You are on page 1of 39

KOLEKSYON NG MGA REPLEKSYON SA FIL 143

________________________________________

na ipinasa kay

TERESITA P. GARCIA, Ph. D


Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
MSU Fatima, Lunsod ng Heneral Santos

Bilang Bahagi
ng mga Pangangailangan sa Asignaturang
Fil #143 Pagtuturo sa Mababa/Mataas na Paaralan

JOY MARIE L. TUYAC


Disyembre 9, 2016
TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT i
TALAAN NG NILALAMAN ii

Pagkakaiba-iba ng mga Mag-aaral 1


Banghay-Aralin 3
Komunikatibo at Tradisyunal 4
Pamamaraang Pabuod (Tradisyunal) 6
Pamamaraang Pabuod (Komunikatibo) 8
Pamamaraang Pasaklaw (Tradisyunal) 10
Pamamaraang Pasaklaw (Komunikatibo) 12
Pagtuturo ng Panitikan 14
Pinagsanib na Pamamaraan sa Pagtuturo ng Wika at 15
Panitikan
Pagtuturo ng Wika sa Pamamagitan ng Liham 17
Pagtuturo ng Wika sa Pamamagitan ng 19
Tula o Awit
Pagtuturo ng Wika sa Pamamagitan ng 21
Komikal Skit o Dula
Pagtuturo ng Wika sa Pamamagitan ng 23
Maikling Kuwento o Nobela
Microwave 25
Silent Way 27
Community Language Learning 29
Total Physical Response 31
Suggestopedia 1 33
Suggestopedia 2 35

CURRICULUM VITAE 37

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | ii


PAGKAKAIBA-IBA NG MAG-AARAL

Sa pagkakaulat ni Bb. Queenie Anne Aspiras inilahad nito ang


mga katangian ng mga mag-aaral. Ang ng mga mag-aaral ay
mayroon pagkakaiba-iba at ito ay kailangan na isaisip rin ng guro
ang kanilang pagkakaiba-iba. Sa loob ng paaralan ay nagkakaroon
ng ibat ibang edad kaya nararapat lamang na gumawa tayo ng mga
gawain na angkop sa kakayahan ng ating mga mag-aaral.

Itinalakay din nito na nagkakaiba rin ang mga mag-aaral sa


kasarian, ugali, kultura, at talino. Lahat ng mga katangian ay
nagpapakita lamang na ang mag-aaral ay nagkakaiba na
nangangailangan ng karapatan na matuto. Bilang guro, ang
pangunahin nating tungkulin ay matugunan at maibigay ang mga
pangangailangan ng mga mag-aaral. Magkakaiba man ay
nangangailangan din ito ng respeto sa kultura man o kakayahan
nitong matuto.

Para sa akin, naging mabisa ang naging tagapag-ulat dahil


nailahad nto nang mabuti ang mga katangian ng mga mag-aaral at
naipaliwanag din ng mabuti ang bawat katangian na ito na siyang
gagabay sa guro upang mapahalagan ang bawat pagkakaibang iyon.

Sa ginawang pagsasadula ng grupo, naging maayos naman


ang pagpapakita ng pagkakaiba ng mga estudyante. Ngunit ang
lahat ng katangian ay hindi naipasok sa dula na magpapakita sana
nang mabuting pagkakaiba-iba ng mag-aaral. Hindi rin masyadong
nakontrol ng guro ang ingay ng mag-aaral kaya naging magulo ang
klase nito. Kahit na magkakaiba ang katagiang taglay ng mag-aaral
na tuturuan ay ay kailangan makontrol mo rin ang ingay upang
maging maayos ang daloy ng talakayan. Sa naging guro ng dula na
si Bb. Liezl Audencial, maganda rin anaman ang tindig at postura
nito. Sa kabuuan, naging mabisa ang pagkakasadula dahil
naunawaan at may nakuha kaming kaalaman sa dula at mas

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | iii


naunawaan ko ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng mga
estudyante.

Mula sa ginawang pagsasadula, mas napahalagahan ko ang


propesyon ng pagtuturo. Tunay na hindi lamang ito isang propesyon
kundi isang misyon dahil araw-araw ay nakakasalamuha tayo ng
ibat ibang klase, ugali at katangian ng mag-aaral at ang guro ay
handang mag-adjust mula sa mga katangiang ito maihatid lamang
sa mga mag-aaral ang pangangailang nararapat nilang maangkin.
Bilang magiging guro na magtuturo sa hinaharap, isang malaking
tulong na nailahad at naituro ang katangiang ng mg mag-aaral dahil
sa pamamagitan nito ay maihahanda ko na ang aking sarili sa mga
bata na handa kung turuan.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | iv


BANGHAY-ARALIN

Sa pag-uulat ni Bb. Sheena Mae Mansibad, malinaw nitong


natalakay ang kahulugan ng baghay-aralin na kung saan ito ay
isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga
hakbang na sunud-sunod na isasagawa sa pagsasakatuparan ng
layunin at ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga. Madali ko rin
naunawaaan ang mga bahagi na bumubuo sa banghay-aralin.

Isa rin sa mga natutunan ko ay ang tinatawag na long range


plan. Ayon sa naging tagapag-ulat na si Bb. Cindy Maulana, ito ay
tinatawag na long range plan dahil pang-isang lingo ang pagpaplano
ng panghay ng pagtuturo na isasagawa ng guro. Nalaman ko na ang
ganitong klase ng banghay-aralin ay talagang nangangailangan ng
sapat na oras dahil pang-isang lingguhan ang pagpaplano rito.

Bilang isang guro na malapit nang magturo, isa ito sa


pinakapana-panabik sa akin dahil dito ko matutunan ang bagay na
pinagkakaabalahan ng isang guro. Ito ang isang bagay na kapag
binabanggit ang isang guro ay kakabit na nito ang banghay-aralin.

Pagkatapos na nailahad at maayos na naitalakay ang tungkol


sa banghay-aralin napagtanto ko kung gaano kahalagaha ng
pagkakaroon nito laloong-lalo na sa pagpaplano dahil gagabayan
nito ang guro sa mga hakbang nito sa pagtuturo. Tinutulungan din
nito ang mga guro na hindi maligaw sa itinuturo nito dahil kung
minsan, hindi namamalayan ng guro na lumilihis nap ala ito sa
kanyang paksang dapat tatalakayin.

Sa pamamagitan din ng paggamit nito ay naiiwasan ng guro


ang pagkakamali dahil sa ito nga ang nagsisilbing gabay nito sa
pagtuturo at mas nagiging mabisa at epektibo ang pagtuturo ng
aralin sa mga mag-aaral dahil napapalanuhan ito nang maayos at
sapat na oras.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | v


KOMUNIKATIBO AT TRADISYUNAL

Ang pagtuturo ng isang guro ay nakabatay sa pamamaraang


ginagamit nito. Sa pagtalakay ng araling ito ay gusto kong marami
akong matutunan. Gusto kong malaman kung ano ang pinagkaiba
ng dalawa ang komunikatibo at tradisyunal.

Sa pag-uulat nila Bb. Kimberly Pameron at Bb. Rovamae


Peloton, inilahad nito ang siklo ng pagtuturo ang pagdulo,
estratehiya at pamamaraan na kung saan ang pagdulog ay isang
set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng pagkatuto at
upang maangkin ang isang partikular na gawain ay kailangan may
kaangkupan at nakakapili ang guro ng mga angkop na estratehiya,
na siyang isang planadong proseso para sa isang partikular na
gawain. Kailangan na angkop ito sa kakayahan at kawiilihan ng
mag-aaral na ayon na rin sa pagdulog na pinaniniwalaan ng guro
sa mga mag-aaral nito. Nakasalalay rin sa mabuting pamamaraan
ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang
pagkakatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro na siya namang
tumutukoy sa metodo, iskema o plano para makamit ang isang
bagay o para matapos ang isang gawain. Mahalaga ang tatlong
terminong ito lalo nat tunay na magagamit ito ng guro dahil
nagsisilbi itong kanilang gabay sa pagtuturo.

