You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Leyte Normal University


College of Education
INTEGRATED LABORATORY SCHOOL
Tacloban City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

1. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pamahalaan ng Dinastiyang Shang, Chou, at


Chin?

a. Monarkiya b. Tiyokrasya
c. Aristokrasya d. Demokrasya

2. Ang mga sumusunod ay kontribusyon ng Dinastiyang Shang, maliban sa:

a. Calligraphy at Pictography b. Agrikultura


c. Paggamit ng Tanso d. Gulong

3. Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Chin?

a. Digmaang Sibil
b. Madalas na pananalakay ng mga barbarong nakatira sa Hilagang Asya
c. Striktong pamumuno, pagpanaw ni Shih Huang Di, sapilitang
pagtatrabaho at mataas na singil ng buwis
d. Pagiging ganid ng hari kung kaya hindi sila nakapaghanda sa paglusob ng
mga Hapon

4. Anong relihiyon ang naging dominante sa Dinastiyang Sui?

a. Confucianism b. Budismo
c. Hinduismo d. Judaismo

5. Tanyag na estruktura sa Tsina na nagsilbing tanggulan at depensa laban sa mga


nomadikong mananakop mula sa labas ng kaharian.
a. Great Wall of China b. Grand Canal
c. Forbidden City d. Sungnye-mun

6. Ang mga sumusunod ay kabilang sa sistema ng piyudalismo sa Hapon, MALIBAN


sa.
a. Shogun b. Bushido
c. Daimyo d. Samurai

7. Sa paanong paraan bumagsak ang Dinastiyang Shilla ng Korea?

a. Digmaang Sibil
b. Pananakop ng mga karatig lugar
c. Pag-alsa ng rebelyon laban sa dinastiya
d. Korapsiyon at hindi organisadong pamamahala

8. Ano ang tawag sa taong nasa pinakamataas na antas sa hirarkiya ng Dinastiyang


Goryeo at Joseon o Yi?

a. Emperador b. Shogun c. Maharlika d. Hari

9. Ano-ano ang naging kontribusyon ng mga Hapon matapos ang pananakop sa


Korea?

a. Mga mahahalagang kaisipang pilosopikal at Agham


b. Istilo ng pagsusulat, paggawa ng maraming libro gamit ang movable metal type
printing at produktong telang seda
c. Pagsusulit sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan, pinaigting na kalakalan at mga
proyektong pang-emprastraktura.
d. Budismo, paggawa ng batas, mga relihiyosong katuruan, at stilo ng
pagtatayo ng mga estruktura.

10. Anong uri ng relihiyon at kultura mayroon ang Dinastiyang Joseon o Yi?

a. Confucianismo b. Hinduism
c. Taoismo d. Budismo

11. Ano ang dalawang relihiyon na umusbong sa Timog-Silangang Asya dulot ng


kalakalan at pandarayuhan?

a. Budismo at Islam b. Hinduismo at Budismo


c. Kristyanismo at Hinduismo d.Hinduismo at Islam

12. Ano ang ang naging sentro o kabisera ng Imperyong Srivijaya?

a. Palembang b. Angkor c. Java d. Jakarta


13. Sa paanong paraan napanatili ng Imperyong Khmer ang kanilang suplay ng tubig?

a. Pagpatayo ng baray o imbakan ng tubig


b. Pagkuha ng suplay ng tubig sa karatig na imperyo
c. Sa pamamagitan ng mga ilog na nakapalibot sa imperyo
d. Paghikayat sa mga mamamayan na mag-imbak ng tubig

14. Sino ang haring namuno at nagpalawak sa Kahariang Pagan?

a. Haring Anarwata b. Haring Hayam Wuruk


c. Haring Ramathibodi d. Haring Phya Taksin

15. Bakit tinawag na melting pot ang Timog-Silangang Asya?

a. Dahil sa pag usbong ng iba't-ibang kultura dulot ng kalakalan at


pandarayuhan
b. Dahil sa mga naggagandahang mga templo na itinayo ng mga imperyo
c. Naging masagana at maunlad ang mga kaharian dahil sa kalakalan
d. Naging sentro ito ng kalakalan ng mga sinaunang kabihasnan

