You are on page 1of 13

IKATLONG MARKAHAN- IKAWALONG LINGGO

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
• Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
• Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
• Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
• Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
ARALING PANLIPUNAN 8
Ikatlong Markahan
IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

ALAMIN NATIN
Sa panahon ng Eksplorasyon, matatandaan na ang mga makapangyarihan bansa sa Europa at
nagtatag ng mga imperyo sa ibayong dagat. Pagsapit ng 1800, karamihan sa mga kolonyang ito ay
nakalaya. Pagsapit ng huling bahagi ng 1800, muling makikipagsapalaran ang mga bansang Kanluranin
upang magtamo ng mga teritoryo o lupain sa ibayong dagat. Tinawag ang panahong ito na Panahon ng
Imperyalismo (1870-1914).
Ang imperyalismo ay dominasyon ng isang bansa sa politika, ekonomiya at kultura ng isang bansa.
Sa modyul na ito inaasahang matutuhan mo ay;
1.Ang mga dahilan, pangayayari, at epekto ng Ikalawang yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo.

LAYUNIN:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawaang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo.

SUBUKIN NATIN

Panimulang Pagtataya: Suriin ang mga tanong sa ibaba at bilugan ang letra ng wastong
sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga salik na nagbunsod ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
malibana sa..
A. Layuning Makadiyos at Makatao C. Politikal at Militar na Interes
B. Pangkabuhayang Interes D. Tagisan ng tapang
2. Anong anyo ng imperyalismo ito, kung saan nagpapadala sila ng mga gobernadora opisyal,at
mga sundalo upang kontrolin ang mga tao at magtatag ng gobyernong burukrasya.
A. Consession B. Kolonya C. Protectorate D. Spheres of Influence
3. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
A. Consession B. Kolonya C. Protectorate D. Spheres of Influence
4. Ito ay anyo ng imperyalismo na nagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.
A. Consession B. Kolonya C. Protectorate D. Spheres of Influence

3
5. Ito ay tumutukoy sa isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang
pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
A. Consession B. Kolonya C. Protectorate D. Spheres of Influence
6. Anong kontinente ang tinaguriang “dark continent” dahil sa kaunti pa lamang ang nalalaman
ukol dito?
A. Amerika B. Aprika C. Asya D. Europa
7. Sino ang misyonerong Ingles na unang nakamasid sa magandang talon ng Vistoria sa
Zambesi?
A. David Livingstone B. Ferdinand Magellan C. Leopoldo D. Tunis
8. Bakit naging interesado ang mga Europeo sa kontinente ng Africa?
A. Dahil sa kalakalan ng mga alipin
B. Dahil sa mga likas na yaman ng pook
C. Dahil sa mina ng bakal sa bundok ng Atlas
D. Lahat ng nabanggit
9. Anong bansa ang tianguriang “pinakamaningning na hiyas” ng Great Britain?
A. India B. Japan C. Laos D. Myanmar
10. Paano napasali ang United State sa pananakop ng mga lupain?
A. Dahil nakipagdigma ang United State laban sa Spain noong 1898
B. Dahil ayaw nilang magpahuli sa mga Europeo
C. Dahil sila ay nakilala rin bilang bansang industriyalisado
D. Dahil nais nila ng mga alipin
11. Anong bansa ang nakuha ng United State na dating sakop ng Spain ang ginawa nilang
himpilang-dagat patungo sa Silangan.
A. Guam B. Pilipinas C. Puerto Rico D. Somalia
12. Matapos ang Unang Digmaang pandaigdig anong dalawang bansa ang nakuha pa ng United
States?
A. Hawaii at Samoa B. Guam at Hawaii C. Guam at Samoa D. Pilipinas at Guam
13. Sa anong bansa ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa America?
A. Australia at New Zealand C. West Indies at Australia
B. Singapore at Malaysia D. Guam at Hawaii
14. Ang mga sumusunod ay epekto ng kolonisasyon sa mga bansang nanakop maliban sa…
A. Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop
B. Ang gawaing pampolitika,pang ekonomiya ay ginamit ng mananakop
C. Ang pagtratrabaho at pagsisilbi sa pananim
D. Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan sa pagsasamantala.
15. Anong paraan ang ginamit ng mga Kanluranin sa West Indies,Australia ,New Zealand at Central
America?
A. Consession B. Kolonya C. Protectorate D. Spheres of Influence

4
BALIKAN NATIN
Ang digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong
Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging migrante sa Timog Amerika ay
nagrebelde ng labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila.
Samantala ang naging salik upang sumiklab ang Rebolusyong Pranses ay ang kawalan ng
katarungan ng rehimen, oposisyon ng mga intektuwal sa namamayaning kalagayan, walang hangganang
kapangyarihan ng hari at krisis sa pananalapi.
Gamit ang mga natutuhan sa nakalipas na aralin ay punan mo ng mga impormasyon ang
talahanayan sa ibaba. PAANO NAGKAKAIBA?

