You are on page 1of 73

Pangkat-2

SALIK SA MATAGUMPAY
NA PAGKATUTO NG WIKA
SALIK
SALIK SA
SA MATAGUMPAY
MATAGUMPAY NA
NA PAGKATUTO
PAGKATUTO NG
NG WIKA
WIKA

A. Matagumpay na Pagkatuto ng Wika


B. Motibasyon
C. Ang mga Guro
D. Ang mga Mag-aaral
E. Mga Istilo sa Pagkatuto
F. Mga Teorya at Praktika ng Multiple
Intelligences
Ang Matagumpay na
Pagkatuto ng Wika
Marian M. Abay
Abay
ANG MATAGUMPAY NA PAGKATUTO NG WIKA

Naggigitgitan ang mga magulang, nagsisiksikan, nagtutulakan,


at kung minsan ay nagkakapikunan mapabilang lang ang kanilang
pitong taong gulang na anak sa klase sa unang baitang ni Mrs. Quirit.
Nangyayari ang ganito dahil maraming magaganda at kapana-
panabik na sandali sa kanyang pagkaklase. Alam din ng mga
magulang na kung ang kanilang anak ay mapapailalim sa pagtuturo
ni Mrs. Quirit, magtataglay ito ng mga pangunahing kaalaman at
kasanayan na mahalaga sa pagtuklas ng mas lalong malawak na
karunungan. Batid din ng mga magulang na ang mga tinuturuan ni
Mrs. Quirit ay mahihilig sa pagbabasa ng libro at masisipag sa pag-
aaral.
Masasalamin sa katauhan ni Mrs. Quirit ang likas niyang pagmamahal
sa mga bata, ang masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa.
Kung makapapasok ka sa loob ng kanyang klasrum, makikita mong
masasayang gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa isang sulok ng
klasrum na tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat
na kanilang babasahin, samantalang may mga batang tahimik na nagsusulat
sa kani-kanilang desk. May mga bata ring gumagawa na kasama si Mrs.
Quirit. Sa isa pang sulok ng klasrum ay makikita ang tatlong batang
sumusulat ng isang kwento na kanilang ibabahagi sa klase. At sa isa pang
bahagi ng klasrum ay may mga bata namang gumagawa ng puppet na
kanilang gagamitin sa isang palabas sa klase.
Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirit.
Ang mga bata ay malayang nakagagawa ng mga gawain na di alintana
ang pagkakamali. Hindi rin sila natatakot na sumubok ng mga gawaing
bago sa kanilang pananaw. Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong
kaligiran ay basta na lamang nagaganap. Si Mrs. Quirit ay isang master
titser. Kilala niya ang kanyang mga mag- aaral at iginagalang niya ang
kanilang pagkakaiba-iba. Ginagamit din niya ang kanyang napag-aralan
sa paglaki at pag-unlad ng mga bata at isinasaalangalang ng mga teorya
sa pagkatuto upang makalinang ng isang kaligiran na komportable ang
mga bata at naroon ang sigasig sa pagtuklas ng karunungan.
Isinasaalang-alang din ni Mrs. Quirit ang dignidad ng bawat
bata at naroon palagi ang respeto sa kanyang mga tinuturuan. May
sapat din siyang kamalayan sa mga mag-aaral hinggil sa kaibahan
ng lalaki sa babae at tinitiyak niyang magkapantay ang mga
hamon at mga pagganyak na inilalaan sa mga ito. Hindi rin
makakaligtas sa kanya ang mga batang mapanukso o iyong mga
nang-aapi ng kapwa. Humihingi siya ng tulong sa mga magulang
kung kailangan at palagi niyang iniuulat sa kanila ang progreso sa
pag-aaral ng kanilang mga anak.
Mga Mahahalagang punto sa kwento;

 Si Mrs. Quirit ay likas na mapagmahal sa mga bata.


 Si Mrs. Quirit ay mahilig magbasa at masaya sa
kanyang pagtuturo.
 Si Mrs. Quirit ay isang master titser.
 Kilala niya ang kanyang mga mag-aaral at iginagalang
niya ang kanilang pagkakaiba-iba.
 Isinasaalang-alang niya ang mga teorya sa pagkatuto
upang makalinang ng isang kaligiran na komportable
ang mga bata.
 Isinasaalang-alang din niya ang dignidad ng bawat bata
at naroon palagi ang respeto.
 May sapat siyang kamalayan sa mga mag-aaral hinggil
sa kaibahan ng lalaki sa babae at tinitiyak niya na
pantay ang kanyang mga hamon at pagganyak sa
paggawa.
 Hindi rin makakaligtas sa kaniya ang mga batang
mapanukso at humihingi agad siya ng tulong sa mga
magulang kung kinakailangan.
 Palagian niyang iniuulat sa mga magulang ang
progreso sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Tanong:
Kataka-taka bang isipin kung maraming mga
magulang ang nangangarap na magkaroon sana
ng clone si Mrs. Quirit para lahat ng batang
papasok sa unang baitang ay magkaroon ng
kawili-wiling karanasan sa pagkatuto?
MOTIBASYON
MOTIBASYON
 Ay nangangahulugang kawilihan ng isang tao na gawin ang
isang partikular na bagay. Ito rin ay isang pwersa na
gumagabay sa pag- uugali ng isang tao sa paggawa ng isang
bagay.
 Maari ring inspirasyon upang magpatuloy na tapusin ang
nasimulan. Ito ang nag- uudyok at nagiging dahilan ng isang
tao upang matapos at mapagtagumpayan ang isang gawain,
layunin o mithiin.
MOTIBASYON
Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang
salik sa matagumpay na pagkatuto. Sa isang klase na halos
magkakapantay ang antas ng karunungan ng mag -aaral,
pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa pag-aaral
dahil mataas ang kanilang motibasyon. Samantala, ang mga
mag- aaral na mababa ang motibasyon o hindi seryoso sa pag-
aaral ay mapapansing makapasa ma’y pilit o di kaya ay pasang-
awa.
2 URI NG
MOTIBASYON

