You are on page 1of 3

Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga

Bansa ng Europe
Nahahati sa tatlong rehiyon ang
kontinente ng Africa - ang hilagang
bahagi na nakaharap sa Dagat
Mediterranean, ang pinakagitnang
bahagi ng tropiko o mainit na bahagi
at ang malamig na bahagi sa may
tiimog.
Islam ang naging
malaganap sa hilagang Africa at
naging mahigpit na kalaban ng
Kristiyanismo sa Europe. Yumaman
ang mga lungsod sa bahaging ito tulad
ng Tunis at Algiers dahil sa
pangungulimbat sa mga sasakyang- dagat ng mga Europeo.
Sa simula, interesado lamang
ang mga Europeo sa kalakalan ng
alipin. Ngunit sagana sa likas na
yaman ang mga pook na ito tulad ng
mga taniman ng ubas, mga punong
citrus, butyl at pastulan ng hayop at
magagandang panirahan ng mga
Europeo. Pinaniniwalaang may mina
ng bakal ang bundok ng Atlas sa
Morocco. Kahina-hinayang na
palagpasin ang ganitong mga
pagkakataon at kayamanan para sa
mga Europeo.
Imperyalismong Ingles sa Timog
Asia
Sa mga mananakop, hindi
natinag ang imperyo ng Great
Britain. Sa halip, lalo pang
lumawak ito. Bagaman lumaya ang
13 kolonya sa America sa
Rebolusyong Amerikano,
nadagdagan naman ito sa ibang
dako. Ang British East India
Company ang naging lubhang
makapangyarihan sa pamahalaan
at dinala ang mga kaisipan,
kaugalian, edukasyon at
teknolohiya sa bansa. Hindi
naglaon, inilipat ang kontrol ng
kompanya sa pamahalaan ng
imperyo noong huling bahagi ng
1800. Tinawag na
pinakamaningning na hiyas ng
imperyo ang India. Sa Kasunduan
sa Paris noong 1763 na nagwakas
sa Pitong Taong Digmaan ng
France at Britain, nawalan ng
teritoryo sa India ang France.
Ang United States sa Paligsahan ng
mga Bansang Mananakop
Bagaman marami sa Africa ang hindi
sang-ayon sa pananakop ngmga

teritoryo, napasali ito nang


nakipagdigmaan ang United States
laban sa Spain noong 1898. Ang
tagumpay ng America laban sa Spain ay
nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto
Rico at Pilipinas. Ayon kay Pangulong
William Mckinley, pinag-isipan pa niya
kung ano ang nararapat gawin sa
Pilipinas.
Matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila
ang dalawang teritoryo - ang Samoa na
naging mahalagang himpilang-dagat at
ang Hawaii kung saan makikita ang
Pearl Harbor, pinakatampok na baseng
pandagat ng United States sa Pacific.
Ang Protectorate at Iba pang Uri ng
Kolonya
Ang hukbo ng America ang nagsilbing
tagapangalaga sa West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central Ame
rica
upang mapanatiling bukas ang
pamilihan, makakuha ng hilaw na
sangkap at mapangalagaan ang
kanilang ekonomikong interes. Ang
malalaking samahan sa negosyo ng
America ay nakakuha ng malalaking
bahagi ng lakas-pangkabuhayan sa pag-aari ng mga minahan, mga balon
ng langis, mga taniman, mga daang-bakal at samahan ng mga sasakyang
dagat.
Isa pang pook na nakaligtas sa
pagkakaroon ng hidwaan ng mga
bansang mananakop ang Australia at
ang kalapit na New Zealand dahil
matibay itong hawak ng Great Britain.
Dito ipinadala ng Britain ang mga
bilanggo matapos ang himagsikan sa
America. Nang makatuklas ng ginto
sa Australia, maraming Ingles ang
lumipat dito at ito ang simula ng
pagtatatag ng mga kolonya sa
Australia at New Zealand
Epekto ng Imperyalismo
Ang imperyalismo sa Africa at sa
Asya ay naging daan upang makaranas
ng pagsasamantala ang katutubong
populasyon mula sa mga mapaniil na
patakaran ng mga dayuhan.
Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin
ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Naging sanhi rin ito ng
pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang
bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng
impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng
hangganang pambansa, ang pamana ng
mga Kanluranin ay ang hidwaan sa
teritoryo na namamayani pa rin ngayon sa
ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang

hindi makatuwirang pagtatakda ng mga


hangganan.
REBOLUSYONG PANGKAISIPANTumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang
pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na
nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo t
higit sa mga taong nasanay sa isang tahimik at
konserbatibong pamumuhay.
Isa sa mga bunga ng pamamaraang
makaagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba t
ibang aspeto ng buhay ng tao. Marami ang
nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang
mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon at maging
sa edukasyon.Tinawag itong Panahon ng
Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang
ideyang ito sa paggamit ng reason o katuwiran sa
pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitikal at
pang-ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang
kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.
Kaisipang Politikal
Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan sa ika-18 siglo (1700 s). Isa sa
kinilalang pilosopo sa panahong ito si Baron de
Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang
tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France ng panahong iyon.
Sa kaniyang aklat na pinamagatang The Spirit
of the Laws (1748), tinalakay niya ang iba t ibang
pamahalaang namayani sa Europa. Hinangaan niya
ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng
pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay
nililimitahan ng parliament.
Ngunit mas kinilala ang kaniyang kaisipang
balance of power na tumutukoy sa paghahati ng
kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay

You might also like