You are on page 1of 6

1

TITLE 3: Suliraning Kinahaharap ng mga Guro sa Pagtuturo ng


Filipino: Batayan sa Pagbuo ng Programa sa Paglinang
ng Kakayahan sa Pagtuturo
Research Discipline: Teacher’s Performance

RASYONALE
Sa programang K-12, layunin ng pagtuturo na malinang ang kakayahang
komunikatibo, replektibo o mapanuring pag-iisip, pagpapahalagang pampanitikan ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi aat patuloy na
pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong naganap sa daigdig.
Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga pantulong ng mga guro
maliban sa mga kagamitang pampagtuturo, kailangan ang angkop na mga
estratehiya sa pagtuturo.
Ayon kay Abad (2006), anumang karanasan sa bagay na ginagamit ng guro
bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay,
kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging
kongkreto, dinamik at ganap ang pagkatuto.
Ayon naman kay Johnson (1972), isang tanging gamit sa pagtuturo na
nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at guro na tumitiyak na sa bawat
karagdagang pagkatuto ng nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at
paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik.
Espesyal na dinisenyo gamit sa silid-aralan na binubuo ng mga panuto para sa mga
mag-aaral, at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang paksang dapat
matutuhan, mga teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa o
aralin.
Sa bawat pagbabago ng panahon ay nagbabago din ang kurikulum sa
Edukasyon. Kasabay nito ang pagdaragdag ng kaalaman ng mga guro upang
makasabay sa mga napapanahon at upang hindi mahuli sa mga pagbabago. Ang
mga guro ay bukal ng masisining na teknik upang maging mas epektibo sa
2

pagtuturo. Isang katangian din ng guro ay ang pagiging mulat sa pagbabago sa


paligid upang magkaroon ng epektibong pagtuturo na naaangkop sa makabagong
panahon. Kaya kasabay sa pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya ay ang mga
paraan at makabagong paraan sa pagtuturo sa Filipino na maaaring gawin ng mga
guro upang mas kawili-wili, madali, at maayos ang pagkatuto sa aralin.
Ang mga guro ay nangangailangan ng mga makabagong paraan sa pagtuturo
upang maging mas malinaw ang mga aralin, mapanatili ang atensuon at memorya
sa mga mag-aaral. Ayon nga sa “Cone of Experience” ni Edgar Dale, mas Malaki
ang porsyento ng pagkatuto sa mga bagay na nakikita o napapanood kaysa sa mga
bagay na naririnig. Sinusuportahan ng pag-aaral na ito na mas Malaki ang porsyento
ng matututo at matatandaan ng mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan kung
may mga bagay silang nakikita o napapanood.

Sa anumang pagbabagong nagaganap sa larangan ng pagtuturo, ang


mahalaga ay ang magandang pagtanggap ng mga mag-aaral at para sa kanilang
mas mabilis na pagkatuto. Tunay ngang tayo ay nasa tinatawag nang modernong
panahon o computer age ngunit di nangangahulugang dapat nang matabunan ng
mga modernong mga kagamitan at mga bagay ang paraan natin ng pagtuturo ng
Filipino. Sabi nga ng isang banyagang kasabihan “If you can’t beat them, join them”
nakakatawa ngunit sa larangan ng pagtuturo ito ay isang realidad. Kung hindi natin
sila kayang sawatain sa paggamit ng kompyuter o mga makabagong mga
kagamitan gamitin natin ito upang sila ay matuto.

BATAYANG KONSEPTWAL

Ayon kina Lipson at Wixson (2003), pitong (7) salita bawat araw ang
nadaragdag sa bokabularyo ng mga bata na nasa preschool pa lamang.
Ayon naman kay Coady (2000), pinaniniwalaan niya na ang estratehiya sa
pagpoproseso ng impormasyon sa pagbasa ay may kaugnayan sa kakayahang
pangkaisipan at dating kaalaman ng mambabasa ayon sa tatlong (3) kaalaman: 1)
3

