You are on page 1of 14

Lokasyon ng Bansa

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas batay sa
relatibo (bisinal at insular) at tiyak (absolute) na lokasyon
2. Natatalakay ang impluwensya o implikasyon ng
lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito
Pagganyak
Alam mo ba ang tiyak na lokasyon Pilipinas?
Pagtatalakay
 Ang mundo ay binubuo ng maraming bansa. Ang Pilipinas
ay kabilang sa maraming bansang bumubuo sa kontinente ng
Asya sa mundo.

 Ang araling ito ay naglalahad ng mahahalagang impormasyon


tungkol sa Pilipinas. Ang kaalamang ito ay nagsisilbing binhi
na unti-unting sisibol upang
maunawaan ang mga pangyayari sa pisikal na kapaligiran ng
Pilipinas at ang kaugnayan ng mga ito sa pamumuhay ng mga
Pilipino.
Pagtatalakay
 Basahin ang teksto sa ibaba.
Tiyak na Lokasyon ng Bansa
Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na
mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan
sa mga pangangailangan ng mga tao
at pagpapanatili ng kalayaan ng bansa.
Isa sa mga maaaring makatulong sa
pagtukoy ng kinalalagyan sa mundo ay
ang globo at mapa. Bilang isang Pilipino,
mahalagang malaman o matukoy mo
ang lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa…
Pagtatalakay
… mundo batay sa mga
nakapaligid dito.
Ito ang ikalawang pinaka-
malaking kapuluang matatag-
puan sa rehiyong Timog-Sila-
ngang Asya sa gawing itaas
ng ekwador. Ang Asya ang
pinakamalaking kapuluan o
lupalop sa buong daigdig.
Tinagurian ang Pilipinas bilang
“Pintuan ng Asya” dahil sa…
Pagtatalakay
… kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at
lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng
latitude na 4°-21° hilagang latitude at 116°-127° silangang
longhitud.
Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Kung tutukuyin ang lokasyon
ng iba’t ibang pulo at lalawigan ng Luzon, mapapansin na ito ay
nagbabago. Ito ay sa
dahilang nasa Luzon ang ginagamit na batayan ng paghanap. Ito
ay ang lokasyong kaugnay ng kinalalagyan ng ibang lugar. Ito ang
tinatawag na
relatibong lokasyon (relative location).
Pagtatalakay
Pagtatalakay
• Ang Batanes ay nasa dulong hilaga ng Luzon
• Ang Palawan ay nasa Timog-Kanluran ng Luzon
• Ang Mindoro ay nasa Hilagang-Silangan ng Palawan
• Visayas ang nasa hilaga ng Mindanao
 Ang Relatibong Lokasyon ay isang paraan ng pagtukoy sa
lokasyon ng Pilipinas. Ito ay may dalawang paraan. Una ay ang
insular kung saan ginagamit na batayan ang mga anyong tubig
na nakapaligid sa isang lugar. Ang ikalawa ay ang bisinal kung
saan ginagawang batayan ang mga bansang katabi nito.
Pagtatalakay
 Batay sa relatibong lokasyon, ang Pilipinas ay
napapaligiran din
ng mga bansa tulad ng Taiwan,
China, at Japan na matatag-
puan sa Hilaga; ang Micronesia
at Marianas sa Silangan; Brunei
at Indonesia sa Timog; at ang
Vietnam, Laos, Cambodia, at
Thailand sa Kanluran. Tungha-
yan natin ito sa mapa.
Pagtatalakay
 Ang mga katubigang nakapa-
libot sa Pilipinas ay ang
Pacific Ocean (Silangan),
South China Sea (Hilaga at
Kanluran), at Celebes Sea
(Timog).
Pagtatalakay
Ang Pilipinas ay isang kapuluang nagtataglay ng ibat ibang
anyong lupa at anyong tubig tulad ng mga kabundukan, lambak,
baybayin, kapatagan, ilog, at lawa. Ito ay ilan lamang sa mga
katangiang pisikal ng ating bansa. Ang kalagayang
pangheograpiya na katangian ng Pilipinas ay siyang may
kinalaman sa paghubog ng kasaysaysan ng bansa.
Dahil sa estratihikong lokasyon ng bansa na siyang tinaguriang
“Pintuan ng Asya”, isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming
mananakop at manlalayag ang
nakapasok dito. Kung kaya sila ay nagka-interes sa…
Pagtatalakay
…angking ganda at yaman ng kapuluang Pilipinas.
Kabilang dito ang mga Espanyol, Amerikano at mga Hapones
na sumakop sa ating bansa sa mahabang panahon. Maliban sa
mga mananakop, nagkaroon din ng ugnayang pangkalakalan ang
mga sinaunang Filipino sa mga Tsino, Indian at Arabo.
Pagtatalakay
Malaki ang naging impluwensya ng pananakop at pagtataguyod
ng ugnayang pangkalakalan ng mga dayuhang ito sa kabuuan ng
kulturang Filipino. Patunay rito ang ating pag-angkop sa mga
wika, pagkain, pananamit, paniniwala na sumasalamin sa
kulturang Espanyol, Ingles at Tsino.
Pagtatalakay
Impluwensiya ng ibang lahi sa atin.
Espanyol - kobyertos (kutsara at tinidor), lamesa, silya, pista,
Katolisismo
Ingles – hamburger, spaghetti, hotdog, demokrasya, Sistema ng
Edukasyon, Titser
Tsino – tsinelas, pansit, paying, pag-aalaga ng bibe o itik,
Binondo, Manila (China Town)

You might also like