REBOLUSYONG ASPEKTO REBOLUSYONG


AMERIKANO PRANSES
Mga dahilan
Mga sangkot na actor
Bunga o Implikasyon
Saloobin tungkol sa pangyayari

TALAKAYIN NATIN

Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng ikalawang yugto ng imperyalismo at


kolonisasyon. Ano ba ang mga dahilan ng kanilang pananakop? Anong uri na ng pananakop mayroon sa
panahong iyon? Gaano kalayak ang imperong Kanluranin. Halina’t ating tuklasin.

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN


Nabuo ang mga makabagog imperyo noong ika-19 na siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo,habang
nagaganap ang ikalawang Rebolusyong insutriyal. Ang panahon mula noong 1871 hanggang nagsimula
ang Unang digmaang pandaigdig noong 1941 ay panahon ng mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o
westernization ng ibang lupain.

• IMPERYALISMO- pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa


sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pang
pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin.
• KOLONYALISMO- pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa.

5
LAYUNIN NG IMPERYALISMO

1. PANGKABUHAYANG INTERES- nais ng mga makapangyarihang bansa na maisakatuparan


ang tatlong bagay; pagkakaroon ng bagong pamilihan, makuha ng mga likas na yaman ng bansa
at magkaroon ng bagong lupain na siyang paglalagakan ng kanilang sobrang puhunan.
2. POLITIKAL AT MILITAR NA INTERES- ang mga steam-powered na sasakyan at nabal na
barko ay nangangailangan ng mga base sa iba’t-bang panig ng daigdig upang magdala ng mga
suplay.
3. LAYUNING MAKA-DIYOS AT MAKATAO – naniniwala ang misyonaryo, mga doctor at
mga kolonyal na opisyal na may katungkulan silang ikalat ang mga biyaya ng kanlurang
sibilisasyon. Malinaw na inilarawan ito sat ula ni Rudyard Kipling na “White Man’s Burden”

MGA ANYO NG IMPERYALISMO

1. KOLONYA-ang malakas na bansa at bumuo ng kolonya,nagpadala ng gobernadora,opisyal at


mga sundalo upang kontrolin ang mga tao at magtatag ng gobyernong burukrasya.
2. PROTECTORATE- pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
3. CONCESSION- pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.
4. SPHERE OF INFLUENCE- isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang
pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.

GAWAIN # 1 : Punan ang tsart ng wastong sagot

Ikalawang Yugto ng
Imperyalismo

Anyo Layunin

1.________ 2.________ 3. _______ 1.________ 2.________ 3. _______

Sagutin ang tanong: Naging makatarungan ba ang layunin ng Ikalawang yugto ng Imperyalismo? Bakit?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

6
ANG PAGGAGALUGAD SA GITNANG AFRICA
Sa unang bahagi ng 1800,kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa Aprika. Tinawag
itong “ Dark Continent” na nangangahulugang “ ang di pa kilalang lupain”. Nagkaroon lamang ng
kaalaman dito nang marating ito ng isang misyonerong Ingles na si David Livingstone.
Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan
na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England.
Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay dahil sa sakit.
ANG PAG-AAGAWAN SA AFRICA NG MGA BANSA SA EUROPE
David Livingstone
https://www.google.com/search?q=david+livingstone&rlz=1C1CHZO

➢ Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang pambansang


ambisyon at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang gitnang Africa.
➢ Sa loob ng 30,taon ang dating hindi kilalang mga pook ay naangkin lahat ng mga kanluraning
bansa.

➢ Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng
pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. Pinaghatian ng France, Britain, Germany,
Portugal at Italy ang ibang bahagi.