Nailahad rin ng tagapag-ulat na si Zerimar Ramirez ang


pinagkaiba ng Tradisyunal at Komunikatibo. Itinalakay niya ang
tradisyunal na pamamaraan na siyang nakagisnan na ng mga
dating mag-aaral na ang pokus ng pagtuturo ay batay sa sinasabi
ng aklat at sa sinasabi ng guro. Mas marami rin ang gawain ng guro
kaya sa mga mag-aaral at ang pagtuturong ito ay isang spoon
feeding dahil na rin ibinibigay na ng mga guro ang lahat ng mga
kaalaman na kailangan ng mag-aaral at wala na itong pakialam
kung nakukuha o nasasabayan pa ba ng mga mag-aaral ang araling
iyon. Samantalang sa Komunikatibong pagtuturo, itinalakay nito
ang kasanayang komunikatibo na kung saan ay binibigyang-diin

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | vi


ang kakayahan sa paggamit ng wika. Tinalakay rin nito ang mga
batayan ng kasanayang komunikatib gaya ng Discourse
Competence, Linguistic Competence, Socio-Linguistics at Strategic
Competence na siyang pundasyon ng kasanayang ito.

Sa kanilang ginawang pagsasadula, ipinakita nila ang


pagkakaiba ng tradisyunal at komunikatibong pagtuturo sa klase.
Maayos naman ang kanilang pagkakasadula hindi lamang naging
malinaw kung mga eksena na nagpapahayag na issang bagay ay
tradisyunal o komunikatibo.

Sa kabuuan, natutunan ko na ang isang guro ay maaaring


gumamit ng ibat ibang pamamaraan at estratehiya upang
magkaroon ng kawili-wiling talakayan dahil naipaplano nito ang
mga dapat gawin ng isang guro sa pagtuturo nito.

Tunay na ang guro ay malikhain at maparaan dahil lagi ito


naghahanap ng paraan upang magkaroon ng mabisang pagtuturo
na makakatulong upang magkaroon na kapaki-pakinabang na
kaalaman ang mga mag-aaral.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | vii


PAMAMARAANG PABUOD TRADISYUNAL

Sa mga nakalipas na araw ay marami nang ipinakilalang mga


pamamaraan upang mas maging mabisa pa ako sa aking pagtuturo.
At pamamagitan ng mga pamamaraang ito ay mas nahasa pa ang
aking kaalaman at mas natutunan kong maging mas malikhain.

Sa pag-uulat ni Bb. Erel Joy Benitez, naitalakay niya naman


ng tama ang tuntunin at katangian na dapat taglayin ng
pamamaraang ito. Para sa akin ay naging mabis a ang pagkakaulat
nito dahil nagkaroon akon ng karagdagang kaalaman tungkol dito.
Ang natutunan ko sa naging pag-uulat ay pinaiiral nito ang egrule
na kung saan ay mas inuuna ng guro ang mga halimbawa sa
pagtuturo nito. Sinabi rin nito na ang mga halimbawang ito ay
magiging batayan ng guro sa pagtalakay nito na may kinalaman din
sa kanyang aralin. Natutunan ko na sa pagtuturo kapag ang isang
guro ay nasanay na sa nakagawian nitong pamamaraan
tradisyunal ay nahihirapan na ito ilahad ang mga aralin lalong-lalo
na ngayon na kinakailangan na komunikatibo na ang kailangang
ituro sa klasrum.

Sa naging pakitang-turo naman ni Bb. Maria Carissa Kristah


Bongo, natutunan ko kung ano nga ba talaga ang tunay na larawan
ng isang tradisyunal na guro. Talagang ipinakita nito ang galaw at
katangian ng isang guro na nagtuturo ng pamamatrang tradisyunal.
Makikita mo sa pamamaraang ginamit nito na mas marami ang
gawaing isinagawa ng guro sa pagtuturo, siya ang tumatalakay sa
aralin at nakita ko rin na mas kaunti lamang ang gawain ng mga
mag-aaral.

Sa mga naisagawang pag-uulat at pagpapakitang turo


marami akong natutunan tungkol sa pamamaraang pabuod
tradisyunal. Una, napakalahaga ng pagiging handa lalo na kapag
nagtuturo. Natutunan ko na kapag handa ang isang tao ay mas
nagkakaroon at nagbibigay ito ng tiwala sa sariling kakayahan ng

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | viii


guro. At ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa pagtuturo ay
nagkakaroon ng magandang bunga lalo na sa pagtuturo at
nailalahad nito ng mabuti ang aralin sa mag-aaral.

Sa kabuuan, bilang isang guro ay kailangan na nakabatay din


tayo sa tradisyunal na anyo ng pagtuturo. Para sa akin, nagsisilbi
itong ating pundasyon upang mas maging mabuting guro. Kapag
alam na nating kung ano ang mga hakbang o tuntumin ng nasa
tradisyunal ay maaari na tayong makabuo o makagawa ng sarili
nating pamamaraan sa ating mag-aaral. Maari na tayong
makaimbento ng mas madali at epektibong paraan ng pagtuturo.
Sa darating na mga panahon, alam kong magagamit ko rin ang
ganitong pamamaraan at sa mga panahong iyon ay maalam na ako
sa paggamit nito.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | ix


PAMAMARAANG PABUOD KOMUNIKATIBO

Sa pag-uumpisa ng naging ulat ay talagang nakinig ako.


Nakinig ako dahil gusto kong malaman ang pinagkaiba ng
pamamaraang pabuod- tradisyunal sa pamamaraang pabuod-
komunikatibo.

Nang magsimula na si Bb. Loren Allaga sa kanyang ulat,


naging malinaw ang pagkakalahad ng aralin nito. Madali ring
maunawaan ang sinasabi nito dahil alam nito ang mga sinasabi nito
sa harapan. Para sa akin, naging mabisa si Bb. Allaga sa
pagpapaliwanag ng mga tuntunin nito dahil madali kong nalaman
at naunawaan ng mga tinalakay nito.

Natutunan ko na kapag pamamaraang pabuo-komunikatibo


ang gagamitin ng isang guro, ganoon parin ang hakbang na
sinusunod nito na kung saan ay inuunan munang tatalakayin ng
guro ang mga halimbawa na may kinalaman sa paksa nito at
pagkatapos nito ay ilalahad na ng mga ito ang mga tuntunin. Ang
tanging pinagkaiba lamang nito ay nasa mag-aaral ang lahat ng
gawain kaysa sa guro. Binibigyang-diin dito ang kilos at kakayahan
ng mag-aaral na kumilos at umunawa ng isang partikular na
sitwasyon.

Sa naging pakitang-turo naman ni G. Ridski Mosanip Akmad,


hindi nagkasunod-sunod ang hakbang ng pagtuturo nito. Tama
naman ang ginawa nito na kung saan ay nagbigay muna siya ng
halimabawa ngunit ang aralin na tinalakay nito ay wala rin sa
tamang pagkakasunod-sunod. Kaya medyo nalito ako kung anong
paksa nga ba ang itinuturo nito. Hindi masyadong naging
komunikatibo ang pamamaraang isinaawa ni G. Akmad dahil siya
naman halos ang nagsasalita sa harap. Pinapabasa lang nito ang
mga nakasulat sa kanyang biswal eyds. Ngunit kahit ganoon ay ang
mga inihanda naman nitong gawain ay komukatibo na nagpapakita
at sumusukat sa kakayahan ng mga mag-aaral nito. Kaya masasabi

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | x


na hindi masyadong mabisa ang nagpakitang-turo sa paglalahad
nito ng aralin dahil nga sa hindi nasa tamang ayos ang hakbang ay
wala rin sa ayos aralin.

Ngayon ay alam ko na ang pinagkaiba ng dalawa at mas


naiintindihan ko na sa tulong na rin ng maayos na pagpapaliwanag
ng katangian at hakbang nitoo.

