You are on page 1of 10

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 7-ARALING ASYANO

PANGALAN:_______________________________GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa
mga pagpipilian.

1. Anong bansa ang sinasabing may monopolyo sa pagkontrol ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya?
A. Persiya B. Macedonia C. Gresya D. Italya

2. Alin sa sumusunod ang kagamitang HINDI kabilang sa mga imbensiyong natuklasan sa panahon ng
eksplorasyon
A. astrolabe B. sextant C. abacus D. compass

3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bansang nakipagtagisan ng kapangyarihan sa pananakop
ng maliliit at mahihinang bansa?
A. Germany B.Portugal C. Netherlands D. Spain

4. Isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel.
A. Merkantilismo B. Renaissance C. Krusada D. Kolonyalismo

5. Isa itong kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang
klasikal sa Greece at Rome. Nagmula sa salitang French na ang ibig sabihin ay rebirth.
A. Merkantilismo B. Kolonyalismo C. Krusada D. Renaissance

6. Ang _____________ ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Kontinente ng Europa. Ito ang
nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China at ibang bahagi ng Silangan na
napasa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1453.
A. Contantinople B. Calcutta C. Madras D. Bombay

7. Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice. Siya ay nanirahan sa China sa panahon ni


Kublai Khan ng Dinastiyang Yuan nang higit sa halos 11 taon.
A. Mateo Polo B. Nicollo Polo C. Marco Polo D. Polo Sport

8. Ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging
mayaman at makapangyarihan.
A. Kolonyalismo B. Merkantilismo C. Krusada D. Renaissance

9. Ito ay ang pagsakop ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Nagmula sa salitang Latin na
colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
A. Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Kapitalismo D. Merkantilismo

10. Ang _____________ ay nangangahulugang dominasyon ng isang nasyong-estado sa aspetong pulitikal,


pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan.
A. Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Kapitalismo D. Merkantilismo

11. Ang paghahanap ng mga lupain sa ibang mga kontinente ang layunin ng kolonyalismo at imperyalismo.
Bakit mahalaga sa mga umuunlad na mga bansang kanluranin ang pagkakaroon ng mga bagong teritoryo
sa kontinente ng Asya?
A. Upang mapalawak ang kanilang impluwensya at maging maunlad
B. Upang magkaroon ng mga bagong lugar bakasyunan
C. Upang magkaroon ng mga bagong produkto at alipin
D. Upang magkaroon ng maraming kakampi

12. Bakit ipinagbawal ang female infanticide sa mga bansang India sa panahon ng pamamahalang kanluranin
sa ilalaim ng kolonyalismo?
A. Ang mga ito ay mga gawaing lumalabag sa karapatang mabuhay
B. Ang mga ito ay nakasisira sa pamumuhay

C. Ang mga ito ay sagabal sa pag-unlad


D.Ang mga ito ay nakakadumi sa kapaligiran

13. Ang Asya ay kilalang pinagmulan ng mga sinaunang paniniwala at tradisyon. Bakit naging banta sa
tradisyon ng mga katutubong Asyano sa Kanlurang Asya ang pagdating ng mga misyonerong kanluranin
sa kanilang mga bansa?
A. Ang mga misyonero ay tagapagpalaganap ng bagong aklat na makakaapekto sa paniniwala ng
Kanlurang Asya
B. Ang mga misyonero ay tagapagpalaganap ng bagong teknolohiyang makakasabal sa mga
tradisyon ng Kanlurang Asya
C. Ang mga misyonero ay tagapagpalaganap ng bagong relihiyon at naaayong kultura sa nasabing
paniniwala
D. Ang mga misyonero ay tagapagpalaganap ng bagong sayaw at awiting babago sa kultura ng
Kanlurang Asya

14. Nagtayo ng mga kompanyang pangkalakalan ang mga bansang kanluranin upang higit na mapadali ang
kanilang pag-aangkat ng mga produkto. Ano ang tawag sa kompanyang pangkalakalang itinatag ng mga
Briton upang mapalawak ang kanilang imperyo?
A. British East India Company C. British West India Company
B. British North India Company D. British South India Company