7
➢ Sa simula, interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng alipin. Ngunit naging interesado na rin
sila sa lika na yaman ng mga pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, citrus,butyl, pastulan ng hayop
at mga pook na magandang panirahan.
➢ Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco.
➢ Para sa kanila kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon dahil ito’y makapagdadala
ng kayamanan para sa mga Europeo.

GAWAIN # 2 : Piliin ang mga imperyalistang bansa na sumakop/umangkin sa sumusunod na mga


bansa. Isulat ang letra lamang.

A. Alemanya B. Britanya C. Italya D. Portugal E. Pransiya

_____ 1. Angola _____ 6. Cameroon _____11. Nigeria


_____ 2. Libya _____ 7. Somaliland _____ 12. Sierra Leone
_____ 3. Togo _____ 8. Madagascar _____ 13. Rio de Oro
_____4. Algeria _____ 9. Mozambique _____ 14. South Africa
_____ 5. Tunisia _____ 10. Ehipto _____15. Eritrea

PAGYAMANIN NATIN

IMPERYALISMONG INGLES SA TIMOG ASYA


➢ Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great Britain.
➢ Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa Amerika sa Rebolusyong Amerikano, nadagdagan naman ito sa
ibang dako.
➢ Ang British East India Company sa India ay naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala
ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon at teknolohiya sa bansa.
➢ Hindi naglaon,inilipat ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain noong
huling bahagi ng 1800
➢ Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang India . Sa Treaty of Paris noong 1763 na
nagwakas sa pitong taong digmaan ng France at Britain, nawalan ng teritoryo sa Indian ang France.

ANG UNITED STATES SA PALIGSAHAN NG MGA BANSANG MANANAKOP


Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado.
Napasali ito sa nang nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898.
Ang tagumpay ng Amerika laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico, at
Pilipinas.
Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating sakop ng Spain tulad ng Guam na naging
himpilang-dagat patungong Silangan at ang Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Carribean.

8
Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang teritoryo- ang Samoa na naging
mahalagang himpilang -dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang
pinakatampok na baseng pandagat ng United States sa Pacific.

EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON


• Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espiritwal at pangkultura ay
ginamit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
ipinagagawa tulad ng pagtratrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa hukbong
sandatahan.
• Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing nasakop.
• Ang Imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang
katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan.
• Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa.
• Naging sanhi ng pagkasira ng kulturang katutubo dahil sa pananaig ng impluwensiyang
Kanluranin.
• Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hidwaan g teritoryo
na namamayani pa rin hanggang sa ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi
makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan.

GAWAIN # 3: Pagtapat-tapatin: Hanapin ang wastong sagot sa hanay B. Isulat ang letra lamang
A B
_____ 1. pinakamaningning na hiyas A. Guam
_____ 2. naging himpilang-dagat patungong Silangan B. Hawaii
_____ 3. himpilang-dagat sa Carribean C. Samoa
_____ 4. mahalagang himpilang -dagat D. India
_____ 5. pinakatampok na baseng pandagat ng United E.Puerto Rico
States sa Pacific.

Sagutin ang tanong: Ano-ano ang naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon?
1._____________________________________________________________________________________
2._____________________________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________________________
4.____________________________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________________________

9
ISAISIP NATIN
✓ Lumaganap sa Aprika at Asya ang imperyalismo dulot ng hangaring maging makapangyarihan
ang mga bansang Europeo.
✓ Naging malawakan ang paghahanap ng mga Europeo noong ika-19 na siglo ng mga bagong
bansa at yaman.
✓ Ang Aprika at Asya ang inangkin nila dahil sa taglay nitong mga hilaw na materyales at
pamilihan para sa kanilang sobrang produkto.
✓ Nakaranas ng pagsasamantala ang mga katutubo sa Aprika at Asya sa kamay ng mga
imperyalistang bansa.

ISABUHAY NATIN

Paano nakaapekto ang kolonyalismo at imperyalismong Europeo sa daigdig?


Maraming bagay ang iyong natutuhan ukol sa paksang kolonyalismo at imperyalismo. Maliwanag
din na malaki ang naging impluwensiya nito sa pagbabago ng daigdig. Kung gayon kaya mon a bang
ipakita ang mga impluwensiya nito sa ating pamumuhay? Pumili ng isang gawain sa ibaba.
1. Lumikha ng isang monologue na nagpapahayag sa kaugnayan ng kolonyalismo at
imperyalismo sa katayuan ng ekonomiya ng bansa sa ngayon. Bigayang-diin ang mga
patakarang pinairal noon.
2. Bumuo ng isang historical flashback gamit ang powerpoint presentation o video clips na nag-
uugnay sa mga kaganapan sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo sa mga kaganapan sa
ngayon.
3. Gumuhit ng isang poster o cartoon na nagpapahayag sa mga kaunlaran o kabiguan ng mga
bansa dulot ng kolonyalismo at imperyalismo.

