You are on page 1of 11

IBONG ADARNA ARALIN 1:

ANG
PAGHAHANAP
SA
LUNAS
BUOD:
Noong unang panahon, may isang dakilang hari sa kahariang Berbanya na ang pangalan
ay si Don Fernando. Mayroon siyáng isang marikit na reyna na ang pangalan naman ay
Donya Valeriana. Tatlo ang kanilang mga anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don
Diego ang pangalawa, at si Don Juan naman ang bunso. Pinakamamahal ng ama sa
kanilang tatlo ang hulí. Nag-aaral siláng tatlo na siyáng ikinagagalak naman ng hari.
Nang matuto na ang tatlong anak, ipinatawag silá ng kanilang ama. Lumapit ang tatlong
pinakamamahal na prinsipe.

Ipinatawag ko kayong tatlo, upang tanungin," pagsasaad ng hari sa kaniyang mga anak.
"Dahil pinagkalooban kayo ng Diyos na matuto, papipiliin ko naman kayo ngayon.
Ano ba ang inyong gusto, ang mag pari o ang magkorona?" Sumagot ang tatlo, "Nais
po naming magtangan ng korona at pinakamamahal na setro." Nang marinig ito ng
kanilang haring ama, pinaturuan agad silá na humawak ng espada. Natutuhan nilá
ngayon ang humawak ng armas.

Isang gabíng tahimik, habang mahimbing na natutulog ang hari isang masamâng
pangyayari ang kaniyang napanaginipan. Si Don Juan daw na kaniyang bunsong
anak ay pinaslang, inihulog, at iniwan sa malalim na balon ng dalawang tao.
Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng di-magandang karamdaman ang hari.
Nagpatawag ito ng magagaling na manggagamot ngunit hindi masabi kung ano
ang kaniyang sakit. Mayroong isang dumating at tinukoy ang "Ang iyong
nararamdaman, haring mahal, ay dulot ng iyong masamâng panaginip," wika ng
manggagamot.
Ang makapagpapagaling lámang sa iyong karamdaman ay isang ibong maganda na
ang pangalan ay Adarna. Kung marinig itong kumanta, ang sakít ay tiyak na
giginhawa." "Ang ibong ito ay makikíta lámang sa kabundukan ng Tabor at
humahapon ito sa isang punòng tinatawag niláng Piedras Platas. Agad ipinakuha ng
hari ang mahiwagang ibon.

Una niyang inutusan ay ang panganay na si Don Pedro. Tatlong buwan siyáng
naglakbay hanggang sa marating niya ang isang mataas na pasalunga.

Nang marating niya ang ibabaw ng bundok ay namatay naman ang kaniyang
kabayo.Lumakad nalang ito hanggang sa marating ang kabundukan ng Tabor.
Naisipan niyang tumigil sa isang kaaya-ayang puno na ang daho'y kumikinang na
parang diyamante at hintayin doon ang mahiwagang ibon.Ngunit wala siyang
nakitang mahiwagang ibon kaya nasipan niyan ipagpabukas na lang ito at
magpahinga.Humilig siya sa puno at nagpahinga.
Nang lumalalim na ang gabi,humapon sa puno ang engkantadang ibon at
umawit.Ang tinig nito ay sobrang kaligaya-ligaya.Subalit, sa sobrang himbing ng
tulog ng rinsipe hindi niya ito narinig.Sa masamang kapalaran,ugali ng ibon na
mag-ipot pagkatapos umawit. Ang ipot ay tumama sa prinsepe at naging bato.
Naghintay ang ama sa pagbalik ng panganay ngunit isang taon na ang nakalipas.

Ang sunod naman na inutusan ng hari ay si Don Diego .

Limang buwan siyáng naglakbay hanggang sa matagpuan ang daang


pasalunga.Pagkarating niya sa ibabaw ng bundok namatay rin ang kaniyang kabayo
kaya naglakad siya hanggang sa marating ang kabundukang Tabor.Doon nakita niya ang
mahiwagang puno.Sa ilalim ng puno ay may nakita siyang bato na parang kristal.Nang
lumalim na ang gabi, ito ay nagpahinga sa batong nakita.Hindi niya namalayan ang ibon
na umaawit.Huminto ito ng pitong beses sa pagkanta at pitong beses din nagpalit ang
hitsura ng balahibo.
Nang matapos ay umipot ulit ito at nalaglag ang ipot kay Don Diego. Naging bato naman ito katabi ng
panganay.Tatlong taon namang nawala si Don Diego. Hindi mautusan ng ama si Don Juan dahil ayaw
niya itong mawala.  "Ako po'y pahintulutan ninyo na hanapin ang ibong makapagpapagaling sa
inyo," pagsusumamo ng anak na bunso. “Tatlong taon
na ngayon at hindi pa rin dumarating ang aking mga kapatid at ang iyong sakit ay malubha
na." "Ngunit, mas lalo kong ikamamatay kung ikaw ay
mawawalay sa akin," sagot naman ng hari. "Masakit sa pusò ang iyong paglisan at parang
malalagutan ako ng hininga kung di ka masisilayan. "Ama ko, mas masakít saakin ang makíta
kang may malubhang karamdaman. Kung hindi mo pahihintulutan ang aking pag-alis, lalakad
akong hindi mo mamamalayan." Natigilan ang hari sa winika ng anak. Wala itong nagawa kundi
payagan ang anak na maglakbay. Pinagbaonan ang prinsipe ng limang tinapay.