Sa kabuuan, masasabi ko na ang isang guro ay


nangangailangan ng kahandaan sa lahat ng oras. Makikita na
kapag handa ang isang guro ay nakapagbibigay ito nang maayos at
maliwanag na pagtalakay sa isang aralin. Natutunan ko rin na
maaaring maging interaktibo at kawili-wili ang isang talakayan
kapag gumagamit tayo ng pamaraang komunikatio dahil
nahahayaan natin ang mga mag-aaral na mag-isip at sumagot sa
mga partikuar na sitwasyon na ibinibigay ng mga guro. Para rin sa
aki, mas nagiging mabisa ang pagtuturo kapag nararansan ng mag-
aaral ang isang gawain dahil madali nilang itong naalala at
naiintindihan.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xi


PAMAMARAANG PASAKLAW TRADISYUNAL

Isang panibagong araw na naman para sa isang bagong


aralin. Pamamaraang Pasaklaw at nasa tradisyunal na anyo ang
tinalakay sa loob ng klase. Sa pag-uumpisa ay sabik pa rin ako kahit
na alam ko na ang magiging hakbang ng pamamaraan na ito. Sa
kabila ng iyon ay gusto ko pa ring madagdagan ang aking kaalaman
tungkol sa angkop at tamang hakbanging isasagawa ng
pamamaraang ito.

Nang magsimula na si Bb. Mary Joy Tacadao sa kanyang pag-


uulat, inilahad muna nito ang pagkakaiba ng pamamaraang
Pasaklaw sa pamamaraang Pabuo na siya namang naitalakay na
noong nakaraan. Pagkatapos ay itinalakay na nito ang hakbang at
tuntunin sa pamamaraang ito. Ang natutunang ko sa
pamamaraang Pasaklaw-komunikatido (tradisyunal) ay ang
pamamaraang ito ay nag-uumpisa sa tuntunin at nasa tradisyunal
ang pagtuturo kung saan nasa guro ang lahat ng mga gawain at
kaunti lamang sa mga mag-aaral. 70%-30%, 70% sa guro at 30% sa
mag-aaral kaya masasabing nasa tradisyunal ito.

Sa pakitang-turo naman ni Bb. Gillian Lois Tulio, kung ano


ang naitalakay ni Bb. Mary Joy ay nasunod ito sa kanyang pakitang
turo. Sa mga ipinakita ni Gillian, natutunan ko na kailangang ang
guro ay una, sumusunod sa tamang hakbang o proseso. Sinasabi
nga na ang pagtuturo ay isang proseso kaya nararapat lamang na
ang isang guro ay sumusunod sa mga hakbangin ng pamamaraang
nais isagawa nito. Tulad ng ginawa ni Gillian, bilang guro sa
hinaharap ay kailngan ko ring sundin ang proseso upang maging
mabisa at angkop ang pagtuturo.

Pangalawa, ang guro ay dapat na maging handa dahil sa


pagkakaobserba ko sa naging pakitang-turo ni Gillian, isa sa mga
naging susi kung bakit naging matagumpay ito sa kanyang
pagkakakitang guro ay ang kanyang pagiging handa. Tunay na

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xii


magagamit ko ito lalo na sa hinaharap ahil naimumulat ako na
kailangan ko ring maging handa. Maging handa sa paksa, sa mga
kagamitang gagamitin at sa lahat ng pagkakataon. Ang pagiging
handa sa klase ay nakapagbibigay sa guro ng kompiyansa at tiwala
sa sarili nito na maihahatid ng tama at angkop ang mga aralin sa
mga bata.

At pangatlo, ang guro ay hindi maramot sa mga papuri sa mga


mag-aaral. Sa tulong nito ay mas nagkakaroon ng motibasyon ang
mga bata na makilahok muli sa talakayan. Ang pagbibigay ng mga
salitang ginamit ni Gillian tulad ng Magaling!, Tama! at marami
pang iba ay nakapagbibigay ng lakas sa amin upang makinig at
sumali sa mga gawain sa loob ng klase.

Sa kabuuan, natutunan ko ano baa ng mga katangian ng


isang guro sa ginawa ni Gillian. Nararapat lang din na matamo ko
rin ang mga katangiang ito dahil alam ko na magagamit ko rin ito
sa pagtuturo sa mga bata sa hinaharap.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xiii


PAMAMARAANG PASAKLAW- KOMUNIKATIBO

Sa naging pag-uulat ni Bb. Kirsten Fheb Yamomo sa


pamamaraang ito, naging malinaw ang kanyang pagtalakay sa
paksa. Nailahad nito ang mga hakbanging susundin kapag gagamit
ang isang guro ng pamamaraang pasaklaw-komunikatibo.

Nailahad rin nito ang tuntunin ng pamamaraang ito na kung


saan ay tuntunin ang siyang unang inilalahad ng guro patungo sa
mga halimbawa nito. Inilahad rin nito ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga hakbang mula sa panimula na kung saan ay
magbabalik-aral ang guro na may kaugnayan sa bagong-aralin
nitong tatalakayin. Pagkatapos ay ibibigay nito ang mga tuntunin
ng paksang nais talakayin tapos ay ipapaliwanag ang mga ito.
Matapos na mailahad ang mga tuntunin ay magbibigay na ng mga
halimbawa ang mga mag-aaral mula sa tuntuning kanilang
itinalakay at pagkatapos ay ang pagsubok at gawain na siyang
susukat sa kakayahan ng mga mag-aaral kung mayroon ba silang
natutunan o wala. Ipinaliwanag rin nito ang gawain at katangian ng
isang guro kapag gamit nito ang pamamaraan, lahat ng trabaho,
kilos o gawain ay nasa mga mag-aaral at kaunti lamang ang sa guro.
Sila ay nagsisilbi lamang facilitator sa loob ng klase.

Sa pagpapakitang-turo naman na mismong isinagawa ko,


masasabi kong ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang
ilahad nang tama ang aking aralin sa mga mag-aaral. Sinunod ko
rin nang tama ang mga hakbang kung saan ay nagsimula muna ako
sa pagbibigay ng mga tuntunin patungo sa pagbibigay ng
halimbawa. Nagbigay rin ako ng mga gawain at pagsubok na
susukat sa kakayahan ng mga mag-aaral at makapagdudulot ng
kawili-wiling kapaligiran sa klase.

Batay sa naging critic sa akin na isinagawa ni Bb. Quennie


Anne Aspiras, naging malinaw at maayos naman daw ang aking
pagtuturo. Bagamat nakulangan lamang siya ng interaskyon ng

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xiv


mag-aaral at guro. Batay rin sa naging critic ni Dr. Garcia, medyo
nagkulang ako ng kaunti sa mga kolaboratibong gawain na siyang
susukat sa kakayahan ng mga mag-aaral na kumilos at mag-isip sa
sarili nito.

Masasabi kong hindi ako masyadong naging mabisa sa naging


pagtuturo ko dahil hindi ko nailahad ang mga kolaboratibong mga
gawain na siyang nagsasabing komunikatibo ang isang bagay. Dahil
kapag sinasabing komunikatibo, hinahayaan lang natin ang ating
mag-aaral na kumilos, mag-isip at magsagawa ng mga gawain na
makakatulong sa kanilang mabilis na pagkatuto sa aralin.

Marami akong natutunan sa naging karanasan ko sa


pagpapakitang-turo. Sa pamamagitan nito ay nabuksan ang aking
isipan sa pamamaraang pasaklaw-komunikatibo. Natutunan ko na
mas mahalaga ang kakayahan ng mag-aaral kaysa sa simpleng
kaalaman lang na makukuha nito. Nahahayaan nito ang mag-aaral
na umunawa, mag-isip at magpahalaga sa isang bagay lalo na sa
mga natutunan nito.

Sa kabuuan, malaking tulong ang pagkakataong ito upang


masukat ang aking kakayahan sa pagtuturo. Sa pamamagitang ng
mga karanasang ito, mas nauunawaan ko na ang papel ng guro sa
loob ng paaralan. Nakakapagod man dahil kailangan mong mag-isip
ng mga makabago at nakakaaliw na mga kolaboratibong gawain,
wala namang mas sasarap pa kapag nakikita mo ang mga mag-aaral
mo na masaya, naaliw at natututo nang sabay-sabay.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xv


ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN

Sa naging pag-uulat, naitalakay naman nito nang maayos ang


kahulugan at hakbang na dapat sundin sa pagtuturo ng panitikan.
Naging malinaw rin ang pagkakalahad kaya naman madali ko lang
naunawaan ang mga hakbang nito.

Nattunan ko na kapag nagtuturo ka ng isang aralin gamit ang


panitikan ay kailngan na kawili-wili ang kapaki-pakinabang ito sa
mga mag-aaral. Nakakatawag rin ng pasnin ang akda kaya maiging
pumili ng mga akdang makatutulong sa pagpapaunlad ng
pagpapabuti ng katangian ng mga mag-aaral bilang estudyante.

