwan ang sakit ng hari, kaya hindi
rin pangkaraniwan ang lunas dito--- (akmang sasabihin na ang manggagamot
ang lunas)

Don Pedro: Kung gayon,ano ang lunas manggagamot?

Manggagamot: Heto nga po’t sasabihin ko na sana, kung di ka lamang umeksena

Don Pedro: Aba’t tinamaan ka ng magaling (akamang luluson sa manggagamot,


ngunit aawatin ni Don Diego)

Manggagamot: Ang lunas sa karamdaman ng hari ay ang awit ng mahiwagang


Ibong Adarna. Ngunit hindi ganon kadaling mahanap ang ibon. Kailangan ng
mahabang paglalakbay sa Bundok Tabor at doo’y makikita ang puno ng Piedras
Platas

Don Pedro: Kung gayon ama ko, huwag ka nang mag-alala. Bilang panganay at
tagapagmana ng iyong trono, ako na ang maghahanap sa Ibong Adarna.

SCENE 2

Tagpuan: Gubat

Don Pedro: (Maglalakad na tila pagod na pagod, biglang mauupo at maya-maya


pa’y magiging estatwa na) *gumagamit ng background music*

(lalabas si Don Diego sa kabilang panig)


Don Diego: (tila natatakot habang patuloy na naglalakad) Don Pedro na saan ka
na? Ano na kaya ang nangyari sa kaniya. Hindi bale, mabuti nga’t hindi pa niya
nahahanap ang ibon para ako ang makahuli. (biglang magugulat at mabubunggo
ang estatwang bati ni Don Pedro)

Don Diego: Aray ko po! Ano ba naman kasi ang ginagawa ng malaking bato na to
dito? Pero sakto lang din, kasi napapagod na din ako eh (sasandal sa estatwang
bato at biglang maninigas at magiging estatwa na rin)

(lalabas sa kabilang bahagi si Don Juan)

Don Juan: Don Pedro! Don Diego! Sana naman ay walang masamang na nangyari
sa kanila. Kailangan ko silang mahanap at ang ibong lunas sa sakit ni ama
(kukunin ang baong tinapay sa kaniyang lalagyan, akmang susubo ang tinapay
nang biglang makasalubong niya ang isang matandang leproso)

Leproso: (hinang-hina sa gutom at pagod) Ginoo, limusan mo ako ng iyong


tinapay

Don Juan: Heto po, sa iyo na lang ang aking tinapay. Mas kailangan niyo po ito.

Leproso: Kay buti mo, binata, dahil sa iyong kabutihan hayaan mong tulungan
kita na mahanap ang iyong pakay. Magtungo sa bundok na iyon (magtuturo) at
hanapin ang tirahan ng isang matandang ermitanyo. Siya ang magtuturo sa iyo
kung paano mahuli ang Ibong Adarna

Don Juan: (may kalituhan at pagkamangha sa mukha) Salamat po!

(maglalakbay)
SCENE 3

Tagpuan: bahay ng Ermitanyo

Ermitanyo: (Ibibigay ng ermitanyo ang dayap, labaha at gintong sintas)

Don Juan: Maraming salamat po sa pitong dayap, labaha at gintong sintas na ito
at sa mga paalala na ibinigay niyo po sa akin. (aalis habang kumakaway ang
ermitanyo)

(maglalakbay na si Don Juan)

SCENE 4

Tagpuan: Gubat (may mga puno)

(narating niya ang puno at maya-maya pa’y umawit na ang ibon)

Ibong Adarna: (pumili ng isang awiting Tagalog na himig ng kalungkutan)

Don Juan: (habang naawit, hihiwain ang palad at papatakan ng dayap)

Ibong Adarna: (makakatulog)

Don Juan: Mabuti at nakatulog na siya. (dahan-dahan niyang huhulihin ang ibon)

Don Juan: (pupuntahan ang mga kapatid) Huwag kayong mag-alala mga kapatid
sa pagbuhos ko ng mahiwagang tubig na ito’y manunumbalik na kayo sa dati.