1.)Panlabas na 2.)Motibasyong
Motibasyon Intrinsik
(Extrinsic Motivation) (Intrinsic Motivation)
01
Panlabas na Motibasyon
o Ito ay bunga ng salik na eksternal
tulad ng prempyo o papuri.
o motibasyong ito ay bunga ng mga
panlabas na salik tulad ng:
a.)Integratibong
a.)Integratibong Motibasyon
Motibasyon
b.)Motibasyong
b.)Motibasyong Instrumental
Instrumental
01
a.)Integratibong
Motibasyon
Hal. Ang pagkagustong makahalubilo sa isang
kultura ng mga taong Filipino ang sinasalita
01
b.)Motibasyong
Instrumental
Hal. Pag-asam na makatuntong sa isang
kolehiyo o pamantasan o kaya ay
pagkakaroon ng isang trabaho na mataas
ang pasahod dahil may kaalaman sa wika.
02
Motibasyong Intrinsik
o ito ang likas na kagustuhan
sa pagkatuto ng isang wika.
Hal. Ang isang mag-aaral na galing sa isang pamilya na
may positibong saloobin sa wikang Filipino ay
maaasahang magkakaroon ng ibayong interes sa Filipino
at magkakaroon ng pagkagusto upang masterin ang wika.
Maraming
Salamat!
May
May karugtong…
Mga Istilo sa Pagkatuto
Taga-ulat: Eric A. Curambao
Mga Istilo sa Pagkatuto

Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa


mga kaparaanan na mas higit na gusto ng
mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Mga Istilo sa Pagkatuto

 Willing (1988) ay nagsasabi na ang isang


guro na sensitibo at isinasaalang-alang ang
mga gusto sa pag-aaral ng mga estudyante
ay makatutulong sa pagkakaroon ng isang
matagumpay at mabisang pagkatuto.
Mga Istilo sa Pagkatuto

Ayon sa pag-aaral ni Willing, nagawa


niyang pag pangkat-pangkatin ang mga mag-
aaral at inuuri niya ito sa apat na Kategorya.
Mga Istilo sa Pagkatuto

URI NG MAG-AARAL
1. Mag-aaral na “Concrete”
2. Mag-aaral na “Analytical”
3. Mag-aaral na “Communicative”
4. Mag-aaral na “Authority Oriented”
Mga estratehiyang kinagigiliwan sa Pag-aaral:

Mag-aaral na
1.Mga Laro
“Concrete”
2.Mga Larawan
3.Video clips
4.Pair work
5.Pagsasanay ng wika sa
labas ng klase
Mga Estratehiyang Kinagigiliwan sa Pag-aaral:
1. Pag-aaral ng Balarila
2. Pag-aaral ng maraming aklat sa
Mag-aaral na wika
“Analytical” 3. Pagbabasa ng mga Pahayagan
4. Pag-aaral ng Mag-isa
5. Pag-alam at pagsusuri ng mga
kamalian sa wika
6. Pagtuklas ng mga solusyon sa
mga suliraning inilalahad ng Guro
Mga estratehiyang kinagigiliwan sa Pag-aaral

1. Pagmamasid at pakikinig sa mga taal


na tagapagsalita ng wika
2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit
Mag-aaral na
ang wikang pinag-aralan
“Communicative” 3. Panonood ng programa sa TV sa
wikang pinag-aralan
4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa
pamamagitan ng pakikinig dito at
paggamit sa aktwal na pakikipag-
usap
Mga estratehiyang kinagigiliwan sa Pag-aaral:

1.
Mas gusto na ang guro ang
magpapaliwanag ng lahat tungkol sa wika
2.
May sariling batayang aklat
Mag-aaral na 3.
Isinusulat ang lahat ng Impormasyon sa
“Authority notebook
Oriented” 4.
Pinag aralan ang Balarila
5.
Nagbabasa para matutu
6.
Natutunan ang mga bagong salita kung
makikita ang mga ito.
Mga istilo sa Pagkatuto

Maaring matatagpuan sa isang klase na binubuo ng


40-60 mag-aaral ang apat na uring ito ng mag-aaral
ng wika.
Sa ganitong kalagayan , kailangan maglaan ang guro
na angkop na pakikibagay sa iba’t-ibang Istratehiya
na tutugon sa pangangailangan ng bawat mag-aaral.
Teorya ng Multiple Intelligences
1. Visual/ Spatial Intelligence
(Picture Smart)
• Mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pagsasaayos ng mga
ideya.
• May kakayahan siya na Makita sa kangyang isipan ang mga “bagay”
upang makalikha ng isang produkto o makalutas ng suliranin.

