You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE


PAARALANG GRADWADO
Lungsod Sorsogon

Paksa: Ang Epektibong Guro at Ang Pagtuturo ng Wika


Tagapanayam: Ailyn Desengaño
Ricky Jr. M. Hita
Assignatura: Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan
Propesor: Dr. Felisa Marbella

ANG EPEKTIBONG GURO


1. WALANG ITINATANGI. Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang
guro'y may paborito sa klase o angkanyang di pagkakapantay-pantay na
pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya'y
walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin sa
lahat ng mga mag-aaral.

2. MAY POSITIBONG UGALI. Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y


nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa
kanilang tiwala sa sarili at direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa
tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

3. MAY KAHANDAAN. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa


saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-
aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at handa
nang magturo.

4. MAY HAPLOS-PERSONAL. Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang


gurong may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan,
palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas
ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Ang
pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na
nagugustuhan ng mga mag-aaral.

5. MASAYAHIN. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa


klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan
at napapahiya ang mga mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o
kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

6. MALIKHAIN. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong


malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila
para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang
guro.
7. MARUNONG TUMANGGAP NG KAMALIAN. Nababatid ng mga mag-
aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na
naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro
kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling
kanyang nagawa.

8. MAPAGPATAWAD. Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong


marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong
nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng
anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din
niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

9. MAY RESPETO. Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim


ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong
kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o kasalanan nang
walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa
nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-
aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.

10. MAY MATAAS NA EKSPEKTASYON. Ang di-malilimutang guro ay


yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang
kanyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang ipinag-
uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral. Kung
maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral,
nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga
tunguhin.

11. MAPAGMAHAL. Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro,
ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan
halimbawa para malutas ang suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at
pagmamahal.

12. IPINADARAMANG KABILANG ANG BAWAT MAG-AARAL. Laging nasa


isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase. Nadarama nilang
kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan
sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral ay
nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at
epektibong guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon
ng hinanakitan ang kanyang mga mag-aaral.

ANG PAGTUTURO NG WIKA


 Ang pagtuturo ng kahit anomang wika ay hindi nag-iiba kung ang ating
pag-uusapan ay pananaw at pamamaraan nito. Sa kahit na anong
pagtingin, ang pagtuturo ng wika ay nagiging epektibo kung ang isang
guro ay gumagamit ng isang epektibo teknik, pamamaraan o
metodolohiya upang mailipat ang pagkatuto sa wikang ninanais
matutunan ng mga mag-aaral.
 Ang kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng wika ay maaaring
nakatuon lamang sa pagtuturo ng wikang Ingles na naging dahilan ng
pagkaiwan ng pag-unlad sa pagtuturo ng sariling wika.
 Mula sa pananaliksik ng mga manunulat, naunawaan ng mga ito na
halos wala naman palang pinagkaiba ang mga pamamaraan at gawi ng
pagtuturo ng wikang Filipino sa pagtuturo ng wikang Ingles—mga
pangunahing wikang umiiral sa bansa
 Sa mas malawak na pagtingin, magkakatulad na mga approach din
ang ginagamit sa pagtuturo at pagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng
kahit anong wikang higit pa sa sinusong wika.
 Kailangan lamang isaalang-alang ng isang guro ang kakayahan ng mga
mag-aaral, ang sitwasyon kung saan gagamitin ang pamamaraan, at
ang kanyang layunin upang maitawid ang pagtuturo papunta sa
kasanayan.

SANGGUNIAN:
Patricinio V. at Rolando A. Bernales.  2008.  Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga
Teorya at Praktika.  Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/02/ang-mga-katangian-ng-
epektibong-guro.html
https://guroako.com/2017/09/05/katangian-ng-isang-magaling-na-guro /
https://hrsiapo.wordpress.com/2012/09/08/paano-nga-ba-malalaman-na-
mahusay-at-epektibo-ang-isang-guro/

You might also like