(Sa isang iglap gagalaw na at magiging taong muli ang dalawang prinsipe)
Don Pedro at Don Diego: Salamat Don Juan at nahuli mo na rin pala ang ibon
(may bahid ng pagkainggit)

Don Juan: Oo Don Pedro, halina kayo’t nang madala natin ang lunas kay Ama

(bugbugin ng dalawang prinsipe si Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna)

(maiiwan si Don Juan na bugbog- sarado biglang maririnig ang isang malungkot
na awitin)

SCENE 5

Tagpuan: Palasyo

(ipakikita ang pagdating nina Don pedro at Don Diego bitbit ang Ibon ngunit
mananatili pa rin ang karamdaman ng hari)

Ibong Adarna: (awiting Pilipino na may himig ng pang-aasar kina Don Diego at
Don Pedro at nagsusumbong sa ginawa ng dalawa)

Haring Fernando: Paano ninyo nagawa iyon sa kapatid niyo? Dahil diyan ngayon
din ay umalis kayo sa kaharian ito!

(dadating si Don Juan)


(magugulat ang lahat ngunit babalik sa kaninang ekspresyon ang mukha)

Don Juan: Ngunit ama kong hari, napatawad ko na po sila huwag niyo po silang
parusahan.

Haring Fernando: Kung gayon, pagbibigyan kita mahal kong Don juan, subalit
kailangan bantayan ninyo ang Ibong Adarna. Kayong tatlo ang siyang
magbabantay sa Ibon.
Tatlong Prinsipe: Masusunod mahal na hari

(lalabas ang hari maiiwan si Don Juan sa Ibon na nagbabantay. Maya-maya pa’y
makatulog siya, pinatakas ng dalawang kapatid niya ang Ibon)
Maya-maya magigising na wala na ang ibon sa hawla nito)

Don Juan: (matataranta) Naku po! Nawawala ang ibon! Malaking kasalanan ito
sa aking ama, kailangan kong mahanap ang ibon.

Don Pedro: Sasamahan ka namin sa paglalakbay mo kapatid. Sama-sama tayo sa


hirap (mahina ang pagbabanggit) at sa ginhawa (malakas ang pagbanggit)

Don Diego: (mukhang nasabik at sasang-ayon kay Don Pedro)

(aalis na)

SCENE 6

Tagpuan: gubat na may balon sa isang gilid

Don Juan: May balon!

Don Pedro: Oooohhhhhh (kunwaring nasiyahan/sarkastiko)

Don Diego: Oo nga! Paano nagkaroon ng balon dito?

Don Pedro: Ako na ang unang bababa! Itali mo ako (biglang magbabago ang isip)
Teka! Teka! Iangat niyo ako, napakadilim.
Don Diego: (ngingisi-ngisi kay Don Pedro, tila nagyayabang) Ako na lang ang
bababa. Akala ko pa naman matapang (bahagyang ibaba na nang) Waahhhh!
Iaakyat niyo ako!

Don Juan: (kinuha ang lubid) Ako na nga lang! Nuknukan kayo ng duwag.
(aaktong ibinababa si Don Juan sa ilalim)

SCENE 7

Tagpuan: malawak na lupain na may palasyo sa isang tabi

Don Juan: Kamangha-mangha ang palasyong ito!

(nang biglang mabaling sa isang prinsesa na nasa palasyo, biglang tutugtog ang
mahinang background music)

“O, marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t. Kabanguhan ng samapag, Sa


yapak mo’y sumasamba.”
“O mahal ko, hayaan mong ipagkaloob ko sayo ang aking pag-ibig, kahabagan mo
ako at dulutan din ng iyong pagmamahal. Subalit kung wala ka talagang
pagmamahal sa akin, maige pang tapusin mo itong aking buhay!”

Donya Juana: Sino kang pangahas na binata? Paano ka nakarating sa aking


palasyo? Sinuong mo’y panganib dahil sa bantay kong higante tiyak na
matutupad ang kahilingan mong kasawian.

Don Juan: Huwag kang mangamba Prinsesa, sa kalis ko wala siyang panama

Higante: Ano ang sabi mo? Kung gayon, halika dito nang matiris kitang parang
kuto!

(magbubuno ang dalawa at sa huli ay mananalo si Don Juan)


Donya Juana: Ang husay mo Prinsipe…

Don Juan: Juana… tawagin mo akong Don Juan mong mahal (habang sobrang
kinikilig naman si Donya juana) Halika na prinsesa umalis na tayo dito.

Donya Juana: Hindi ko maaring iwan ang aking kapatid na nasa kabilang palasyo
Don Juan: Kung gayon, hinatayin mo ako dito sa pagbabalik ko kasama ko na ang
iyong kapatid. Habang wala ako, isipin mong ikaw lamang ang aking mamahalin
prinsesa ko.

