You are on page 1of 28

• Ipinalabas ang Les Cloches de Corneville na

pinamunuan ni Mr. Jouy.

• May mga sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon sa


palabas.

• Napansin ni Camaroncocido ang mga kilos at pagdating


ng mga taong naghuhudyatan sa dilim na noon lamang
niya nakita sa Maynila.

• Doo’y narinig niya ang kanilang bulungan na may sariling utos


ang Kapitan Heneral.
• Ben-Zayb • Don Custodio
• Macaraig • Donya
• Sandoval Victorina
• Isagani • Kapitan
Heneral
• Pecson
• Serpolette/Lily
• Juanito
Pelaez • Gertrude
• Tadeo • Germaine
• Paulita • Gaspard
Gomez • Grenicheux
• Padre Irene
• Tabing - Kurtina

• Butaka - Upuang may patungan ng braso; pang-ibabang mga


hanay ng upuan sa teatro o tanghalan.

• Cancan - A rollicking French dance.

• Ayuntamiento - Pamahalaang lungsod.

• Entrada General - Teatro.


• Palko - Upuan sa dakong itaas ng likuran ng
tetro.

• Masigabo - Mainit na pagtanggap o


palakpakan.

• Pinagkuskos - Pinagkiskis.

• Servantes - Servants o tagapaglingkod.

• Dometiques - Domestic o pantahanan.


• Ang teatro ay masiglang-masigla at punong-puno ng
mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng
upuan.

• Ikawalo’t kalahati ang takdang pagsisimula ng palabas.


Hindi makapagsimula sapagkat hinihintay ang Kapitan
Heneral.

• Ang mga artilyerong maiingay ay tinawag ni Ben-Zayb na


kaagaw ni Marte.
• Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng
palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: Ito ay
hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang
na makita ang palabas.

• Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay


uupuan ngKapitan Heneral.

• Umupo sa butaka at ayaw tumindig ang isang ginoo.


Si Don Primitivo ang may-ari ng upuan kinauupuan
nito.
• Tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang
makita niya na ayaw tumindig nito. Ang pagmamatigas ni
Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa
mga taong naiinip.

• Habang nagaganap ito ay biglang tumugtog ang


marchareal sapagkat dumating na ang Kapitan
Heneral.

• Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga


estudyante ang kinauupuang palko nito.
• Si Pepay ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang
gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso
nito. Si Pepay, noong hapong iyo’y sumulat sa kagalang-
galang na tagapayo at naghihintay ng kasagutan.

• Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay


Don
Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa
Ayuntamiento.

• Si Macaraig ay makahulugang tumitingin kay Pepay,


parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang sasabihin.
• Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang
upuan buhat sa ibang palko ay sumasang-ayon na ang
tagumpay ay makakamit nila.

• Si Pecson na naniniwalang walang mahihita sa kanilang


nilakad, nang mga sandaling yaon ay nakalimot sa
kaniyang paniniwala dahil sa nakikitang si Pepay ay
nakangiti pang nagpapakita ng isang sulat.

• Si Isagani ay pangiti-ngiti lamang at malamig ang


pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-
kanina si Paulita na kasama ni Juanito Pelaez at Donya
Victorina.
• Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa
malakas na palakpakan sapagkat magsisimula
na ang palabas.

• Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni


Gertrude, na isang napakagandang babae na
makahulugang sumusulyap sa Kapitan Heneral.

• Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na


taglay ang matapang nanghahamon na anyo.
• Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine,
Grenicheux, at Gaspard.

• Si Padre Irene na lubhang maibigin sa musika at


marunong magsalita ng Pranses ay pinaparoon ni Padre
Salvi, wari’y pulis simbahan.

• Itinakbo ni Serpollete si Padre Irene.

• Ang masayang si Lily/Serpollete ay tuwang-tuwa na


matagpuan sa Maynila ang isa niyang matandang kaibigan
na nagpagunita sa kanya ng mga coulisses sa teatro
ng Grand Opera.
• Si Padre Irene sa pagkakatong ito’y tumupad sa kanyang
dalawang tungkulin, ang tungkuling pangkaibigan at
tungkulin bilang tagasuri ng palabas.

• Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais


sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don
Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay
nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay
nilang cancan.

• Nagkunwaring marunong ng Pranses si Sandoval at


naging
tagasalin ng kanyang mga kaibigan.
• Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni
Donya Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay
lalaking-lalaki at maginoo.

• Si Ben-Zayb ay manunuligsa ng El Grito de la Integridad at


ang kanyang anyong mapagwalang bahala ay nagbibigay
sa kanya ng katangiang sa mata ng mga kasiyahan sa
pinapanood ngunit upang masabing mabuting
manunuligsa ay walang mabuting paraan kundi pintasan
ang lahat.

“Walang boses kahit iyang si Sarpollete, at si Germaine ay hindi kaakit-akit


kumilos, hindi iyan musika, arteo anumang bagay.“- Ben-Zayb
• Si Donya Victorina na hangang-hanga kay Juanito ay naisip
na kung sakaling mamatay ang asawang si Don Tiburcio ay
pakakasal si Paulita kay Juanito.

• Napawi ang ang kasiyahan ng


babaeng (nag-akalang siya ang huling dumating ) ng
makita ang isang palkong walang tao. Ang palkong iyon
ay kay Simoun.

• Dumating si Macaraig na malungkot at mapait ang ngiti.


Dala ni Macaraig ang isang liham na agad namang
ibinigay kay Sandoval. Binasa ito ni Sandoval.
Ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak
nilang paaralan.
1. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa
palabas?
• Sapagkat hindi siya nakakaunawa ng
Pranses.
2. Bakit masaya si Pepay gayong hindi naman pala
maganda ang kanyang balita para kina Makaraig ?

• Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don


Custodio na pagsang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa
nina Makaraig.
3. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa
balak nilang paaralan?

• Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga Dominikano sa


Unibersidad ng Sto. Tomas samantala ang lahat ng gugol
ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa
pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga Dominikano.
Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan?
4. Bakit naantala ang pagsisimula ng
palabas ?
• Sapagkat hinintay ang pagdating ng Kapitan
Heneral.
5. Ang tinawag na tisiko ng isang manonood
ay si ?
• Si Juanito
Pelaez.

You might also like