You are on page 1of 11

Levi Jence L.

Lebanon

MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO


SA IBA’T IBANG ANTAS
Patrocinio V. Villafuerte

1) ACTIVE LEARNING
hinahayaan ang mga magaaral na gawin ang limang makrong kasanayan.
2) CLICKER USE IN CLASS
binubuod ang mga sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na may pagpipiliang sagot.
3) CRITICAL THINKING
koleksyon ng mga gawaing pangkaisipan na may kakayahang makakuha ng tamang sagot.
4) EXPERIENTIAL LEARNING
matututo ang mga mag-aaral kung ipagagawa ang gawaing itinakda sa kanila.
5) GAMES / EXPERIMENT / SIMULATION
napapayaman ang gawain sa tulong ng mga laro.
6) COLLABORATIVE / COOPERATIVE LEARNING (B-15)
hinihikayat ang maliit na grupo na magpangkatan para maisagawa ang gawain.
7) HUMOR IN THE CLASSROOM
napahuhusay ang pang-unawa at pangmatagalang pagkatuto sa masiglang pagtuturo.
8) INQUIRY GUIDED LEARNING
pang-unawa sa mga konsepto at responsiblidad ng mga mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa
pananaliksik.
9) LEARNER CENTERED TEACHING (15-A)
ang mga magaaral ang nasa sentro ng pagkatuto, at ang mga guro ang tagapagdaloy.
10) INTERDISCIPLINARY TEACHING
kumbinasyon ng dalawang paksa sa isang aralin.
11) ON-LINE HYBRID COURSES
nangangailangan ng maingat na pagpaplano at pagsasakatuparan ng aralin.
12) LEARNING COMMUNITY
ang pagsasamasama ng mamamayan sa isang panlahat na gawain.
13) PROBLEM BASED- LEARNIN
pag-aralan upang matutuhan ang isang araling nangangailangan ng pagtugon sa isang suliranin.
14) SERVICE LEARNING
pinagsama ang nilalamang pangakademiko sa proyektong pampamayanan.
15) MOBILE LEARNING
pagkatutong ang magaaral ay wala sa itinakdang lugar upang matuto.
16) DISTANCE LEARNING
ang anyo ng pagtuturo at pagkatuto sa magkaibang lugar.
17) DISCUSSION
pangkatang usapan sa klase upang mapasariwa ang memorya ng mga magaaral.
18) LECTURE
nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga tagapakinig.
19) TEACHING DIVERSE STUDENTS
kailangang may makatuwang ang guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
20) DEBATE
pormal, tuwiran, at may pinagtatalunang argumentasyon sa isang itinakdang panahon.
21) PAMAMAHALANG PANGKLASE
may malaking salik sa pagkatuto ng mag-aaral ang maayos na pamamahalang pangklase.
22) WRITING ASSIGNMENT
puhunan dito ang mapanuring pag-iisip kung paano naisulat ang mga tamang sagot.
23) DIFFERENTIATED LEARNING
mahalagang matuklasan ng guro ang pag-iibaiba ng mga magaaral sa nilalaman, kahandaan sa pagkatuto
at interes.
24) TEAM-BASED LEARNING
nakasaalalay sa kamag-aaral ang mabilis na pagkatuto ng mag-aaral.
25) BRAIN-BASED LEARNING
ang emosyon ay malaking salik sa pagkatuto ng mag-aaral.
26) PROJECT-BASED LEARNING
ang alinmang proyekto ay dapat mapag-usapan sa klase at dapat na manaig ang interes ng mag-aaral.
27) TEAM TEACHING
pagpapalitan ng mga ideya ang pokus ng team teaching.
28) TEACHING WITH CASE
ang solusyon sa mga suliraning lohikal ang pokus ng estratehiyang ito.
29) SOCIAL NETWORKING TABLE
ang bago at naiibang uri ng komunikasyon ang nakapaloob dito.
At upang maisakaturapan ang mga estratehiyang ito mahalagang masunod natin ang ilan sa aking mga

mungkahi na sa aking pakiwari ay makatutulong sa ating ibinabalangkas na mga aralin sa wika at panitikan

gaya ng . . .