Sa naging pakitang-turo naman ni Bb. Rajah Aquia, medyo


naging magulo ang pagkakaturo nito ng panitikan dahil hindi nasa
tamang ayos ang pagkakasunod-sunod nito ng mga hakbang sa
pagtuturo. Hindi rin masyadong naging komunikatibo ang
pamamaraan dahil siya ang halos nagsasalita at gumagawa ng
gawain sa loob ng klasrum. Kahit na ganoon ang nangyari ay
magaganda ang naging biswal eyds nito na nakatawag-pansin sa
akin. Mayaman rin siya sa mga papuri gaya ng Tama at
Magaling.

Ang pagtuturo ng panitikan ay hindi kasing dali na tulad ng


inaakala ng lahat dahil kinakailangan mong maghanap ng mga
kuwento na aangkop rin sa kakayahan at kasanayan ng mag-aaral
sa panitikan. Ngunit ang pagtuturo nito ay isa sa malikhain at
mabisang pamamaraang magagamit ng isang guro dahil
nahahayaan moa ng mag-aaral na mabasa, matuto at
mapahalagahan ang nilalaman ng isang akda.

Bilang guro sa hinaharap, talagang makakatulong ang


pamamaraan ito dahil magagamit ko ito kapag nagturo na ako ng
mga akdang pampanitikan at magiging maalam na ako sa panahong
iyon dahil natutunan ko na ito ngayon nang maaga.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xvi


PINAGSANIB NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN

Sa pag-uumpisa ng klase, ako ay sabik noon dahil ang naging


aralin ang tungkol sa pinagsanib na pamamaran sa pagtuturo ng
wika at panitikan. Gusto kong malaman kung ano baa ng mga
hakbang o katangian ng isang klase kapag ikaw ay nagtuturo ng
panitikan at wika.

Sa pag-uulat ni Bb. Hazel Cal, naging malinaw naman sa akin


ang mga hakbang na inilahad nito sa klase. Sinabi nito ang lahat ng
maaring hakbang sa pagtuturo ng panitikan at wika. Para sa akin,
naging mabisa naman ang tagapag-ulat sa paglalahad nito ng paksa
ngunit masyadong siyang mabilis magsalita kaya hindi masyadong
maririnig nang maayos at malinaw ang nais nitong ipahatid sa mga
nakikinig sa kanya.

Natutunan ko mula sa ulat nito na kailangang pumili ang


guro ng akdang gigising sa diwa at pupukaw ng atensyon ng mga
mag-aaral. Pagkatapos nito ay ang pagtalakay sa akda kung saan
matapos na basahin ang akda at magtatanong muna ang guro ng
mga direktang tanong mula sa akda para masukat ang pag-unawa
ng mga mag-aaral sa akdang binasa. Pagkatapos nito ay pormal
nang ilalahad ng guro ang aralin sa talakayan. Maaaring ipatukoy
nito ang mga saliatng naglalarawan na nakikita sa akda kung
halimbawang ang kanilang paksang-aralin ay tungkol sa mga pang-
uri. Ang pagtuturo ng pinagsanib na pamamaraan ang wika at
panitikan ay isang napakagandang pamamaraang upang hindi
lamang natututo ang mag-aaral kung napapahalagahan din nito
ang akdang binabasa nito.

Sa naging pakitang-turo naman na isinagawa ni G. Charles


Vincent Carbonell, may mga ginamit siyang mga gawain na hindi
naman angkop sa pagtuturo nito gaya ng paggamit ng mga larawan
sa pangganyak nito. Ngunit, kahit ganoon ay naging maganda

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xvii


naman ang daloy ng pagtuturo nito sa buong klase. Nagkaroon din
naman siya ng mga kolaboratibong gawainh upang mga
komunikatibo ang gawain at ang mga mag-aaral ang lahat na
gumagawa ng mga gawain. Napansin ko lang medyo hindi
nasusunod ang mga hakbang dahil parang nagkahalo-halo na ang
mga hakbang na ginawa nito. Kaya masasabi ko na hindi
masyadong mabisa ang pagkakaturo ng pinagsanib na
pamamaraan sa talakayan dahil na rin sa mali ang pagkakasunod-
sunod ng hakbang na ginawa ng nagpakitang-turo.

Sa kabuuan, kung minsan ang aralin sa panitikan ang


magiging lunsarang aralin sa wika. Kung minsan ang aralin naman
sa wika ay nagwawakas sa pag-aaral ng panitikan. Ang paggamit ng
ganitong pamamaraan ay lubhang mahalaga dahil nakakatulong ito
upang mabilis na mailahad ang aralin sa mga mag-aaral. Sa
pamamagitan din ng tamang pagsunod sa mga hakbang ng
pamamaraang ito ay mas nagiging mabisa at epektibo ang pagtuturo
ng guro at pagkatuto ng mag-aaral.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xviii


PAGTUTURO NG WIKA SA PAMAMAGITAN NG LIHAM

Isang panibagong aralin na naman ang aking natutunan


ngayon. Habang dinaragdagan ang mga pamamaraang kailangan
talakayin ay nadaragdan at lumalawak pa aking kaalaman tungkol
dito.

Sa pagsisimula ng naging pag-uulat ni Bb. Scarlet Suzane


Ayen, una lamang nitong tinalakay ang mga bahagi ng liham ngunit
hindi nito naitalakay nang maayos sa mga tagapakinig ang tamang
hakbangin sa pagtuturo gamit ang liham. Para sa akin, hindi
masyadong naging mabisa ang naging pag-ulat nito dahil sa hindi
nito masyadong kabisado ang aralin kaya nahihirapan itong ilahad
ng maayos ang aralin sa klase.

Natutunan ko mula sa naging karanasan ng tagapag-ulat, ang


isang guro ay dapat alam ang mga pagkakasunod-sunod ng
pagtalakay nito sa paksa. Nakatutulong ang pagkakaroon ng mga
sunod-sunid na hakabang upang ang pokus mo ay nasa isang bagay
lamang at hindi ka nalikigaw nang kung saan-saan sa pagtalakay.
Isa rin sa natutunan ko ay ang pagiging handa sa lahat ng oras.
Bilang isang guro, ang kahandaan ay isang napakahalagang
katagian na dapat taglayin ko sa susunod.

Sa naging pagpapakitang-turo ni Bb. Jizelle Auditor, una


nitong pinakita ang mga talasalitaan na makikita sa isang akda. Sa
naging gawain ni Bb. Jizelle, kakikitaan ito ang isang guro ay
malikhain sa paggawa ng mga biswal eyds. Mula rito ay natutunan
ko na ang guro ay kailangangan maging malikhain dahil isa ito sa
mga paaran upang mas maenganyo ang mga mag-aaral na makinig
at makilahok sa talakayan.

Naipapakita rin ang pagiging malikhain ng isang guro dahil


nagagamit ng isang guro ang panitikan bilang lunsaran ng
pagtuturo nito ng isang wika. Sa pamamagitan ng liham, hindi

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xix


lamang natututunan ng isang mag-aaral ang mga bagay tungkol sa
liham ay natututunan din nila ang wika nang magkasabay.
Nagiging malikhain din ito sa pamamaraan na kung saan ay
naipakikilala nito ang mga bagong talasalitaan at mga balangkas sa
pamamagitan ng paggamit ng liham. Naipapasok rin nito ang mga
pagbabago sa liham. Ang isang magandang dulot rin ng paggamit
ng liham ay nahahayaan natin ang mga mag-aaral na makapagsulat
ng isang liham

Bilang isang guro sa hinaharap, napakahalaga na


hinahayaan natin ang mga mag-aaral na matututo at magtiwala sa
kanilang kakayahan. Lalo na kapag nangangailangan ito ng
pagsukat sa kanilang kakayahan. Mas mahalga na nakakayaan
nating madiskubre ng mga bata ang mga aralin sa kanilang
paggawa dahil para sa akin ay mas madali nila itong maaalala.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xx


PAGTUTURO NG WIKA SA PAMAMAGITAN NG TULA O
AWIT

Sa pagsisimula ng pag-uulat ni Bb. Joan Nunez, naging


mabisa ito sa paglalahad ng kahulugan at hakbang na dapat sundin
sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng tula. Malinaw nitong
nailahad ang mga tuntunin at tamang pagkakasunod-sunod ng
pagtuturo. Naibigay rin nito ang mga katangian na dapat taglayin
ng pagtuturo ng wika kapag ang ginagamit na lunsaran ay sa
pamamagitan ng tula. Para sa akin, naging mabisa ang pagkakaulat
nito dahil naging handa ito at alam nito ang kanyang itinuturo.

