You are on page 1of 5

Quarter 3

SUMMATIVE TEST 2
WEEK 1-2
ARALING PANLIPUNAN 7
Name: ________________________________________ LRN: _________________________
Teacher: ______________________________________ Section: ______________________
Score: _________
MELC/S: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin
sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat item o aytem at isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

A. Ang mga salita o grupo ng mga salita na nasa kahon ay mga dahilan ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya sa unang yugto. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot na naglalarawan sa
bawat bilang.

A. Krusada
B. Merkantilismo
C. Pagbagsak ng Constantinople
D. Pagbagsak ni Marco Polo
E. Renaissance

_____ 1. Ito ay kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na
lugar.
_____2. Ito ang pamagat ng aklat na inilimbag ng isang isang adbenturerong mangangalakal na taga -
Venice kung saan inilahad niya rito ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa mga
bansang Asyano na kaniyang napuntahan lalo na sa China, na inilalarawan ang karangyaan at
kayamanan nito.
_____ 3. Ito ay isang kilusang pilosopikal na makasining na nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350
kung saan binigyang - diin dito ang pagbabalik interes sa mga kaalamang sa Greece at Rome.
_____ 4. Ang pangyayaring ito ang nagbigay- daan sa mga Turkong Muslim upang ganap na makontrol ang
mga ruta ng kalakalan mula sa Europe patungong Silangan.
_____ 5. Ito ay prinsipyong pang- ekonomiya na umiral sa Europe kung saan ang naging batayan ng
kayamanan at kapangyarihan ay ang pagkakaroon ng maraming ginto at pilak.

B. Sa mga sumusunod na bilang ay matutunghayan mo ang iba’t- ibang paraan ng kolonyalismo at


imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya sa unang yugto. Tukuyin kung anong Kanluraning bansa ang
nagsagawa ng mga paraan para makasakop ng partikular na lupain. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_____6. Pagtatag ng sentro ng kalakalan at pagpapalaganap ng Kristiyanismong Katolisismo sa India
A. Portugal C. France
B. England D. Netherlands
_____7. Ginawang protectorate ang Bahrain
A. Portugal C. France
B. Spain D. Great Britain

C. Ang mga salita na nasa loob ng kahon ay mga epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya sa iba’t-
ibang aspekto. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.

A. Ekonomiya
B. Pulitika
C. Sosyo- kultural

_____8. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong
Kanluranin.
_____9. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
_____10. Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
More downloads: https://www.depedtrends.com
_____11. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang
ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
_____12. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
_____13. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga
bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang
mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng
pananakop ng mga Kanluranin.
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong
Kanluranin.
_____14. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa.
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong
mamamayan.
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng
pamahalaan.
D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.
_____15. Ang sumusunod na mga dahilan ang nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya,
MALIBAN SA
A. Ang Paglalakbay ni Marco Polo C. Ang Imperyalismo
B. Ang Pagbagsak ng Constantinople D. Ang Merkantilismo
_____16. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang
paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan,
paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan ang konseptong
tinutukoy ay
A. Patriotismo C. Nasyonalismo
B. Kolonyalismo D. Neokolonyalismo
_____17.Maraming pagbabago ang naganap sa mga bansang napasailalim sa kapangyarihang kanluranin.
Suriin ang tsart sa ibaba na nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo sa isang bansa. Sa iyong palagay,
anong aspeto ang nagbago na ipinapakita ng tsart?