15. Suriin ang larawan sa ibaba. Anong kaugalian ng mga Hindu ang ipinapakita nito?

A. Female Infanticide B. Suttee C. Rebelyong Sepoy D. Amritsar Massacre

16. Ano ang epekto ng pagpapatayo ng mga paaralan at pagpapatupad ng kanluraning sistema ng edukasyon
ng mga Briton sa Timog Asya?
A. Napataas nito ang bahagdan ng mga marunong mag-ingles
B. Napataas nito ang bahagdan ng mga marunong magtrabaho
C. Napataas nito ang bahagdan ng mga marunong magtrabaho
D. Napataas nito ang bahagdan ng mga marunong magbasa at magsulat

17. Karaniwang sapilitang pagtatrabaho ang ipinatutupad ng mga among bansansa mga bansang Asyano.
Bakit nagpatupad ang mga kanluranin ng sapilitang pagmimina sa Kanlurang Asya?
A. Upang magkaroon ng higit na maraming yamang mineral na pangkalakal
B. Upang maipakilala ang mga bagong pananim sa Timog Asya
C. Upang magkaroon ng trabaho ang mga mamamayan
D. Upang mapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lupa

18. Bakit ipinaayos ng England ang mga estadong may hidwaan, nagtatag ng maayos at sentralisadong
pamahalaan at dinala ang mga makabagong kaalaman sa teknolohiya sa India.
A. Upang higit na mapaniwala ng England ang mga Indian na sila ay naghahangad ng kapayapaan at
kaunlaran sa bansa.
B. Dahil inihahanda na ng England ang India upang palayain at magsarili.
C. Ginawa ito ng England bilang kabayaran sa ginawang pananakop sa India.
D. Upang maipalaganap ang pangunahin o pansariling interes sa kalakalan sa India.

19. Ano ang pangunahing nagtulak sa mga bansang Kanluranin na magtungo at sakupin ang mga bansa sa
Kanlurang Asya pagkatapos nitong makalaya sa kamay ng mga Turkong Ottoman?
A. Dahil sa pagnanais na mapalawak at mapalakas ang kanilang imperyo.
B. Upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa mga bansa sa rehiyon.
C. Dahil sa natuklasan o nadiskubreng mayaman na reserba ng langis.
D. Upang bawiin ang banal na lugar ng Jerusalem sa Israel.

20. Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ay nagsimula sa pamamagitan ng paghahanap ng


mga panibagong ruta ng kalakalan. Paano naman nagsimula ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo?
A. Sa pamamagitan ng kapitalismo o pamumuhunan.
B. Dahil sa pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal.
C. Sa pamamagitan ng Merkantilismo.
D. Dahil sa paligsahan ng patuloy na pagpapayaman at pagpapalakas ng mga bansa.

21. Alin sa mga sumusunod ang isa sa pinakamagandang epekto ng kolonisasyon at imperyalismo sa
Kanlurang Asya?
A. Nalinang ang mga lupain sa Kanlurang Asya
B. Dumami ang trabaho sa Kanlurang Asya
C. Umunlad ang pamumuhay sa Kanlurang Asya
D. Nagkaroon ng sistema ng edukasyon at mga paaralan sa Kanlurang Asya

22. Ano ang pinakamasamang epekto ng kolonisasyon at imperyalismo sa Kanlurang Asya?


A. Panganib sa tradisyon at kultura ng mga mamamayan sa Kanlurang Asya
B. Pang-aalipin at diskriminasyon ng mga mamamayan sa Kanlurang Asya
C. Malawakang taggutom sa Kanlurang Asya
D. Paninira sa likas na yaman ng Kanlurang Asya

23. Alin sa mga sumusunod ang isa sa pinakamagandang epekto ng kolonisasyon ng mga Briton sa Timog
Asya?
A. Nalinang ang mga lupain sa Timog Asya
B. Nagkaroon ng sistema ng edukasyon at mga paaralan sa Timog Asya
C. Dumami ang trabaho sa Timog Asya
D. Umunlad ang pamumuhay sa Timog Asya

24. Ano ang pinakamasamang epekto ng kolonisasyon ng mga Briton sa Timog Asya?
A. Panganib sa tradisyon at kultura ng mga mamamayan sa Timog Asya
B. Malawakang taggutom sa Timog Asya
C. Pang-aalipin at diskriminasyon ng mga mamamayan sa Timog Asya
D. Paninira sa likas na yaman ng Timog Asya

