You are on page 1of 6

1

TITLE 1: Integratibong Dulog ng Pagtuturo sa Filipino:


Batayan ng Epektibong Pagkatuto sa Pagbasa
Research Discipline: Teaching Initiative (Teaching Strategies)

RASYONALE
Alinsunod sa RA 10533 ang “Enhanced Basic Education Act of 2013” na
sinususugan ng Regional Memorandum No. 11 s. 2015 at Regional Memorandum
No. 233 s. 2016, ang pagtatakda sa paggamit ng 2C-2I-1R (Constructivist,
Collaborative, Inquiry-Based, Integrative at Reflective) na mga dulog pampagtuturo.
Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang
kanyang mga estudyante hindi lamang sa larangan ng akademiko ay gayun na din
sa tamang pag-uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na dapat
makuha ng mga estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga
mag-aaral. Dahil dito mas napapalawak ang komunikataibong kakayahan ng mga
mag-aaral.
Gayunpaman, maaring sa paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng
guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema ring kakalakip ang
tradisyunal na paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi na
napapalawak ng guro ang kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa
nakalimbag na libro. Kung minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling
impormasyon dahil hindi ganun ka-ayos at wasto ang teksbuk na basehan sa
pagtuturo
ng isang guro.
Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang
mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa
ating panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng
pangunahing kaisipan na iabng iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasa’y
nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal, at akademikong kasanayan ang
mga mag-aaral.
2

Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng


mag-aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang
kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking
pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din sa nasa
makabagong panahon na tayo,, naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-
aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na na mabagal o mahina sa
pagkatuto.
Ayon kay Kornhaber (2004), naisasakatuparan ng Multiple Intelligence ni Dr.
Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga at
magtamo ng kaparaanan para s apagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-
kuro at damdamin ganun na din sa mga ideyang mayroon sila base sa kanilang mga
nalalaman na naitulong ng teknolohiya.
Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang.
Ngayon ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na angkop
sa makabagong panahong kanilang ginagalawan.
Mula kay Vygotsky (1987), ang mga mag-aaral na handang humarap sa
hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kayang mga natutunan at
nakakadagdag ito sa atas ng pagpapahalaga niya sa sarili kung sya mismo ang
tutuklas ng paraang ito para sa sarili niya.
Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang di-
maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang
makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at
mas kaugnay sa realidad na nangyayari sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-
aaral, ang paraan ng pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo
ang unang rebisyon at ang makabagong paraan naman ay ang pinakabagong
rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.
Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang
mahalaga ay pamamaraan ng pagtuturo ng guro at ang istilo ng pagkatuto ng mag-
aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-
aaral para sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa
anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro. Badayos (2008)
3

Kaya naman, napili ng mananaliksik na pag-aralan ang integratibong


pamamaraan ng pagtuturo sa Filipino upang matukoy kung ito ay magiging batayan
ng epektibong pagkatuto sa pagbasa.

BATAYANG KONSEPTWAL

Ayon kina Lipson at Wixson (2003), pitong (7) salita bawat araw ang
nadaragdag sa bokabularyo ng mga bata na nasa preschool pa lamang.
Ayon naman kay Coady (2000), pinaniniwalaan niya na ang estratehiya sa
pagpoproseso ng impormasyon sa pagbasa ay may kaugnayan sa kakayahang
pangkaisipan at dating kaalaman ng mambabasa ayon sa tatlong (3) kaalaman: 1)
Kaalamang Semantika(mga konsepto, ideya at karanasan); 2) Kaalamang Sintaktik
(pagbuo ng pangungusap at batayang hulwaran); at 3) Kaalamang Graphophonic
(pormasyon ng pagpapantig, pagbaybay, atbp)
Ayon sa Teoryang Interkatib, ang pagbasa ay isang proseso at hindi isang
produkto. Pumapaloob sa proseso ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang
sarili mismo sa gayon, madali niyang matataglay ang mga kasanayan sa limang
dimensyon ng pagbasa. Kailangan magkaroon ng mga sumusunod na estratehiya:
pagtatanong, paghuhula, paglilinaw, pag-uugnay at paghuhusga.
Sa Social Learning Theory ni Albert Bandura (1925), tinutukoy ang
kahalagahan ng utak o pag-iisip ng isang indibidwal bilang pinakamabuting imbakan
ng impormasyon at ganoon din ang pagpoproseso at pagpapaliwanag sa mga ito
upang maging kapaki-pakinabang sa pag-unlad at pagkatuto ng isang indibidwal. Sa
interkasyon sa pagitan ng salik pangkatauhan at salik pangkapaligiran, sinasabing
ang mga paniniwala, ideya o karunungan ng isang indibidwal ay impluwensya ng
kanyang kapaligiran, klima, wika atbp.
Sa Hagdan ng Karanasan ni Edgar Dale (1956) nakapaloob ang 11 baitang
na karanasang nakatutulong sa mabisang pagtuturo at pagkatuto. Mapapansing
lima (5) sa mga baitang (1.visual symbols; 2. recordings radio, still pictures; 3.
Motion pictures; 4. Educational television; at 5. Demonstrations) ang nakapaloob at
maaaring ihanay sa E-Kagamitang Pampagtuturo.
4