(Maglalakad saglit si Don Juan)

SCENE 8
Tagpuan: Kaharian

(makikita na niya ang isa pang kaharian)

Don Juan: Kamangha-mangha (nang biglang mabaling ang tingin kay Donya
Leonora)

“Leonora kong minamahal. O buhay ng aking minamahal sa puso ko’t katauha’y


wala ka nang kalantahan
“Bulaklak ka ng pag-ibig, pabango sa aking dibdib tuwing ako’y mahahapis, lunas
na ang iyong titig.”

Donya Leonora: Hindi mo ba nalalaman na nasa panganib ang iyong buhay dahil
sa serpiyenteng nagbabantay sa akin? Umalis ka na kung ayaw mong maging
hapunan ng mabagksik na ahas na ito.

(dadating ang serpiyente at maghahanda naman sa isang laban si Don Juan)


Serpiyente: Hoy amoy lupa, tamang-tama ang pagdating mo, may paghahatian
na kami ng mga kapatid ko (hiss)
Don Juan: Ano ka Sinuswerte? Baka kayo ang gawing pagkain ng mga bulate!

(magsimula na ang bakbakan)

Don Juan: At talagang tumutubo pang muli ang ulo mo ha. Heto ang balsamo!
(sabay patak sa kada natatagpas na ulo)

Donya Leonora: Natalo mo siya mahal kong prinsipe

Don Juan: Sabi ko naman sayo, handa kong harapin ang lahat para lamang sa iyo
aking mahal.

SCENE 8
Tagpuan: sa itaas ng balon

(ang dalawang natira ay naghihintay at magugulat ng may sumigaw)

Don Juan: Hatakin niyo ang lubid ng dahan-dahan

(ginawa naman ng dalawang prinsipe)

Don Pedro: saan galing ang magagandang prinsesang kasama mo?

Don Diego: (kay Don Juan) pick up line…..

Donya Juana: Ha? (nandidiri) bakit?

Don Pedro: pickup line


Don Pedro: (magpapansin kay Donya Leonora) Ang init no? Ako yun!

(mapapaismid si Donya Leonora)

Donya Leonora: Naku! Nakalimutan ko ang aking singsing.

Don Juan: Huwag kang mag-alala mahal ko, kukunin ko para sayo

(Pagkababa ni Don Juan, nang putulin ni Don Pedro ang tali)

Don Juan: WAAAHHHHH (sfx ng nahulog)


(Nagulat sina Donya Juana at Donya Leonora at tumangis sa sinapit ng kanilang
kasintahan)
(Mananangis si Don Juan, dahan-dahang tatayo at lalakad, makakasalubong niya
ang Adarna)

Ibong Adarna: Don Juan, kalimutan mo na ang iyong sawing kapalaran. Hanapin
mo ang kaharian ng reyna delos Kristales at doon mo makikita ang babaeng laan
para sayo.

Don Juan: Tama ka Ibong Adarna, kailangan ko nang kalimutan si Donya Leonora.

SCENE 9
Tagpuan: gubat

(naglalakad sa masukal na halamanan, bahagyang magkukubli)

Donya Maria: (magugulat) Sino ka at anong ginagawa mo dito! Umalis ka dito


ngayon din!
Don Juan: Patawarin mo ako mahal na prinsesa. Hindi ko sinasadya ang aking
ginawa. Kung ako ma’y nagkasala, sa kaparusahan mo ako’y nakahanda.

Donya Maria: Ano ang sadya mo sa aming kaharian?


Don Juan: Naparito ako upang hanapin ang aking tunay na pag-ibig at iniadya ng
tadhana ang ating pagtatagpo. Kaya kung tutulutan mo aking mahal na prinsesa,
handa akong patunayan ang aking pag-ibig sa iyo.

Donya Maria: Kung gayon, humanda ka sa mga pagsubok ng aking ama na si


Haring Salermo kung ayaw mong maging estatwang bato kagaya nila.

(makakarating sila sa trono ni Haring Salermo)

Haring Salermo: Sino ang batang ito?

Donya Maria: Mahal na hari, siya si Don Juan at nakahanda siya sa iyong mga
pagsubok para sa aking pag-ibig

Don Juan: Tama po mahal na hari, handang-handa na po ako.