25. Alin sa sumusunod ang aspekto ng lipunan na hindi nakaranas ng pagbabagong dulot ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Edukasyon B. Relihiyon C. Impraestruktura D. Ekonomiya

26. Sa unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismong kanluranin ay nakaranas ang maraming bansa sa
Timog Asya ng pananakop ng mga kanluranin lalong lalo na ang India. Samantala, ang buong Kanlurang
Asya naman ay hindi pa nagagalugad at nasasakop ng mga kanluranin. Ano ang kaya ang naging dahilan
nito.
A. Dahil hindi pa tapos ang mga kanluranin na manakop ng mga bansa sa Timog Asya.
B. Dahil nasa ilalim pa ito ng pamamahala o paghahari ng mga Turkong Ottoman.
C. Dahil maliit lamang ang likas na yaman na mapapakinabangan sa rehiyon.
D. Dahil napakalawak ng disyerto sa buong rehiyon.

27. Kung ang isa sa mga ninanais ng mga kanluranin sa pagsakop sa Kanlurang Asya ay ahahil sa
nadiskubreng langis, ano naman ang pinagkainteresan ng mga ito sa Timog Asya?
A. Ginto at Pilak B. Yamang Tubig C. Rekado o mga Pampalasa D. Yamang Gubat

28. Isang damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-


bayan.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo

29. Saan nagmula ang salitang "nasyonalismo"?


A. natio B. nation C. national D. nasyon

30. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano
ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa.
C. Makisalamuha sa mga mananakop.
D. Maging laging handa sa panganib.

31. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog Asya?
A. Kalupitan ng mga Briton
B. Sepoy Mutiny at Amritsar Massacre
C. Hindi pagkilala at paggalang sa panuntunan sa pamumuhay ng mga Hindu at mga Muslim
D. Kawalan ng karapatang makapagpahayag ng saloobin at relihiyon

32. Ang mga Turkong Muslim ay nagtayo ng isang imperyo na nagging makapangyarihan sa Kanlurang Asya.
Ano ito?
A. Ottoman B. Roman C. Sassanid D. Parthian

33. Ang mga Sepoy o sundalong Indian sa hukbong kolonyal ng England sa India ay nag-alsa noong 1857.
Bakit kaya nag-alsa ang mga Sundalong Sepoy laban sa mga Ingles?
A. Dahil ninanais nila na mapalaya ang kanilang bansa sa ilalim ng England.
B. Dahil nanghimasok ang mga Ingles sa pamamahala ng kanilang bansa at maging sa kanilang
mga pamumuhay.
C. Dahil ginamitan ng mga langis o mantika na mula sa baka at baboy ang mga bagong cartridge
ng ripleng ipinagagamit sa kanila.
D. Dahil hindi makatarungan ang ginagawang pakikialam ng England sa kanilang mga
paniniwala.

34. Dahil sa kalupitan at labis na ________________, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga
Turkong Ottoman.
A. pang-aabuso B. pang-aalipin C. paniningil ng buwis D.pang-aalipusta

35. Bakit ipinatigil ng British East India Company ang produksyon ng mga produkto sa Timog Asya?
A. Upang makapagtanim ang mga mamamayan ng mabuti
B. Upang walang maging kakompetensya ang mga produktong Briton
C. Upang makapagpokus ang mga mamamayan sa pag-aaral
D. Upang walang maging sagabal sa pagsamba ng mga mamamayan

36. Si __________ ay naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangi-tanging tahimik na


pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng India ang kalayaan. Nakilala siya bilang Mahatma o “Dakilang
Kaluluwa”.
A. Ibn Saud B. Mustafa Kemal C. Ali Jinnah D. Mohandas Gandhi

37. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni
Gandhi laban sa pananakop ng Britanya?
A. Aggressive B. Defensive C. Passisve D. Radikal

38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ni Mahatma Gandhi sa kalayaang natamo
ng India?
A. Isa siyang pinuno ng mga Hindu na nanguna sa pagpanig sa mga Briton
B. Siya ay isang lider na espirituwal at pulitikal na nanguna sa pagtatamo ng kalayaan
C. Isa siyang Briton na namuno sa mga Hindu at Muslim
D. Siya ay nakipaglaban para sa kalayaan gamit ang espada

39. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles
sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa India

40. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India.


