You are on page 1of 5

KATANGIAN NG

EPEKTIBONG GURO

Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng


kaniyang tiuturuan. Ito ang resulta ng kaniyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng
edukasyon. (Hendricks 1998)
Ayon kay Richard 1992, ang epektibong guro ay malikhain. Ang kaniyang klase ay
masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla o magkintal ng
impormasyon o prisipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang
mag-aaral na mapabuti ang buhay.
Nabanggit sa pag-aaral na “Ang mga Katangian ng Epektibong Istilo ng Pagtuturo batay
sa Pulso ng mga Mag-aaral sa Una hanggang Ikaapat na Taon ng BSMA sa Kolehiyo ng
Pangangalakal at Talatuusan" ni Baltazar P. et. al 2014, na ayon kay Osgood, Suci at
Tannenbaum (1957), ang kahulugan ng isang salita o parilala ay nakasalalay sa tatlong salik:
Ang Ebalwasyon niyon (Evaluation), Pagkasidhi (Potency), at Pagka-aktibo (Activity). Kung
gayon, matutukoy ang ibig-sabihin ng “Epektibong Istilo ng Pagtuturo” base sa mga tatlong salik
na iyon. Ang kaninang apat na klasipikasyon– pananalita, pagkilos, mga isinasagawang
aktibidad, at kakayahan bilang propesyonal, ay gagamitin sa Ebalwasyon; at iyang mga
klasipikasyon ay titimbangin sa Pagkasidhi nito o ang importansya ng mga ito sa estudyante;
samantalang ang Pagka-aktibo ng guro ay hindi nakabase sa apat na klasipikasyon. Kung saan sa
bahaging Ebalwasyon ng papel na ito tinalakay ang paggamit ng magkasalungat na katangian at
ang pagpasiya ng respondyente sa digri ng kanyang sagot at saan kumikiling. Datapwat
malalaman iyang mga katangian at ang kaakibat na digri. Sa bahaging Pagkasidhi, iraranggo ng
mga respondyente ang mga klasipikasyon. Gagamit kami ng hindi nakasususpetyang
pagkumpara ng mga klasipikasyon upang makapag udyok ng totoong palagay at sagot. Sa
paraang aming binanggit sa bahaging Pagkasidhi, aming makakalkula ang bigat at importansya
ng bawat klasipikasyon, na kung saan malalaman natin ang pinakanakaapektong klasipikasyon.
Sa bahaging Pagka-aktibo, matutukoy ang kagustuhan ng respondyente sa pagkaaktibo ng Guro
at Estudyante. Sa matrix, makikita na maaring gusto na aktibo ang guro atestudyante, aktibo ang
guro habang di aktibo ang estudyante, di aktibo ang guro at ang estudyante, o di aktibo ang guro
habang aktibo ang estudyante. Dahil ginamit ang iskala
ni Likert, may digri rin ang Pagka-aktibong gustong ipahatid ng respondyente. Ayon nga naman
kay Osgood, malalaman mo ang depinisyon ng isang bagay, madalas mga abstrak, tulad ng
pagtuturo, na hindi mo nagagamitan ng limang pandama, gamit ang Ebalwasyon, Pagkasidhi, at
Pagka-aktibo nito. Kaya’t sa pag-alam sa tatlong salik na nabanggit, mapagsasama-sama natin
itong mga katangian, digri ng mga klasipikasyon nito at kung gaano nakalahok o kasali ang Guro
at Estudyante sa Proseso ng Pagtuturo at Pagkatuto – na bubuo ng depinisyon nitong
“Epektibong Istilo ng Pagtuturo”.

