You are on page 1of 5

NDC-TAGUM FOUNDATION INCORPORATED

Apokon Road, Tagum City


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 8

PANGALAN:_______________________________________ PETSA:_________________

GRADO & SEKSYON:_______________________________ ISKOR:_________________

Pangkalahatang Panuto: ( MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA )


I. Bilugan ang titik ng PINAKATAMANG sagot.

1. Lahat mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga Bourgeoisie ay totoo maliban sa:
a. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian.
b. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri.
c. Nagsimula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod.
d. Nakatulong sila sa pagbubunsod ng rebolusyong pampolitika at pang-ekonomiya.
2. Ano ang pinagkaiba ng pamumuhay ng Bourgeoisie sa pamumuhay ng Aristokrasya? Hindi
katulad ng Aristokrasya..
a. Ang daigdig ng Bourgeoisie ay nakapaloob sa manor at simbahan.
b. Ang mga Bourgeoisie ay hindi nakatali sa mga panginoong may-lupa.
c. Ang yaman ng mga Bourgeoisie ay nanggagaling sa lupa.
d. Ang mga Bourgeoisie ay hindi nakikisangkot sa kalakalan.
3. Ang lakas ng Bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa nila sa ____ laban sa
landlord.
a. Hari b. Kabalyero c. Vandal d. Vassal
4. Alin ang hindi kabilang sa mga propesyon ng mga Bourgeoisie.
a. Banker b. Shipowner c. Landlord d. Wala sa nabanggit
5. Alin ang naglalarawan sa sistemang merkantilismo?
a. Nakatuon ito sap ag-iipon ng mga hilaw na materyalis.
b. Mas binibigyang-diin nito ang pagluluwas kaysa pag-aangkat ng produkto.
c. Hindi ito nasisiyahan sa angking dami ng ginto at pilak.
d. Titik A at B
6. Ang mga sumusunod ay katangian ng nation-state maliban sa..
a. Ito ay pinananahanan ng mamamayan na may iisang wika, kultura, relihiyon at kasaysayan.
b. Ito ay may tikyak na teritoryo.
c. Ito ay may sentralisadong pamahalaan.
d. Wala itong hukbo ng propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
7. Inilahad niya ang Heliocentric theory.
a. Copernicus b. Newton c. Machiavelli d. Galilei
8. Ipinaliwanag niya kung bakit bumabalik sa lupa ang lahat ng inihagis paitaas.
a. Copernicus b. Newton c. Machiavelli d. Galilei
9. Ayon kay Nicollo Machiavelli, “The end justifies the means”. Ito ay nangangahulugang..
a. Ang pamamaraan at bunga ng isang layunin ay parehong mahalaga.
b. Ang pamamaraan upang matupad ang isang layunin ay kailangang mabuti at hindi
nakasasakit.
c. Ang mabuting bunga ay higit na mahalaga, gaano man kahigpit o kasaklap ang pamamarang
ginamit.
d. Higit na mahalaga ang ginamit na pamamaraan kaysa ang nagging bunga nito.
10. Bakit may mga nagsasabi na ang Renaissance ay hindi indikasyon ng pagwawakas ng Middle
Age?
a. Dahil hindi naman talaga nagwakas ang Middle Age.
b. Dahil hindi naman talaga isang mahalagang pangyayari ang Renaissance, at ang pagtatapos ng
Middle Age ay nagsimula nang bumagsak ang Banal na Imperyo ng Rome.
c. Dahil hindi lahat ng mga sinasabing mahahalagang pangyayari sa Renaissance ay sabay-sabay
o magkakasunod na nangyari sa loob ng iisang panahon.
11. Ang kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan noong 1400-1700 na humantong sa pagkakahati-