A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko.
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles.
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi.
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian.

41. Kung ang paraan ng pananakop na isinagawa sa halos buong Asya ay ang paraan ng Kolonyalismo at
Imperyalismo. Ano naman ang paraang ginamit ng mga kanluranin sa Kanlurang Asya.
A. Kapitalismo B. Resident System C. Mandate System D. Protectorate System

42. Aling mga relihiyon sa India ang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaugnay sa kasarinlan?
A. Hinduismo at Sikhismo C. Hinduismo at Islam
B. Hinduismo at Jainismo D. Budismo at Hinduismo

43. Anong bansa ang nalikha mula sa paghihiwalay ng mga Indian na Muslim at Hindu?
A. Afghanistan B. Pakistan C. Nepal D. Bangladesh

44. Ang mga bansa sa Gitnang Asya ay kilala sa buong kontinenete dahil sa kanilang pagbubuklod dahil sa
relihiyon. Anong modernong salita ang tumutukoy sa pag-iisa ng lahat ng mga bansang Arab sa Middle
East?
A.Ban – Arabism B.Pan – Arabism C.Van – Arabism D. Dan – Arabism

45. Upang higit na maging malakas laban sa mga kanluranin at mga kalabang lahi, itinatag ng mga Hudyo/Jew
ang kilusang Zionism. Ano ang pangunahing layunin ng kilusang Zionism?
A. Magtatag ng isang malayang bansa para sa mga Hudyo sa Palestine
B.Palaganapain ang Hudaismo sa Palestine at sa buong Kanlurang Asya
C.Makipag-isa sa mga Arab upang makinabang sa langis ng Kanlurang Asya
D. Makipagdigmaan laban sa mga bansang Kanluranin

46. Bakit tinutulan ng mga Arabo ang pagbalik sa Palestina ng mga Hudyo?
A. Dahil sa kanilang paniniwala C. Dahil sa isyung pulitikal
B. Dahil sa matagal na silang naninirahan doon D. Dahil sa maliit na lupain

47. Bakit naganap ang demonstrasyong tinawag na Salt March?


A. Upang hilingin ang pagtatapos ng pag-aangkat ng asin na nagpapahirap sa mga tao sa India at
paghimok sa mga Indian na gumawa na lamang ng kanilang sariling asin
B. Upang hilingin ang pagtatapos ng pagbubuwis sa nabentang asin na nagpapahirap sa mga tao
sa India at paghimok sa mga Indian na gumawa na lamang ng kanilang sariling asin
C. Upang hilingin ang pagtatapos ng paggawa ng asin na nagpapahirap sa mga tao sa India at
paghimok sa mga Indian na gumawa na lamang ng kanilang sariling asin
D. Upang hilingin ang pagtatapos ng pagbubuwis sa nabentang resin na nagpapahirap sa mga tao
sa India at paghimok sa mga Indian na gumawa na lamang ng kanilang sariling asin

48. Ano ang ibig sabihin ng Satyagraha?


A. Isang mapayapang kilusang nanghihikayat sa mga Hindu na magprotesta sa pamamagitan ng
hindi pakikipagtulungan sa mga Ingles, o hindi pagsupporta sa kanilang mga programa,
proyekto, at produkto.
B. Isang mapayapang kilusang nanghihikayat sa mga Indian na magprotesta sa pamamagitan ng
hindi pakikipagtulungan sa mga Ingles, o hindi pagsupporta sa kanilang mga programa,
proyekto, at produkto.
C. Isang mapayapang kilusang nanghihikayat sa mga Briton na magprotesta sa pamamagitan ng
hindi pakikipagtulungan sa mga Ingles, o hindi pagsupporta sa kanilang mga programa,
proyekto, at produkto.
D. Isang mapayapang kilusang nanghihikayat sa mga Muslim na magprotesta sa pamamagitan ng
hindi pakikipagtulungan sa mga Ingles, o hindi pagsupporta sa kanilang mga programa,
proyekto, at produkto.

