You are on page 1of 22

MODYUL 2

PANGGITNANG ARALIN
MIDTERM
Unang Semestre
2020-2021

Fil 01- INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA

Isinulit ni :

Prof. Simeona S. Abraham

Guro

Isinulit kay :

Prof. Rizaide A. Salayo


Tagapangulo sa Sekundarya ng Edukasyon
Sinuri ni :

Marife S. Magpantay Ph.D.


Dekana CTE

Talaan ng Nilalaman:

Yunit II- ARALIN 1- Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika

- Ang Balarilang transpormasyunal ( Transformational Grammar)

- Monitor Model ni Krashen

- Mga gawaing pampagtuturo na umaalinsunod sa Monitor Model

- Ang Pagtuturong nakapokus sa mag-aaral

-Ang Pagkatuto na Tulong-tulong

- Ang pagkatuto Interaktib

- Ang Whole Language Education

-Content-Centered Education

- Ang Pagkatutong Task-based

- Ang Brain-Based Learning

ARALIN 2- Mga Pundasyon sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika

-Ang mga batang mag-aaral at pagtuturo ng wika

-Ang pagtuturo ng wika sa mga bata

-Ang mga edad na mag-aaaral at ag pagtuturo ng wika

- Ang mga tinedyer at ang pagtuturo ng wika

- Pagkatuto VS Akwisisyon

ARALIN 3 – Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

-Motibasyon

-Ang mga Guro

-Ang mga Mag-aaral


-Mga Estilo sa pagkatuto

-Mga Teorya at Parktika ng Multiple Intelligences

Mga Pagsasanay at Gawain

Panggitnang Pagsusulit

Bago mo isagawa ang araling ito narito ang ilang gabay o panuntunan na dapat mong malaman.

1. Unawain ang bawat salitang nakapaloob sa aralin at bigyan ng pansin ang mahahalagang paksa tungo
sa iyong pagkatuto.

2. Maaaring magtanong sa guro kung hindi lubos na maunawaan ang mga gawain sa takdang ibibigay na
skedyul o panahon. Narito ang cp.number ng iyong guro( 09271339883 ) o (cenen1222@gmail.com)o sa
messeger ng guro.

3. Iwasang magtanong sa mga kaklase sa mga mahahalagang detalye sa pagsasagot sa gawain o


maikling pagsusulit sa bawat aralin.

4. Maaring isumit ang inyong mga kasagutan ng bawat gawain sa nabanggit na numero.

5. Suriin at maaring magsaliksik sa ibang aklat upang mas mapalawak pa ang inyong kaalaman batay sa
aralin.

6. Sa pagsasagot ng mga gawain ilagay ang kompletong pangalan ninyo o cell number ninyo o e-mail mo
upang madali tayong magkaroon ng kontak sa isa’t isa .

7. Magtatakda rin ang guro ng virtual sa ilang gawain kung kinakailangan ng saganoon ay may maayos
tayong daloy sa pag-aaral.

8. Ipababatid ng guro ang panahon ng inyong mahabang pagsusulit sa bawat gawain

INTRODUKSYON

Wika ang nagbibigay kaalaman sa sangkatauhan upang mabuo ang kanyang pagkatao. Ang
pagkatuto at pagtuturo ng wika ay isang instrumento sa paglinang at pagbuo ng mga salita na maiiugnay
sa isang batang walang sapat na kamalayan sa lipunang kanyang ginagalawan tungo sa kanyang
kinabukasan. Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at paniniwala
sa mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon, pokus sa mag-aaral, mga
batayang teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at mauunawaan kung anu nga ba ito. Ang
pag-aaral ukol sa istruktural na pagtuturo, whole language approach, at ang content-based instruction
ay ilan lamang sa pundasyon ng isang batang mag-aaral at may edad na mag-aaral tungo sa pagtuturo at
pagkatuto .

Mahalaga sa murang edad ng mga mag-aaral na naiintindihan nila at nagagamit ang wikang
Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na magamit ito
araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga mag-aaral
ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanilang
pakikipagtalastasan sa iba. Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika, isa itong
daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin kung
bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata.Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang
magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan,
at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at
kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito. Halina’t tuklasin ang mga
ito.

Layunin:

1. Nalalaman ang mga napapanahong gawain sa pampagtuturo at pagkatuto sa larangan ng wika.

2. Natutukoy ang mga pamamaraan sa pagtuturo sa mga batang mag-aaral at may edad .

3. Nalilinang ang mga kaalaman hinggil sa mga salik sa matagumpay na pagtuturo ng wika.

4. Nakapagbubuod at nasasagutan ang ilang pagsasanay at pagsusulit tungo sa pagkatuto at pagtuturo


ng wika sa loob at labas ng silid-aralan.