Sa ulat nito, marami akong natutunan at tunay na


naintindihan ko ang inilalahad nito. Inilahad nito na ang unang
hakbang ay ang pagpapakilala ng mga bagong talasalitaan at
pagkatapos pagbasa ng akda gamit ang tula. Pagkatos na mabasa
ang akda ay ipakikilala at araling ituturo. Binigyang-diin din ng
tagapag-ulat na ang tula o awiting gagamitin ay magiging lunsaran
lamang ng iyong pormal na aralin sa klase.

Sa naging pakitang-turo naman na isinagawa nina Bb.


Relaipa Morohomadil at Bb. Maedyna Oro ay naging interaktibo at
kolaboratibo ang naging pagtuturo nila sa klase. Ang tulang ginamit
rin ay nakakaaliw at angkop sa edad ng mag-aaral. Para sa akin,
naging mabisa ang akdang ginamit lalo na sa Grade 7 dahil
nililibang nito ang mag-aaral na basahin ang akda at kasabay rin
nito ang pagkatututo dito. Katulad nang sinabi sa ulat, nasunod din
ng mga nagpakitang-turo ang mga hakbangin kaya makikita naman
na mas madali itong naipakita at naituro sa klase. Gumamit rin sila
ng mga makabuluhang Gawain na may kinalaman sa kanilang
paksa upang mas maienganyo ang mga mag-aaral na making at
sumama sa talakayan.

Para sa akin, naging mabisa at epektibo ang tagapag-ulat at


ang dalawang nagpakitang-turo dahil nagkaroon ng epekto ang

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxi


kanilang ginawa sa akin. Hindi lang ako bastang nalibang sa ginawa
nila kundi nadagdagan din ang aking kaalaman, kaalamang tama
at angkop na nararapat kung makuha dahil isa ito sa aking mga
pangangailangan bilang mag-aaral.

Sa kabuuan, ang panibagong kaalamang ito ay nagbigay sa


akin ng karadagang kaalaman tungkol sa ibat ibang pamamaraan
na dapat magamit rin ng isang guro sa pagtuturo nito. Isa sa mga
natutunan ko mula sa naging karanasan ko sa pagtuturo nito ay
kailangang-kailangan na maging handa at alam moa ng aralin na
itatalakay mo dahil base na rin sa aking naoberbahan na kapag
hand aka ay mas madali mong nailalahad ang aralin at nailalahad
mo rin ito ng tama. Ang paggamit rin ng panitikan partikular na ang
tula sa pagtuturo ng wika ay nagpapakita lamang na ang guro ay
maparaan at malikhain dahil ang guro lagging humahanap ng
paraan upang maihatid ng tama, mabilis at mabisa ang aralin sa
mga mag-aaral.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxii


PAGTUTURO NG WIKA SA PAMAMAGITAN NG KOMIKAL SKIT
O DULA

Sa pag-uumpisa ng klase, ako ay nasasabik dahil ang


magiging aralin ang tungkol sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan
ng komikal skit o dula. Nasasabik rin ako na matutunan kung
paano ba itinuturo ang wika sa pamamagitang ng komikal skit o
dula.

Sa pag-uumpisa ng pag-uulat, sa tindig at ayos ni G. Akmad


ay mukhang alam naman nito ang itinuturo niya. Ngunit nang nasa
kalaitnaan na ay nalilito na ako dahil hindi ko na naiintindiha ang
pinagsasabi nito lalo na nang itinalakay na nito ang mga hakbang.
Nakikita ko rin na mukhang hindi siya handa kaya medyo
nadismaya ako.

Mula sa naging karanasan ng pag-uulat ni G. Aiman,


natutunan ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
paksang itatalakay. Mula sa napansin ko, dahil sa hindi nito alam
ang kanyang iuulat ay nagkakabulol-bulol ito sa pagsasalita kaya
hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nito. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng kaalaman dahil napapadali lang ang pagtuturo
kapag dire-dretso ang pagkakasalit ng isang guro.

Isa rin sa mga natutunan ko sa paraan ng pagkaka-ulat ni


Aiman, ay kailangan sa isang guro ang sapat na kahandaan sa
pagtuturo. Bilang magiging guro sa hinaharap, ang pagiging handa
ay isang mabuting katangian ng isang guro upang mahatid nito ng
maayos ang paksang nais nitong makuha sa mga mag-aaral nito.

Sa naging pakitang-turo naman ni Bb. Rizza Mae Acero ay


makikita mo kaagad ang kahandaan nito. Napansin ko rin na
marami siyang hinanda na mga pakulo o laro na susukat sa
kakayahan ng estudyante nito. Sa paggamit naman nito ng
pamamaraan ay naituro niya naman ang wika sa pamamagitan ng

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxiii


dula. Noong una, akalo ko ang magiging lunsarang ng kaniyang
pagtuturo ay sa pamamagitan ng komikal skit dahil para sa akin
ang dulang katatawan o komikal skit ay mas nakakakuha ng
atensyon lalo na sa mga gawain sa loob ng klase. Nasunod naman
nito nang tama ang mga hakbang sa pagtuturo ng wika sa
pamamagitan ng dula.

Sa naging pakitang turo ni Bb. Rizza, natutunan ko na


mahalaga rin ang pagkakaroon ng ibat ibang paraan o gawain na
susukat sa kakayahan ng isang mag-aaral. Ang paggamit ng ibat
ibang mga pagsusulit at paraan ng pagtuturo ay patunay lamang na
ang isang guro ay malikhain sa propesyon nito.

Sa kabuuan, natutunan ko sa marami ang mga paraan kung


aano mo ituturo ang wika. Sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan
ng dula, natutunan ko na kailangang gumait lamang ng mga
sitwasyon at dialogue na angkop lamang sa edad ng mga mag-aaral
nito. Natutunan ko na ang pagkamalikhain ng guro ay walag
kapantay dahil lagi ito humahanap ng paraan o pamamaraan upang
mas mapalahok pa nito ang mga mag-aaral nito sa talakayan.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxiv


PAGTUTURO NG WIKA SA PAMAMAGITAN NG MAIKLING
KUWENTO O NOBELA

Sa bagong pamamaraang ituturo ay isang gaong kaalaman na


naman ang aking makukuha. Isang kaalamang maaring aking
magamit sa aking propesyon at sa aking magiging estudyante.

Sa pagsisimula ng pag-uulat ni Bb. Claire Lendio, hindi nito


masyadong naipaliwanag ang mga hakbang sa pagtuturo ng wika
dahil sa hindi nito naitalakay ang tamang pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang. Dahil hindi naging malinaw ang pagkakalahad nito
ng mga hakbang, para sa akin ay hindi ito masyadong naging
mabisa ang pagkakaulat nito. Nagdulot ito sa akin ng pagkalito dahi
hindi ko na tuloy alam kung ano ba talaga ang mga tamang hakbang
sa pagkakaturo ng wika gamit ang Maikling Kuwento o nobela
bilang lunsaran. Buti na lamang at ipinaliwanag ni Dr. Garcia at
sinabing ang lahat ng hakbang sa pagtuturo ng wika maging ang
lunsaran man ay tula, dula, maikling o liham ay pareho lamang ng
mga hakbang at nasa lunsaran lng ito nagkakaiba.