49. Ano ang ibig sabihin ng Hartals?


A. Pagsasagawa ng pagboboykot sa mga batas na ipinapatupad ng mga korte, paaralan, serbisyo,
pamilihan, at produktong Hindu
B. Pagsasagawa ng pagboboykot sa mga batas na ipinapatupad ng mga korte, paaralan, serbisyo,
pamilihan, at produktong Muslim
C. Pagsasagawa ng pagboboykot sa mga batas na ipinapatupad ng mga korte, paaralan, serbisyo,
pamilihan, at produktong Ingles
D. Pagsasagawa ng pagboboykot sa mga batas na ipinapatupad ng mga korte, paaralan, serbisyo,
pamilihan, at produktong Sikh

50. Mahalaga ba ang nasyonalismo sa pagsusulong ng kalayaan ng isang kolonyang bansa?


A. Opo, dahil ang pagmamahal sa bansa ang nagiging inspirasyon upang isulong ang panawagan at
kilusan para sa kalayaan ng isang kolonyang bansa.
B. Hindi po, dahil hindi naman kailangan ang kalayaan hanggat maganda at maunlad ang pamamahala
ng mananakop sa kaniyang kolonya.
C. Hindi po, dahil ang kalayaan ay kusa namang ibibigay ng bansang mananakop kapag pagod na
itong pamahalaan ang kaniyang kolonya.
D. Opo, dahil ang nasyonalismo ay kabaligtaran ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

……………GOOD LUCK………………

“Kung bumagsak ka man ngayon, it doesn’t mean na WALANG FOREVER, bawi ka next time, try lang
ng try! I- review mo lang kung saan ka nagkamali para mabago mo.”

DCAPISTRANO
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa
mga pagpipilian

1. Nahahati sa dalawang dibisyon ang ekomiks. Isa na dito ay ang pag-aaral sa malaking yunit ng ekonomiya.
Ano ito?
A. Makroekonomiks B. Mikroekonomiks C. GNP D. GDP

2. Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng makroekonomiks?


A. Paggalaw ng presyo C. Pagbabago ng suplay
B. Kabuuang ekonomiya D. Sektor ng industriya

3. Ito ay naglalarawan sa isang abstract generalization o representasyon ng isang konsepto o kaganapan sa


ekonomiya
A. Pigura B. Modelo C. Konteksto D. Ilustrasyon

4. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Kita at gastusin ng pamahalaan D. Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal

5. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, paano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?


A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng
bahay-kalakal.
B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng
mga bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa
mga bahay-kalakal

6. Ang bahay-kalakal ay nagpoprodyus ng kalakal at paglilingkod. Samantala ang Sambahayan ang


nagkakaloob ng renta, sahod, at tubo .
A. TAMA ang unang pahayag, MALI ang ikalawa C. Parehong TAMA ang dalawang pahayag
B. MALI ang unang pahayag, TAMA ang ikalawa D. Parehong MALI ang dalawang pahayag

7. Ipinapakita ng ikatlong modelo ng ekonomiya ang pagkakaroon ng pamilihang pinansyal. Ano ang layunin
nito?
A. Nagbebenta ng kalakal at serbisyo
B. Bumibili ng kalakal at paglilingkod
C. Nag-iimpok ang sambahayan at nagpapautang sa bahay-kalakal
D. Kumukolekta ng buwis

8. Ang pamilihan ng dayuhang produkto naman ay nakakaapekto sa tatlong sektor sa paraang napapalawak
nito ang _______.
A. Sambahayan B. Kompanya C. Kalakalan D.Pamahalaan

9. Aling sukatang pang-ekonomiya ang tumutukoy sa produkto at serbisyong ginagawa sa loob ng bansa,
kasama ang produksyon ng mga dayuhan?
A. Gross National Product C. Net National Product
B. Gross Domestic Product D. National Income

10. Ang Gross National Product (GNP) ay isang mahalagang sukat ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa.
Ano ang pinakawastong kahulugan ng GNP?
A. Sukat ng paglago ng ekonomiya sa isang taon.
B. Halaga ng mga produkto at serbisyong nagagawa ng bansa sa loob ng isang taon.
C. Dami ng mga produkto na nagawa sa loob ng bansa sa loob ng isang taon.
D. Kabuuang halaga ng mga produkto na nagawa ng pambansang ekonomiya sa loob ng isang taon

11. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?