• Ang larangan na angkop sa talinong ito ay:


SINING ARKITEKTURA

IHINYERO
2. Visual/Spatial Intelligence
(Picture Smart)

• Nakagagawa ng mahusay na paglalarawanng mga ideya na kailangan din


niyang Makita ang paglalarawan upang maunawaan ito.

• May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa Matematika.


2.Verbal/ Linguistic Intelligence
(Word Smart)
• May talino sa pagbibigkas o pagsulat ng salita.
• May taglay na husay at talion sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento at
pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
• Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay:
Pagsulat Abogasya
Pamamahayag

Politika Pagtula
Pagtuturo
2. Verbal/Linguistic Intelligence
(Word Smart)
• Madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig o
nakikipagdebate.

• Mahusay sa pagpapaliwanag,pagtuturo, pagtatalumpati o paggaganyak sa


pamamagitan ng pananlita.
• Madali sa kanya na matuto ng ibang wika.
3. Mathematical/Logical Intelligences
(Number Smart)
• Taglay ng tao ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at
paglutas ng suliranin (Problem Solving)
• May talinong kaugnay ng lohiko, paghahalaw at numero.
• Ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa Matematika, Chess,
Computer Programming at iba pang kaugnayan na gawain.
• Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging:
Scientist Mathematician Ihinyero

Doctor Ekonomista
3. Mathematical/Logical Intelligence
(Number Smart)
• Mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip
at pagsisiyasat.
• May kakayahan sa abstract patterns at kakayahang magsagawa ng mga
nakalilitong pagtutuos at pagsusuma.
4. Bodily/Kinesthetic Intelligence
(Body Smart)
• May natututo sa apamamagitan ng mga konkretong karanasan at
interaksyon sa kapaligiran.
• Mas matututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng katawan tulad ng
pagsasayaw at paglalaro.
• Mataas ang tinatawag na (muscle memory) ng taong may ganitong talino.
• Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay ang:
Pagsasayaw Isports Musikero Pag-aartista

Doctor (lalo na Konstruksyon Pagpupulis Pagsusundalo


sa pag-oopera)
4. Bodily/Kinesthetic Intelligence
(Body Smart)
• Mahusay sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay tulad ng
pagkakapintero.
5. Musical/Rhythmic Intelligence
(Music Smart)
• Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng
pag-uulit, ritmo o musika.
• Hindi lamang sa pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit
ng isang karanasan.
• Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong
talino. Magiging masaya sila kung magiging:
Musician
Kompositor

Disk Jockey
Salamat sa
panunuod. Nawa’y
pagpalain tayo ng
Dios.
EMILYN N. RELOS
BSED-FILIPINO 3
Intrapersonal
Intelligence
- Ito ang talinong kaugnay ng kakayahang maglinay
at masalamin ang kalooban .

- Siya ay natututo sa pamamagitan ng damdamin,


halaga at pananaw.

- Karaniwang ang taong may ganitong talino ay


malihim o introvert.

- Mabilis niya nauunawaan at natutugunan ang


kanyang mga nararamdaman at motibasyon.
Intrapersonal
Intelligence
- Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang
researcher, manunulat ng mga nobela o
negosyante.

- Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang angking


mga talento, kakayahan at kahinaan.
Interpersonal
Intelligence
- Ito ay may talino sa interaksyon o pakikipag-
ugnayan sa ibang tao.

- May kakayahan na makipagtulungan at makiisa


sa isang pangkat.

- Madalas bukas ang kanyang pakikipagkapwa o


extrovert.

- Sensitibo at mabilis na makatugon sa pagbabago


ng damdamin, motibasyon at disposisyon ng
kapwa.
Interpersonal
Intelligence
- Kadalasan siya ay nagiging matagumpay sa
larangan ng kalakalan, politiko, pamamahala,
pagtuturo o edukasyon at social work.

- mahusay sa pakikipag-ugnayan nang may


pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
Natural / Nature
Intelligence
- Ito ay talino sa pag-uuri, pagpapangkat at
pagbabahagdan.

- Madali niyang makilala ang mumunti mang


kaibahan sa kahulugan.

- Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan


kundi sa lahat ng paligiran.

- Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay


nagiging environmentalist, magsasaka o botanist.
Existential
Intelligence
-Ito ang talino sa pagkilala sa pagkakaugnay
ng lahat sa daigdig.

- Ang talinong ito ay naghahanap ng


paglalapat makatotohanang pag unawa ng
mga bagong kaalaman sa mundong ating
giagalawan.

-kadalasan ang taong mayroong ganitong


talino ay masaya sa pagiging philosopher o
theorist.
Maraming
Salamat!

Alexandra Llega
BSED-FILIPINO 3

You might also like