16. Ano ang Imperyong nagbigay ng kalayaan sa mga kababaihan upang makilahok sa
mga gawaing pang kalakalan at pamahalaan?

a. Imperyong Khmer
b. Imperyong Ayutthaya
c. Imperyong Srivijaya
d. Imperyong Majapahit

17. Ano ang kahalagahan ng Kipot ng Malacca sa Imperyong Srivijaya at Malacca?

a. Ito ay nagsilbing daungan ng mga barko galing Europa.


b. Ito nagbigay daan sa mga Indian at Tsino na manatili sa Srivijaya at Malacca.
c. Ito ang naging sentro ng kalakalan at pandarayuhan sa Imperyong Srivijaya at
Malacca.
d. Ito ay naging daanan ng mga barkong pangkalakal galing India at Tsina
papuntang Srivijaya at Malacca.

18. Bakit tinawag na “shining” at “radiant” ang Imperyong Srivijaya?


a. dahil dito umusbong ang unang sibilisasyon
b. dahil sa masagana at maunlad nitong ekonomiya at kultura
c. dahil dito naitayo ang iba’t-ibang templo ng Budismo at Hinduismo
d. dahil ito ang pinakamakapangyarihan na imperyo sa Timog-Silangang Asya

19. Sa anong kaharian matatagpuan ang tanyag na Borobudur?

a. Kahariang Sailendra b. Kaharian ng Funan


c. Kahariang Champa d. Imperyong Ayutthaya

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangunahing hanap-buhay ng mga
sinaunang kabihasnan sa Timog-silangang Asya?

a. pagsasaka
b. pangingisda
c. pandarayuhan
d. pakikipag-kalakalan

21. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Rebolusyong Industriyal?

a. Celadon
b. Telang seda
c. Bangkang Junk
d. Mga riles ng tren

22. Anong uri ng pananakop ang tumutukoy sa hindi direktang pamumuno ng mga
mananakop sa isang teritoryo?

a. Kolonya
b. Concession
a. Protectorate
b. Sphere of influence

23. Alin sa mga sumusunod na siyudad ang hindi sakop sa sphere of influence ng
Tsina?
a. Macau
b. Bejieng
c. Shanghai
d. Hongkong
24. Sinong mga mamamayan ang nagkaroon ng kaugnayan at nakapunta sa Kanlurang
Asya?

a. Tsina
b. Indiano
c. Europeo
d. Amerikano

25. Sinong manlalakbay at mangangalakal ang nahikayat na libutin ang Kanlurang


Asya?

a. Marco Polo
b. Vasco da Gama
c. Henry the Navigator
d. Ferdinand Magellan

26. Anong karagatan ang naging daan ng mga taga Europeo upang makapunta sa
Asya?

a. Indiana
b. Pasipiko
c. Atlantika
d. Antarktika

27. Ano ang tawag sa pagsisikap ng mga Europeo na mabawi mula sa Muslim ang
banal na lungsod ng Jerusalem?

a. Krusada
b. Kalakalan
c. Kolonismo
d. Prusisyon

28. Paano nakatulong ang printing press sa paglaki ng interes ng Europa na marating
ang Asya?

a. Mas lumawak ang kaalaman ng mga Europeo tungkol sa Asya.


b. Mas naging tanyag sa mga Europeo ang kultura ng mga Asyano.
c. Napaunlad nito ang kaalaman ng mga Asyano tungkol sa Europa
d. Napabilis nito ang pag-imprimpta ng libro ni Marco Polo na “The Travels of
Marco Polo” na nagpalawak sa kaalaman ng mga Europeo tungkol sa
yaman ng Asya.