A. Upang maging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal.
B. Upang makabuo ng mga patakarang magpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
C. Upang makakuha ng malaking boto sa eleksiyon ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. Upang makilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagkwenta ng GNP?


A. Remittance na ipinadala ng mga imigranteng Pilipino at OFW
B. Kita ng mga dayuhang may negosyo sa bansa
C. Mga pribadong indibidwal na may sariling negosyo
D. Mga industriya sa loob ng bansa

Para sa bilang 13-15, suriin ang talahanayan at sagutin ang mga kaukulang tanong dito.
Produksyon ng mga Sektor ng Ekonomiya 2008
(sa milyong piso)
Agrikultura, pangisdaan, paggubat 1, 102, 750
Industriya 2, 349, 426
Serbisyo 3, 971, 031
Netong kita mula sa ibang bansa 827, 326

13. Batay sa talahanayan, ano ang gross domestic product (GDP) ng bansa noon 2008 sa milyong piso?
A. P 7, 423, 207 C. P 3, 971, 031
B. P 8, 250, 539 D. P 3, 452, 182

14. Batay sa talahanayan, ano ang gross national product (GNP) ng bansa noon 2008 sa milyong piso?
A. P 7, 423, 213 B. P 3, 971, 031
C. P 8, 250, 533 D. P 3, 452, 182

15. Sa paanong paraan sinukat ang pambansang kita?


A. Expenditure Approach C. Income Approach
B. Production Approach D. Value-Added/Industrial Origin Approach

16. Ang GNP ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng pagsuma sa mga gantimpala ng bawat salik ng
produksyon. Ano ang tawag sa paraang ito ng pagsukat ng GNP?
A. Paraang gastos C. Paraang produksyon
B. Paraang kita D. Paraang value-added

17. Bakit mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDI at GNI?


A. Upang malaman kung nagagampanan ng ekonomiya ang tungkulin nito.
B. Upang malaman kung may laban ang ating bansa sa iba.
C. Upang malaman kung malaki ang ibinababa ng ating ekonomiya.
D. Upang malaman kung may dapat baguhin sa patakarang pang-ekonomiya sa bansa

18. Bakit mahalaga na malaman ng pamahalaan ang halaga ng GNP ng bansa?


A. Ang GNP ay sukatan kung ang mga programa ng pamahalaan ay mabisa sa pagpapaunlad ng
kabuhayan ng mga mamamayan sa bansa.
B. Ang GNP ay sukatan kung magkano ang halaga ng buwis na makukuha ng pamahalaan mula sa
mga mamamayan at negosyo.
C. Ang GNP ay sukatan kung tataas ba o bababa ang presyo ng mga bilihin sa hinaharap.
D. Ang GNP ay sukatan kung lumaki o lumiit ang kita ng mga kompanya o negosyante sa bansa.

19. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay 25,000.00 at ang kanyang kabuuang gastos ay 21,000.00, magkano
ang maaring ilaan ni Jonas para sa pag-iimpok?
A. 1,000.00 B. 2,000.00 C. 3,000.00 D. 4,000.00

20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok sa mga konsyumer?


A. Paglagak ng pera sa bangko C. Pagkuha ng educational plan
B. Pagbili ng bagong damit D. Pagbili ng mga kalakal na installment

21. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pamumuhunan?


A. Paglagak ng pera sa bangko.
B. Pagbili ng kalakal na second hand
C. Pagbili ng produktong makapagpapataas ng produksyon.
D. Pag-utang sa bangko.

22. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa halos lahat ng pamilihan sa
bansa.
A. Implasyon B. Deplasyon C. Debalwasyon D. Depresasyon
23. Paano nangyayari ang implasyon?
A. Pagbaba ng presyo ng mga produktong angkat mula sa ibang bansa
B. Pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar
C. Pagbaba ng suplay ng salapi, kita at demand kaysa produksyon
D. Pagbaba ng presyo ng mga produktong angkat mula sa ibang bansa

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI palatandaan ng implasyon?