1) MANGUNA
maging pasimuno sa lahat ng mga gawain sa loob at labas ng paaralan.
2) MAGSALIKSIK
maghanap ng iba pang estratehiya na makatutulong sa iyong pagtuturo.
3) MAGBAHAGI
ibahagi sa iyong mga kaguro ang iyong mga natutuhan.
4) MAGSULONG
magsulong ng mga adbokasiya na makatutulong sa paglinang ng kaalaman.
5) MAGTANONG
patuloy na magtanong sa mga bagay na gusto mong malinawan.
6) MAGPALAWAK
palawakin ang diwa. Isipin ang mga estratehiyang makatutulong sa pagtuturo.
7) PAG-ISIPAN
gawing positibo ang iniisip at ginagawa.
8) HARAPIN
harapin ang hamon at pagsubok. Huwag kalimutang pumalakpak. Salamat po!
ESTRATIHIYA SA PAGTUTURO
Inipon mula sa Iba’t ibang sources MILAGROS M. SACLAUSO

I. Mga Terminolohiya sa Pagtuturo ng Filipino


1. Pamaraan (method)- Hakbanging sunud-sunod na gumagabay sa guro sa kanyang pagtuturo ng mga tiyak
na aralin.
2. Pagdulog (Approach)- Ito’y set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagtuturo at pagkatuto.
3. Teknik (Technique)- ito’y tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo.
4. Istratehiya (Strategy)- isang planadong proseso para sa isang partikular na gawain.

Ayon kay Mintzberg at Quinn, ang istratehiya ay isang pattern para sa mas mabisa at madaling proseso ng
pagtuturo.
Ayon kay Villafuerte, P. ang istratehiya ay panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng
wika at batay sa isang dulog.

II. Mahalagang Salik na Nakakaapekto sa Pagtuturo ng Filipino sa Kaligirang Akademiko


1) Guro
2) Mag-aaral
3) Materyal
4) Istratehiya
5) Pagtataya
1) Guro ang nagbabalak at nagpapasya ng istratehiyang gagamitin •Angkop na bunga ng pagkatuto •Angkop
sa sitwasyon •Angkop sa kakayahan ng mag-aaral •Angkop sa aralin
2) Mag-aaral- nakapokus ang pagtuturo(learner-centered- teaching) • Bawat mag-aaral ay may kanya-
kanyang katalinuhan, natatanging kahusayang taglay na maaaring makita sa istilo ng kawilihan at
pagkatuto. Ang mga tinutukoy dito ay ang: Gardner’s Multiple Intelligences

URI NG ESTUDYANTE
Estudyanteng “communicative”
1. Pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng wika.
2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aaralan.
3. Panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aaralan.
4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit ng aktuwal na
pakikipag-usap.
ESTUDYANTENG “authority oriented”
1. mas gusto ang magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika
2. may sariling batayang aklat
3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk
4. pinag-aaralan ang balarila
5. nagbabasa para matuto
6. natutuhan ang mga bagong salita kung makikita ang mga ito
Estudyanteng “concrete”
1. mga laro
2. mga larawan
3. VCR tapes
4. Pair work
5. Pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum
Estudyanteng “analitikal”
1. Pag-aaral ng gramatika.
2. Pag-aaral ng maraming aklat sa wika.
3. Pagbabasa ng mga pahayagan.
4. Pag-aaral nang mag-isa.
5. Pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika.
6. Pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng guro.

GARDNER’S MULTIPLE INTELLIGENCES


Visaual/Spatial……………………..Pampaningin/nakikita
Verbal/linguistic…………………….Pagsasalita/mgasinasalita
Musikal/Rhythmic…………………..Musika/ritmo/melodya
Logical/Mathematical…………….Data beses, pagsasaayos pagtataya
Bodily/Kinesthetic………………….Aksyon, pagkilos, pagsasagawa
Interpersonal/Sosyal….. ………….Pakikihalubilo
Intrapersonal/Introspective…….Pagsasarili, pagmumuni-muni
Naturalist………………………………...Makakalikasan, palamasid

3) Materyal – mga awtentikong kagamitan (Authentic Materials)