Haring Salermo: Kung gayon, unang pagsubok, patagin mo ang bundok na iyan,
tamnan ng trigo at kinabukasan ang inaning trigo ay gawing tinapay na nakahain
sa aking hapag. Kaya?

Don Juan: (napalunok) Kaya po.

Donya Maria: (kikindat kay Don Juan at bubulong) Ako ang bahala

(isusulat ang pitong pagsubok sa papel, ipapakita na lamang ito isa-isa)

Ikalawang Utos: Ilagay muli sa Prasko ang mga itang pinakawalan sa dagat
Ikatlo: Iusod ang bundok sa tapat ng bintana
Ikaapat: Itabon ang bundok sa dagat na madaluyong at magkaroon ng kastilyo sa
gitna nito. Ang moog ay tayuan ng gulod na 7 hanay na may kanyon.
Ikalima: Patigilin ang putukan ng kanyon
Ika-anim: Alisin ang kutsilyo at ibalik ang bundok sa tapat ng bintana.
Ikapito: Hanapin sa gabi ang nawawalang sing-sing ng Haring Salermo

SCENE 9
Tagpuan: sa loob ng kaharian

Don Juan: Ang daming pagsubok ng haring ito. Pero di bale huling pagsubok na
ito at sigurado akong magagawa ko ito.

Haring Salermo: Sige prinsipe, sabihin mo sa akin kung nasaan dito si Donya
Maria Blanka at kapag nagtagumpay ka ay tutulutan na kitang magpaksal sa
kaniya.

Don Juan: Opo mahal na hari. Ito po si Donya Maria. Siguradong-sigurado po ako

Haring Salermo: Sige, tingnan natin. (lalabas si Maria) Hindi! Hindi ito maari.
Paano mo nahulaan na siya—(bago pa matapos ay tumakas na ang dalawa)

Haring Salermo: Don Juan! Naisahan mo ako. Pero hindi ka makakatakas sa aking
sumpa. Sa oras na ikaw ay makakakita ng isang babae, agad mong malilimutan
ang aking anak na si Maria Blanka (tatawa nang malakas)

SCENE 10
Tagpuan: malawak na lupain

Don Juan: mahal ko, dito ka na muna. Hayaan mong sabihin ko muna sa aking
mga magulang na kasama ko na ang babaeng aking pakakasalan.
Donya Maria: Maghihintay ako sa iyo mahal kong Don Juan.

SCENE 11
Tagpuan: Palasyo

(makalipas ang ilang saglit, dumating si Don Juan sa Kaharian)


(pagbukas ng tarangkahan, makikita niya si Donya Leonora. Agad niyang
malilimutan si Donya Maria)

Haring Fernando: Nagbalik na ang mahal kong bunso. Maghanda ang lahat sa
isang kasalan. Maghanda ang lahat sa pag-iisang dibdib nina Don Juan at Donya
Leonora.

Donya Maria: (sa anyong emperatris) Mahal na hari, hayaan niyong handugan ko
kayo ng isang palabas bilang regalo sa ikakasal na prinsipe…

Sa isang malayong kaharian ng reyna delos Kristales, dumating ang isang binatang
nag-aalok ng pag-ibig sa isang prinsesa. Tinanggap ng prinsesa ang pag-ibig nito
kahit pa napagtagumpayan niya dahil sa mahikang taglay ng prinsesa

At ngayon ay bigla na lamang niyang nilimot ang aming pag-iibigan! Don Juan
magbabayad ka at ang buong kaharian. Gugunawin ko ang kaharian mo dahil sa
ginawa mong panloloko sa akin!

Don Juan: Donya Maria, mahal ko. Patawarin mo ako, tila sumpa ng paglimot ang
ipinabaon sa ating ng iyong ama. Agad kang nawala sa isip ko. Pero ngayon mahal
ko, nanumbalik na ang aking alaala

Haring Fernando: Kung gayon, ikaw prinsesa Leonora ay ikakasal kay Don Pedro
at ikaw Don Diego kay Donya Juana at para sa iyo Donya Maria Blanka ang aking
bunsong si Don Juan. Muling ihanda ang buong kaharian sa kasalan ng tatlong
prinsipe at prinsesa!

SCENE 11

(lalabas ang Obispo at tatayo sa gitna ng tatlong pares ng ikakasal)

Lahat: Mabuhay ang mga bagong kasal!

You might also like