hati ng Simbahang Kristiyano ay tinatawag na:
a. Repormasyon b. Kontra-repormasyon c. Enlightenment d. Renaissance
12. Ayon sa Romans 1:17 ng Bibliya, “Ang Pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula
sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ayon kay Martin
Luther, alin ang tumataliwas sa bersikulong ito ng Bibliya?
a. Pagpapakumpisal sa mga Katoliko b. Paghingi ng ikapo mula sa mga Katoliko
c. Pagbibili ng indulhensiya d. Pagpapabinyag
13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga nilalaman ng Ninety-five Theses ni Martin
Luther?
a. Ang pagdalaw sa mga relikya at buto ng mga Santo ay kinakailangan upang maligtas.
b. Ang paging ng kapatawaran ay dapat munang dumaan sa pare upang dinggin ng Panginoong
Diyos.
c. Ang tao ay maliligtas sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa.
d. Ang mga Kristiyano ay dapat nagbabahagi ng salita ng Diyos, hindi nagbibili ng indulhensiya.
14. Bakit nagsumikap si Luther na isalin ang Bibliya sa wikang Aleman (German)?
a. Dahil nais niyang maalala siya ng mga tao sa pamamagitan nito.
b. Upang mabasa at maunawaan ng ordinaryong Aleman ang Bibliya.
c. Upang maging tanyag siya sa buong mundo.
d. Dahil nais niyang Hamunin si Emperador Charles V.
15. Para kay Luther, sinuman, hindi lamang ang Papa, ay may kakayahang magbasa at
magpakahulugan sa nilalaman ng Bibliya. Ano ang naging epekto ng ganitong paniniwala ni Luther?
a. Nawala ang “banal” na kapangyarihan ng Papa.
b. Ang Simbahang Katoliko ay naubusan ng mga kasapi.
c. Nagsulputan ang iba’t-ibang sekta na may iba’t-ibang kaugalian at paniniwala.
d. Bumagsak ang simbahang Katoliko.
16. Lahat ay mga pagbabagong isinulong ni Papa Gregory VII sa Simbahang Katoliko maliban sa
isa:
a. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa. b. Pag-aalis ng Simony.
c. Pagbabawal sa pagbibili ng posisyon sa simbahan. d. Pagbebenta ng indulhensiya.
17. Bilang kilos ng Kontra-Repormasyon, bakit ipinagbawal sa mga pari na mag-asawa? Upang…
a. Sila ay malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa
Diyos.
b. Sila ay manatili lamang sa kumbento at makaiwas sa anumang uri ng tukso.
c. Hindi sila maging alipin ng kanilang asawa at sa halip ay manatiling alipin lamang ng
simbahan.
d. Hindi mawala ang kanilang kabanalan at maging karapat-dapat sa basbas ng simbahan.
18. Ano ang Inquisition?
a. Pagtitiwalag sa isang kasapi ng Simbahang Katoliko.
b. Lupon ng mga kawani ng simbahan na humahatol sa mga erehe.
c. Pagpapalining sa mga hari at reyna sa sagradong libingan.
d. Pakikidigma ng mga Kristiyano laban sa mga Muslim.
19. Alin ang naglalarawan sa Rebolusyong Industriyal?
a. Paggamit ng mga makinarya upang maibsan ang mga gawaing manwal.
b. Pagdami ng mga mamamayang lumipat mula sa siyudad papuntang mga probinsiya.
c. Pagsikat nina Galileo Galilei at Thomas Hobbes.
d. Pagsikat ni Graham Bell dahil sa kanyang imbensyon na telepono.
20. Ano ang naitulong ng Cotton Gin na imbensyon ni Eli Whitney?
a. Pinabilis nito ang pag-ani ng bulak.
b. Pinadali nito ang paghhiwalay ng buto at iba pang mga material sa bulak.
c. Ito ang nagpop-proseso sa bulak upang magig unan.
d. Pinadali nito ang paggawa ng sinulid mula sa bulak.

