You are on page 1of 3

CASISANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Malaybalay City Bukidnon


Kasaysayan ng Daigdig
LONG QUIZ
Name: _________________________________ Date: ________________
Section: ________________________________ Score: _______________
PART I: Multiple-Choice Test

Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.

1. Ano ang tawag sa pakikialam o pananakop ng isang makapangyarihang bansa ng ibang lupain
upang isulong ang mga pansariling interes nito?
A. Imperyalismo C. Nasyonalista
B. Komunismo D. Nasyonalismo

2. Alin sa mga sumusunod ang kaibahan ng imperyalismo sa kolonyalismo?


A. Ang imperyalismo ay tuwirang pananakop habang ang kolonyalismo ay di- tuwirang
pananakop.
B. Ang imperyalismo ay pagpapalawak ng monarkiya habang ang kolonyalismo ayang
pagtatatag ng monarkiya sa isang bansa.
C. Ang imperyalismo ay naghahangad ng paghahanap ng kayamanan habang ang
kolonyalismo ay ang pagpapalakas ng simbahan.
D. Ang imperyalismo ay panghihimasok o pagkontrol sa mahinang bansa habang ang
kolonyalismo ay ang pagtuklas ng mga lupain upang gawin na kolonya

3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng dahilan at uri ng pananakop sa ikalawang


yugto ng kolonyalismo?
A. Ang pagbibigay ng katuwiran ng pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s
burden.
B. Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo
at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin.
C. Upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-kayo.
D. Lahat ng nabanggit ay tama

4. Sa ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin, anong bansa ang nagpalawak ng imperyo?


A. Britain C. France
B. Netherlands D. Amerika

5. Maraming pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang


sinakop. May mga mabuti at di-mabuting dulot ito sa mga kolonya. Alin sa mga sumusunod ang hindi
mabuting dulot ng pananakop?
A. Nawala ang kasarinlan ng mga bansa.
B. Sumigla ang pandaigdigang kalakalan.
C. Maraming mga daan at tulay ang naipatayo.
D. Lumaganap ang kulturang Kanluranin sa Silangan.

6. Ang sumusunod ay ang mga bansang nanguna sa pagtatayo ng mga kolonya sa Europa MALIBAN
sa isa
A. Germany C. France
B. Great Britain D.Italy

7. Ito ay isang uri ng pananakop na kung saan ang isang lugar o maliit na bahagi ng bansa ay
kontrolado ng pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa?
A. Concession C. Protectorate
B. Kolonya D. Sphere of Influence

8. Suriin mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Alin sa sumusunod ang


naghikayat sa mga Europeo na gumalugad at sakupin ang kontinente
ng Africa?
I-Kalakalan ng mga alipin.
II-Likas na yaman tulad ng mga taniman ng ubas, citrus, butil.
III-Pastulan ng hayop at mga pook na magandang panirahan.
IV-Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco.
A. I, II, at III C. II, III, at IV
B. I, II, at IV D. I, II, III, at IV

9. Alin sa sumusunod na rehiyon ng Africa ang madaling marating mula sa Europe ngunit matapos
bumagsak ang Imperyong Rome, nahiwalay ito sa Europe?
A. Dagat Mediteranyo sa hilaga.
B. Karagatang Atlantiko sa kanluran.
C. Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai.
D. Karagatang Indiyano sa timog-silangan

10. Kung ikaw ay isang eksplorador na Kanlurananin, ano ang pangunahing dahilan o interes ng
iyong paggalugad?
A. Ginto C. Paghahanap ng mapapangasawa
B. Paglilibang D. Paghahanap ng pampalasa

Part-ll. Tama o Mali

Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali.

______1. Umusbong ang pagkakanluranin noong 1871-1914.

______2. Nagtagumpay ang Spain laban sa US sa kanilang digmaan noong 1898.

______3. Pinaniniwalaang may minahan ng bakal ang Atlas sa Morocco sa Africa.

______4. Sa una, interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan sa alipin sa Hilagang Africa.

______5. Ang kolonya ay tumutukoy sa isang bansang naisailalim sa pamahalaan ng pananakop.

______6. Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa direkta o hindi direktang pananakop ng isang bansa.

______7. Islam ang naging malaganap na relihiyon sa Africa matapos bumagsak ang empiryo ng
Roma.

______8. Mahirap marating ang kaloob-looban ng Africa dahil sa malalakas na agos ng tubig at
madilim na gubat.

______9. Bago magsimula ang ika-19 na siglo, matagumpay na nakapag-alsa ang 12 na kolonya sa
America laban sa Britain.

______10. Isa sa mga epekto ng ikalawang yugto ng kolonyalismo ay ang pag-unlad ng mga
katutubong kultura sa Africa.

Part-lll. Identipikasyon
1. Bansa kung saan makikita ang Pearl Harbor.

2. Relihiyon na naging mahigpit na kalaban ng Islam.

3. Unang misyonerong Ingles na nakarating sa Africa.

4. Talon sa Africa na pinangalan sa Reyna ng England.

5. Bahagi ng Africa na nakaharap sa dagat Mediterranean.

6. Tusong mangangalakal na namuno sa pananakop ng Congo Basin.

7. Kasunduan na nagwakas sa pitong taong digmaan ng France at Britain.

8. Kanluraning bansa na nakakuha sa pinakamalaking bahagi ng Congo Basin noong 1885.

9. Paniniwalang karapatan at tungkulin ng nga Europeo na palawakin ang kanilang teritoryo.

10. Uri ng direktang pananakop na may layuning pagsamantalahan ang yamang likas ng bansa.

You might also like