You are on page 1of 5

NAME:______________________________ SCORE:________________

SECTION:__________________________

ARALING PANLIPUNAN 7
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pulitika,
pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Sosyalismo
2. Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran
ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para
sasariling interes.
A. Kapitalismo B. Kolonyalismo C. Kristiyanismo D. Krusada
3. Si __________ ay Italyanong adbenturero mula sa Venice, Italy. Nanirahan siya sa China sa panahon ni
Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang bansa, inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng
Asya.
A. Amerigo Vespucci B. Christopher Columbus C. Ferdinand Magellan D. Marco Polo
4. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang” na nagpasimula sa Italya na naganap
noong 1350. Sa panahong ito natuon ang pansin ng tao sa Humanismo.
A. Reneissance B. Renesance C. Rennaisance D. Renaissance
5. Ito ay prinsipyong ginamit sa unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin, na kung may maraming ginto
at pilak may pagkakataon maging mayaman at makapanyarihan ang isang bansa. A. Humanismo B.
Komunismo C. Merkantilismo D. Sosyalismo
6. Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na
lupain mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.
A. Mga Krusada B. Mga Katipunero C. Mga Manlalayag D. Mga Rebolusyonaryo 3
7. Ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan
mula Europa patungong India, China at iba pang bahagi sa Asya.
A. Alexandria B. Constantinople C. Israel D. Jordan
8. Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng Spain at Portugal kung
saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang Portugal sa Silangan.
A. Pope Alexander IV B. Pope Alexander V C. Pope Alexander VI D. Pope Alexander VII
9. Siya ang tinaguriang ”The Discoverer of New World”.
A. Amerigo Vespucci B. Bartholemeu Diaz C. Christopher Columbus D. Ferdinand Magellan
10. Siya ang Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya.
A. Bartholomeu Diaz B. Christopher Columbus C. Ferdinand Magellan
11. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na
nagsimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ito ay nangangahulugang dominasyon
ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampulitikal, pangkabuhayan, at kultural na
pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo
B. Kapitalismo
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo
12. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na
yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Mandate
D. Protectorate
13. Ito ay transpormasyon mula sa manwal na paggawa sa mga kabukiran sa pag-imbento ng mga bagong
imbentong makinarya.
A. Kapitalismo
B. Merkantalimo
C. Rebolusyong Industriyal
D. Rebolusyong Teknikal
14. Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na kumita.
A. Industriyalismo
B. Kapitalismo
C. Merkantilismo
D. Rebolusyong Industriyal
15. Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin ang kanilang mga sakop na
bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa pananakop sa Asya.
A. Colony
B. Manifest Destiny
C. Nasyonalismo
D. White Man’s Burden
16. Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain
MALIBAN sa isa.
A. Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan
B. Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay na edukasyon
C. Pangangailangan ng hilaw na sangkap at pamilihan ng mga bansang Europeo
D. Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang mga karibal na
bansa
17. Ang sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa mga Kanluranin na sakupin ang kontinente ng Asya dala
ng rebolusyong Industriyal sa Europa. Piliin ang hindi kabilang.
A. Pangangailangan ng iba’t ibang uri ng likas na yaman
B. Pangangailangan ng mga tagabili ng mga produktong yari sa Europa
C. Pangangailangan ng mga bagong pabrika na pagtatayuan ng pagawaan ng maraming produkto
D. Pagnanais ng mga Europeo na maibahagi ang kanilang mga imbensyon at kaalaman sa teknolohiya sa
mga Asyano
18. Ang sumusunod ay mga dahilang ipinahayag ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain sa Asya
mula sa akdang White Man’s Burden. Piliin ang tunay na dahilan ng kanilang lihim na interes.
A. Upang maibahagi ang mga kaalamang natuklasan
B. Pangangailangan ng pamilihan ng mga yaring produktong
C. Makapanakop ng mga lupain upang magkaroon ng pandaigdigang kapangyarihan at makalikom ng
kayamanan
D. Pagpasan sa balikat ng mga Europeo sa mga Asyano na kailangang tulungan upang umunlad ang
kanilang kabuhayan at kabihasnan
19. Ito ay uri ng pananakop na kung saan direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa
ang kanyang sakop. Hal. England- India
A. Colony
B. Mandate System
C. Protectorate
D. Relihiyong Kristiyanismo
20. Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya. Piliin ang HINDI
kabilang.
A. Naging laganap ang kahirapan at marami ang namatay
B. Nagkaroon ng pagtatangi ng lahi o Racial Discrimination ang mga mananakop
C. Nawalan ng karapatan ang mga kolonya na pamahalaan ang sariling bansa sa kanilang sariling sistema
D. Nagpatayo ng mga tulay, daan, riles ng tren ang mga mananakop upang mapabilis ang pagdadala at
pagluluwas ng mga produkto
21.Isa sa mga patakarang British sa India ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga
