You are on page 1of 7

PAGTUTURO NG

PANITIKAN

Panitikan ang dapat ituro at


hindi ang kung ano pa man
Ang panitikan ay hindi kasaysayan
Ang kaligirang pangkultura at
kalakaran ng panahon nang isulat
ang akda ay maaaring maging
kawili-wili
ngunit
itoy
hindi
panitikan.

Ayon kay Sloan (1975) kaugnay ng pagtuturo


ng panitikan:
Literature must cast off its Cinderella rags.
For too long it has been a servant in the
classroom; used to teach reading skill, inculcate
moral values, develop positive self-concepts,
and/or provide insights into the history of other
people and other lands. Of course, it is true that
literature is useful in doing all these things and
more. But literature is first of all is an art and
should be taught as literature for its own sake
and for its own inherent values. Everything else
associated with its study is of secondary
consideration.

Ang panitikan ay nagbibigay-hugis sa mga


bunga ng makabuluhang karanasan ng tao
Ang panitikan ay kabuuang bunga ng
makabuluhang karanasan ng tao. Kaya
isaisip ito lagi sa pagtuturo ng panitikan.
Nagagawa nitong malinang ang ating mga
pangitain tungkol sa reyalidad ng buhay.
Halimbawa: Saan at kailan nangyari ang
kwento?Kung nangyari kaya ito sa ibang
lugar o ibang panahon, paano mo ito
babaguhin?

Isanib ang pagtuturo ng panitikan


sa ibang aralin sa kurikulum
Mahirap hatiin ang makabuluhang karanasan
ng tao kayat hindi rin dapat hatiin ang
programa ng aralin sa ating kurikulum sa isang
takdang panahon sa pagtuturo ng panitikan.
Tandaan natin na may ibat ibang paraan ng
pag-unawa sa isang kwento at ang mga itoy
hindi maipapahayag na lahat sa tuluyang
paglalarawan (descriptive prose).
Ang tunay na pagtaya kung nauunawaan ng
mag-aaral ang akdang binasa o narinig sa
pamamagitan ng isang masining o malikhaing
paglalahad.

Pag-alam sa mga pangkayariang balangkas


ng mga akdang pampanitikan
1. Ang mga Arketipo ( Archetypes). Itoy paulit-ulit na
huwarang bahagi o sangkap na makikita sa mga akdang
pampanitikan tulad ng mga tauhan, imahen, uri ng kwento,
pangyayari at mga simbolo.
2. Kombensiyon (Convention)-Itoy salita na nagsasabi
ng isa pang uri ng pagkakatulad na makikita natin sa mga
akdang pampanitikan.
3. Imaheng Siklikal at Dayalektikal.
Siklikal(imaheng batay sa mga likas na siklo)
Dayalektal(imaheng naglalahad ng pagsasalungatan.)

4. Ang apat na banghay


Romansa-masasalamin ang katuparan ng isang
nasa, ang pagtatagumpay ng kabutihan sa
kasamaan, at ang pamumuhay nang sagana.
Trahedya- ang mga kwento o tulang
nagpapakita ng hangganan ng kapangyarihan
ng tao na maaaring magbunga ng kasawian sa
kanyang pangarap .
Satiriko- ay may layuning kumutya sa mga bisyo
o kahangalan ng tao, di kayay naglalarawan
iyon ng mga katawa-tawang kalagayan
Komedya-mararanasan ang wakas na sasabihin
nating mahirap mangyari sa tunay na buhay.

You might also like