You are on page 1of 9

Empirisism

the theory that all knowledge is derived from sense-experience. Stimulated by the rise of
experimental science, it developed in the 17th and 18th centuries, expounded in particular by
John Locke, George Berkeley, and David Hume.
nativism

1.the policy of protecting the interests of native-born or established inhabitants against


those of immigrants.
"a deep vein of xenophobia and nativism"

2.the theory that concepts, mental capacities, and mental structures are innate rather
than acquired by learning.

Atityud ng guro: Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

1. 1. ATITYUD NG GURO: SALIK SA MATAGUMPAY NA PAGKATUTO NG WIKA Inihanda ni: Hazel G.


Puno

2. 2. Ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili, at laging may
bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo at
hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang
buhay. Richards (1992)

3. 3. Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang
tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
Hendricks (1998)

4. 4. Ang mga katangian ng Epektibong Guro

5. 5. 1. Walang Itinatangi Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa
klase o ang kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng
klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin
sa lahat ng mga mag-aaral.

6. 6. 2. May Positibong Ugali Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at
pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

7. 7. 3. May Kahandaan Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw na nilalaman ng mga


paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang
gurong organisado at handa nang magturo.

8. 8. 4. May Haplos Personal Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa
kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao.
Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan
ng mga mag-aaral.
9. 9. 5. Masayahin Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling
pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay
nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

10. 10. 6. Malikhain Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing
pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.

11. 11. 7. Marunong tumanggap ng kamalian Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang
kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging
modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa.

12. 12. 8. Mapagpatawad Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa
kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro
ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din
niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

13. 13. 9. May Respeto Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang
ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng
sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na
matupad ang kanyang mga tunguhin.

14. 14. 10. May Mataas na Ekspektasyon Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng
napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang
napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-
aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging
marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.

15. 15. 11. Mapagmahal Pag-aalala o Pagmamahal

16. 16. 12. Ipinadaramang kabilang ang mga mag-aaral Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y
kabilang sa klase. Nadarama nilang kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at
pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-
aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong guro
ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang kanyang mga
mag-aaral.

17. 17. GURO

18. 18. Ang Mga Guro Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at
pagkatuto ng wika.

19. 19. Ang Mga Guro Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo
ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa
pag-aaral ng wika.
20. 20. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum  Pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng
kaalaman;  Paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang
natamong kaalaman;

21. 21. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum  Pagbibigay ng angkop na pagganyak sa


pamamagitan ng paglalaan ng iba’t iba at nakawiwiling gawain na magbibigay ng pagkakataon
upang magamit ang wikang natutuhan;

22. 22. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum  Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at
pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o
pagkabahala ;

23. 23. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum  Binibigyan sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga papuri. (“Magaling ang iyong sagot,.” Sige, ipagpatuloy mo”). Ito’y
nagbibigay ng lugod sa mga bata dahil kinikilala ang kanilang kakayahan sa klase;

24. 24. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum  Palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon
sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika
Ang Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika (W 1 at W2): Mga Teorya at Praktika
INTRODUKSYON
Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at paniniwala sa
mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon, pokus sa mag-aaral, mga batayang
teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at maiintidihan kung anu nga ba ito. Narito rin ang pag-
aaral ukol sa istruktural na pagtuturo, komunikatibong pagtuturo, whole language approach, at ang content-
based instruction. Halina’t tuklasin ang mga ito.

MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO WIKA


Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan ng pag-aaral ng wika
upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika. Ngunit totoong mailap ang ang mga kasagutan ditto.
Upang maliwanagan tayo kahit kaunti, marapat sigurong alamin natin kung anu-ano na ang pinaniniwalaan
ng marami mula noon hanggang ngayon… ang pagtatamo at pagkatuto ng wika, misteryosoat may mahika
ng aba?
Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong
Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at ang Ikalawa- ang tao o
bagay na nagsasagawa ng kilos. Si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay tumutukoy ng walong iba’t ibang
klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The Art of Grammar ay sumikat at ginawang
modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at Griyego.

ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR


Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-aaral ng Wika.
Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang Ingles.
Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya
ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.
Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay naglundo sa
metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay
nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan.

ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC


Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung paano nabuo ang mga ito,
at nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng
mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri
ng mg anyo ng pangungusap.
Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagramming bilang gamiting paraang
pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman
sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipalaiwanag ang target na (W2) sa tulong ng kaalaman sa
kayarian ng unang wika.

ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN


Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang nagging impluwensya
nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa
pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang
kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga
angkop na pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay
bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at
positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang Gawain kung
tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring
hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang doctor o isang abugado. Ang mga
gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring “Magaling.”
“Tama ang sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige, ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga
pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. AngAudio-Lingual Method (ALM) na nagging popular noong
mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM
ay inilahad sa ibaba.
 Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;

 Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;

 Paggamit lamang ng target na wika;

 Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;

 Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at

 Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN


Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata ay ipinanganak na may
“likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay
kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmedpara sa pagkatuto ng wika at
ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao.
Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan
ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device (LAD). Ang
aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black box’ na matatagpuan sa isang
sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong
LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng
mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

TEORYANG COGNITIVE
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung
saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan
ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang
makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng
pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod.
Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa
at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklawna
kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo
sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa
kaisipang ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang
pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong
pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang
matutuhan ang isang wika (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang
suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng
mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng
wika.

TEORYANG MAKATAO
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na
pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa
klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-
aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang
sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at
ang Suggestopedia ni Lazonov.

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA


Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang paglalaan ng mga
input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F
Skinner naVerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna isinagawa ni
Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan
ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa
mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso
ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika.
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, angLanguage Acquisition
Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng
pansariling pagbabalarila. May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto
ng wika sa kasalukuyan.
 Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago pa
man ang pagtuturo nito.
 Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay katugma
(compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.
 Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may
kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat,
pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang
kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.

ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL (TRANSFORMATIONAL GRAMMAR)


Anng mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na ang isang wika
ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na nalalamman at nagagamit ng isang tao sa
kanyang pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na
maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.
Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika perse, malaki ang
naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.

MONITOR MODEL NI KRASHEN


May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika
(W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan
ang pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen: angacquisition
learning hypothesis, na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto
(na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order hypothesis, nagpapahayag na
ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang pagkakasunod-sunod; ang monitor
hypothesis, na nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan;
ang input hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at ang affective filter hypothesis,
na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo
ng wika.
Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan naman ito ng isang
matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang impluwensya sa pagtuturo at
pagkatuto ng pangalawang wika.
Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis na ito na
ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang
pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.
Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na mas
naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na
order ang bata sa pagtatamo ng wika.
Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo
at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo
ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich environment na makapagpapadali sa natural
o likas na pagkatuto nito.
Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang
prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang
kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni Krashen
na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa “caretaker
speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa
mga yaya o caregiver. Ang caretaker speech(maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado
ang bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon.
Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na
pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito
dahil nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin angLanguage Acquisition
Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filterang ilan sa mga comprehensible input, maaaring
kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong affective at positibo
ay nakapagpapataas ng input.

MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR MODEL


Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga istrukturang pangwika
(W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may natatamong comprehensible input at kung
mababa ang affective filters at maluwag na makakapasok ang input.
Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong pagsasalita ay
tinatanggap.
Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng mga
pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap.
Monitor.Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng mga mungkahi o
tuwirang tuntuning gramatikal.
Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speechay maaaring epektibo sa
ibang mag-aaral.
Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng isang
pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata.

ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL


(LEARNER-CENTERED TEACHING)
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
 Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;
 Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o pagsasanay)
 Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
 At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda
kaagad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.

ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG


(COOPERATIVE LEARNING)
Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga
katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang layunin
ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang (collaborative)
pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB


(INTERACTIVE LEARNING)
Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at pagtanggap
awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig).
Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong
panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng
nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong
pasalita o pasulat man.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
 Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan

 Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.

 Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon

 Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa
“labas”
 Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens

ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION


Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin a)
ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element gaya ng
ponema, morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig
at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat
na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.
Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:
 Tulong-tulong na pagkatuto

 Pagkatutong partisipatori

 Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

 Integrasyon ng “apat na kasanayan”

 Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang integrasyon ng
mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED


Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na
may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task.
ANG BRAIN-BASED LEARNING
Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga teoryangneurofunctional at ang
pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para
matukoy hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa
pakikipagtalastasan.
Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning (Caine at
Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng
wika.

MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-BASED

Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo


1.Nagagawa ng utak na Ang mga karanasan sa pagkatuto ay kailangang
makapagproseso nang maramihan at maiplano nang mabuti (orchestrated) upang mapakilos
sabay-sabay. at maisangkot ang maraming bahagi ng utak.

2.Kasangkot sa anumang pagkatuto Dapat isaalang-alang ang nutrisyon, ehersisyo, labis na


ang kabuuan ng ating physiology pagkabahala, at kahandaan ng mag-aaral sa anumang
(katawan at mga bahagi nito). okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.
3.Ang paghahanap at pagbuo ng Ang anumang pagkatuto sa wika ay kailangang
kahulugan ay likas sa tao. maglaan ng kapanatagan at pagpapalayag-loob bukod
pa na tumutugon ito sa kawilihan at pagkamausisa ng
mga mag-aaral.
4.Ang utak ay nakadisenyo upang Ang ideyal at mabisang proseso ng pagtuturo ay
makapaghulo at makalikha ng mga naglalahad ng mga impormasyon sa paraang
larawan. magagawa ng utak na makahugot ng mga hulwaran at
aktibong makalikha ng pagpapakahulugan.
5.Ang mga emosyon ay mahalaga sa Kinakailangang suportahan ng anumang pagtuturo ang
memorya. kaligirang kabatiran ng mag-aaral at ang kanyang taglay
na wika.
6.Sabay-sabay na pinoproseso ng Ang mga kasanayang pangwika gaya ng balarila at
utak ang mga bahagi at kabuuan ng talasalitaan ay lubusang natutuhan sa isang
isang kaisipan. awtentikong kaligirang pangwika (paglutas ng suliranin,
pagtatalo sa isang isyu, pagtuklas).
7.Kasangkot sa pagkatuto ang Ang musika, sining, at iba pang mga katulad na
atensyong may tiyak na pokus at mga pampasigla sa ating kaligiran ay maaaring
pang-unawa sa kapaligiran kaugnay makaragdagat makaimpluwensya sa likas na
nito. pagtatamo ng wika.
8.Ang di-malay at may malay na Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
pagpoproseso ng isip ay lagging na balik-aralan ang anumang pagkatuto upang mapag-
kasangkot sa anumang pagkatuto. isipan itong mabuti, at mapamahalaan nang maayos
ang paglinang ng sariling pagkatuto.
9.Tinatayang may dalawang uri ng Gamitin ang rote learning system sa mga teknik sa
memorya: ang memoryang spatial at pagtuturo na nakapokus sa pagsasaulo ng mga salita at
ang memoryang rote. mga tuntuning panggramatika samantalang sa mga
pagtuturong kailangang isangkot ang mag-aaral sa
pagbabahagi ng naiibang karanasan.
10.Nagiging mabisa ang pagkatuto Ang isa-sa-isang paglinang ng mga kasanayang
kung ang mga kaalaman at pangwika ay lubos na matututuhan kung nakatutok sa
kasanayan ay nakapaloob sa likas na mga gawain at karanasang awtentiko (lakbay-aral,
memoryang spatial. pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).
11.Ang pagkatuto ay napasisigla ng Dapat sikapin ng guro na ang kanyang klasrum ay
mga hamon at nahahadlangan ng kaaya-aya at walang anumang palatandaan ng
pagbabanta at pananakot. panankot a mayaman sa mga hamong pang-isipan.
12.Bukod-tangi ang bawat utak. Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang marami at
magkakaiba.

You might also like