You are on page 1of 23

Quarter 1 - Module 1

Ang Kaugnayan ng
Lokasyon sa Paghubog ng
Kasaysayan
Ano ang nakikita mo sa
larawan ?
Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelago dahil
napapaligiran ito ng mga anyong tubig .

Tinawag itong kapuluan dahil ito ay binubuo ng humigit -


kumulang 7,100 malalaki at maliliit na pulo .

Ang kapuluan ng Pilipinas ay nakalatag sa kanluran ng


Karagatang Pasipiko. Matatagpuan ang bansa sa Timog –
Silangang Asya .
Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ?
Ano ang klima na nararanasan natin sa ating bansa ?

EKWADOR
Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay bahagya lamang sa
taas ng ekwador sa pagitan ng 4⁰ 23’ at 21⁰ 25’ Hilagang
Latitude at sa pagitan ng 116⁰ at 127⁰ Silangang Longhitud .

Ito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay nagtataglay ng


klimang Tropikal .
Nakakaranas lamang ang bansa ng dalawang
pangkalahatang klima sa buong taon .

Tag – araw at Tag - ulan


Malaki ang naging epekto ng lokasyon ng Pilipinas sa
pagsibol ng sinaunang kabihasnan sa bansa .

Pinaniniwalaan na ang mga unang pangkat ng tao na


nandarayuhan sa bansa ay ang mga Austronesian na
nanggaling sa mga isla ng Sulu at Celebes .

Isa pang teorya na nagsasabi na ang mga Austronesian ay


nagmula naman sa Taiwan at Timog Tsina .
Ang Pilipinas ay nakalatag sa kanlurang bahagi ng
Karagatang Pasipiko .
Anu –ano ang mga bansang sumakop sa atin ?
Dahil sa napapalibutan ng katubigan ang ating bansa , may
mga pangkat ng sinaunang Pilipino na piniling manirahan sa
mga bukana ng ilog , lawa , at mga dalampasigan gaya ng
pamayanang pinamunuan ni Raja Sulayman sa bukana ng Ilog
Pasig .
Ito ang naging dahilan bakit napadpad sa ating
bansa ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan na
ang layunin ay maghanap ng ruta papuntang
Moluccas na mas kilala sa tawag na Spice Island
o Pulo ng Pampalasa .

Dahil sagana ang bansa sa likas na yaman , nagkaroon ng


interes ang Espanya na isama ang Pilipinas sa mga bansang
sasakupin .
Mayaman ang Pilipinas sa ginto at pilak .
Malawak ang kagubatan na mapagkukuhanan ng mga troso sa
paggawa ng mga barko .
Sagana ang katubigan ng bansa sa mga yamang – tubig gaya
ng isda at perlas .

Mataba ang lupain sa Pilipinas na angkop sa pagtatanim ng


mga produktong agrikultura na lubos na napakinabangan ng
mga Espanyol gaya ng tabako , tubo at iba pang pananim.
Ang magandang lokasyon at mga likas na yamang taglay ng
ating bansa ay isa rin sa mga dahilan kung bakit tayo sinakop
ng mga Amerikano at ng mga Hapones .

Ang Pilipinas bilang isang bansang arkipelago o kapuluan


ay sinasabing nasa estratehikong lokasyon dahil itinuturing
itong isa sa pinakamahalagang rutang pangkalakalan .
Nagsilbing daungan ang bansa para sa mga gawaing
pangkalakalan ng mga bansang ang ruta ay dumaraan sa
Karagatang Pasipiko .

Sa panahon ng Kalakalang Galyon , binuksan ang daungan


ng Maynila bilang sentro ng kalakalan ng silangan at
kanlurang bahagi ng mundo .
Naging terminal din ang pandaigdigang paliparan nito ng
mga sasakyang panghimpapawid na nagmumula sa Estados
Unidos , Hapon , Australia , mga bansa sa Europa at iba pa .

Ang Pilipinas bilang kapuluan ay mainam ding lugar na


pagtayuan ng kampo – militar na panghimpapawid at pandagat
ng malalaking bansa .

Ito ang dahilan kung bakit matagal na nanatili ang base


militar ng Estados Unidos sa Pilipinas .
Anu – ano ang kahalagahan ng
lokasyon ng Pilipinas ?

Ang ilan sa kahalagahan ng


lokasyon ng Pilipinas sa
ekonomiya at pulitika ng Asya at
mundo ay ang mga sumusunod :
1. Maaaring maging sentro ng
kalakalan sa Timog – Silangang Asya
ang Pilipinas at sa mundo dahil sa ito
ay daanan ng mga sasakyang pandagat
at panghimpapawid ng iba’t ibang
bansa bunga na rin ng pagiging malapit
nito sa West Philippine Sea at
Karagatang Pasipiko .
2. Nagkaroon ng impluwensyang
silanganin at kanluranin mula sa
mga bansa sa Europa at Amerika
ang ating katutubong kultura dahil
sa ang Pilipinas ay naging tagpuan
ng iba’t ibang bansa .
3. Maganda ang estratehikong
lokasyon ng Pilipinas kung kaya’t
naging sentro ito ng
komunikasyon , transportasyon at
gawaing pangkabuhayan sa rehiyon
ng Timog – Silangang Asya .
4. Ang magandang estratehikong
lokasyon ng Pilipinas ang
nagbunsod sa Estados Unidos
upang magtayo ng base militar sa
bansa tulad ng Clark Air Base at
Subic Naval Base .
5. Dahil na rin sa lokasyon at sa
likas na yamang taglay ng ating
bansa kung kaya hanggang sa
kasalukuyan ay pilit pa rin
inaangkin ng bansang Tsina ang
ilang teritorya sa West Philippine
Sea .
Tunay nga na karapat –
Ang taglay na likas na dapat tawagin na Perlas ng
Silangan ang Pilipinas .
yaman , ang pagiging
kapuluan at ang
estratehikong lokasyon
ang humubog at patuloy
na humuhubog sa
kanyang kasaysayan.

You might also like