A. edukasyon C. lipunan
B. kabuhayan D. pulitika
_____18. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito
ay ang pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang
More downloads: https://www.depedtrends.com
Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga
Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na
suliranin?
A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano.
B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya.
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan.
D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa.
_____19. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at
imperyalismong Kanluranin. May mga gumamit ng civil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya,
pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng mga dayuhan at pagtatag ng mga makabayang samahan upang
ipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan
sa kasalukuyang panahon?
A. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad.
B. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
C. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan.
D. Magtayo ng samahan upang pagbayarin ang mga Kanluranin sa kanilang kasalanan.
_____20. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan ano ang
dapat na isasaisip sa pagsusulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan.
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya.
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan.
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran.
_____21. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng
pamahalaang Ingles ng kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at
pangalagaan ang interes nito sa ibayong dagat?
A. Dutch East India Company C. Portuges East India Company
B. British East India Company D. French East India Company
_____22. Anong mga bansang Kanluranin ang nanguna sa paghahanap ng ruta sa paggalugad at
pagtuklas sa mga bansang Asyano?
A. Brazil at England C. France at Netherlands
B. India at Britain D. Portugal at Spain
_____23. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas
malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang
isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon?
A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng
kaalyansa.
_____24. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya.
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa.
C. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market.
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa.
_____25. Isa sa mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin ay ang pagbabago sa
kalagayang pangekonomiya ng mga Asyano. Bagama’t may ilang bansang umunlad, karmihan sa mga
bansang Asyano na nasakop ng mga dayuhan ay hindi pa rin ganap na maunlad sa kasalukuyan. Ano ang
nararapat na gawin ng mga nasakop na bansa kung sakaling muling makipag-ugnayan sa kanila ang mga
dating mananakop na dayuhan?
A. Tanggihan ang mga dayuhang bansa na naghahangad na makipagkalakalan.
B. Tukuyin lamang ang mga lugar kung saan maaaring makipagkalakalan ang mga dayuhan na
dating mananakop ng bansa.
C. Talikuran ang hindi magandang karanasan sa mga dayuhan subalit itigil na ang
pakikipag-ugnayan sa kanila .
D. Tanggapin ang kanilang pagnanais na pakikipagtulungan at pakikipagkalakalan.
_____26. Ano-anong mga bansang Kanluranin ang nakarating sa bansang India?
A. Portugal, England at France C. Britain, France at England
More downloads: https://www.depedtrends.com
B. France, England at Netherlands D. Portugal, Britain at France
_____27. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang
magprisinta ng mga aral sa kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at
kung paano ito mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alin ang mas angkop na gamitin sa isang video
conferencing.
A. Multimedia presentation at pagtalakay
B. Pagkukuwento at pagtatanong
C. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
D. Debate at pag-uutos ng dapat gawin
_____28. Sa anong taon naitatag ni Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut, India?
A. 1580 C. 1502
B.1505 D. 1510
_____29. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies. Anong bansa ito sa kasalukuyan?
A. India C. Muscat
B. Oman D. Indonesia
_____30. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang pulitika ng bansa sa
pamumuno ng British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng
India. Maging ang pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles. Sa ganitong pangyayari,
napilitan ang mga manggagawang Hindu na magaral ng Ingles upang mapaunlad ang sariling kakayahan
sa paghahanapbuhay. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.
B. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang Hindu.
C. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayanng mga Hindu.
D. Ang pananakop ng mga kanluranin ay nagdulot ng kaguluhan sa pamumuno ng mga Hindu.

II.Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita na nasa Hanay A. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A B
_____1. Kolonyalismo A. damdaming makabayan na maipapakita sa pamamagitan ng matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa inang bayan
_____2. Imperyalismo B. isang sistemang pang- ekonomiya na lumaganap sa Europa na
naghahangad ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan
at kapangyarihan ng bansa
_____3. Krusada C. tumutukoy sa panahon ng kasaysayan mula 1350 hanggang 1600 AD
na ang pangunahing katangian ay ang muling pagkapukaw ng interes
sa mga klasikal na kultura ng Greece at Rome
_____4. Renaissance D. isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad na palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad
ng mga paglaban o kontrol na pangkabuhayan at pampulitika sa
ibang mga bansa
_____5. Merkantilismo E. tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito at makuha rito ang iba pang
pangangailangan ng mangongolonya
F. isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga kristiyanong hari
upang bawiin ang banal na lugar

ANSWER KEY
I.
More downloads: https://www.depedtrends.com
1. A
2. D
3. E
4. C
5. B
6. B
7. C
8. A
9. C
10. B
11. A
12. D
13. B
14. A
15. C
16. C
17. B
18. D
19. A
20. A
21. B
22. D
23. C
24. B
25. D
26. A
27. A
28. C
29. D
30. B
II.
1. E
2. D
3. F
4. C
5. B

More downloads: https://www.depedtrends.com

You might also like