You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN

LAGUMANG PASUSULIT #1
REVIEWER

Pag-aaral ng Kasaysayan

Etimolohiya
● History o Historia (Greek)
○ Kahulugan: “Impormasyon mula sa pagsasaliksik”
○ Ginamit ito ni Herodotus, “Ama ng Kasaysayan”

Kahulugan ng Salitang Kasaysayan


Isa itong pag-aaral o pagsasalaysay ng nakaraan upang magkaroon ng saysay sa
kasalukuyan at maging kapaki-pakinabang sa hinaharap.

Ang salitang kasaysayan ay nag-uugat sa mga salitang:

● Salaysay
○ Uri ng pagkukuwento ng mga kaganapan
● Saysay
a. Pagkakaroon ng halaga

Ang kasaysayan ay itinuturing na rin bilang isang:

● Agham (science) na siyang naglalarawan sa mga makabuluhang pangyayari sa


naganap noon.

1
Mga Sangay ng Aghan ng may Kaugnayan sa Kasaysayan
1. Arkelohiya (Archeology)
○ Ang pag-aaral ng mga labi o artifacts ng mga sinaunang tao.
○ Naibibigay nito akung anong uri ng pamumuhay mayroon ang mga
sinaunang tao batay sa mga gamit o artifacts na kanilang naiwan.
○ Hal. gusi (jar), mga sandata, alahas
2. Antroplohiya (Anthropology)
○ Ang pag-aaral ng kultura, kaugalian, at mga gawain ng tao.
○ Tinutukoy nito ang mga pagbabagong naganap sa buahay ng tao hanggang
pagkabuo ng kansyang sariling kultura.
3. Paleontolohiya (Paleontology)
○ Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sinaunang buhay sa mundo.
○ Hal. Ang mga labi ng mga sianunang hayop at halaman (fossils)
4. Heograpiya (Geography)
○ Ang pag-aaral na nakatuon sa katangiang pisikal sa mundo,
○ Hal. iba’t-ibang anyong lupa, tubig, topograpiya, lokasyon, klima, at mga likas
na yaman/

Mga Batayan ng Kasaysayan


Ang mga historyador o historian ay kukuha ng mga impormasyn sa dalawang uri ng
batayan sa pagsasaliksik at pag-aaral nila ng kasaysayan:

1. Primaraya
○ Tumutukoy sa mga orihinal na dokumento at salaysay ng mga tunay na
nakasaksi.
○ Nagbibigay ng unang impormasyon.
○ Ito ang pinakamahalagang kasangkapan na ginagamit ng mga historyador.
○ Hal. fossils, artifacts, mga buto, kagamitang bato, kasankapan, sandata,
talambuhay, at mga kuwentong-bayan o mga kwentong minan ng ilang
salinlahi (oral tradition)

2
2. Sekundarya
○ Tumutukoy sa mga salaysay ng mga hindi tuwirang nakasaksi.
○ Ito ang mga interpretasyon ng mga primaryang batayan.
■ Nagkakaroon ng mga iba’t-ibang interpretasyon sa iisang pangyayari.
■ Hal. Bonifacio at Aguinaldo
○ Nagagamit sa mga mabilis na paghahanap ng mga impormasyon
○ Karaniwang nakabatay ito sa mga primaryang batayan ng kasaysayan.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kasaysayan


Mahalagang pag-aralang ang kasayasayan

● Magkaroon ng dagdag na kaalaman.


● Matutuhan ang mga aral ng nakalipas.
● Malinag ang iba’t-ibang kasanayan.
● Maipahayag ang mga magaganap sa darating na panahon.
● Maging instrumento sa pagkakaisa at pagtutulungan ng tao.

Lokasyon ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.

May tatlong paraan ng pagtukoy ng lokasyon ng Pilipinas:

1. Absolute - tinutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang bansa gamit ang latitude at
longtitutde
○ Absolute na lokasyon ng Pilipinas
■ Latitude: 4° H at 23°
■ Longtitude: 116° at 127°

3
2. Relatibo - tumutukoy sa lokasyon ng isang lugar gamit ang mga direksyon (Hilaga,
Silangan, Timog, Kanluran)
○ Bisinal - tumutukoy sa mga katatig-bansa ng Pilipinas

Vietnam Malaysia Brunei Indonesia Taiwan

○ Insular - tinutukoy kapag inaalam ang mga bahagi ng tubig na nakapalibot sa


bansa

Hilaga Kanluran Silangan Timog

Bashi Channel West Philippine Sea/ Pacific Ocean/ Sulu Sea/ Celebes
South China Sea Philippine Sea Sea/ Mindanao Sea

Hangganan ng Pilipinas ang Sumusunod:

4
Lokasyon ng Pilipinas sa Paghubog ng Kasaysayan

● Ang Pilipinas ay isang pahabang kapuluan o arkipelago.


○ Napapaligiran ito ng mga angyong tubig.
○ Ang Pilipinas ay isang kapuluan dahil ito ay binubui ng 7.641 na malalaki at
maliliit na pulo.
1. Pagsibol ng Sinaunang Kabihasnan
○ Pinaniniwalaan na ang mga unang pangkat ng tao na nandarayuhan sa bansa
ay ang mga Austronesian na nanggaling sa mga isla sa lugar ng Sulu at
Celebes.
○ Isa pang teorya ang nagsasabi na nagmula ang mga Austronesians sa Timog
Tsina at Taiwan.
○ Sila ay kumalat sa Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng pangangalakal
at pandarayuhan ng mga tao.


2. Pagdating ni Ferdinand Magellan
○ Ang kapuluan ng Pilipinas ay matatagpuan sa bahagi ng Karagatang Pasipiko
(Pacific Ocean).narating ng ekspedisyon ni Magellan ang Pilipinas na ang
kanilang layunin ay maghanap ng ruta papuntang Moluccas o Spice Island na
hindi sadya.

5
3. Likas ng Yaman ng Pilipinas
○ Nagkaroon ng interes ang ang bansang Espanya na sakupin ang Pilipinas
dahil sa likas na yaman nito.
○ Sagana ang lupain ng Pilipinas na angkop sa pagtatanim ng mga produktong
agrikultural na lubos napakinabangan ng mga Kastila gaya ng tabako, bulak,
tubo, asukal at iba pa.


4. Pangkalakalan
○ Nagsilbing daungan ang bansa para sa mga gawaing-pangkalakalan na
dumaraan sa Karagatang Pasipiko.
○ Sa panahon ng Kalakalang Galyon, binuksan ang daungan ng Maynila bilang
sentro ng kalakalan ng silangan at kanlurang bahagi ng mundo.

6
5. Pandaigdigang Paliparan
○ Naging terminal ng mga sasakyang-panghimpapawid na nagmula sa Estados
Unidos, Hapon, Australia, mga bansa sa Europa at iba pa.
○ Ang Pilipinas ay mainam na pagtayuan ng kampo-militar na panghimpapawid
at pandagat ng malalaking bansa.
○ Ito ang dahilan kung bakit matagal nanatili ang base militar ng Estados
Unidos sa bansa.

● Tunay nga at karapat dapat na tawaging “Perlas ng Silangan” ang Pilipinas.


○ Ang taglay na likas na yaman ng bansa, ang pagiging kapuluan at ang
estratehikong lokasyon - ang humubog at patuloy na humuhubog sa
kasaysayan ng bansa.

You might also like