Ayon kay Peacock(1997)- Ang mga materyales ay ginagawa upang matugunan ang ilang adhikaing
pansosyal sa pag-aaral ng ng lingguwahe sa komunidad. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng
eksosyur ang mga bata sa pag-aaral ng wika, gamit ang AKP(Autentikong Kagamitang Panturo).
Madaling magkaroon sila ng pagkatuto at kamalayan sa mga bagay sa kanilang komunidad na
ginagamit nila sa pang-araw- araw na pakikisalamuha.
Ayon naman kay Morley (2001)- awtentikong kagamitan ay makabuluhan at nagbigay ng motibasyon
sa mag-aaral sa matalinong pagkatuto, nagagawa rin nitong ihayag ang tunay na nilalaman at istruktura
ng lengguwahe.
Mga Tekstong Awtentiko
• Adds / patalastas
• Pahayagan
• Brochure
• Magasin
• Bio-data
• Paalala
• Resipe
• Babala
• Dayalogo
Katangian ng Mabuting Istratehiya
Simple at madaling maisagawa
Nagsasangkot sa lahat ng mag-aaral
Nagbibigay ng mabuting bunga
Humuhubog sa mabuting pag-uugali
Nakatutulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mag-aaral
Humahamon sa kakayahan ng mag-aaral
Higit na marami ang gawain ng mag-aaral kaysa guro.
Umaalinsunod sa mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng pagkatuto.
4) Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Filipino
A. Pagtuturong nakapokus sa mag-aaral (Learner-centered- teaching)
- binibigayang halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo ng pag-aaral ng mag-aaral.
hal ng istratehiya: • Mga laro • Mga larawan • Pagguhit • Pantomina • Pag-uulat • Pagsasatao/ roll play •
Pagkukwento • Pagtatalumpati • Journals
B. Sama-samang Pagkatuto (Kooperativ at Kolaborativ na Pagkatuto)
- ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at tulung-tulong na pagsisikap ng guro
at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nito ang mabawasan ang kompetisyon at
maragdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral.
Mga Susing Elemento ng Sama- samang Pagkatuto (Collaborative Learning)
1. Positibong Pakikipag-ugnayan (Positive Interdependence) - nagaganap kapag naramdaman ng lahat
ng miyembro ng pangkat na magkakaugnay sila sa isa’t sa pagsasagawa ng pangkalahatang
layunin(common goal) lahat sila ay naghahangad para sa tagumpay ng grupo.
2. Indibidwal na pananagutan (Individual Accountability) - inaasahan ang bawat miyembro ay
nananagot sa grupo at kakikitaan ng pagkatuto.
3. Harap-harapang interaksyon (Face to face Interaction) - kapag ang bawat miyembro ay
magkakalapit sa isa’t isa, nagkakausap ay may daloy ng pag-unlad ang pangkat.
4. Pagproseso ng Pagkatuto (Processing Learning) - kapag tinatalakay ng miyembro ng grupo ang
pagkatutong nagaganap at tinataya ang kanilang sama-samang pagsisikap sa ibubunga ng gawain.
5. Kasanayang Sosyal (Social Skills) – kapag ang grupo ay aware sa kasanayan sa wastong
pakikihalubilo na ang kasanayan ay nakatuon sa pagpapaunlad ng komunikasyon, pagtitiwala, pamumuno
at conflict resolution.
Mga Istratehiya ng Ginagamit sa Kollaboratibong Pagkatuto
• Pangkatang gawain (maliit at malaking pangkat) • Dayads / triyads • Dugtungang pagsasalaysay •
Talakayang papanel • Tableau • Brainstorming • Buzz session • Debate • Fish bowl • Round table • Forum •
Mock trial / jury trial • Composite report consensus • Think, pair, share • Elevator speech • Buzz ng Bayan •
Field Reporting • Hosting • Infomercial • Picture Summary Technique
C. Pagkatutong Interactiv (Interactiv Learning)
- mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling
ideyal ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa
interaksyon. Ayon kay Wells (sa Rivers, 1987), ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng
tatsulok na ugnayan ng tagaaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng situwasyon,
maging pasalita o pasulat na komunikasyon. Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksiyon na
maaaring lahukan ng mag-aaral: interaksiyon sa guro, sa kapwa mag-aaral at sa teksto o kagamitang
pampag-aaral.
Mga halimbawa ng istratehiyang ginagamit: • Venn Diagram • KWL • Authors Chair • Broadcasting •
Chamber Theater • HOTS (PECS, LOV, PIN, SAG, P-solve, LAF, FOR, TAC SIP atbp)
D. Ang Pagkatutong Integrativ (Integrative Learning)
- inibigyang diin dito ang integrasyon o pagsasanib ng paksang aralin sa pag- aaral ng wika. Ang
paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na
ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo ang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito.
- nakapokus sa mag-aaral at integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga istratehiyang partisipativ,
fasilativ at konsultativ ay mga katangian ng pag-aaral ng integrativ. Dito, ang guro ay tagapagdaloy
lamang ng pagkatuto, ang mga mga-aaral ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay taga-gawa
lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng
aralin, ang mag-aaral ang sentro o ang bida: siya ang aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at
sumusulat kung kinakailangan.
- Simulasyon • Graphs • Journal • Story mapping • Mind map • Modeling • Interview • Web • Thinking
hots • diagrams
III. Ilustrasyon ng mga Istratehiya sa Pagtuturo
Naglalaman na (KNOW) Gustong Malaman (Want to Natutunan (Learned)
Know)