A. Oras-oras, araw-araw at lingo-linggo ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng bilihin
B. Pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin
C. Mataas ang presyo ng mga pangunahing produkto sa pamilihan
D. Kaunting produkto lamang ang mabibili ng salapi

25. Ang pagnanais ng mga sektor na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa kayang
isuplay o iprodyus ng pamilihan ay magdudulot ng anong uri ng implasyon?
A. Structural Pull B. Demand Pull C. Cost Push D. Structural Inflation

26. Isang uri ng Implasyon kung saan ang sanhi ng pagtaas ng mga bilihin ay ang pagtaas ng gastusin sa
produksiyon para magawa ang isang produkto?
A. Demand Pull B. Structural Inflation C. Cost Push D. Demand Push

27. Nagaganap ang __________ kung nag average na presyo ay tumatas nang higit sa 50% bawat buwan.
A. Low Inflation B.Galloping Inflation C. Hyperinflation D. Stag Inflation

28. Alin sa mga sumusunod ang pinakamasamang epekto ng implasyon?


A. Bababa ang demand ng kalakal
B. Mas liliit ang kakayahan ng dolyar laban sa piso.
C. Boluntaryong pagtanggi sa pagbili ng produktong mataas ang halaga.
D. Paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa.

29. Bakit sa kabila ng hindi magagandang epekto ng implasyon ay maganda pa rin ang pagtingin dito ng mga
ekonomista?
A. Maraming negosyante ang naaakit mamuhunan sa bansa
B. Mababa ang halaga ng utang kaya maaaring umutang nang malaki sa bangko
C. Mataas ang produksiyon ng produkto at serbisyo kaya masigla ang ekonomiya
D. Nababawasan ang gastusin ng pamahaaan

30. Kapag may implasyon, alin sa mga sumusunod ang higit na nahihirapan?
A. Mga Eksporter C. Mga may takdang kita
B. Mga Minero D. Mga Speculator

31. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga karaniwang mamamayan para makasabay sa implasyon?
A. Pagbii ng mga lokal na produkto
B. Pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan
C. Pagpapatupad ng Tight Money Policy
D. Paghuli at pagparusa sa mga negosyanteng gumagawa ng hoarding ng mga produkto

32. Paano malulutas ang demand-pull inflation?


A. Pagbibigay pansin sa produktibidad C. Pagbubukas ng karagdagang trabaho
B. Pagpapautang na may mababang interes D. Pagkontrol sa supply ng salapi

33. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?


A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo C. Bumili lamang kung kilala at suki
B. Bumili lamang sa mga supermarket D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan

34. Ikaw ay may buwanang tiyak sa sweldo, ano ang iyong gagawin kung nakakaranas ngayon ng inflation
A. Ipangnegosyo ang pera C. Unahin ang gusto
B. Bawasan ang pagkonsumo D. Wala

35. Kung ikaw ay may karinderya at napansin mo na tumaas ang presyo ng iyong mga sangkap sa pagluluto,
ano ang iyong gagawin sa iyong negosyo?
A. Titigil sa pagtitinda C. Magdadagdag sa presyo
B. Ibibigay ng mura ang bilihin D. Lilipat ng pwesto

36. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng pagbubuwis at paggastos ng pamahalaan upang mapatatag ang
ekonomiya ng bansa?
A. Patakarang Piskal C. Patakarang Pananalapi
B. Patakarang Politikal D. Patakaran sa Kita
37. Ano ang pinakamalaking pinagmumulan ng pondo ng pamahalaan?
A. Pangungutang sa ibang bansa. C. Donasyon ng mga pribadong korporasyon.
B. Koleksyon ng buwis. D. Pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan

38. Ano ang tawag sa antas ng pagbubuwis kung saan tumataas ang buwis habang tumataas din ang halaga
ng binubuwisan?
A. progresibong buwis B. direktang buwis C. regresibong buwis D. di-direktang buwis

39. Bakit kailangang maipasa ng kongreso ang panukalang pambansang badyet bago o hanggang October 20
kada taon?
A. Walang badyet para sa susunod na taon
B. Kailangang gumawa ng panibagong panukalang badyet
C. Ang kasalukuyang naipasang badyet ang susundin na badyet para sa susunod na taon
D. Kailangang magpasa ng panibagong badyet ang kongreso

40. Malaki ang papel ng pondo sa pambansang ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gamit ng
pondo sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya?
A. Pambayad sa mga salik ng produksyon C. Pampagawa ng mga kalsada at tulay.
B. Pambili ng karagdagang capital D. Pang-abuloy sa mga namatayan

Para sa bilang 41-43, suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga kaukulang tanong dito.

