You are on page 1of 4

CAGAYAN DE ORO NATIONAL HIGH SCHOOL

27th - 28th Sts., Nazareth, Cagayan de Oro City


ARALING PANLIPUNAN
Grade 8
Final Examination

Name _________________________________________ Date ____________________


Section:________________________________________ Score____________________
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
PART I. ANG PAGSIBOL NG SIBILISASYONG GRIYEGO
1. Ito ang naging sentro ng kulturang Helenistiko sa Ehipto.
A. Alexandria B. Cairo C. Damanhur D. Nile Valley
2. Isa ito sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya at kilala rin bilang Templo ni Athena.
A. Acropolis B. Colosseum C. Olympic Stadium D. Parthenon
3. Kinilala siya bilang “Ama ng Kasaysayan.”
A. Herodotus B. Pericles C. Sophocles D. Thucydides
4. Pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na naging bunga ng pananakop ni Alexander the Great.
A. Macedonia B. Heleniko C. Helenistiko D. Persiano
5. Dito isinilang si Alexander the Great.
A. Athens B. Macedonia C. Persia D. Sparta
6. Ito ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal nang mahigit na 27 taon, at nagbunga ng malaking pagkawasak sa mga lungsod-estado ng Gresya.
A. Digmaang Peloponnesian B. Digmaang Persians C. Digmaang Punic D. Digmaang Trojan
7. Ang lungsod-estadong ito ang may pinakamalaking populasyon at siyang naging sentro ng demokrasya.
A. Athens B. Crete C. Sparta D. Thebes
8. Siya ay isang mamamayang Athenian na naatasang gumawa ng kauna-unahang batas na kasulatan para sa Athens.
A. Draco B. Minos C. Pisastrus D. Minos
9. Ito ang tawag sa mga lungsod-estado ng Gresya.
A. Acropolis B. Metropolis C. Polis D. Stoa
10. Sinaunang sibilisasyon sa Isla ng Crete na ipinangalan sa dakilang hari nila na si Minos.
A. Aegean B. Ionian C. Minoan D. Mycenean
11. Ito ang tawag ng mga Griyego sa kanilang bansa.
A. Aegean B. Hellas C. Metropolitan D. Polis
12. Ang tawag sa Sibilisasyong Griyego ay
A. Doric. B. Heleniko. C. Helenistiko. D. Ionic.
13. Sila ang nakaimpluwensya sa mga sinaunang Griyego na gumamit ng barya o sinsilyo.
A. Babylonians B. Lydians C. Phoenicians D. Sumerians
14. Ito ang digmaan kung saan tinalo ng mga maliit na puwersang Athenian ang puwersa ng Persia.
A. Digmaang Marathon B. Digmaang Persian C. Digmaang Thermopylae D. Digmaang Salamis
15. Ito ang pamilihang bayan ng mga sinaunang Griyego.
A. Agora B. Acropolis C. Polis D. Stoa
16. Sa panahon ng kanyang panunungkulan naging sentro ng kulturang Griyego ang Athens.
A. Cleisthenes B. Draco C. Pisastratus D. Solon
17. Dito naganap ang isa sa pinakadakilang digmaan sa karagatan sa pagitan ng mga Athenian at Persians.
A. Dardanelles B. Hellespont C. Salamis D. Thermopylae
18. Ang alyansang itinatag sa Delos upang tigilan ang ano mang banta ng panganib sa lungsod-estado.
A. Delian League B. Dorian League C. Ionic League D. Peloponnesus League
19. Sa panahon niya narating ng Athens ang kanyang ginintuang panahon.
A. Cleisthenes B. Draco C. Pericles D. Pisastrasus
20. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey ay si
A. Homer. B. Plato. C. Socrates. D. Sophocles.
PART II. MGA IDEOLOHIYANG LUMAGANAP SA DAIGDIG
1. Sino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo sa Rusya?
A. Nicolai Lenin B. Karl Marx C. Joseph Stalin D. Leon Trotsky
2. Ayon sa kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang siyang magiging tagapamalakad ng pamahalaan at magbibigay daan sa pagwawakas ng:
A. awtoritaryanismo B. fascism C. kapitalismo D. monarkiya
2. Ayon sa Ideolohiyang kapitalismo, kailangan ay maliit o limitado ang papel na ginagampanan ng ahensya o institusyong ito sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa
tungo sa kaunlaran.