1. VENN DIAGRAM
2. FISH BOWL
3. WEBBING / PAGHAHBI (network) Mahalagang pangyayari sa akda / teksto
4. WEBBING O PAGHAHABI (network) MGA TAUHAN
5. GRAPS 1st Qtr 2nd Qtr 3rd Qtr 4th Qtr 0 1 2 3 4 5 6 1st Qtr 2nd Qtr 3rd Qtr 4th Qtr
6. STORY FRAME
7. PIN (Positive Interest Negative) PAKSA
8. FISH BONE - Pagbibigay ng sanhi at bunga mula sa nabasa o naipahayag) PANGYAYARI
9. P-SOLVE – Pagbibigay ng kahihinatnan, Hakbangin at ng Konklusyon sa Suliranin na isinasaad
SULIRANIN –KAHIHINATNAN- HAKBANGIN- KONKLUSYON
10. PECS (Pagbibigay ng problema, sanhi, epekto at kung ano ang solusyon sa problema)
PROBLEMA -SANHI -BUNGA -SOLUSYON
11. INVERTED PYRAMID (Pagkakasunod- sunod ng istorya / pangyayari papunta sa pinakakasasabik na
pangyayari o pinakamahalagang kahihinatnan / climax)
12. MULTI FLOW CHART (Pagbibigay ng saloobin ng dalawang panig o pangkat sa natalakay na aralin
o ukol sa pangyayari) PANGYAYARI
Sa aking palagay Para sa akin
Siguro Marahil
Sa tingin ko Kung ako ang…
13. CARAVAN (Pagkilala sa mahahalagang pangyayari sa paksa / aralin)
14. WALK-A-BOUT TECHNIQUE (Pagtatanong ng taga-ulat tungkol sa natalakay na nakaraang aralin)
RECALL Ano ang naalala mo sa araling tinalakay? Lagda lagda
REACT Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang ________? Lagda lagda
UNDERSTAND Lubos ba ninyong naintindihan ang aralin? Patunayan. Lagda lagda
Kahalagahan ng Pagbabago- bago ng Istratehiya
Nagkakaroon ng kasiglahan ang klase.
Nagkakaroon ng mabuting relasyon ang mag-aaral at guro.
Nakapaglilinang ng mga natatanging kakayahan ng mag-aaral.
Nakakaalis ng kabagutan sa klase.
Nakapag-iisip ng malalim at nakalilikha ang mag- aaral.
Nakapagtatatag ng pagtitiwala sa sarili at kapwa.
Nakapagpapaunlad ng kasanayang pampamumuno.
IV. TEACHING METHODS
1. Academic games or competition- Learners compete with each other one to-one or team-to-team to
etermine which individual or group is superior at a given task such as "spelldowns," anagrams, technology
trivia, Odyssey of the Mind, or project competition. Commercially available, academic computer games are
also very popular.
2. Activity- a general teaching method (e.g., problem solving, design challenge, field trips, role playing) based
on planned, purposeful involvement of students.
3. Brainstorming- order to generate creative ideas, learners are asked to withhold judgment or criticism and
produce a very large number of ways to do something, such as resolve a problem. For example, learners may
be asked to think of as many they can for eliminating world hunger. Once a large number of ideas have been
generated, they are subjected to inspection regarding their feasibility.
4. Case study- A detailed analysis is made of some specific, usually compelling event or series of related
events so that learners will better understand its nature and what might be done about it. For example, learners
in a technology lab might investigate the wear and tear of skate boarding on public works. Another class might
look at cases of digital technologies and privacy.
5. Centers of interest and displays- Collections and displays of materials are used to interest learners in
themes or topics. For example, children may bring to school and display family belongings that reflect their
ethnic heritage. The intention may be to interest the class in the notion of culture. Or, the teacher might arrange
a display of different devices used in measurement to prompt interest in that topic.
6. Colloquia- A guest or guests are invited to class for the purpose of being interviewed in order to find out
about the persons or activities in which they are involved. Thus, a guest musician might serve as a stimulus for
arousing interest in music and musical performance.
7. Contract- Written agreements entered into by students and teachers which describe academic work to be
accomplished at a particular level ill a particular period of time such as a week or month.
8. Controversial Issues- An issues-based, teacher-directed method that focuses on controversies. Students
are directed through a process that assists them in understanding how to deal with controversial and sensitive