Sa naging pakitang-turo naman na isinagawa ni Bb. Shiela


May Mepiesa ay naging maganda naman ang pagtuturo nito at
gumamit ng nakakaakit sa matang mga biswal eyds sa pagtuturo
nito. Gumamit rin ito ng mga kolaboratibong gawain na susukat sa
kakayahan ng mga estudyante nito. Hindi lamang masyadong
nasunod ang ilang mga hakbangin sa pagtuturo ng wika gaya ng
pagkakasunod-sunod ng pagkakaturo ng wika gamit ang lunsaran.
Hindi rin nito binabasa nang maayos ang maikling kuwento upang
mas maintindihan at mapahalagahan din ng mag-aaral ang
mensahe ng kuwento. Sa kabuuan naman ng pagpapakitang-turo
nito ay naging mabisa naman ito dahil may natutunan naman ako
at naging kolaboratibo at komunikatibo naman ang pagtuturo nito.
Tanging sa tamang pagkakasunod-sunod lang ito nagkulang.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxv


Mula sa naging pag-uulat at pakitang-turo natutunan ko na
sa pamamagitan ng maikling kuwento o nobel ay maari mo nang
maituro ang lahat nang pwede mong maituro sa iyong mga
estudyante. Hindi lamang wika at grammar na nakapaloob sa akda
kundi pati na rin ang moral at ang valyu na makakatulong sa mga
mag-aaral na maging mabuting tao sa hinaharap. Maaari mong
magamit rin ang maikling kuwento upang magkaroon sila ng
panibagong karanasan mula sa bagong pamamaraan na ipinakita
mo sa kanila at mabibigyang mo rin sila ng mas kawili-wili at
interaktibong kapaligiran sa loob ng klasrum.

Sa naging pakitang-turo rin, natutunan ko kung gaano


kahalaga ang paggamit ng ibat ibang mga kolaboratibong Gawain
dahil nagbibigay rin ito ng sigla sa mga mag-aaral na maging aktibo
sa talakayan. Bilang isang guro sa hinaharap, kailangan na maging
maging maging malikhain ako lalo na sa pagtuturo ng wika gamit
ng maikling kuwento upang mas maging epektibo ako sa pagbibigay
ng mga nararapat na pangangailangang makamit ng aking mga
mag-aarl sa hinaharap.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxvi


PAMAMARAANG MICROWAVE

Bagong araw, bagong aral na naman ay aking matututunan. Sa


pagsisimula ng oras ng klase ay sobra akong excited sa magiging
talakayan na naman namin dahil alam ko na makakatulong ito sa
akin lalo na sa pagtuturo ko sa hinaharap.

Sa pagsisimula ng pag-uulat ni Bb. Shaira Cartil, ako naman


ay nakuntento dahil naipaliwanag naman nito nang mabuti ang ibig
ipakahulugan ng Pamamaraang Microwave. Naging malinaw rin ang
mga hakbangin sa akin kaya mabilis kong naunawaan iyon.

Ang natutunan ko sa naging talakayan ni Bb. Shaira ay kapag


nagtuturo tayo ay kailangang ipinapasalita rin natin sa mga mag-
aaral ang mga salita na dapat nilang matutunan. Ito ay nasa
komunikatibo dahil hinahayaan natin ang mga mag-aaral na
makipag-usap, magtanong at makapagsalita ng mga bagay na nais
nilang malaman. Natutunan ko na bilang mga guro sa hinaharap ay
kailangang hayaan natin ang ating mag-aaral na matuto mula sa
paulit-ulit na pagtatanong dahil sa pamamagitan nito ay tumatatak
ang mga ito sa utak ng isang tao.

Sa naging pakitang turo naman ni Bb. Krislyn Cua, ako ay


namangha sa laki ng boses nito. Para bang sa oras na bumuka at
magsalita ito ay makukuha kaagad nito ang atensyon ng mag-aaral.
Sa pagpapakitang-turo nito ay naipakita naman nito kung ano ang
mga hakbang at mga pamamaraang isasagawa kapag gumagamit ng
ganitong pamamaraan. Kaya nga lang ay medyo nagkulang lang
dahil ang isa sa mga tuntunin ng Microwave ang nakalimutan nito.
Ang siklo ang isang bagay na nagpapaiba ng Microwave sa ibang
pamamaraan. Kaya tinawag itong Microwave dahil kumbaga ang
talakayan ay sang alon ng sunod-sunod na pagtatanong mula sa
guro hanggang sa pinakahuling estudyante na matatanong nito.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxvii


Natutunan ko sa naging pakitang turo ni Bb. Krislyn ay una,
ang pagkakaroon ng buhay na boses. Sa pagkakaobsera ko, kapag
buhay ang boses at saumpisa pa lang ay nagbibigay na ito ng
enerhiya sa pagtuturo, mas nakukuha nito ang atensyon ng isang
bata upang pakinggan ka. Pangalawa ang hindi pagiging madamot
sa mga positive feedback dahil malaki ang naitutulong nito sa
pagpapalakas ng loob ng mga mag-aaral nito. Labis rin akong
namangha dahil kahit hindi nito masyadong nakuha ang
Pamamaraang Microwave ay pinilit nito ang kanyang sarili upang
mabago at maihatid ng tama ang pamamaraang ito. Para sa akin
ang katangiang ito ang makakatulong rin sa aking bilang guro sa
hinaharap dahil kahit na nagkakamali tayo sa una ay naitutuwid
natin ito dahil pinayuhan tayo na ganito ang dapat gawin.

Sa kabuuan, marami akong natutunan sa paksang ito sa


pamamaraan, sa kahulugan at sa paggamit nito. Natutunan ko na
sa pamamagitan ng Pamamaraang Microwave ay naituturo natin
ang isang aralin nang hindi natin namamalayan na natututo sila sa
tulong ng mga siklong pagtatanong. Hindi naman talaga natin
kinakailangang ipilit ang aralin lalo na sa mga murang edad dahil
ang kakayahan ng mag-aaral ay iba-iba at kailangan nating mag-
isip ng mga pamamaraan na angkop at susukat nang mabisa sa
kanilang kakayahan.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxviii


SILENT WAY

Sa pagsisimula ng bagong araw ay isang bagong pamamaraan


na naman ang aking matutuklasan at matututunan. Ang
pamamaraang naitalakay ay ang Silent Way. Bago itong salita sa
aking pandinig. Ang tanging pagkakaalam ko lang ay kailangang
tahimik ang klase dahil sa pamamagitan nito ay natututo ang isang
mag-aaral. Labis akong nahihiwagaan sa pamamaraang ito kaya
nakinig na talaga ako ng maigi sa tagapag-ulat.

Nang nag-umpisang nag-ulat si Bb. Rheena Malasugui, hindi


koi to masyadong maiintindihan dahil hindi rin siya rin mismo ay
nahihirapang ipaliwanag ito. Pilit kong iniintindi ang mga nakasulat
sa mga biswal eyds nito para kahit kaunti man lang ay may makuha
ako sa araw na iyon. Ipinaliwanag naman ni Maam Garcia sa amin
kung ano ng aba ang pinagkaiba ng pamamaraang ito sa iba.
Pagkatapos ng naging pagpapaliwanag ni Maam ay naintindihan ko
rin sa wakas ang Silent Way. Natutunan ko kapag pala sinasabing
Silent Way ay walang ginagawa ang guro kundi ang magbigay
lamang ng panuto sa mga mag-aaral nito. Kailangan niyang maging
tahimik sa lahat ng pagkakataon at hayaan ang mga mag-aaral na
gawin at matuklasan ang mga aralin na dapat nitong matutunan,
kumbaga ito ay learning by doing at learning by discovery.

Ang natutunan ko sa naging pag-uulat ni Rheena ay dapat


may kaalaman ka talaga sa paksang iyong itatalakay. Napakahalaga
ito na isa rin sa mga katangian ng isang mabutin guro na
magkaroon ng sapat na kaalaman sa iyong paksa upang hindi ka
mawala o maligaw sa iyong aralin. Napakahalaga rin nito upang
maging angkop at tama ang iyong ituturo sa iyong mga mag-aaral
at hindi iyong mali.

Sa pakitang-turo naman ni G. Jeffrey Mamaril ay naging


handa naman ito sa kanyang pagtuturo. Kaya lang ay hindi nito
masyadong nakuha ang pamamaraan ng Silent Way. Pinaulit pa ito

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxix


ni Maam Garcia at binigyan ng pagkakataon. Sa ikalawa nitong
pagkakataon ay naging maganda naman ang ginawa ni Jeffrey.
Umaayon na ito sa pamamaraan ng Silent Way at mas nagiging
malinaw na ito.

Ang natutunan ko naman sa pagpapakitang-turo ni Jeffrey ay


kailngang alain mo muna kung ang mga bagay na ituturo mo ay
tama. Kung gusto mo na Silent Way ang paraang gagamitin ay
kailangan sundin moa ng mga hakbang na umaalinsunod sa
pamamarang ito.