Sa Taksonomi naman ni Benjamin Bloom (1986) na nirebisa ni Lorin


Anderson (2001), malinaw na tinalakay ang bawat lebel upang makatulong sa
mabisang pagkatuto sa Filipino tulad ng paglinang sa alaala, pag-unawa gamit ang
estratehiya, aplikasyon upang mailapat ang aralin matapos na maunawaan, ang
pagbibigay hatol sa natutunan at pagbuo ng bagong impormasyong tutugon sa
alternatibong pagtuturo sa Filipino.
Lubos na isinasaalang-alang ang mga teoryang ito upang magkaroon ng
mataas na literasi sa pag-aaral.

PARADIMA NG PAG-AARAL

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

I. Demograpikong Profayl ng
Tagasagot
 Edad
 Kasarian
 Edukasyong Natamo
 Tagal ng Pagtuturo Pagkatuto sa Pagbabasa ng mga
 Dinaluhang Seminar Mag-aaral
 Larang o Espesyalisasyon  Pag-unawang Literal
II. Integratibong Dulog ng Pagtuturo sa  Pag-unawang Ganap
Filipino  Pagkilatis sa Kahalagahan ng
mga Kaisipan at Kabisaan
 Content-Based
 Pagsasanib ng Kaisipang
o Themes, Text, Topic, Threads, Nabasa at Naranasan
Tasks, Transitions (6 T’s)  Paglikha ng Sariling Kaisipan
 Thematic
o Deliberate, Conceive, Act,
Perceive (DCAP)
 Knowledge-Building Community
Figure 1. The Research
o Experience, Paradigm
Inform, Build,
Understand (EIBU)
5

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang tuklasin epektibo at


kinagigiliwang pamamaraan ng pagtuturo. Sinikap ng mananaliksik na sagutin ang
mga sumusunod:
1. Ano ang salik ng mga tagasagot hinggil sa:
1.1. edad
1.2. kasarian
1.3. edukasyong nakamit
1.4. tagal ng pagtututo
1.5. dinaluhang palihan at seminar
1.6. larang o asignatura (konsentrasyon)

2. Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbasa sa pre-test at post-


test ayon sa:
2.1. Pag-unawang Literal?
2.2. Pag-unawang Ganap?
2.3. Pagkilatis sa Kahalagahan ng mga Kaisipan at Kabisaan?
2.4. Pagsasanib ng Kaisipang Nabasa at Naranasan?
2.5 Paglikha ng Sariling Kaisipan ?

3. May malaki bang pagkakaiba ang antas ng pagkatuto sa pagbasa ayon sa:
3.1. pre-test sa post-test?
3.2. post-test sa post-test?

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ginamit sa pananaliksik na ito ang descriptive method upang ilarawan ang


bisa ng integratibong pagtuturo sa pagkatuto sa pagbasa.
Ayon kay Shields et.al. (2013) ginagamit din ang descriptive method na ito
upang maipakita ang demograpikong tugon at salik sa paggamit ng integratibong
pamamaraan ng pagtuturo.
6

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na


hakbang:(1) Pinakuha ng guro ang mga mag-aaral ng paunang pagsusulit (pre-test)
upang matukoy ang antas ng pagkatuto (2) tatlong pangkat/seksyon ang ginamit sa
pag-aaral na ito, matapos gamitin ang integratibong pagtuturo ay pinakuha naman
ng panapos na pagsusulit (post-test) upang masuri ang epekto o resulta ng Content-
Based Instruction (6 T’s), Thematic Teaching (AACE, Kalantitzis 2007 at DCAP,
Garrison, Anderson & Archer 1999), Knowledge-Building Community Model (EIBU).
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa isandaang (100) mag-aaral sa Baitang 7
sa Fernando Air Base Integrated National High School, T.P. 2018-2019.

MGA SANGGUNIAN

Bernales, Rolando T., et.al. 2009. : Sining ng Pagtuturo, Manila: Mutya Publishing
House, Inc.
Bernales , Rolando et. al. 2009: Akademikong Filipino para sa Kompetetibong
Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House Inc.
Bernales, Rolando T., et.al : Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong
Komunikasyon. 2009. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales., 2008. Pagtuturo ng Filipino:Mga
Teorya at Praktika. Mutya Publishing House, Inc. Valenzuela City
Guamen, Pructuosa C., et.al., 1999. Tanging Gamit ng Filipino. Rex Book Store.
Maynila

Dyornal
Alberto, Milagros. 2012. Deped News and Action
Mickshiey, Aleish.2011. Blogspot

Villena, D., Reyes, E. & Dizon, E. (2015) Curriculum development. Q.C.: Adriana
Publishing Co., Inc.

You might also like