Budget Allocation Million of Pesos %


Department of Education 207, 300 30.86
Department Public Works & Highways 110, 600 16.46
Department of National Defense 104, 700 15.58
Department of Interior & Local Government 88, 200 13.13
Department of Agriculture 37, 700 5.61
Department of Social Welfare & Development 34, 300 5.11
Department of Health 33, 300 4.96
Department of Transportation & Communications 32, 300 4.81
State Universities & Colleges 23, 400 3.48

41. Batay sa talahanayan, ano ang may pinakamalaking laang badyet?


A. DepEd B. DPWH C.DILG D. DOH

42. Aling kagawaran ang pumapangalawa sa may pinakamaliit na badyet?


A. DOH B. DA C. DSWD D. DOTC

43. Ano ang katotohanan tungkol sa proposed na badyet batay sa talahanayan?


A. Binibigyan ng pinakamalaking badyet ang mga SUC
B. Pinapahalagahan ang edukasyon ng bansa
C. Katamtamang buwis ang ibinabayad ng pamahalaan sa World Bank
D. May pantay-pantay na halaga ang ipinondo na badyet sa lahat ng kagawaran sa bansa.

44. Dulot ng lumalaking populasyon ng bansa, aling sector ang higit na dapat pag-ukuloan ng pamahalaan?
A. Serbisyong Panlipunan C. Pambayad Utang
B. Pambansang Tanggulan D. Net Lending

Para sa bilang 45-48, kompyutin ang tax with held ng mga sumusunod.

45.Si Ryan ay kumikita ng P222,588 kada taon. Siya ay binata.


A. P30, 647 B.P22,500 C.P8,147 D.P1, 000

46.Kumikita ng 150,000 kada buwan si James Yap bilang player sa PBA. Ang kanyang anak na si Bimby ay
dependent ni Kris Aquino.
A.P1, 750, 000 B. P400,000 C. P525, 0000 D.P125,000

47. Kung ang isang dalagang manggagawa ay kumikita ng P125, 000 sa isang taon, magkano ang buwis sa
personal na kita na dapat niyang bayaran?
A.P75, 000 B.P 1,000 C.P 5, 000 D.P9, 5000

48. Ang isang mag-asawa ay may dalawang anak na may edad na tatlo at apat na taon. Ipagpalagay na ang
lalaki ang aako ng exemption sa kanilang anak. Kung ang taunanag suweldo ay P350, 000, magkano ang
buwis sa kita na dapat niyang bayaran?
A. P50, 000 B. P60, 000 C. P70, 000 D. P80, 000
49. Bakit tungkulin ng mga mamamayan at ng mga negosyante ang pagbabayad g buwis sa pamahalaan?
A. Ang halagang kinokolekta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan at mga negosyo ay
ginagamit sa pagbibigay ng mga serbisyo publika sa mga dayuhan
B. Ang halagang kinokolekta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan at mga negosyo ay
ginagamit sa pagbibigay ng mga pabuya sa mga mamamayan
C. Ang halagang kinokolekta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan at mga negosyo ay
ginagamit sa paghingi ng mga serbisyo publika sa mga mamamayan
D. Ang halagang kinokolekta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan at mga negosyo ay
ginagamit sa pagbibigay ng mga serbisyo publika sa mga mamamayan

50. Bakit hinihikayat ang mga mamamayan na magbayad nang tama at wastong buwis?
A. Upang ipamahagi sa mga opisyal ng pamahalaan
B. Upang may magastos ang Pangulo sa kaniyang pagliliwaliw sa ibang bansa
C. Upang matugunan ang mga proyektong panlipunan
D. Upang mabigyan ng pera ang mahihirap

…………. GOOD LUCK ………………….

“Kapag magaling mangopya at magaling magtago, tiyak playboy/playgirl!”

DCAPISTRANO

You might also like