Yunit I - MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA

Saan nga ba nagmumula ang tunay na pagkatuto? Paano nga ba nangyayari ito?

Sabi ng isang matandang kasabihan mula sa Ingles, “Ang karanasan ang pinakamahusay na guro.”
Totoo pa rin ba ang kasabihang ito sa makabagong panahon natin ngayon?

Sa aking palagay, bilang isang guro, at bilang isang tagahubog ng kaisipan at kamalayan ng mga
kabataan ngayon sa makabagong mundong tinatahanan nating lahat, hindi pa rin nagbabago ang ating
pananaw at pananampalataya sa matandang kasabihang ito—kagaya ng ating hindi pa rin kumukupas na
paniniwala sa isang katotohanan ng buhay, na hindi lahat ng bagay na dinaanan na ng maraming
panahon ay nawawalan na ng halaga, saysay, at diwa.

Mula sa kaisipang ito dapat palaging hugutin ng isang guro ang mga bagay-bagay na ginagawa niya sa
silid-aralan kapag siya ay nagtuturo. Dapat ay tinitiyak niya na may pagdanas sa iba’t ibang bahagdan at
pamamaraan na nangyayari sa kanyang mga mag-aaral sa kahit anumang paksa ang kanyang tinatalakay.
Dito nasusubok at dito rin nahuhubog ang husay, talino, at kakayahan hindi lamang ng mga mag-aaral
kundi pati na rin ng guro.

Sa pamamaraang ito ng pagtuturo nahahasa ang utak at pati na rin ang puso ng mga mag-aaral at ng
guro. Walang bisa ang mga konsepto, ang mga ideya, at ang mga salita kung ang lahat ng ito’y naiiwan
lamang sa utak ng mga mag-aaral at hindi nila nararanasan ang mga ito sa loob at labas ng silid-aralan.
Hindi kailanman sasapat ang tisa at pisara para maturuan at maipaunawa sa mag-aaral ang
mahahalagang konsepto at mga aral sa buhay na kailangan nilang matutunan at malinang sa kanilang
paghahanda sa tunay at mas malawak na paaralan.

Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebuy na isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner,
pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpapatibay, magiging
mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na hindi
pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at
pag-uulit natutuhan ang wika.

Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang Language Acquisition
Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng
pansariling pagbabalarila.

May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa


kasalukuyan.

• Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago pa
man ang pagtuturo nito.

. Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay katugma
(compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.

• Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may
kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat,
pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang
kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.

Aralin 1 : ANG BALARILANG TRANSPORMASYUNAL (TRANSFORMATIONAL GRAMMAR)

Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na ang isang wika ay
may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na nalalaman at nagagamit ng isang tao sa kanyang
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at
mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.

Bagama’t hindi naging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika perse, malaki ang
naiambag nito sa monitor model ni Krashen.

MONITOR MODEL NI KRASHEN

May iminungkahing teorya si Krashen (1981, 1982) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika
(W2) na naging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan
ang pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen:

Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan naman ito ng isang
matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang impluwensya sa pagtuturo at
pagkatuto ng pangalawang wika.

1. Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis na ito na


ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang
pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.

2. Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na mas
naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na
order ang bata sa pagtatamo ng wika.

3.Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo
at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa
pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich environment na
makapagpapadali sa natural o likas na pagkatuto nito.

4. Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang
prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang
kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni Krashen na comprehensible
input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa “caretaker speech,” anyo ng
pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang
caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado ang bokabularyo, iba’t-
ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon.

5. Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na
pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol
dito dahil nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language Acquisition
Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring
kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong affective at
positibo ay nakapagpapataas ng input.

MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR MODEL

Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga istrukturang pangwika
(W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may natatamong comprehensible input at
kung mababa ang affective filters at maluwag na makakapasok ang input.

Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong pagsasalita ay


tinatanggap.

Natural Order-Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng mga


pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap.

Monitor-Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng mga mungkahi o


tuwirang tuntuning gramatikal.

Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring epektibo sa
ibang mag-aaral.

Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng isang
pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata.

ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL (LEARNER-CENTERED TEACHING)

Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:

• Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;


• Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o pagsasanay)

• Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;

• At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda


kaagad-agad ang mga layunin.

Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.

ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG (COOPERATIVE LEARNING)

Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga


katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang
layunin ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain.

Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang


(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB (INTERACTIVE LEARNING)

Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at pagtanggap
awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig).
Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong
panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng
nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong
pasalita o pasulat man.

Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

• Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan

• Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.

• Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon

• Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika
sa “labas”

• Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens


ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION

Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin

a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element
gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang
wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at c) ang kahalagahan ng
alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.

Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:

a. Tulong-tulong na pagkatuto , b. Pagkatutong partisipatori c. Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

d. Integrasyon ng “apat na kasanayan” e. Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION

Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang integrasyon ng
mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED

Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na
may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task.

ANG BRAIN-BASED LEARNING

Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga teoryang neurofunctional at ang
pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para
matukoy hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa
pakikipagtalastasan.

Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning (Caine at Caine, 1991)
at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.

MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-BASED

1.Nagagawa ng utak na makapagproseso nang maramihan at sabay-sabay.


Ang mga karanasan sa pagkatuto ay kailangang maiplano nang mabuti (orchestrated) upang mapakilos
at maisangkot ang maraming bahagi ng utak.

2.Kasangkot sa anumang pagkatuto ang kabuuan ng ating physiology (katawan at mga bahagi nito).

Dapat isaalang-alang ang nutrisyon, ehersisyo, labis na pagkabahala, at kahandaan ng mag-aaral sa


anumang okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.

3.Ang paghahanap at pagbuo ng kahulugan ay likas sa tao.

Ang anumang pagkatuto sa wika ay kailangang maglaan ng kapanatagan at pagpapalayag-loob bukod pa


na tumutugon ito sa kawilihan at pagkamausisa ng mga mag-aaral.

4.Ang utak ay nakadisenyo upang makapaghulo at makalikha ng mga larawan.

Ang ideyal at mabisang proseso ng pagtuturo ay naglalahad ng mga impormasyon sa paraang magagawa
ng utak na makahugot ng mga hulwaran at aktibong makalikha ng pagpapakahulugan.

5.Ang mga emosyon ay mahalaga sa memorya.

Kinakailangang suportahan ng anumang pagtuturo ang kaligirang kabatiran ng mag-aaral at ang kanyang
taglay na wika.

6.Sabay-sabay na pinoproseso ng utak ang mga bahagi at kabuuan ng isang kaisipan.

Ang mga kasanayang pangwika gaya ng balarila at talasalitaan ay lubusang natutuhan sa isang
awtentikong kaligirang pangwika (paglutas ng suliranin, pagtatalo sa isang isyu, pagtuklas).

7.Kasangkot sa pagkatuto ang atensyong may tiyak na pokus at mga pang-unawa sa kapaligiran
kaugnay nito. Ang musika, sining, at iba pang mga katulad na pampasigla sa ating kaligiran ay maaaring
makaragdagat makaimpluwensya sa likas na pagtatamo ng wika.

8.Ang di-malay at may malay na pagpoproseso ng isip ay lagging kasangkot sa anumang pagkatuto.

Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na balik-aralan ang anumang pagkatuto upang
mapag-isipan itong mabuti, at mapamahalaan nang maayos ang paglinang ng sariling pagkatuto.

9.Tinatayang may dalawang uri ng memorya: ang memoryang spatial at ang memoryang rote.
Gamitin ang rote learning system sa mga teknik sa pagtuturo na nakapokus sa pagsasaulo ng mga salita
at mga tuntuning panggramatika samantalang sa mga pagtuturong kailangang isangkot ang mag-aaral sa
pagbabahagi ng naiibang karanasan.

10.Nagiging mabisa ang pagkatuto kung ang mga kaalaman at kasanayan ay nakapaloob sa likas na
memoryang spatial.

Ang isa-sa-isang paglinang ng mga kasanayang pangwika ay lubos na matututuhan kung nakatutok sa
mga gawain at karanasang awtentiko (lakbay-aral, pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).

11.Ang pagkatuto ay napasisigla ng mga hamon at nahahadlangan ng pagbabanta at pananakot.

Dapat sikapin ng guro na ang kanyang klasrum ay kaaya-aya at walang anumang palatandaan ng
panankot a mayaman sa mga hamong pang-isipan.

12.Bukod-tangi ang bawat utak.

Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang marami at magkakaiba.

ARALIN 2: MGA PUNDASYON SA PAGTUTURO NG WIKA

Sa larangan ng pagkatuto ng wika marami tayong dapat na isaalang-alang para sa mga mag-aaral.
Sinasabi na malaki ang papel ng isang guro sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa pag-aaral ng wika. Upang
lubusang mapaunlad at malinang ang kaalaman nila. Bilang kabahagi ka sa pag-unlad at paglinang ng
wikang Filipino ano ang gampanin mo bilang mag-aaral? Ano ang tungkulin ng isang guro ?Narito ang
ilang pamaraan at teknik sa pagtuturo ng wika .