21. Ano ang inembeto ni Thomas Edison?


a. Telepono b. Telegrapo c. Gravitational force d. Bumbilya
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging epekto ng Rebolusyong Industriyal o
Industrialisasyon?
a. Dumali at bumilis ang produksyon
b. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga- probinsiya.
c. Dumami ang trabaho para sa mga tao
d. Wala sa nabanggit
23. Bakit dumagsa ang mga taong taga-probinsya sa lungsod bunsod ng industriyalisasyon?
a. Upang bumili ng mga makina. b. Upang maghanap ng trabaho.
c. Upang makalayo sa polusyon. d. Upang mamasyal sa mga parke.
24. Ano ang naitulong ng pagkadiskubre sa telegrapo?
a. Ang tao ay nakapagpapadala ng mensahe sa mga kakilala/kaibgan/kamag-anak na nasa
malayong lugar.
b. Naririnig ng tao ang boses ng mga kakilala/kaibgan/kamag-anak na nasa malayong lugar.
c. Nalalaman ng mga tao ang mga balita sa ibang lugar.
d. Wala sa nabanggit.
25. Noong ika-15 siglo, ang pag-unawa tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga
Kristiyano at ni:
a. Plato b. Copernicus c. Galilei d. Aristotle
26. Alin ang may tamang paglalarawan sa Rebolusyong Siyentipiko?
a. Pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng pagmamasid
b. Paggamit ng Bibliya bilang batayan ng pagpapaliwanag sa lahat ng hiwaga ng daigdig.
c. Pag-imbeno ng iba’t-ibang makina.
d. Pagtatanong kung saan nagmula ang tao.
27. Alin ang ambag ni Copernicus sa kasaysayan?
a. Geocentric Theory b. Heliocentric Theory c. Teleskopyo d. Bumbilya
28. Alin ang may tamang paglalarawan sa teorya ni Johannes Kepler? Ang mga planeta ay…
a. Hindi pare-pareho ang bilis ng paggalaw ngunit bumibilis sa pag-ikot kung papalapit sa araw.
b. Hindi pare-pareho ang bilis ng paggalaw at bumabagal ang ikot kung papalapit sa araw.
c. Umiikot at pumapalibot sa buwan.
d. A at C
29. Ang Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment ay panahon ng…
a. Paggamit ng agham upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan,
pulitika, relihiyon at edukasyon.
b. Pagpapatayo ng maraming paaralan biglang instrument sa muling pagyakap sa kultura ng
sinaunang pamayanan ng mga Griyego at Romano.
c. Pagkamulat ng mga tao tungkol sa mga kasinungalingan at kasagwaan ng Simbahang
Katoliko.
d. Lahat ng nabanggit.
30. Ang Panahon ng Enlightenment ay maaari ding sabihing Rebolusyong Intelektuwal dahil…
a. Ang mga personalidad ng Enlightenment ay nakipagdigma sa mga opisyal ng simbahan at
itinuro sa mga tao ang katotohanan tungkol sa Bibliya at kay Hesu Kristo.
b. Pinatay ng mga iskolar ang mga taong ayaw bumalik sa mga kulturang Romano at Griyego.
c. Maraming nagsulputang iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang
panahon ng kawalan ng katuwiran at bulag na paniniwala.
d. A at C

I. Isulat ang T kung TAMA at M kung MALI. (20pts)

___1. Ang mga intelektuwal ng Enlightenment ay gumamit ng katuwiran, kaalaman at edukasyon


sa pagsugpo sa mga pamahiin at ng kamangmangan.
___2. Ilan sa mga intelektuwal ng Enlightenment ay si Thomas Hobbes na naniniwalang ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
___3. Ang piyudalismo ay isang sistemang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na
nakabase sa pagmamay-ari ng lupa.
___4. Sa ilalim ng doktrinang bullionism, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng
mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
___5. Ang mga bourgeoisie sa panahong Midyebal ang nagmamay-ari ng malalawak na lupain sa
France.
___6. Ang Enlightenment ay nangangahulugang “muling pagsilang” kung saan maraming ang
nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek.
___7. Si Francesco Petrarch ang tinaguriang “Ama ng Humanismo”.
___8. Isa sa mga mahahalagang personalidad sa Panahon ng Renaissance sa larangan ng agham ay si
Leonardo da Vinci na gumawa ng obra maestra na “Huling Hapunan”.
___9. Isa sa mga naging epekto ng repormasyon ay ang pagkakaroon ng dibisyong panrelihiyon sa
Europe kung saan ang Hilaga ay naging Protestante samantalang ang timog naman ay
nananatiling Katoliko.
___10. Nagsimula ang Rebolusyong Amerikano nang ang mga migranteng Ingles sa Amerika ay
nagrebelde laban sa Great Britain dahil sa labis na buwis na ipinapataw ng huli.
___11. Ang mga bumuo ng 13 Estado ng Amerika ay mga Ingles mula sa Great Britain na tumakas
dahil sa pang-aalipin.
___12. Si Thomas Jefferson ang sumulat sa Deklarasyon ng Kalayaan ng America.
___13. Si Woodrow Wilson ang kauna-unahang presidente ng Esados Unidos ng Amerika.
___14. Ang Delaware ay tinawag din na “The First State”.
___15. Nang lumaya ang US mula sa Great Britain, ito ay orihinal na binubuo ng 52 estado.
___16. Alinsunod sa line of demarcation na iginuhit ni Papa Alexander VI, ang Portugal ay
nagkaroon ng karapatan na maglakbay at magdiskubre ng mga kalupaan at katubigan sa
Kanlurang Bahagi ng linya.
___17. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isa sa mga pangunahing motibo ng Eksplorasyon.
___18. Isa sa dahilan ng imperyalismo ay ang paghahanap sa Spice Island na matatagpuan sa Timog
Africa.
___19. Noong 1519, sinimulan ni Magellan ang kanyang paglalakbay kung saan ay ninasa niyang
patunayan na may rutang pa- hilaga patungong silangan.
___20. Ang kaalaman ng Europeo tungkol sa Asya bago nagsimula ang panahon ng eksplorasyon, ay
hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay na sina Marco Polo at Ibn Battuta.

You might also like