Natutunan ko rin mula sa pakitang turo na kailangan ay hind


imaging bias ang guro sa mga mag-aaral nito. Kung kinakailangan
ay lumabas ito upang hindi matukso ang guro na sabihin ang mga
clues sa mga mag-aaral. Natutunan ko rin na ang guro ay
gumagawa ng ibat ibang mga paraan upang mas aktibo ang
partisipasyon at manatili ang atensyon ng mga mag-aaral sa loob
ng klasrum.

Isa pa sa natutunan ko sa Pamamaraang Silent Way ay


kailangang hayaan ng guro ang mga mag-aaral nito sa mga gawain
niito. Mapa-indibidwal man o pangkatang gawain dahil nabibigyan
natin ang mga mag-aaral na mag-isip at maghanap ng mga paraan
upang malutas ang isang problema o siwasyon.

Sa kabuuan, ako lubos na masaya dahil isang pamamaraan


naman ang natutunan ko. Alam kong magagamit ko ang uri ng
pamamaraang ito sa mga mag-aaral na kailangang maging
independent sa kanilang mga kakayahan upang malutas nila
sakanilang sarili ang isang sitwasyon. Sa pamamagitan nito ay mas
lumawak pa ang kaning kaalaman tungkol dito.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxx


COMMUNITY LANGUAGE LEARNING

Sa pag-uumpisa ng naging ulat ay talagang nakinig ako.


Nakinig ako dahil gusto kong maging klaro sa akin kung ano nga ba
talaga ang kaibahan ng Community Language Learning sa ibang
pamamaraan. Sa lahat kasi ng pamamaraang naitalakay na, ito ang
hindi pa masyadong klaro sa akin. Nang magsimula na si Reyjie
Daliva sa kanyang ulat ay nakatuon ang aking sarili sa inuulat niya
upang makinig.

Pagkatapos ng naging ulat, napagtanto ko na bilang isang


mabuting guro ay kailangan nating matugunan ang bawat
pangangailangan ng ating mag-aaral. Ang guguro ay kailngang
gumawa ng isang paraan kung saan ang pagkatuto ay nagiging mas
madali at magaan sa pakiramdam ng mga mag-aaral.

Lalong-lalo na sa naging pakitang-turo ni Shaima Diawe,


ntutunan kong ang guro ay hindi naman talaga kailngan masalita
sa lahat ng pagkakataon sa talakayan. Minsan ay inaalalayan lang
nito ang mga bata sa kanilang pagkatuto sa bawat sandal. Lalo na
sa mga bata sa elementarya, napakaangkop ng pamamaraangg ito
dahil sila ay dapat na bigyan ng pansin sa lahat ng oras upang
masiguro na ang kanilang pagkatutuo ay epektibo at kapaki-
pakinabang sa kanila.

Natutunang kong napakalaki ng trabaho ng guro sa klase


dahil kailngan nitong laging andyan sa tabi ng mga bata at
nagsisilbing tagapayo sa bawat salitang binibigkas ng mga ito.
Kailangan ay may malawak itong pang-unawa dahil ang bawat mag-
aaral sa loob ng klase ay magkakaiba.

Isa rin sa mga natutunan ko na sa CLL ay bumubuo ang guro


ng isang komuidad na bibigyang nito ng kaukulang pagpapayo.
Para sa akin, ang pamamaraang ito ay mabisa lalo na sa mga bata
upang makipaghalubilo ito sa iba at nang mabawasan din ito ang

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxi


kanilang pagkabahala sa loob ng klasrum. Napakagandang
pagmasdan ng mga estudyante na natututo mula sa magkakaibang
tao at sabay-sabay na natututo nang pannibagong salita o aralin sa
araw na iyon.

Pagkatapos mag-ulat at magpakitang-turo sina Shaima at


Rejie at matapos ang naging critique ng grupo nila Liezl at ni Dr.
Garcia, mas lumawak pa ang aking kaalaman tungkol sa
pagkakaroon ng ibat ibang mag-aaral. Kinakailangan dito ang
angkop na estratehiya at pamamaraan upang mas mapadali pa ang
pagkatututo. At sa pamamagitan ng CLL, mas nakikilala ng guro
ang bawat mag-aaral at sabay-sabay ring natututo sa bawat isa.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxii


TOTAL PHYSICAL RESPONSE

Panibagong araw para sa bagong kaalaman. Ako ay sabik na sabik


ng araw na iyon dahil alam kong magiging masaya ngayon ang
magiging pakitang-turo ng aking mga kaklase. At hindi ako
nagkamali.

Nang nagsimula nang mag-ulat si Caesar Ian Rellon,


tinalakay nito kung ano nga ba ng Total Physical Response o TPR.
Tinalakay rin ang mga katangian nito at mga pamamaraan kung
paano isasagawa ang pamamaraang TPR. Pagkatapos ng naging
ulat, nalaman ko na ang isang guro ay kailangang mayroon nang
interaksyon sa mga estudyante nito upang makuha nito ang loob ng
mag-aaral. Naisasaalang-alang din nito ang kultura ng bawat mag-
aaral dahil sa totoong buhay naman talaga ay magkakaiba ang
katangian at paniniwala ng mga estudyante sa loob ng paaralan.

Nang nagpakitang-turo na si G. Felipe Roque III, kailangan


palang ang isang guro ay hindi mapagod. Ang guro pala ay
kailangang ipakita at isakilos ang mga bagay upang mas
maintindihan ng mga mag-aaral ang mga salitang ibig
ipakahulugan ng guro.

Kinakailangan din ang mahabang pasensya lalo na sa mga


bata na hindi agad nakukuha ang isang aralin. Upang madaling
maintindihan ay kailangan ipakita, isagawa at ipagaya ito sa kanya.
Naalala ko noong siya ay nagpakitang-turo, paulit-ulit na pinapaulit
ni Felpe sa amin ang mga salita pinapakilos at ipinapasalita
hanggang sa makuha at maintindihan namin ang isang salita.

Natutunan ko na ang isang guro lalo na kapag nagtuturo ito


ay kailangan ng sapat na paghahanda. Nakita ko na sa
pagpapakitang-turo ni Felipe ay pinuri ito ni Maam Garcia at totoo
namang kahanga-hanga ang pagiging handa nito. Natutunan ko na
kapag handa ang isang guro ay mas napapadali ito sa pagtalakay

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxiii


ng kanyang aralin at hindi magulo. Kapag ang isang guro ay handa
ay alam nito ang kanilang gagawin at naiiwasan ang mga delay sa
pagtuturo nito.

Sa pagtuturo kailngan din nating pansinin ang kakayahan


lamang ng ating mga estudyante. Lalo na sa mga nasa elementarya,
angkop ang TPR na pamamaraan lalo na sa pagtuturo ng wika sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga kilos. Para kasi sa akin, mas
madaling naaalala ng mga tao ang isang bagay kapag nakikita,
pinapakilos at pinapaulit ito sa kanila. Katulad ng ginawa ni Roque
sa kanyang pagtuturo kung saan ay pinakanta niya kami ng Ako
ay may lobo, talagang tumatak sa amin ang awiting iyon dahil
maliban sa inawit namin iyon ay may ginawa ring aksyon ang guro
upang maalala iyon. At gamit ang pangganyak na iyon ay naggamit
ito sa kanyang pagtuturo ng pandiwa sa klase.

Ang at huling natutunan ko sa naging talakayan at pakitang-


turo ay kinakailangang tanggapin nito ang pagkakamali ng isang
mag-aaral dahil sa mga pagkakamili natututo ang mga ito. Pinatotoo
naman ito ng aming guro ito dahil naniniwala rin siya na ang
pagkakamali ay daan ng tao sa pagkatuto nito. Siguraduhin lamang
na hindi na mauulit ang mga pagkakamaling ito dahil kapag paulit-
ulit ang paggawa sa mali ay nagiging masama na ito.