paaralan ng India. Napilitan ang mga Indianna gamitin ang wikang Ingles sa kanilang sariling bansa. Anong
implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ito ay nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian
B. Ito ay sumira sa kultura at dignidad ng mga Indian
C. Ito ay tuwirang pag-alis ng pagkamamamayan ng mga Indian
D. Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kultura
22. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga
ng karapatang pantao ng mga Indian lalo ng kababaihan?
A. Naturuan sa larangan ng pamamahala
B. Marami ang mga Indian ang pinag-aral sa England
C. Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren
D. Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at Female Infanticide
23. Bakit hindi nasakop ng mga Europeo ang rehiyon ng Kanlurang Asya sa mahabang panahon?
A. Dahil malayo ito sa kanilang teritoryo
B. Dumami ang mga Kristiyano sa Kanlurang Asya
C. Dahil walang kayamanan na makukuha sa Kanlurang Asya
D. Dahil nagamit ng mga Turkong Muslim ang relihiyong Islam upang mapag-isa ang mga Arabe
24. Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning England at France noong 1914
sa pamamagitan ng isang tsarter o mandato ng Liga ng mga Bansa. Ang mga bansang Europeo na nanalo
noong Unang Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato ng ilang teritoryo ng mga natalong bansa.
Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang naging mandato ng mga Europeo. Ang sumusunod ay nagpapakita
ng pakikialam ng mga bansang Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya MALIBAN SA ISA.
A. Pagtatatag ng bansang Israel
B. Pagtuklas at paglinang ng langis
C. Pakikialam sa away ng Palestina at mga Hudyo
D. Naging mandato ng Great Britain ang Iraq, Palestina, West Bank, Gaza Strip at Jordan
25. Alin sa sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng Kolonyalismo sa Asya?
A. Pagkamulat sa mga Kanluraning Prinsipyo
B. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
C. Naging masunurin ang mga Asyano sa lahat ng mga naisin ng mga Europeo
D. Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang maibangon ang sariling bansa
26. Siya ang nangunang pinunong nasyonalista sa India na nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi
ng kalayaan.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mohandas Gandhi
27. Siya ay isang abogado at pandaigdigang lider na namuno sa samahang Muslim League at nakilala bilang
“Ama ng Pakistan”.
A. Jawaharlal Nehru C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
28. Siya ang lider na nakaranas na maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mohandas Gandhi
29. Siya ang naging kapitan ng Ottoman Army at nagbigay-daan sa kalayaan ng Turkey.
A. Ibn Saud C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
30. Siya ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk
31. Ito ay ang pagsama ng biyudang babae sa libing ng kanyang yumaong asawa.
A. Amritsar Massacre C. Holocaust
B. Female Infanticide D. Suttee
32. Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite.
A. Amritsar Massacre C. Rebelyong Sepoy
B. Holocaust D. Zionism
33. Ito ay tumutukoy sa pag-uwi ng mga Jew sa Palestine mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Ahimsa C. Suttee
B. Balfour Declaration D. Zionism
34. Ito ang pag-alsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial
discrimination.
A. Aggressive Nationalism C. Rebelyong Sepoy
B. Defensive Nationalism D. Suttee
35. Ito ang samahang naitatag sa panig ng mga Hindu na may layuning makamit ang kalayaan ng India.
A. All Indian National Congress C. Muslim League
B. Civil Disobedience D. Non-Violence
36. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Gandhi upang
ipakita ang pagtutol sa pamahalaang Ingles?
A. Agresibong Nasyonalismo C. Passive Resistance
B. Armadong Himagsikan D. Zionism
37. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nabago ang pamumuhay ng mga Indian. Nabago ang
pamamahagi ng mga lupain at napilitang mag-aral ng wikang Ingles ang mga manggagawa upang
mapaunlad ang kakayahan sa paghahanapbuhay. Ano ang implikasyon nito?
A. Nag-away-away ang mga Asyano.
B. Naghimagsik ang mga Indian sa mga Ingles.
C. Ang pananakop ay lalong nagpahirap sa mga Indian.
D. Ang mga Indian ay nakipaglaban sa mga Nazi German.
38. Sa pananatili ng mga Ingles sa India, maraming pagbabago ang kanilang ipinatupad. Ilan sa mga ito ang
pagbabawal sa Female Infanticide at Suttee. Bakit naging dahilan o salik ang mga ito sa pag-usbong ng
nasyonalismo ng mga Indian?
A. Hindi angkop ang ipinatupad sa kultura ng mga Indian.
B. Naging daan ang mga ito sa pagsidhi ng pagtatangi ng lahi.
C. Hindi nagustuhan ng mga Indian ang mababang katayuan ng mga kababaihan.
D. Lalong naghirap ang kabuhayan ng mga Indian sa malupit na pamamalakad.
39. Kailan lumaya ang bansang India mula sa kamay ng mga Ingles?
A. Agosto 15, 1947 C. Oktubre 15, 1947
B. Hulyo 15, 1947 D. Setyembre 15, 1947
40. Ipinalabas ng mga Ingles na bubuksang muli ang Palestine para sa mga Jew o Israelita para maging
homeland o maging kanilang tahanan. Dito nag-ugat ang problema ng mga Jew at mga Muslim dahil
nagsimulang bumalik ang mga Jew sa nasabing lugar.
A. Balfour Declaration C. Sistemang Mandato
B. Holocaust D. Zionis

Inihanda ni:
_______________________
NEMFA V.TOLENTINO
Guro

You might also like