A. Edukasyon B. Mass Media o Mamamahayag C. Pamahalaan D. Simbahan
3. Ano sa palagay mo ang kaisipang hindi gaanong naaapektuhan ng anumang ideolohiya?
A. Pampulitika B. Pangkabuhayan C. Pangsining D. Panlipunan
4. Sa ilalim ng isang demokratikong bansa, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng mga pinuno ay maaaring:
A. Check and Balance B. Natatakdaan at Di-natatakdaan C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap D. Tuwiran at Di-tuwirang pagboto
5. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI magkatugma?
A. Demokrasya - Timog Korea B. Komunismo – Tsina C. Monarkiya – Inglatera D. Totalitaryanismo – Hapon
6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng Nazismo na nakapaloob sa Mein Kamp maliban sa:
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles sanhi ng mga suliranin sa Alemanya.
B. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa na tatayong mas makapangyarihan sa pamahalaan.
C. Pagwasak sa Republika at pagtatatag ng Third Reich na isang estadong totalitaryan ng Nazismo.
D. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga Aryano
7. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Komunismo?
A. Ang manggagawa ang supremo sa pamahalaan.
B. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
C. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo.
D. Pagwawakas ng kapitalismo.
8. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang HINDI kabilang sa pagsilang ng Pasismo sa Italya?
A. Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig.
B. Malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo sa Europa.
C. Paghihirap ng kabuhayan tulad ng kakulangan ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan.
D. Walang kakayahan ang mga pinuno na lutasin ang mga suliranin sa pamahalaan.
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ni Nicolai Lenin?
A. Naging unang pinuno ng komunismo sa Rusya.
B. Nagpatupad ng malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
C. Nakilala sa kanyang panawagang "kapayapaan, lupain, at tinapay".
D. Nakuha ang tiwala ng mga tao, dahil sa kanyang pinagsamang pagangkin ng pamahalaan sa lahat ng mga pagawaan.
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang titik:
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya;
B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo;
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya;
E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo; at
F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.
__________ 1. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
__________ 2. Naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang
paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya.
__________ 3. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o paguuri- uri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon
ay pag-aari ng lipunan.
__________ 4. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao. Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
__________ 5. Sa sistemang ito ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao at karaniwang pumipili ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan
ng halalan.
__________ 6. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang
pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.
__________ 7. Ideolohiyang nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging pagmamay-ari ng lipunan ang produksyon.
__________ 8. Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at
Timog Korea.
__________ 9. Ayon kay Nicolai Lenin ang dahas at pananakop ay kailangan upang maitatag ang “DiktaDurya ng Manggagawa”.
__________ 10. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno nina Hitler sa Alemanya at ni Mussolini sa Italya. Kadalasang isang punong-militar ang may
kapangyarihang diktador. Karaniwang lumaganap ang ideolohiyang ito sa mga bansa sa Timog Amerika at Aprika

PART C. ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG ROMANO


1. Ang pinakaunang pangkat ng tao na nanirahan sa Italya:
A. Latins B. Hittites C. Lydians D. Sumerians
2. Pangkat ng tao mula sa Asya Manor na sinasabing lubos na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Romano:
A. mga Babylonian B. mga Mesopotamian C. mga Phoenician D. mga Etruscan
3. Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nasa kamay ng mga pinunong inihalal ng mga mamamayan.