1. Ang Mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika,maging Filipino o Ingles man,palaging nakasentro


ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo.Mayroon ng banggit tungkol sa mga mag-
aaral subalit mga palipad hangin lamang.Sa katunayang mas mahalagang isipin muna natin ang tungkol
sa mga batang ating tinuturuan: Sino sila? Saan sila galing?Ano ang alam nila? Anong motibasyon nila sa
pag-aaral ng wika? Ano ang palagay nila sa wikang Filipino? Paano sila natututo ng wika? Napaniniwala
tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata kaysa may
edad nang mag-aaral.

Narito ang ilang kwalipikasyon sa ganitong paniniwala:


Una- hindi totoong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata. Ayon kay
Brown,1994,may mga patunay din na marami rin silang pagsisikap na ginagawa upang matutunan ang
ikalawang wika.Ang may edad na mag-aaral ay nakabatay sa likas na natural na paraan ng pagsasalita ng
mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin.

Samantalang sa isang nag-aaral ng wika,tahasang binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at
pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain.

Ikalawa –may mga pag-aaral na nagsasabi na ang mga may edad ay may higit na kakayahan sa
pagtatamo ng pangalawang wika.Higit nilang maisasaulo ang mga talasalitaan kaysa sa mga bata.Maaari
silang gumamit ng prosesong deduktibo at abstraksiyon sa pag-aaral ng balarila at iba panlinggwistika
kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatama ng wika, maaring
magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng pangalawang wika.

Ikatlo- hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-aaral magsalita sa
mga batang pre-pubescent.Lumilitaw sa maraming pagkakataon na may mga batang totoong mahirap sa
pagtamo ng pangalawang wika dahil sa maraming kadahilan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may
kinalaman sa mga salik na personal,sosyal,kultural at politikal.

Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng
maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum.

Kailangan ng guro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung mga may edad ng mga mag-aaral na
maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal na teknik at istratehiya sa pagtuturo ng wika.

Limang Kategorya sa Pag-unlad at Paglaki ng mga Mag-aaral tungo sa Praktikal na Teknik at Istratehiya
sa Pagtuturo ng Wika.

1.Intelektwal na Pag-unlad-tumutukoy ito sa edad sa humigit kumulang na 19 na taon ay tinatawag na


Piaget ng “ concrete operations,” dapat isaalang-alang ang kanilang limitasyon. Ang mga tuntunin sa
wika at paliwanag ay kinakailangan nang ibayong pag-ingat.Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga
bata sa ganitong yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng “kawastuhan” at lalong higit na hindi nila
mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong “panlinggwistika. Ilan sa mga
tuntunin para sa mabisang pagkaklase;

- Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng ilang pambalarila.

-Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntuninna makalilito sa mga nag-aaral.


2. Tagal ng Pagkawili ( Attention Span) –mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng
panahon ng pagkawili ng isang mag-aaral. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung
ang pagkaklase ay nakasasawa at walang kabuhay-buhay, Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-
aaralan sa wika,tungkulin mong gawin itong kawili-wili,buhay at masaya

3. Pakilusin ang iba’t ibang Pandamdam ( sensory input)

- Maglaan ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata.

- Maglahad ng mga makabago at iba’t-ibang gawain

- Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-akting dahil kailangan ito ng mga bata
para sila’y maging gising at listo.

- Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang kawilihan.

- isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang mapanatili ang kanilang
kawilihan

4. Mga Salik na Apektib ( Affective Factors )

-Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng pagkakamali sa


pagsasalita,pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.

-Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat
mag-aaral,ngunit maging tiyak sa mga inaasahang matatamo ng iyong mag-aaral.

- Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo’t higit iyong mga tahimik
sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na subukin ang iba’tibang gawain sa pag-aaral
ng wika.

5.Awtentiko, Makabuluhang Wika- Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di
makahulugan.Magaling ang mga batas sa paghalata ng wikang di awtentiko,dahil dito iwasan hangga’t
maaari ang mga de kahon o di natural na paggamit ng wika

- Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob sa isang konteksto.
Gumamit ng kuwento, sitwasyon ,mga tauhan at mga usapang pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral
upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang retensyon.

- Iwasan ang paghati-hati ng wika sa maliliit nitong mga sangkap dahil mahihirapan ang mga batang
makita ang kabuuan nito.Bigyan diin din ang kasanayan sa pakikinig,pagbasa,pagsasalita at pagsulat.