Sa kabuuan, ang TPR na pamamaraan ay isang mabuuting


pamamaraan dahil mas nababawasan ang mga mag-aaral na
maging mahiyain sa klase dahil ang mga mag-aaral ay sabay-sabay
na naikikilos ang mga salita. Mas nai-enjoy ang mga bata dahil
nababawasan din nito ang stress ng bata sa loob ng klasrum. At ang
guro ang siyang magiging daan upang ma-set ang mood ng mga
mag-aaaral nito upang silay agad na mahikayat at maenganyong
matuto.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxiv


SUGGESTOPEDIA 1

Sa pagsisimula ng araw, alam kong mas marami na namang akong


matututunan sa magiging talakayan namin. Ang susunod na aralin
ay Suggestopedia 1at parang naaaninag ko nan a magiging masaya
at interaktibo ang klase ngayon.

Sa pagsisimula ng naging pagt-uulat ni G. Tonny Dulay Jr.,


nakuha ang aking atensyon sa napakabuhay rin nitong boses.
Nakukuha agad nito ang iyong atensyon na pakinggan siya upang
may matutunan ka. Naging malinaw ang pagkakapaliwanag ni G.
Tonny sa Suggestopedia 1. Naipresenta rin ang mga dapat na
hakbangin nang malinaw.

Natutunan ko mula sa pag-uulat ni Tonny na ang


Suggestopedia ay katulad lang din ng ibang mga pamamaraan
ngunit ang pinagkaiba lang ay ang paggamit nito ng musika sa
pagtuturo. Nalaman ko na kinakailangan na sa paggamit ng musika
ay napapaklam moa ng isipan ng mga mag-aaral mula sa kani-
kanilang mga personal na problema. Nalaman ko rin na
makakatulong ang paggamit ng musika dahil mas matatandaan din
ng mga ito ang isang aralin.

Mula rito ay natutunan ko ang pagiging malikhain ng isang


guro sa pamamagitan ng paggamit ng musika. Natutunan ko na
bilang isang guro ay isang tagapayo rin at tagaalis pansamantala ng
mga stress o mga problema sa loob ng talakayan.

Sa naging pakitang-turo naman ni Bb. Hannah Lecea, sa


umpisa pa lang ininganyo na nito ang mga bata upang ma-set nito
ang mood ng mga ito. Mayroon itong nakakasiglang gawain upang
maalis ang stress ng mga ito. Ngunit nang magsimula o sabihin na
nating inilahad na nito ang paksa ay parang bumalik sa dati, hindii
masyadong nasunod ang hakbang at hindi nagiging magaang ang
klase sa loob ng klasrum. Napansin ko na medyo kinakabahan si

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxv


Bb. Hannah kaya hindi ito masyadong naibigay ang tama at
nawalan ng pokus sa pagpapakitang-turo nito. Ngunit kahit ganoon
ang nangyari ay binigyan ulit si Bb. Hannah ng isa pang
pagkakataon upang baguhin ang kanyang pakitang-turo. Nang
nagsimula na ito ay naging maayos naman at ang mga hakbang ay
nasa maayos na pagkakasunod-sunod.

Natutunan ko na bilang isang guro, mahalagang ma-set agad


atin ang mood ng klase upang makapagpatuloy pa ang vibes na ito
sa mga susunod pa nilang klase. Isa rin ito sa mga katangian ng
mga guro na mapagaan ang damdamin at kalooban ng mga mag-
aaral upang mas matugunan nito ang kani-kanilang mga
pangangailangan.

Natutunan ko rin mula sa naging karanasan ni Bb. Hanah na


maging kalmado lang sa lahat ng oras. Ang pagiging pressured ay
nagdudulot lamang ng hindi magandang dulot sa performance ng
isang tao. Bilang guro sa hinaharap, malaking tulong naging
pagkakamali ni Hannah dahil dito ay natututo rin kami sa mga
tamang gawin at sa mga abagay na dapat ko pang ipaunlad. Mula
dito ay nararapat na tumanggap tayo ng pagkakamli upang mas
angkop at mabisa ang iyong pagtuturo sa susunod.

Sa kabuuan, ang naituro sa akin ng Suggestopedia ay kung


paano maging malikhain sa loob ng klasrum dahil kailangan mong
mag-isip ng isang paraan upang maienganyo mo ang isang mag-
aaral sa talakayan. At bilang isang guro, sa pamamagitan nito ay
gusto kog mas maging malikhain upang sa susunod ay maging
mabisa at maging interaktibo ang magiging talakayan namin ng mga
magiging estudyante ko sa hinaharap.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxvi


SUGGESTOPEDIA 2

Sa pagsisimula ng pag-uulat at pagtuturo ng pamamaraang


Suggestopedia 2, inaasahan ko na mas papalawakin pa ng
ikalawang tagapag-ulat ang naging talakayan ng unang grupo.
Gusto ko pang maging malawak pa ang pagtalakay dahil labis akong
interesado sa pamamaraang ito lalo na ngayon na kailngan ang
paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo.

Itinalakay ng tagapag-ulat na si Bb. Mohaima Dalaten nang


bahagya ang Suggestopedia 2 dahil naitalakay na rin naman ito.
Ipinalaiwanag nito ang mga hakbang upang maunawaan at
malaman ang mga maisagawa ang mga katangiang ito. Natutunan
ko na dapat ay panatilihin ang kapagiliran na kung saan ay
makapagrelaks sa mga isipan ng mga mag-aaral. Natutunan ko na
kapag nakabubuo tayo ng isang nakakarelaks na kapaligiran ay
mas natutuon at mabilis na natututo ang mag-aaral.

Bilang isang guro, magagamit ko ang katangian nito dahil sa


mga darating na paano, alam kong malaki ang maitutulong nito
kapag nais kong ganyakin ang aking mag-aaral sa talakayan. Sa
pamamagitan ng mga ito ay nagiging mas komportable ang mga
mag-aaral na makilahok at matuto na isang partikular na gawain.

Sa naging pagpapakitang-turo naman ni Bb. Jessie Rose


Curay ay mas naintindihan ko na ang kahukugan ng
Suggestopedia. Naibigay nito ang naging pagkukulang ng naging
tagapag-ulat ng Suggestopedia 1. Natutunan ko na kailangang pag
gumagamit ka ng ganitong pamamaraan lalo na sa pagbabasa ay
kailangang maging malumanay lamang sa pagbasa ang guro sa una.
Ginagamit ito upang maisip at mailarawan ng mga mag-aaral ang
sinasalaysay ng guro. Kailangan rin ng saliw ng musika upang
habang nakikinig ang mga mag-aaral sa binabasa ng guro ay
narerelaks din nito ang kanyang isipan mula sa mga labas na
problema. Pagkatapos ay hahayaan ang mag-aaral na basahin nito
ang akdang binasa ng guro upang makita rin nila at mas

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxvii


maunawaan bagay na isinasalaysay nito. Panghuli, na tekstong
pinabasa ay kailangan mong maisagawa upang maalaman at
masukat ang pGkakaintindi ng mga mag-aaral sa akda.

Para sa akin, naging mabisa ang ginawa ng tagapag-ulat at


nagpakitang-turo dahil malinaw at tama ang mga hakbang na
itinuro at ipinakita sa amin. Naging epektibo rin sila dahil tumatak
sa aming mga isipan lalo na sa akin ang mga ginawa nitong mga
gawain na naging kawili-wili naman sa aking panlasa.

Isa rin sa mga natutunan ko na ayon kay Dr. Garcia,


kailangan na ang mga akdang gagamitin ay may mga paksa na kung
saan ay makaka-relate ng mga mag-aaral. Halimbawa na lamang ng
mga pang-araw-araw na ginagawa isang mag-aaral dahil sa
pamamagitan nito ay madaling maiisip ng mag-aaral ang isang
sitwasyon na isasalaysay mo.

Sa kabuuan, para sa akin ang Suggestopedia ay madali,


masaya at nakakawiling pamamaraan na dapat gamitin ng mga
guro sa hinaharap. Nagbibigay ito ng interaksyon sa pagitan ng guro
at mag-aaral at nahahayaan natin ang mga mag-aaral na
panandaliang mawala ang mga iniisip sa buhay. Ang guro ay hindi
lamang tagapamahala ng klasrum kundi nagbibigay ng aliw sa mga
ito dahil mas napapadali ang pagkatuto kapag nagkakaroon ng
interaksyon kasabay ang musika sa pagtuturo.

Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxviii


Koleksyon ng mga Repleksyon sa Fil 143 | xxxix

You might also like