A. Monarkiya B. Oligarkiya C. Republika D. Estado
4. Sila ang mga karaniwang tao
A. Plebeians B. Patricians C. Urban poor D. Elite
5. Bumubuo ng 300 konseho ng mga patricians:
A. Mababang Kapulungan B. Senado C. Punong-lungsod D. Kagawaran
6. Unang talaan ng mga nakasulat na batas ng mga Romano
A. Kodigo ng Hamurabbi B. Konstitusyon C. Twelve Tables D. Sampung Utos
7. Ang mga digmaang Punic ay naganap sa pagitan ng Roma at ng:
A. Sicily. B. Corsica. C. Sardinia. D. Carthag
8. Isang dakilang Heneral na Carthaginian:
A. Hannibal B. Attila C. Sargon D. Darius
9. Ang pamilyang nagsagawa ng mga reporma upang sagipin ang humihinang Republika:
A. Tiberius B. Caesar C. Gracchus D. Julian
10. Ang namuno sa pag-aalsa ng mga alipin noong 73 BC:
A. Mga Spartans B. David C. Moses D. Abraham
11. Binuo nina Gracens Pompey, Marcus Licinus Crassus, at Julius Caesar
A. First Triumvirate B. Second Triumvirate C. Assembly of Tribes D. Ides of March
12. Kinilala bilang Augustus:
A. Mark Anthony B. Brutus C. Lepidus D. Octavian
13. Lumaganap ito sa Roma noong Pax Romana.
A. kapayapaan B. demokrasya C. digmaan D. pananakop
14. Pinakahuli sa mga mabubuting emperador:
A. Hadrian B. Trojan C. Marcus Aurelius D. Nerva
15. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey:
A. Levy B. Homer C. Horace D. Virgil
16. Ang kabisera ng Imperyong Romano sa silangan:
A. Syria B. Egypt C. Constantinople D. Adrianople
17. Ang labanan sa Adrianople ay sa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
A. Romano at Visigoth B. Romano at Hun C. Romano at Ostrogoth D. Romano at Vandals
18. Ang matapang na heneral ng mga Hun:
A. Theodoric B. Diocletian C. Odoacer D. Attila
19. Ang relihiyong hango sa buhay at aral ni Hesus :
A. Hinduism B. Judaism C. Kristiyanismo D. Zoroastrianism
20. Noong 380 BC, hinirang niya ang Kristiyanismo bilang opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano:
A. Constantinople B. Theodosius C. Peter D. Paril
PART D. - ANG SIMBAHANG KATOLIKO: ISANG MAKAPANGYARIHANG INSTITUSYON SA
GITNANG PANAHON
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo B. Krusada C. Piyudalismo D. manoryalismo.
2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo.
3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na:
A. Propeta B. Hari ng Hudyo C. Messiah D. Apostole.
4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Papa Leo I B. Papa Urban II C. Papa Innocent I D. Papa Gregory VII
5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa kristiyanismo ay:
A. ang paglakas ng kapangyariahn ng Simbahan C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada
B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo
6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:
A. Hudaismo B. Zoroasterianismo C. Hudaismo D. Budahismo
7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:
A. Pagkadiyos ni Jesus B. Pagkapropeta ni Jesus C. Pinagmulang lahi ni Abraham D. Bagong testamento.
8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:
A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence
9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:
A. Roma B. Byzatine C. Jerusalem D. Egypt
10. Kung Roma ang nagging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano naman ang sentro ng kristiyanismo sa silangan?
A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzatine.
PART E. SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA
1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasalarawan ng mga Burgis?
a. Sila ay nabibilang sa maharlika. b. Sia ay mayamang mangangalakal. c. Sila ay panginoon ng magbubukid. d. Sila ay pinuno ng guild.
2. Ang basalyo ay yaong tao na:
a. nagbigay ng lupa. b. nabigyan ng lupa. c. nagtatrabaho sa lupa. d. nangungolekta ng buwis.
3. Ang tawag sa artisano na nagpapakadalubhasa sa kanyang gawain sa pamamagitan ng pagsasanay sa gabay ng master ay
a. journeyman b. burgis c. apprentice d. bailiff
4. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao ay ang:
a. kastila. b. palasyo. c. manor. d. simbahan.
5. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sa sila ang gumaganap ng gawaing
a. panlipunan. b. pang-ekonomiya. C. panrelihiyon. d. pangmilitar.
6. Ang bansa kung saan maraming lungsod ang umunlad dahil sa kalakal ay
a. Ingglatera b. Pransiya c. Italya d. Alemanya
7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa
a. manor b. perya c. banko d. pistahan
8. Ang pag-iral ng sistemang piyudal sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa
a. pagbasak ng Emperyong Roma. b. paghina ng Banal na Emperyong Roma. c. pagsalakay ng mga Asyano. d. paglakas ng Simbahang Kristiyano.
9. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Italya at Gitnang Asya ay nag-ugat sa
a. Piyudalismo. b. Krusada. c. Sistemang Guild. d. Kristiyanismo.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan?
a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim b. Paglakas ng kalakalan c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim d. Pagtatayo ng “guild”
PART F. ANG REPORMASYON
1. Krisis sa relihiyon kung saan ang mga bansang Katoliko ay yumakap sa ibang Relihiyon
A. Kontra-Repormasyon. B. Renaissance. C. Great Schism. D. Repormasyon
2. Papa na nagbawal sa mga pari na mag-asawa
A. Paul I. B. Gregory VII. C. Leo the Great. D. Gregory IV.
3. Pangunahing bansa na tagapagtanggol ng Katolisismo
A. Portugal. B. Alemanya. C. Espanya. D. Estados Unidos.
4. Nagpasimula sa Repormasyong Protestante
A. Martin Luther. B. Henry VIII. C. John Calvin. D. Ulrich Zwingli.
5. Ito ay ang tagapagbili ng Kapatawaran
A. Indulhensiya. B. Great Schism. C. Index. D. Inquisition
6. Samahang itinatag na binuo ng mga taong pumipigil sa pagpapalaganap ng Protestantismo
A. Konseho ng Trent. B. Calvinist. C. Indulhensiya. D. Inquisition.
7. Bansang pinagmulan ng Repormasyong Protestante
A. Espanya. B. Portugal. C. Alemanya. D. Inglatera.
8. Ang itinatawag sa kalaban ng mga Katoliko
A. Muslim. B. Protestante. C. Humanista. D. Iskolar.
9. Pagpupulong na isinagawa upang pg-usapan ang kahinaan ng Simbahan
A. Parliamento. B. Great Council. C. Konseho ng Trent. D. Estates - General.
10. Samahan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko
A. Great Council. B. Humanista. C. Repormasyong Katoliko. D. Hinduismo.
11. Tinaguriang “Defender of Faith” dahil sa pagtatanggol ng Katolisismo laban sa Lutheran noong 1520
A. Henry VIII. B. Edward VI. C. James I. D. Henry III.
12. Misyonerong tinaguriang “Apostle of the Indies” dahil sa mga kahanga-hanga nitong nagawa
A. St. Francis Xavier. B. Henry III. C. Gregory VII. D. St. Ignatius of Loyola.
13. Argumentong tumutuligsa sa pagbili ng Indulhensiya
A. Utopia. B. Songbook. C. 95 theses. D. In Praise of Folly.
14. Isang tala ng mga aklat na ipinagbabawal basahin ng mga Katoliko
A. 39 Articles. B. Index. C. Inquisition. D. 95 theses.
15. Batas na naghihiwalay sa Simbahan ng England sa kapangyarihan ng Papa
A. 95 theses. B. 39 articles. C. Bill of Rights. D. Act of Supremacy.
16. Panuntunang isinulat ng lupon ng mga obispong Ingles noong 1563 bilng batayan ng paniniwalang Simbahang Anglikano
A. Index. B. Institue of Christian Religion. C. 39 Articles. D. 95 Theses.
17. Ang namuno ng Repormasyon sa Pransya
A. Ulrich Zwingli. B. Henry VIII. C. John Calvin. D. Martin Luther.
18. Samahang itinatag ni St. Ignatius of Loyola na naglalayong pangalagaan ang mga Katoliko at pabalikin ang mga Protestante na magbalik sa Katolisismo
A. Inquisition. B. Great Council. C. Council of Trent. D. Society of Jesus.
19. Aklat ni Luther na nagsasaad ng pakiusap sa mga namumunong Aleman na ituwid ang mga kamalian ng simbahan at ihinto ang lahat ng pagbabayad sa Rome
A. Index. B. Adress to the Christian Nobility of the German Nation. C. 39 Articles. D. 95 Theses.
20. Ang namuno ng Repormasyon sa Switzerland
A. Ulrich Zwingli. B. John Calvin. C. Martin Luther. D. Henry VIII.
PART G - BOURGEOISIE, MERKANTILISMO AT MONARKIYANG NASYONAL
1. Bakit itinuring na mas abala ang naging kalakalan sa Silangang Europa kumpara
sa kanlurang Europa?
A. Hindi maunlad ang Kanlurang Europa.
B. Kawalan ng transportasyon at sapat na produkto.
C. Marangyang pamumuhay sa Kanlurang Europa.
D. Digmaang Sibil.
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging sentro ng kalakalan sa Europa?