Kaalamang Semantika(mga konsepto, ideya at karanasan); 2) Kaalamang Sintaktik


(pagbuo ng pangungusap at batayang hulwaran); at 3) Kaalamang Graphophonic (
pormasyon ng pagpapantig, pagbaybay, atbp)
Sa Social Learning Theory ni Albert Bandura (1925), tinutukoy ang
kahalagahan ng utak o pag-iisip ng isang indibidwal bilang pinakamabuting imbakan
ng impormasyon at ganoon din ang pagpoproseso at pagpapaliwanag sa mga ito
upang maging kapaki-pakinabang sa pag-unlad at pagkatuto ng isang indibidwal. Sa
interkasyon sa pagitan ng salik pangkatauhan at salik pangkapaligiran, sinasabing
ang mga paniniwala, ideya o karunungan ng isang indibidwal ay impluwensya ng
kanyang kapaligiran, klima, wika atbp.
Sa Hagdan ng Karanasan ni Edgar Dale (1956) nakapaloob ang 11 baitang
na karanasang nakatutulong sa mabisang pagtuturo at pagkatuto. Mapapansing
lima (5) sa mga baitang (1.visual symbols; 2. recordings radio, still pictures; 3.
Motion pictures; 4. Educational television; at 5. Demonstrations) ang nakapaloob at
maaaring ihanay sa E-Kagamitang Pampagtuturo.
Sa Taksonomi naman ni Benjamin Bloom (1986) na nirebisa ni Lorin
Anderson (2001), malinaw na tinalakay ang bawat lebel upang makatulong sa
mabisang pagkatuto sa Filipino tulad ng paglinang sa alaala, pag-unawa gamit ang
estratehiya, aplikasyon upang mailapat ang aralin matapos na maunawaan, ang
pagbibigay hatol sa natutunan at pagbuo ng bagong impormasyong tutugon sa
alternatibong pagtuturo sa Filipino. Lubos na isinasaalang-alang ang teoryang ito
upang magkaroon ng mataas na literasi sa pag-aaral.
4

PARADIMA NG PAG-AARAL

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

I. Demograpikong Profayl ng
Tagasagot
 Edad
 Kasarian Antas ng Kakayahan at Kasanayan
 Katayuang Marital sa Paggamit ng Filipino
II. Salik sa Pagtuturo ng Filipino
 Ponolohiya
 Edukasyong Natamo  Morpolohiya
 Tagal ng Pagtuturo  Sintaksis
 Dinaluhang Seminar  Diskurso
 Larang o Espesyalisasyon

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang tuklasin epektibo at


kinagigiliwang pamamaraan ng pagtuturo. Sinikap ng mananaliksik na sagutin ang
mga sumusunod:
1. Ano ang salik ng mga tagasagot hinggil sa:
1.1. edad
1.2. kasarian
1.3. Katayuang marital
2. Gaano nakaaapekto sa pagtuturo ng Filipino ang:
2.1. edukasyong nakamit
2.2. tagal ng pagtututo
2.3. dinaluhang palihan at seminar
2.4. larang o asignatura (konsentrasyon)

3. Ano ang antas ng kakayahan at kasanayan ng guro sa Filipino sa:


3.1. Ponolohiya
5

3.2. Morpolohiya
3.3. Sintaksis
3.4. Diskurso

4. May malaki bang ugnayan ang mga salik sa pagtuturo sa antas ng kanilang
kakayahan at kasanayan sa Filipino?
5. Ano ang mga epektibong rekomendasyong maibibigay mula sa pag-aaral na ito?

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ginamit sa pananaliksik na ito ang descriptive method upang ilarawan ang


bisa ng integratibong pagtuturo sa pagkatuto sa pagbasa.
Ayon kay Shields et.al. (2013) ginagamit din ang descriptive method na ito
upang maipakita ang demograpikong tugon at salik sa paggamit ng integratibong
pamamaraan ng pagtuturo.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na
hakbang:(1) Paghahanda ng isang sarbey-kwestyuner upang makapangalap ng
mga datos o impormasyon hinggil sa gaano nakaaapekto ang mga salik sa
pagtuturo ng Filipino ; (2) Gayundin, pinakuha ng pagsusulit ang mga guro sa
Filipino upang matukoy ang antas ng kakayahan at kasanayan sa makabuluhang
paggamit ng Filipino.
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa isandaang (100) mga guro sa
sekundarya sa Sangay ng Lungsod ng Lipa, T.P. 2018-2019.

MGA SANGGUNIAN

Bernales, Rolando T., et.al : Sining ng Pagtuturo, Manila: Mutya Publishing House,
Inc.
Bernales , Rolando et. al. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino.
2009.
Malabon City: Mutya Publishing House Inc.
6

Bernales, Rolando T., et.al : Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong


Komunikasyon.
2009. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Villena, D., Reyes, E. & Dizon, E. (2015) Curriculum Development. Q.C.: Adriana
Publishing Co., Inc.

You might also like