Batay sa limang kategorya inilalahad dapat alamin ng isang guro na magtuturo ng wika ang bawat
pangangailangan ng isang mag-aaral, magsagawa ng maayos at malinaw na pagpapaliwanag ,bigyan
ng tamang panahon at kawilihan ang bawat mag-aaral upang maganyak . Isinasaad din na bigyan ng
laya ang mga mag-aaral na makalahok sa talakayan,tulad ng pagbasa,pagsasalita at pakikinig,andoon
din ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko o walang katotohan,at maging mapagpaumanhin

Ang mga may Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

Mas higit ang kakayahang kognitibo ng may edad kaysa sa batang mag-aaral kaya’t maaaring mas
magiging matagumpay sila sa ilang gawaing pangwika sa loob ng klasrum.Mapapagalaw nila ng mabisa
ang kanilang pandamdam na hindi kaya ng mga bata.Pareho antas nila sa pagiging mahiyain subalit higit
na may tiwala ang mga may edad sa kanyang sarili .

Mga dapat isaalang-alang sa pagtuturo ng wika sa mga mag-aaral na may edad na ang tuturuan.

1.May kakayahan na ang may edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga tuntuning mahirap unawain.

2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli ay ayon sa
kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.

3. Hangga’t maaring gisingin ang lahat nilang mga pandama upang ang klase’y maging masigla at laging
buhay.

4. May taglay din silang kaunting tiwala sa sarili kaya’t hindi masyadong kritikal ang kanilang pagiging
maramdamin.

Implikasyon sa pagtuturo ng pag-alam ng pagkakaiba ng mga bata at mga may edad na mag-aaral
ng wika

1.Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na iyong medyo mahina sa pagkatuto.

2. Huwag ituring na parang bata ang mga edad na mag-aaral.

2.1- huwag silang tawagin na mga bata

2.2. iwasan ang pagkausap sa kanila n parang bata

3.Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at magbigay ng sariling desisyon hinggil sa kung
ano ang maari nilang gawain sa loob at labas ng klasrum.

4. Huwag disiplinahin ang mga may-edad na parang mga bata.

Kung lumabas na suliraning pandisiplina laging ipalagay na may edad ang iyong tinuturuan at may
kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na ipinakikita nila sa loob at
labas ng klasrum.Gisingin ang bawat pandama ng mga mag-aaral na may edad na upang makagawa
sila ng sariling desisyon na alam natin na mapagagalaw nila ang kanilang pagkatao.
Ang Mga tinedyer at ang Pagtuturo ng Wika

Ang pangkat ng mga mag-aaral na nagbibinata o nagdadalaga na may edad 12-19 ang tawag sa pangkat
na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya.

Ito ang edad tungo sa pagbibinata at pagdadalaga.Mga makabubuting pagtuunan ang isang paalala.

1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa abstraktong
pag-iisip kaya’t maari na silang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain
tungo sa supistikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang
pagtatagumpay sa anumang gawaing pangklase at mga bagay hinggil sa kanilang pag-aaral ay maaring
maisantabi.

2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili( attention span) ay tumatagal na rin bunga ng kahustuhan ng
kanilang pag-iisip subalit maaari itong maging panandalian din dahil sa maraming pagbabagu-bagong
nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.

3. Maglaan din ng iba’t-ibang input na pandamdam( sensory input) sa mga pagkakataong kailangan ito
ng mag-aaral.

4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang
pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa kanilang mga naririnig na puna lalo’t higit tungkol sa
pagbabagong pisikal, mga emosyon at kanilang kakayahan sa pang-kaisipan.Isa sa tungkulin ng guro sa
pangsekundarya ay mapanatiling mataas ang pagpapahalagang sa sarili.

Pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

-pag-iwas na ipahiya sila sa klase

-Pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalakasan:

-Pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa pagkaklase:

-pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di- pagkakaunawaan at

-Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maari silang makipagsapalaran sa
paglahat na hindi totoong magiging kahiya-hiya kung magkamali man sila sa pagsagot.

5. Hanggat maaari’y maging maingat sa pagbibigay ng puna at mahihirap na gawain lalo na doon sa may
kahinaan sa pag-aaral.Isang malaking dagok sa kanilang katauhan kung sila’y maiinsulto lalo na’t sa
harap ng klase.
Pagkatuto vs Akwisisyon ng WIKA

Ang PAGKATUTO- ay isang binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang wika sa isang organisadong
paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o silabus.Ang ganitong pagkatuto ay humahantong
sa pag-alam ng mga tuntunin sa paggamit sa wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa
isang sistematikong at pormal na paraan.