Sa kanyang paglalakbay ay ito ay naglakad lamang.Inisip niya lamang ang mahal na Birheng Santa
Maria.Apat na buwan itong naglakbay. Bawat buwan,isang tinapay lang ang inalaan.Isa na lang ang
natitira dito.Nang marating niya ang daang pasalunga,ito'y lumuhod at nagdasal sa Inang Birhen.Nang
dumating siya sa ibabaw ng bundok,may nakita siyang isang taong leproso. Nanghingi ito ng baong dala
ng prinsipe.Binigay naman nito ang natitirang tinapay.Tinanong ng taong leproso kung saan ito patungo
at dahil doon kinuwento ng prinsipe ang kaniyang pakay sa paglalakbay.Sinabi naman ng taong leproso
na dadaan sa hirap ang prinsipe.
Ibinilin nito na huwag tumingin sa kay-gandang pagmasdan na puno sa halip ay tumingin
sa baba.Nandoon ang magtuturo sa kaniya sa Ibong Adarna.Nagpatuloy naman ito sa
paglalakad at nakita ang punong Piedras Platas.Naengkanto ito sa nakita.Habang
pinagmamasdan ang mahiwagang puno ay naalala niya ang payo ng may sakit.Agad
naman itong tumingin sa baba at may nakita siyang bahay na tinukoy ng may sakit.
Nilapitan niya ang nakitang ermitanyo na ang nagkunwaring leproso.

Pinayuhan naman nito tungkol sa paghuhuli ng mahiwagang ibon. Binigyan ito ng dayap
at patalim. Sa bawat pag awit ng ibong engkantada ay sinusugatan ng prinsipe ang
kaniyang katawan at pinipigaan ng dayap.

Nang tapos na ito ay umipot na nga ito na inilagan ng prinsipe batay sa payo ng
ermitanyo. Nang tulog na ang ibon agad niyang sinunggaban ang ibon at iginapos ng
sintas na gintong lantay na ipinadala ng nagpayo.Iniligay niya ang ibon sa marikit na
hawla. Inutusan siya ng ermitanyo na dalhin ang banga at lagyan ng tubig. Pagkatapos
ay ibunuhos niya ito sa dalawang bato. Nagsilitaw naman ang kaniyang mga kapatid.
Malaking pasasalamat nina Don Pedro at Don Diego sa kanilang kapatid.

Agad silang nagtungo sa ermitanyo at kumain. Lana ang pinahid sa sugat ni Don Juan
at gumaling ito agad. Habang naglalakad pauwi ang tatlo, nagbalak ng masama ang
panganay kay Don Juan at isinama niya dito ang pangalawa. Nasindak si Don Diego
sa balak ni Don Pedro. Pinagtulungan ng dalawa ang bunso. Ang bunso naman ay
hindi lumaban sa suntok at tadyak na tinatanggap ng kaniyang katawan.
Tinangay nila ang hawla at dinala sa kanilang amang hari. Ang nakakaawang prinsipe ay
nagdasal at humingi ng tulong sa Birhen Mahal. Sa gitna nang pagdadasal may dumating na
matanda at hinipo at hinilot ang katawan ng prinsipe.Gumaling naman ito. Lumakad ang
prinsipe at nakarating sa palasyo.

Tumungo agad ito sa ama at lumuhod. Hindi ito nakilala ng hari ngunit dahil sa pag awit
at pagkuwento ng Ibong Adarna nalaman ng hari ang totoo. Gumaling na rin ito.
Ipinatawag niya naman ang konseho upang pag-usapan ang kaparusahan ng dalawang
prinsipe. Ang naging sagot ng marami ay pagpapatapon at pagbawi ng karapatan. Subalit
hiniling ni Don Juan na huwag itong gawin. Hiniling rin nito na patawarin ang dalawang
prinsipe. Dahil doon pinatawad nga ng hari ang dalawa.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang nagbunsod sa bunsong prinsipe na si Don Juan na pumanaog upang hanapin ang
ibon?

• Paano nalaman ng hari ang ginawang panlilinlang ng dalawang magkapatid sa kanilang


bunso?

• Ano ang kapangyarihang taglay ng ibong Adarna? Saan ito matatagpuan?


Activity #1 Monday, March 22, 2021

Tala-salitaan:

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa Hanay A. Isulat ang


tamang titik ng tamang sagot.

Hanay A. Hanay B.

1. Hinatulan ang kaniyang mga kapatid ng A. Lumapit


pagpapatapon sa malayong lugar.
B. Umalis na
2. Pagkatapos na maibigay ang bendisyon
ng ama ay pumanaog na ang prinsipe
C. Pasiya ng hukuman sa kaso
upang hulihin ang engkantadang ibon.
D. Maghawak o magdala
3. Tumanggi ang mga prinsipe na
magpari dahil ang kanilang gusto ay ang
E. Madamdaming paghiling na
magtangan ng korona.
gawain o ibigay ang isang
4. Nagsumamo ang amang hari na bagay.
hindi na umalis pa ang bunsong anak.

5. Dumulog ang prinsipe sa matanda kung


paano huhulihin ang ibon.
Members:

 Ramales, Teves & Yubili – PowerPoint ( PPT)


 Tolentino & Monzon – Buod
 Ablay & Madriaga- Report
 De Castro – Question & Activity
 Marin - Quizizz
Sagutin ang tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit kaya naging paboritong
anak ng hari ang bunsong si Don Juan?

2. Bakit sa tingin mo mas pinili ng tatlo na magkaroon


o magdala ng korona ng kanilang amang hari kaysa
maging pari?

3. Paano nalaman ng hari ang ginawang panlilinlang


ng dalawang magkapatid sa kanilang bunso?

4. Kung ikaw ang hari, paparusahan mo ba ang sarili


mong mga anak?

5. Sang-ayon ka ba na laging magtatagumpay ang


kabutihan sa huli? Bakit o bakit hindi?

You might also like