RUBRIC SA GAWAIN

Nangangailangan pa
Mga Pamantayan Nakapahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2)
ng kasanayan (1)
Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang May kahusayan ang Maligoy ang gawain.
pagkabuo. Malawak at pagkabuo. Malinaw at pagkakabuo. Tiyak ang Nakakalito at hindi
marami ang mga tiyak ang mga mga impormasyon at tiyak ang impormasyon
impormasyon at impormasyon at paliwanag.
elaborasyon. paliwanag.

10
Pagtalakay Masusi ang May ilang tiyak na May pagtatangkang Hindi natalakay ang
pagkatalakay sa paksa. pagtalakay sa paksa. talakayin ang paksa. paksa.
Organisasyon May mahusay na May organisasyon Hindi gaanong malinaw Malabo ang
organisasyon at pokus ang organisasyon organisasyon kung
sa paksa mayroon man.
Paglalahad Angkop ang mga salita Karamihan sa mga Hindi gaanong angkop Hindi gumamit ng tiyak
at pangungusap sa salita at pangungusap ang mga salita para sa na salitang angkop sa
paksa sa mambabasa at ay angkop sa paksa at mga mambabasa at mga
tagapakinig. mambabasa at tagapakinig. pangungusap,paksa at
tagapakinig. mambabasa
Pagkakagawa Napakamasining ang Masining ang Ordinaryo ang Magulo ang
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa.

TAYAHIN NATIN
GAWAIN # 4: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa Ikalawang Yugto
ng Imperyalismo at kolonyalismo. Bilugan ang mga salitang iyong nakita.
C O N C E S S I O N B V
I T A L Y P F R A N C E
R T E G U A M M E Y L R
A R A L I I A L I P I N
K O L O N Y A N G P A
P R O T E C T O R A T E
I M P E R Y A L I S M O
P I L I P I N A S
H A W A I I A F R I C A
P O R T U G A L N L I P

KARAGDAGANG GAWAIN

• Gumawa ng isang program ana maari mong maimungkahi sa ating pamahalaan upang
mabigyang-wakas ang hindi magandang epketo ng kolonyalismo at imperyalismo sa bansa
tulad ng pagkahumaling natin sa mga produkto at kaisipang dayuhan.

• PANOORIN MO! – Kung kayo ay may internet o data maaring ninyong panoorin ang mga
sumusunod na video sa youtube para sa mga karagdagang kaalaman.

• https://www.youtube.com/watch?v=rlQod4ZAlps- Mga British sa India


• ➢
https://www.youtube.com/watch?v=FhPZZqp9cp8- King Leopoldo II & Congo Free State
• https://www.youtube.com/watch?v=CHrHgnRswhM- Colonialism & Imperialism

11
SANGGUINAN

➢ REX Kayamanan (Kasaysayan ng Daigdig- pahina 252-258)


➢ Modyul ng mga mag-aaral (Kasaysayan ng Daigdig- pahina 357- 362)
➢ Google (pinterest)
➢ Youtube –
o https://www.youtube.com/watch?v=rlQod4ZAlps- Mga British sa India
o https://www.youtube.com/watch?v=FhPZZqp9cp8- King Leopoldo II &
Congo Free State
o h ttps://www.youtube.com/watch?v=CHrHgnRswhM- Colonialism &
Imperialism

12
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Beverley S. Sulit

Mga tagasuri: Jocelyn C. Alvis, Araling Panlipunan - Head Teacher III


Elisa P. Apolis, Araling Panlipunan - Head Teacher III

Naglayout: Robert Valera

Management Team: Margarito B. Materum


Assistant Schools Division Superintendent

Dr. George P. Tizon


Chief SDOG

Dr. Ellery G. Quintia


CID Chief

Dr. Daisy L. Mataac


EPS LRMS

Ferdinand Paggao
EPS-AP

Sa mga katanungan ,maaring tumawag o sumulat sa …..

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

13

You might also like