Ang AKWISISYON ay nagaganap nang hindi namamalayan at katulad ito halos kung paano natutuhan
ang ating unang wika. Ito ay nagaganap sa isang sitwasyon na ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming
pagkakataon na natural na ginagamit ang wika”Pinupulot” ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig

na sa palagay niya’y kailangan sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid.Sa loob ng klasrum
ipinalalagay na kailangang ituro sa mga bata ang tuntunin para matutuhan ang wika.

Sa halip na ihantad ang mga bata sa mayamang kaligiran ng wikang sinasalita, ang input ay may
hangganan at inihahanay nang may kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng kurikulum.Ang pag-
aaral ay nagsimula sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa pagbuo ng salita. Ang pokus ng pag-
aaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang gawin o konteksto na kinapapalooban nito.

Sa loob ng tahanan malaya ang bata sa kanyang pagkatuto.walang tuntunin na kailangan


sundin.Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig ang kanilang natutuhan ay mga natural na wika na
kanilang naririnig at ginagamit sa araw-araw. Positibo palagi ang fidbak at walang salitang ulitin mo nga
ng kompleto sa pangungusap.

Ayon kay Krashen ang ganitong kaligiran sa pag-aaral ng wika ay may “low affective filter” kaya ang
pagkatuto ay madali at mabilis.

Sa epektibong pagtuturo ng wika hindi sapat ang pag-alam lamang sa iba’t ibang pamaraan sa
pagtuturo.Dapat ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa mga teoryang linggwistika at sikolohiya na
pinagbabatayan ng mga pamaraan sa pagtuturo.

ARALIN 3 - Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Ano nga ba ang pagkatuto ng wika ? Ano ba ang kaugnayan ng GURO, MAG-AARAL AT
MOTIBASYON? Ano nga ba ang MOTIBASYON? Bakit mahalaga ang MOTIBASYON? Sa bawat salik ng
pag-aaral isang mahalagang hakbangin ang tinatawag na Motibasyon,tungo sa pagkatuto at kawilihan ng
isang mag-aaral sa pag-aaral ng wika. Bahagi nito sa bawat aralin o talakayang ang tinatawag
motibasyon.

1. Motibasyon-ito ay isang salik sa matagumpay na pagkatuto ng isang mag-aaral.

Sinasabi na ang mga mag-aaral na mababa ang motibasyon o hindi seryoso sa pag-aaral mapapansing
makapasa ma’y pilit o di kaya’y pasang-awa.

Dalawang Uri ng Motibasyon

1.Panlabas na motibasyon-(extrisic motivation) bunga ng mga salik eksternal

a. Pagkagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na Filipino ang sinasalita. Integratibong
Motibasyon ang tawag dito.

b. pag-asam na makatuntong sa isang kolehiyo o pamantasan di kaya’y magkaroon ng isang trabaho na


mataas ang pasahod dahil sa alam na wika: Motibasyong Instrumental

c.Pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula sa kapwa mag-aaral o mga guro.

2. Motibasyong Intrinsik( intrinsic motivation) ito’y likas na kagustuhan sa pagkatuto ng isang wika.Sa
ganitong kalagayan kailangan ang angkop na pagpukaw sa kawilihan ng mga mag-aaral,paggamit at
pagpili ng mga kagamitang panturo na kanilang kalulugdan. Laging isaalang –alang ang iba’t ibang
pangangailangan pangkaisipan at pandamdamin ng mga bata lalo’t higit ang kanilang layuning
mapagtagumpayan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga mapaghamon subalit
reyalistikong mga gawain upang mapag tagumpayan ang layunin.

2. Ang Mga GURO

Ang epektibong guro ay malikhain,ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili at palaging may bagong
gawain. Hindi lang mapunla at makintal ang impormasyon o prinsipyo at hangarin kundi higit sa lahat ay
matulungan ang lahat ng mag-aaral na mapabuti ang buhay. ( Richard 1992 )

Sinasabi ng malaki ang pananagutan at gampanin ng isang guro sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa
pagtuturo at pagkatuto sa wika. Ang buong katauhan, saloobin,panlahat na kaalaman at estilo sa
pagtuturo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa
pag-aaral ng wika.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Isang Guro sa loob ng Klasrum

Malaki ang tungkulin ginagampanan ng isang guro sa loob ng silid –aralan ang magbigay ng
mahahalagang impormasyon at paglalahad ng kaalaman tungo sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Bilang
guro maglaan ng patnubay at tulong sa mag-aaral upang pagsanayan ang natamong kaalaman. Taglay
din ng isang guro ang magbigay ng pagganyak sa pamamagitan ng pagbibigay kawilihan sa tiyak na mga
gawain na walang pangamba ang isang mag-aaral sa bawat hakbangin o gawain tungo sa pag-unlad at
pagkatuto.Kasabay ng pagtuturo bigyan ng mga papuri at sigla ang bawat mag-aaral na nakasasagot o
nakikiisa sa bawat gawain. Palagian magsagawa ang guro ng pagtataya o ebalwasyon tungo sa pagkatuto
at paglinang ng kanilang mga kalaaman.