Ayon kay Robert Coker,Tungkulin ng guro bilang: 1) ang mabuting guro aynakapagtatanong ng
sapat sa mga mag-aaral at kaya niyang tulungan ang mga mag-aaral atmakalabas ang tamang sagot sa
pamamagitan din ng kanyang sumusunod na pagtatanong; 2) ang mabuting guro ay magaling bumuo ng
salita, magsalita at may “sense of humor" ; 3) Ang mabuting guro ay may mababang loob: 4) Ang
mabuting guro ay nakauunawa sa mga mag-aaral, alam ang kanyang responsibilidad, matapat at
mabuting tao; 5) Ang mabuting guro ay maykakayahang kontrolin ang kanyang mga mag-aaral gayundin
ang, pagkakaroon ng kakayahangkontrolin ang kanyang sarili.Bukod dito,ang gampanin at katangian pa
ng isang mahusay na guro ayon kay Tomas Q.Andress,1999(“How to become an Effective teacher and
trainer,Rex Printing Company,Inc.p.48),ay ang mga sumusunod: (1) May malayak na kaalaman sa
paksang itinuturo (2) May kakayahan sa pagtuturo at mga kasanayang propesyunal dapat makaalam ng
iba’t ibang mga pamaraan sa pagtuturo (3) May kasanayan sa pakikipagtalastasan (4) May wastong
saloobinhinggil sa propesyon dapat magkaroon ng mataas na pagpapahalaga sa propesyong pagtuturo .
(5) May kaaya - ayang katauhan (6) Maunlad at mapanalikasik (7) Malikhain at may paqkukusa(8) Maka
Diyos, makabayan at makatao. Kaugnay sa pag-aaral na ito ni Tomas Q. Andres,isang pag -aaral din ang
isinagawa at lumabas Ang mga pangkalahatang katangian ng isang mahusayna guro at ito ay ang mga
sumusunod:1) may apektibong pakikipagtalastasan; 2) may iba’tibang pamamaraang sinusunod o
ginagamit sa pagtuturo; 3) may maayos na organisasyon sa pagtuturo:4) may lubusang kaalaman at
kawilihan sa paksang tatalakayin: 5) pinagagaan ang pagkatuto ngmga mag-aaral; 6) may paggalang at
positibong pakikitungo sa mga mag-aaral; 7) may kritikalna repleksyon sa kanyang pagtuturo; B)
nagbibigay ng fidbak tungo sa pag-unlad ng pagkatao ngmga mag-aaral; 9)makatarungan sa pagbibigay
ng marka; 10) may kakayahan na pukawin angkawilihan ng mga mag-aaral; 11) pag-alam at
pagmamalasakit sa pag-unlad ng klase; 12)matulungin; 13) paggalugad sa kultura at kalikasan ng
kanyang mga mag-aaral; 14) tapat sakapwa; 15) may mabuting katangian at pilosopiya; 16) malusog ang
katawan at isipan; 17) maykahandaang emosyonal; 18) maunawain; 19) madaling lapitan; 20) mahusay
makitungo 21)marunong makibagay; 22) may kabatiran at limitasyon ng ibang tao; 23) pagpapatuloy
aaral sa mga teknikal na aspeto ng edukasyon; 24) pagpapatuloy ng pag-aaral at lingkurang pagsasanay;
25) may pagpapahalaga at dedikasyon sa pagtuturo at 26) kakayahang mamuno. (Maria Fe E.
Gannaban.2000. Isang Pagsusuri sa Persepsyon at Aktwal na Kahusayang Pampagtuturo ng Guro. (Di-
nailathalang Master Tesis, Philippines Normal University, Manila.p.115).

Walang Itinatangi
Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa klase o ang
kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng klase,
dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin sa lahat
ng mga mag-aaral.

May Positibong Ugali


Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila’y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o
rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon. Naniniwala at
nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

May Kahandaan
Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga paksang
itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang mga gurong
organisado at handa nang magturo.

May Haplos Personal


Pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag
sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas
ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng
mgs kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.

Masayahin
Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling pagbibiro at
pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay nakababawas
sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

Malikhain
Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing
pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.

Marunong Tumanggap ng Kamalian


Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo’t sila ang labis na
naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap
niya ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humihingi siya ng kapatawaran sa
pagkakamaling kanyang nagawa.

Mapagpatawad
Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang
nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng
anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng
dimagandang puno ukol dito.

May Respeto
Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang
mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o kasalanan
nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng
kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga
tunguhin.

May Mataas na Ekspektasyon


Ang di malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't hinahamon
ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na
nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga
kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang
kanyang mga tunguhin.

Mapagmahal
Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya
upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay naglalarawan ng pag-
aalala at pagmamahal.

Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral


Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase. Nadarama nilang kapamilya ang
kanilang guro. Ang pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad,
pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting
pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi
magkaroon ng hinanakitan ang kanyang mga mag-aaral.

You might also like