29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa malalaking rutang pangkalakalan
mula sa Timog, Silangan, at Timog- Silangang Asya?

a. Silk Road
b. Indian Ocean
c. Pacific Ocean
d. Indian Ocean Trade Network

30. Bakit pinagdugtong- dugtong ng imperyong Mongol ang kanilang


mga nasasakupan?

a. Mapalawak ang kanilang relihiyon


b. Mapalakas ang kanilang sandatahan
c. Mapabilis ang transportasyon at komunikasyon
d. Mapaunlad ang kanilang nasasakupang lupain

31. Bukod sa nagsilbi ang mga bansa sa Asya bilang pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales ng mga bansang imperyalista, ang mga ito rin ay naging____________.

a. Modelo ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya


b. Katuwang nila sa pagpapalaganap ng taglay na kultura
c. Pamilihang bagsakan ng kanilang mga produktong industriyal
d. Pinagmumulan ng mga taong magpapatakbo ng kanilang industriya

32. Ginamit ng mga Europeo ang iba’t ibang paraan upang mapasailalim sa kanilang
kapangyarihan ang politika at ekonomiya ng mahihinang bansang Asyano. Ano ang
epekto nito?

a. Umunlad ang mga bansang nasakop


b. Lumawak ang kapangyarihan ng mga Europeo
c. Niyakap ng mga Kanluranin ang kulturang katutubo
d. Nalinang ang yamang-likas ng mga bansang Asyano

33. Nanguna ang mga bansang Europeo sa paggalugad at pagtuklas noong ika-15 na
siglo. Ano ang naging epekto ng eksplorasyon sa kanila?
a. Napabayaan ng mga bansang Kanluranin ang kapakanan ng sariling bansa.
b. Naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europa
c. Lumakas ang militarism ng mga bansang Kanluranin.
d. Nag-alsa ang mga bansa sa Asya

34. Ang mga sumusunod ay napatunayan sa ekspedisyon ni Magellan, MALIBAN sa


isa.

a. Pinatunayan na bilog ang mundo


b. Natuklasan na may iba pang kontinente tulad ng Amerika
c. Nalaman na hindi nakadikit sa kontinente ng Asya ang Amerika
d. Napatunayan na lupa ang bumubuo sa malaking bahagi ng daigdig

35. Ano ang ipinahihiwatig ng kaisipang “White Man’s Burden”?

a. Ang mga bansang nasakop ay mahina.


b. Ang mga bansa sa Asya ay hindi sibilisado at walang alam.
c. Binigyang-katwiran ang mga Kanluranin na makapanakop sa Asya.
d. Ang kanilang paniniwala na ang mga Kanluranin ay ang susi na magtuturo at
tutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya.

36. Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pananakop ng isang bansang malakas sa


bansang mahina upang mapasailalim ito sa politikal at ekonomiko. Samantalang
ang imperyalismo naman ay_______________.

a. Paglikha ng mga makabagong armas at taktika upang katakutan ng buong


mundo.
b. Pananatili ng isang grupo ng mga makapangyarihang tao sa pamamahala ng mga
bansa.
c. Pagtatatag ng magandang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang lumawaka
ang alyansa nito.
d. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa upang maging pandaigdigan ang
kapangyarihan nito.

37. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na


magtungo sa Asya, MALIBAN sa isa.

a. Ang paghahangad na makatuklas ng bagong ruta sa Asya nang sarhan ng mga


Turkong Muslim ang mga daanan patungong Asya.
b. Ang aklat ni Marco Polo na naglalarawan ng magandang kabihasnan ng China at
iba’t ibang lugar sa Asya.
c. Ang layunin na makahanap ng lugar na mapagkukunan ng maraming alipin.
d. Ang mga imbensyon ng Kanluranin na mga gamit sa paglalakbay sa dagat.

38. Sa paanong paraan nakatulong sa pamumuhay ng mga tao ang panahon ng


pagtuklas?

a. Napaunlad ang kalakalan.


b. Nagsara ng mga ibang ruta.
c. Natuklasan ang maraming lupain.
d. Nagtatag ng negosyo ang mga dayuhan.

39. Bakit tinawag na “bigong tagumpay” ang mga krusada na naganap mula 1096
hanggang 1273?

a. Ang misyon ng kilusan ay hindi natamo ngunit nagpasigla sa ugnayan at


kalakalan ng Asya at Europa.
b. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Europeo na gumalugad at makatuklas ng
mga lupain.
c. Maraming adbenturero ang nakipagsapalaran sa Asya at doon namalagi.
d. Nakarating ang mga kasapi ng krusada sa ibang lugar at yumaman.