3.Ang mga Mag-aaral- magiging matagumpay ang isang guro kung may kabatiran at nauunawaan niya
ang mga katangian ng kanyang mag-aaral. Ayon kina Thomson at Rubin (1983) nagtala sila ng mga
katangian ng isang magaling na estudyante ng wika.

a. Nagagawa niyang manghula hinggil sa kayarian ng wikang pinag-aralan at sinusubukan niya ang mga
ito sa pamamagitan ng pangangalap at pag-iipon ng mga impormasyon sa isang mabisang paraan.
Gumagamit din siya ng mga hudyat (clue) na maririnig, makikita niya sa paligid. Ayon parin kay Rubin na
ang magagaling ng manghula ay gumagamit ng “pandama” hinggil sa balangkas ng pambalarila hudyat
mula sa mga kalabisan sa isang mensahe.Isinasaalang alang din nila ang palatandaang
nonberbal,ugnayan ng mga salita,ilang kabatiran tungkol sa pamayanan at ilang pagkakatulad sa
kanilang unang wika.

b. Mataas ang kanyang motibasyon upang makipagtalastasan at humanap siya ng mga posibleng
istratehiya para maparating sa iba ang kanyang naiisip o nadarama.Isang istratehiya na ginagamit niya
ay ang paggamit ng sirkumloksyusyon ( circumlocution) pagsasabi ng ibang pagpapakahulugan,maaaring
gumagamit din ng mga signal na nanberbal tulad ng pagkumpas o paggalaw.

c. Hindi rin niya pinipigilan ang sarili na makipagsapalaran sa paggamit ng wika.Tinatanggap niya ang
kanyang kalagayan bilang “linguistic todler” at tanggap niyang magmukhang hangal para lamang
maunawaan siyang mabuti ng kanyang kausap.

d. Humahanap siya ng mga pagkakataon upang magamit ang wika at nangunguna siya sa pagsisimula ng
isang usapan sa kanyang guro at mga kaklase at palaging sinasamantala ang mga pagkakataong
makapagsalita sa klase.
Sa bahagi ng kahusayan ng isang mag-aaral gumagamit sila ng mga pandama sa paglinang ng wika
walang pagpigil sa sarili sa pagsasalita,pagbasa pakikinig at pagsusuri sa kapaligiran. Tumutuklas siya
ng mga paraan upang makapagsalita sa loob ng klase o nangunguna sa pagpapahayag upang malinang
at maibahagi ang kanyang kaalaman sa kapwa mag-aaral at sa guro

4. Mga Istilo sa Pagkatuto

Bakit ba kailangan ang Istilo sa pagtuturo at pagkatuto?

Ayon kay Willing 1988 at binanggit kay Nunan,1991 – ay nagsabi na ang isang guro na sensitibo at
isinasaalang ang mga gustong istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay makatutulong sa pagkakaroon ng
isang matagumpay at mabisang pagkatuto.

Sa isang pag-aaral ni Willing nagawa niyang pagpangkatpangkatin ang mga mag-aaral at inuri niya ito sa
apat na kategorya.

Mga Uri ng Mag-aaral at Mga Gustong Istratehiya sa Pag-aaral

URI NG MAG-AARAL MGA ESTRATEHIYANG KINAGIGILIWAN SA PAG-AARAL


1.mga laro, 2. mga larawan,
Mga mag-aaral na “Concrete” 3. tapes/cd, 4. pairwork
5. pagsasanay ng wika sa labas ng klase
1. pag-aaral ng balarila 2. Pag-aaral ng maraming aklat
Mag-aaral na “Analitikal” 3. pagbabasa ng mga pahayagan 4. Pag-aaral nang mag-
isa
5.Pag-alam at pagsusuri ng mga kamalian sa wika
6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng
guro
1. pagmamasid at pakikinig sa mga taal na tagapagsalita ng
Mag-aaral na Komunikatib wika
2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-
aralan
3. panood ng tv sa wikang pinag-aralan
1. mas gusto na ang guro ang magpaliwanag nang lahat
Mag-aaral na Authority Oriented tungkol sa wika
2. may sariling batayan ang aklat
3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk
4. pinag-aaralan and balarila
5. nagbabasa para matuto
6.natutuhan ang bagong salita kung makikita ans mga ito