A. Venice B. Genoa C. Florence D. Paris
3. Ligang nabuo upang maprotektahan ang kalakalan sa Hilagang Europa:
A. Hanseatic League B. Merchant Guild C. North Atlantic League D. Baltic Guild
4. Ang pinakaabalang sentro ng negosyo sa Hilagang Europa atat naging sentro sa paggawa ng lana:
A. Florence B. Bruges C. Helsinki D. Amsterdam
5. Kinilala dahil sa mabuting uri ng telang lana sa Europa:
A. Antwerp B. Lisbon C. Venice D. London
6. Kalakalang naganap sa pagitan ng mga mangangalakal na ginanap lamang sa loob ng isang taon.
A. Trade fair B. Trade post C. Palengke D. Bangko
7. Isang bagong uri ng mga mamamayan na bumubuo ng panggitnang pangkat sa lipunan.
A. Maharlika B. Alipin C. Bourgeoisie D. Clergy
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mga panggitnang pangkat?
A. May-ari ng mga bangko B. Mga negosyante C. Mga susunod na hari o pinuno D. Wala sa nabanggit
9. Itinuturing na pinakabalakid sa kalakalan noong kalagitnaang panahon:
A. Kawalan ng salapi B. Digmaang Sibil C. Lindol, bagyo at kalamidad D. Pang-aabuso ng Hari at ng Simbahan
10. Ang unang baryang ginto na ginamit bilang salaping internasyunal sa Europa:
A. Ducat B. Florin C. Bruges D. Peso
11. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod?
A. Nakilala ang tao ayon sa kanyang kakayanan. C. Naging makapangyarihan ang hari.
B. Umunlad ang panggitnang uri ng tao sa lipunan. D. Nagsimula ang Korporasyon.
12. Samahang lumaganap sa Europa na binubuo ng mga mangangalakal:
A. Craftsmen B. Merchant’s Guild C. Hanseatic League D. Bourgeoisie
13. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng Merchant’s Guild?
A. Naprotektahan ang pansariling interes ng mangangalakal. C. Nagpatuloy sa pagbabayad ng buwis ang mga mangangalakal.
B. Naipunyagi ang karapatan ng bawat isa mangangalakal. D. Napaunlad ang kanilang negosyo.
14. Tawag sa samahan ng mga manggagawang may kasanayan:
A. Apprentice B. Journeymen C. Master Craftsmen D. Craftsmen’s Guild
15. Manggagawang naglakbay upang kumita ng arawan:
A. Apprentices B. Journeymen C. Master Craftsmen D. Craftsmen’s Guil
16. Isang dahilan kung bakit naging masikap ang mga bayan sa kalagitnaang Panahon:
A. Paglalagay ng mga pader. B. Pagdami ng mga pamilihan. C. Paglago ng dami ng mga manggagawa. D. Wala sa nabanggit.
17. Isang suliranin sa mga bayan noong Panahonng Midyibal:
A. Pagkalumo sa alak B. Prostitusyons C. Nakawan D. Lahat ng nabanggit
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging bunga ng kalakalan sa Panahong Midyibal?
A. Espesyalisasyon B. Bourgeois C. Salapi D. Wala sa nabanggit
19. Itinuring na sentro ng ruta ng pangangalakal sa Panahong Midyibal:
A. Fertile Crescent B. Ilog Nile C. Ilog Mississippi D. Ilog Yellow
20. Alin sa mga sumusunod na daungan ang pinaka-abala noong Kalagitnaang Panahon?
A. Daungan sa Tsina B. Daungan sa Ehipto C. Daungan sa Pransya D. Daungan sa Ingglatera.
PART H. PANAHON NG EKSPLORASYON AT PAGLAWAK NG TERITORYO
1. Ang Europa ay dumepende sa mga matatagpuang spices sa Asya at sa India, ang mga sumusunod ay spices maliban sa
a. pepper b. cinnamon c. asukal d. nutmeg
2. Ang mga spices na natagpuan ng mga Europeo sa Asya ay ginagamit nila sa kanilang
a. pag-preserba sa kanilang mga karne b. pagkain c. pakikipagkalakalan d. palitan ng produkto sa kalapit na bansa
3. Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga eksplorasyon ng mga kagamitang makakatulong sa kanila upang tuntunin ang
kanilang mga destinasyon, ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa paglalakbay maliban sa
a. hourglass b. compass c. astrolabe d. caravel
4. Ito ang mga unang uri ng mga sasakyang pandagat na ginamit ng mga Portuges at Espanyol noong ika-14 hanggang ika-15 siglo
A. armada B. caravel C. steam ship D. astrolabe
5. Pinasimulan niya ang pagtatayo ng paaralan para sa mga magiging mahusay na mandaragat sa hinaharap at inanyayahan niya ang mga mahuhusay na tagagawa
ng mapa, matematisyan, at astronomero upang mag-aral ukol sa nabigasyon
a. Bartolomeu Dias b. Prince Henry, the Navigator c. Ferdinand Magellan d. Christopher Columbus
6. Kasunduan na nilagdaan ng Portugal at Espanya na nagsasaad ng pagkilos ng line of demarcation patungong pa-Kanluran at maglatag ng tuluyan nilang
paghahati sa mga iba’t ibang lugar sa mundo na di pa naabot ng eksplorasyon.