40. Bakit ninais ng mga Kanluraning mananakop na magtatag ng kolonya sa Asya?

a. Makapagtatag ng mga pamayanan sa ibayong dagat.


b. Makakuha ng mga manggagawa para sa kanilang plantasyon.
c. May mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap at tagabili ng kanilang yaring
produkto.
d. Mapalawak ang kanilang kapangyarihan at makakuha ng mga hilaw na
sangkap para mapayaman ang kanilang produksiyon.

41. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon ng Asya?

a. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.


b. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
c. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
d. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga
Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
42. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto
sa mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop
ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?

a. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na


nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa
panahon ng pananakop ng mga Kanluranin.
c. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga
produktong Kanluranin.
d. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang
katutubo at Dayuhan.

43. Ito ang patakaran na nagmula sa mga Espanyol na kung saan ang mga Pilipino ay
sapilitang pinagtatrabaho sa pamahalaan.

a. Polo y servicio b. Polistas


c. Polo di servicio d. Polo in servicio

44. Ano ang ginawa ng mga Europeo pagkatapos nilang pag away-awayin ang mga
rajah o pinuno ng mga probinsya ng India?

a. Nakisali rin sila sa away ng mga rajah.


b. Nagsilbing tagapayo sa mga rajah upang patindihin ang away sa pagitan ng mga
ito.
c. Tumulong sa pagsusuplay ng armas at pagpapadala ng sepoy o militar na
Indian.
d. Nagmungkahi na tigilan na ang away dahil wala naman itong mabuting
maidudulot.

45. Bakit naganap ang Rebelyong Sepoy?

a. Sapilitan silang lumaban sa Unang Digmaang Pandaigdig.


b. Hindi binayaran nang sapat ng pamahalaan ang mga Sepoy.
c. Ginamit ang mantika ng baka at baboy sa paglalangis ng mga sandata.
d. Ipinadadala ang mga Sepoy sa ibang lugar at bihira sa kanila ang nakababalik.
46. Ano ang pinaniniwalaan ni Ram Mohun Roy?

a. Dapat na tularan ng mga Europeo ang kulturang Indian.


b. Hindi dapat mahaluan ng liberal na mga ideya ang tradisyon ng mga Indian.
c. Kunin ang magagandang ideyang liberal ngunit panatilihin ang tradisyong
Indian.
d. Dapat ng baguhin ng India ang kanyang tradisyon at tuluyang yakapin ang
liberalismo upang makasabay sa nagbabagong panahon.

47. Sa tradisyon ng India, ang balong babae ay kinakailangang tumalon sa nasusunog


na katawan ng kanyang patay na asawa upang magkasama silang tatawid sa
kabilang buhay. Ang tradisyon na ito ay tinatawag na?

a. Sati
b. Dula
c. Sepoy
d. Child marriage

48. Bakit hinayaan ng mga Ingles na gamitin ng mga Indian ang mga sistema ng
edukasyon sa Britanya?

a. Dahil gusto ng mga Ingles ng edukadong kolonya.


b. Dahil priyoridad ng mga Ingles ang edukasyon sa kanilang mga kolonya.
c. Upang maipadala ang mga Indian sa Britanya at doon magpakadalubhasa.
d. Upang magkaunawaan ang dalawang lahi lalo na sa mga transaksiyon sa
ekonomiya at pamahalaan.

49. Ito ginawa ng Britanya upang bigyang proteksiyon ang mga kolonya nito sa Asya
mula sa digmaan.

a. Pinag-away-away nila ang mga rajah ng probinsiya ng India.


b. Ipinadala ang mga sepoy sa iba’t ibang kolonya ng Britanya.
c. Nagpadala ang Britanya ng sarili nilang militar sa mga kolonya nito sa Asya.
d. Nagsuplay ang Britanya ng mga kagamitang armas sa kanilang mga kolonya.

50. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit ginustong sakupin ng Europa ang
India. MALIBAN sa isa.

a. Gusto nilang hingin ang trade rights mula sa mga Indian.


b. Hindi sila nakuntento sa pakikipagkalakalan sa mga Indian.
c. Upang palawakin ang impluwensya ng Kristiyanismo sa Asya.
d. Dahil higit na malaki ang kanilang kikitain kung makokontrol nila ang mayaman
nitong produksiyon.

You might also like