You are on page 1of 15

Iba’t Ibang Dulog sa

Pagtuturo

Process Approach
Pagdulog Konseptwal
Pamaraang Microwave sa Pagtuturo ng Wika
Ang Pagtuturo ng Filipino
Process Approach

Ito ay ginagamit sa pagtuturo
ng mga asignatura sa agham.
Binibigyang diin ang pag-
aangkin ng mga mag-aaral ng
mga batayang kasanayang
intelektwal na kailangan niya
sa pagkatuto.
Ito ay ginagamit upang linangin
ang kakayahan ng mag-aaral sa
patuloy na pagkatuto maging
lumabas na siya sa buhay-
paaralan.
Layunin nito na sanayin ang mga
mag-aaral na tumuklas ng
kaalaman sa siyentipikong
pamaraan o sa kaparaanang
ginagawa ng isang siyentipiko.
Ang mga siyentipikong paraang ito na
masasabing mga batayang kasanayang
intelektwal ay ang mga sumusunod:
1. Pagmamasid
2. Pag-uuri-uri
3. Paggamit ng pamilang
4. Pagsukat
5. Relasyong ispasyo-panahon
6. Komunikasyon
7. Panghuhula
8. Pagbubuo ng haka
Sa pagtuturo ng agham sa pamamagitan ng process
approach nilalayon sa mga mag-aaral ang mga
sumusunod na tunguhin:
1. Mapukaw ang pagiging pagkamausisa at
pagkabatid ng mga kabatiran sa agham
2. Malinang ang mapanuring pag-iisip at makaagham
na pamaraan ng pagkalap nh kabatiran
3. Maangkin ang pagpapahalagang naitutulong ng
agham sa tao at lipunan
4. Magkaroon ng mga batayang kasanayang
intelektwal na magagamit sa paglutas ng suliranin
sa pang-araw-araw na buhay
5. Magamit ang mga makaagham na kaalaman sa
pagunawa sa sarili at kapaligirang kinabibilangan
Pagdulog Konseptwal
(Conceptual Approach)

Ito ay isang pamaraan ng pagtuturo na
inuugnay sa pagtuturo ng
Araling/Agham Panlipunan.
Ito ay nakatutulong sa pagbubuo at
pagkatuto kung paano matuto (learning
how to learn)
Ito ay nagbibigay diin sa pag-aaral ng
kaisipan o konsepto.
Mungkahing mga yunit o mga kaisipang
dapa ituro sa Araling Panlipunan…
1. Kultura o Kalinangan
2. Ang tao sa kanyang kalinangan
3. Organisasayong Pangkabuhayan
4. Organisasyong Panlipunan
5. Kalayaan
6. Pakikiisa sa Isa’t Isa o Pakikipag-asahan
7. Agham
Pananalig sa Dakilang Lumikha
Pamaraang Microwave
sa Pagtuturo ng Wika

Ito ay pagpapaunawang pasalita tulad
ng pamaraang padula-dulaan.
Gumagamit ng mga siklo o cycles. Ang
siklo ay binubuo ng maikling usapan na
karaniwan ay tanong at pangungusap na
pasalaysay. Ito ay maiikli, karaniwang
pananalita at pagpapahayag lamang.
Pormat
May bahaging may sagisag M at C.
Ang bahaging M ay nahahati sa M-1 at
M-2
M-1: tanong
M:2: sagot
Ang bahaging C ay kumbinasyon ng M-
1 at M-2
Ang dalawang M ay dapat nagwawakas
sa pag-uusap
Mga Hakbang sa Pagtuturo ng Siklo
1. Ilahad ang siklo sa isang makabuluhang
sitwasyon. Iwasan ang paggamit ng
katutubong wika o ng pahsasalin
2. Pagkatapos mailahad, bigkasin ng tatlong ulit
sa madalang na pasalita. Ipagaya ito sa mga
mag-aaral. Ipaulit ng maraming beses
hanggang sa paggagad ay maging katulad ng
modelo.
3. Ibigay ang pagsasanay na ginagamitan ng mga
kayariang pambalarila na kasunod ng bawat
siklo. Simulan ang pagsasanay sa pagsagot
bago sanayin sa pagtatanong
4. Simulan ang pagsasanay sa payak na
tanog at sagot . Kapag may ganap nang
kaalaman sa payak na kayariang
pambalarila, maaring palawakin ang
kaalaman na patungo sa pagsasanay sa
masalimuot na pag uusap.
5. Maaring ang guro ang magsimula ng
pagtatanong sa isang mag-aaral. Ang
mag-aaral na sumagot ay magtanong sa
katabi na siya namang magbibigay ng
panibagong katanungan.
Tatlong dimensyon sa
panimulang batayan sa
pagpapaliwanag ng pormat ng
Pamamaraang Microwave
1. Pagsasaugaling pangkaalaman
2. Kalinawan
3. Pananagutan
Ang Pagtuturo ng
Filipino

Dahil sa pagsasakatuparan ng Patakarang
Edukasyong Bilinggwal sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 25 ng taong 1974, ang
pagtuturo ng Filipino at pagtuturo sa Filipino ay
napagkaukulan ng diin sa paaralan sa lahat ng
kapantayan nito.
Ito ay upang malinang sa mamayang Filipino
ang kasanayan sa paggamit ng dalawang wika:
ang wikang Filipino at wikang Ingles
Paggamit ng wikang Filipino bilang wikang
panturo sa iba’t ibang asignatura bilang isang
mabisang paraan sa paglinang ng kakayahan ng
mga mag-aaral na makipagtalastasan sa wikang
Filipino.
Sa pagtuturo ng wika ang layunin ay pagtamo
ng kakayahang magamit ang wika sa mabisang
pakikipagtalastasan.
Ito ay ilan sa mga mungkahi o kaisipan hinggil
sa pagtuturo ng wika:
Ituro ang paggamit sa wika at hindi tungkol sa wika
Pag-aaral ng wastong gamit ng salita
Isaalang- alang ng guro ang uri ng mga mag-aaral na
kanyang tinuturuan.

Mungkahi sa Paglinang ng Talasalitaan


1. Ipahanap ang maliliit na salitang matatagpuan sa loob
ng isang mahabang salita
2. Ganyakin ang mag-aaral na magparamihan ng
mabubuong salita mula sa isang salitang-ugat sa tulong
ng panlapi
3. Ipapili ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang
nasa unahan ng hanay
4. Ipapili sa mga mag-aaral ang kabaliktaran ng kahulugan
ng salitang nasa unang hanay

You might also like