a. Kasunduan sa Tordesillas b. Kautusan ng Papa c. Kasunduan sa Paris d. Kasunduan sa India
7. Tinagurian siyang Admiral of the Ocean Sea at Viceroy/Gobernador ng mga islang kanyang nadiskubre para sa kaharian ng Espanya
a. Ferdinand Magellan b. Christopher Columbus c. Bartolomeu Dias d. Hernan Cortes
8. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at nagbago sa dating pagkaalam ng mga Europeo na ito ay patag
a. Bartolomeu Dias b. Hernan Cortes c. Ferdinand Magellan d. Christopher Columbus
9. Ang dalawang bansa na nagpapaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo
a. Pransiya at Alemanya b. Olandiya at Inglaterra c. Pransiya at Inglaterra d. Espanya at Portugal
10. Hari at reyna ng Espanya na sumuporta sa mga paglalakbay nina Columbus at Magellan patungo sa Silangan
a. Ferdinand at Isabella b. Carlos at Elizabeth c. Henry at Anne d. William at Mary
11. Isang lugar o maliit na bansa na kontrolado ng isang makapangyarihang bansa ang pamamahala
a. Kolonya b. Concessionaires c. Sphere of Influence d. Teritoryo
12. Organisasyon na nagbibili ng mga stocks o shares sa mga nagnanais na kumite sa interes na maaring ibigay ng isang eksplorasyon
a. Multinational b. Transnational c. Joint-stock companies d. Banko
13. Sasakyang pandagat na ginamit ng mga Kastila na naglalaman ng mga malalaking bulyon ng mga yamang kanilang nakuha sa mga lugar na kanilang sinakop
a. Galyon b. Caravel c. Armada d. Steam Ship
14. Pagsisimula ng pagbabago sa pamamaraan ng pangangalakal, pagkakaroon ng mga pamilihang laglagan ng mga produkto at paggamit ng pera sa pamilihan
a. Rebolusyong Industriyal b. Rebolusyong Siyentipiko c. Rebolusyong Pulitika d. Rebolusyong Komersyal
15. Maraming mga pamilyang mangangalakal sa iba’t ibang panig ng Europa ang yumaman sa pagpapahiram ng puhunan para sa mga eksplorasyon maliban kina
a. Fugger ng Alemanya b. Medici ng Italya c. Pazzi ng Italya d. Adamsmith ng Scotland
16. Indibidwal na pinagsama ang paggamit ng pera, ideya, hilaw na material at paggawa upang kumita ng malaki sa kanyang negosyo
a. Pesante b. Mangangalakal c. Entreprenyur d. Bourgeoise
17. Bagong teorya ukol sa pambansang patakaran sa ekonomiya na naniniwala na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa yamang mayroon ito
a. Merkantilismo b. Kapitalismo c. Sosyalismo d. Pyudalismo
18. Kalakalang nagpasimula ukol sa pangunguha ng mga alipin na maaring magtrabaho sa mga plantasyon ng mga makapangyarihang bansa
a. Kalakalan sa Katubigan b. Slave Trade c. Colonial Trade d. Commercial Trade
19. Portuges na nakadiskubre ng Karagatang Indian
a. Pedro Alvares Cabral b. Ferdinand Magellan c. Christopher Columbus d. Prince Henry, the navigator
20. Sila’y mga mananakop na nagpalaganap ng Kristiyanismo sa mga tao sa lugar na kanilang nasakop
a. Eksplorador b. Conquistador c. Manlalakbay d. Mangangalakal

You might also like