Mga Teorya at Patrika ng Multiple Intellegences

Noong 1904, hiniling ng Ministri ng Instruksyong Publiko sa sikologong Alfred Binet at mga kasama
na lumikha ng paraang tutukoy sa mga mag-aral na nasa antas primarya na nanganganib na lumagpak
para

bigyan ng remidyal na pagsusulit. Sinimulan ang pagbibigay ng unang intelligence test at batay sa
resulta ay napatunayang may inteligence na obhetibong masusukat na tatawaging IQ Score. Ipinanukala
ng sikologong si Howard, Gardner sa kanyang aklat na Frances of Mind ang pagkalkaroon ng pitong (7)
batayang intelligences bagamat may nagsasabing ito’ y naragdagan ng dalawa pa kung kayat nabuo ang
Siyam (9) na uri.

Ang Siyam (9) na Uri ng Multiple Intelligences

1. Intelligence na Linggwistik-

a. May kapasidad na magamit nang wasto ang mga salita nang pasalita o pasulat

b.May kakayahang magamit ang sintaks o istruktura ng wika, ponolohiya o mga tunog ng wika,

semantik o kahulugan ng wika at pragmatikong dimensyon o praktikal na gamit ng wika.

2. Intelligence na lohikal-Matematikal

a. May kapasidad na at magamit nang wasto ang mga salita nang pasalita o pasulat

b. Nagtataglay ng sensitibiti sa huwarang lohikal, releysyonsyi proposisyon, sanhi at bunga

c. Ginagamitan ng prosesong kategorisasyon, klasipikasyon, inperens paglalahat, kalkulasyon at

pagsusulit-haypotesis.

3. Intelligence Visual Partial

a. May kakayahang Makita nang tam ang daigdig visual-partial at makagawa ng transpormasyon
mula
sa persepsyon.

b. May sensitibiti na magkulay ,magguhit,maghugis, at mapag-ugnay-ugnay ang mga elementong

nabanggit.

4 Intelligence na Bodily-Kinesthetic

a. May kakayahang makapagpahayag ng mga ideya at damdamin at makagamit ng isang kamay na

makalikha o makapagpabago ng mga bagay.

b. Kabilang dito ang tiyak na mga kasanayang pisi kal gaya ng koordinasyon, lakas, pleksibiliti, bilis
at

iba pa.

5. Intelligence na Musikal

a. May kapasidad na makalikha, makapuna, makapagpabago at makapagpahayag ng mga pormang

musikal.

b. May kapasidad na makilala ang ritmo, melodi o tono ng Pyesang musikal.

6. Intelligence na Interpersonal

a. May kapasidad na matukoy ang intensyon, motibasyon at damdamín ng ibang tao.

b. May kapasidad na makapagpahayag na ginagamitan ng ekspresyon ng mukha ,tinig,galaw o


kilos.

c.May kapasidad na makaimpluwensya ng grupo ng tao na sumusunod para maganap ang aksyon.

7. Intelligence na intrapersonal

a. May kapasidad na makilala ang sarili at may kakayahang makakilos batay sa kanyang talino.

b. May talinong mailarawan ang sariling kalakasan at kahinaan.

c. May kamalayan sa sariling damdamin - intensyon, motibasyon at pagnanasa.

8. Inteligence na Natyuralist

a. May kakayahang matukoy at maikategorya ang mga halaman,hayop at iba pang mga bagay sa

kalikasan.

b. May pagmamahal at pangangalaga sa mga halaman, puno at mga bulaklak.

9. Intelligence na eksistensyal

a.May kapasidad na maipaliwanag ang malalim na kahulugan ng buhay.


b. May kapasidad na masagot ang tanong na nauukol sa sangkatauhan.

May mahalagang punto ang bawat teorya ng Multiple Intelligence ng isang tao o mag-aaral batay sa
siyam na uri masasabi natin na ang bawat nilikha ay nagtataglay ng katalinuhan na siyang magdedebelop
sa kanyang pagkatao at kahusayan. Ang intelligence ng isang tao ay nagaganap sa maraming paraan
kung saan nabanggit ang iba’t ibang kakayahan ng tao. Sa bahaging ito ipinakikita ang ilang
kapamaraanan ng pag tukoy sa bawat kakayahan ng isang mag-aaral o tao tungo sa pag-unlad at
kasanayan .

You might also like