Sa mababang Paaralan at Mataas na Paaralan man ay ginagamit ang
pagtuturo ng Wika at Panitikan sa mga magkasanib na pamaraan. Kung minsan ang aralin sa panitikan ang magiging lunsarang aralin sa wika. Kung minsan ang aralin naman sa wika ay nagwawakas sa pag-aaral ng panitikan.
Naririto ang mungkahing mga hakbang sa paraang pinagsanib na
pagtuturo ng panitikan at wika.
1. Panimula (Introduction)
a. Pagganyak- Umiisip ng mabuting paraan na magigising ang
kawilihan ng mag-aaral sa maikling kathang tatalakayin.
b. Paghahawan ng balakid o pag-aaral ng mahihirap na salita na
mababasa sa loob ng katha. Maaaring salita o maikling pahayag.
c. Pag-uusap tungkol sa buhay ng may-akda – Nakakatulong kung
minsan sa pag-unawa ng katha kung may nalalaman ang mag- aaral sa buhay ng awtor. Maaari ring mapag-usapan kung bakit naisulat ng may-akda ang kathang pinag-aralan.
2. Pagtalakay sa Maikling Katha (Discussion of the Short Story)
Ang mga tanong na pag-uusapan ay kalimitang naibigay na ng
sinundang araw bilang takdang-aralin.
a. Ano ang paksnag-diwa ng kuwento?
b. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan? c. Aling bahagi ng kuwento ang kasukdulan? Kakalasan? d. Anong paraan ang ginamit ng may-akda sa pagsasalaysay? Sa paglalarawan? e. Pagpapapili sa magagandang pahayag sa loob ng kuwento. f. Pagbibigay ng mga tanong na nabibilang sa una, ikalawa, ikatlo at ikaapat na dimension ng tanong sa panitikan.
Halimbawa:
Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento? Bakit?
Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan? Patunayan. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng tauhan sa kuwento, gagawin mo ba ang katulad ng ginawa niya? Bakit? May karanasan k aba o may nalalaman ka bang tunay na pangyayari na kahawig ng banghay ng kuwento? Isalaysay sa klase.
3. Pagbasa (Reading)
a. Pagbasa sa mga talatang may magandang pahayag.
b. Pagbasa sa mga talatang nagpapatunay sa mga sagot. c. Pagbasa sa mga bahaging madula. d. Madulang pagbasa ng klase sa buong kuwento.
4. Pagsasanib ng Aralin sa Balarila (Integration of Language and Literature)
Kung ang aralin sa balarila ay pang-uri, maaaring ipapili sa klase ang
mga pang-uri sa loob ng kuwento.
a. Maaaring ang mga ito ay ipasulat sa pisara upang makilalang
mabuti at tuloy masabi kung ano ang pang-uri.
b. Matapos maibigay ang katuturan ng pang-uri, ipapangkat ang
mga pang-uring nasa pisara ayon sa kayarian. (Sa pamamatnubay ng guro ay makikita ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng payak na pang-uri sa maylapi, sa inuulit o sa tambalang anyo ng pang-uri). c. Maaari rin namang kung ang mga napiling pang-uri ay nasa isahang anyo, maipasusulat ng guro ang anyong maramihan ng pang-uri.
d. Ipabigay ang tuntunin kung paano nabuo ang maramihang
anyo ng pang-uri.
e. Bilang paggamit, maaaring magpasulat ng mga pangungusapa
o talata na ginagamit ang mga pang-uri. (Ito ay simula nan g malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral.)
f. Gawaing Pasulat. Sa tulong ng mga pang-uring napag-aaralan
at sa iba pang mga pang-uring alam nan g mag-aaral, ganyakin ang mga mag-aaral na sumulat ng paglalarawan tungkol sa ilang mungkahing paksa gaya ng:
Ang Aming Nayon
Ang Liwasang Bayan Ang Palengke Ang Gulayan ng Paaralan Isang Aklatan Sariling pili ng mag-aaral g. Maaari rin namang magkaroon ng malikhaing gawain tungkol sa maikling kuwentong binasa. Maaaring ito ay isa sa mga susunod pang araw gaya ng:
Pagkakaroon ng timpalak sa madulang pagbasa sa
kuwento. Bubuo ng lima o anim na pangkat sa klase. Pagpipili ng tauhan sa kuwento at magkaroon ng pagsasatao (Roleplaying). Ipasadula sa klase ang buong kuwento. Maaari ring magkaroon ng dulang panradyo. Kung may nagsasalunatang isyu sa loob ng kuwento, hatiin ang klase sa dalawa o higit pang panig. Magkaroon ng pagtatalo. Maaari rin ang pangwakas na gawain ay pasulatin ng isang talata na naglalaman ng nais niyang maging wakas ng kuwento. Kung bihasa na sa ganitong mga gawain ang mga mag-aaral, maaari ring pasulatin sila ng isang buong kwento.