issues and clarifies these issues in a group context. Involves critical thinking and discourse analysis.
9. Cooperative learning- Learners are placed in groups of four to six. Sometimes the groups are as diverse or
heterogeneous as possible. In such cases, group members are often rewarded for the group's overall success.
Student groups might be given a teacher presentation on division of fractions. They would then be given
worksheets to complete. Team members would first help and then quiz one another.
10. Culture jamming- A methods used to empower students to "speak back" to mass advertisements and
media images that enforce stereotypes and select representations of individuals or groups. Empowers students
to mock or "jam" images of popular culture.
11. Debate- A form of discussion whereby a few students present and contest varying points of view with
regard to an issue. For example, students could take different positions and debate an issue: "Should rights to
free speech on the internet be extended to students in schools?"
12. Debriefing- A method used to provide an environment or platform for the expression of feelings and
transfer of knowledge following an experience. Debriefing may come at the hands of a tragic event or may be
used more generally following an intentionally educational experience. Debriefing relies on the skills of the
facilitator to reframe an experience or event to appropriately channel emotions and knowledge toward
understanding and transformation.
13. Demonstration- A teaching method based predominantly on the modeling of knowledge and skills. A
form of presentation whereby the teacher or learners show how something works or operates, or how
something is done. For example, a teacher could demonstrate how to use a thesaurus, how to operate a power
drill, how to scan an image, or what happens when oil is spilled on water as when an oil tanker leaks.
Following that, students practice under teacher supervision. Finally, independent practice is done to the point
of proficiency.
14. Direct instruction- A term used to describe explicit, step-by- step instruction directed by the teacher. The
format or regimen advocated is demonstration, guided practice, and independent practice. Thus the teacher
might teach a reading, mathematics, geography or technology concept or skill. Following that, students
practice under teacher supervision. Finally, independent practice is done to the point of mastery.
15. Discovery or inquiry- Discovery learning is used when students are encouraged to derive their own
understanding or meaning for something. For example, Students are asked to find out what insulation acts as
the best barrier for cold or hot environments. Experiments that are not teacher demonstrations are part of
discovery.
16. Discussion- Discussions occur when a group assembles to communicate with one another through
speaking and listening about a topic or event of mutual interest. To illustrate, a group of learners convenes to
discuss what it has learned about global warming.).
17. Drill and practice- A form of independent study whereby, after the teacher explains a task, learners
practice it. After Students are shown how to use Ohm's Law, they are asked to make calculations of current,
resistance and voltage.
Minsan, may isang binatang lumapit kay Pilosopo Tasyo para subukin ang katalinuhan niya. Ang sabi ng
binata: “Pilosopo Tasyo, sabihin nga ninyo sa akin ang kalagayan ng ibon na nasa aking palad.” Saglit na
tumahimik at nag-isip si Pilosopo Tasyo. Kapag sinabi niyang buhay ang ibong nasa palad ng binata,
hihigpitan ng binata ang pagkakuyom ng kanyang palad para mamatay ito, at kapag sinabi naman niyang patay,
ito ay pakakawalan niya. Nagsalita si Pilosopo Tasyo, at sinabi niya: “Ang kalagayan ng ibong iyan ay nasa
palad mo.” Oo, nakasalalay sa kanyang palad kung mananatiling buhay o patay ang pinaglalaruan niyang ibon.
At ganoon din tayong mga guro. NAKASALALAY SA ATING MGA KAMAY KUNG MAGIGING
BUHAY O PATAY ANG MGA TALAKAYAN AT PAG-AARAL SA LOOB NG ATING KLASRUM!

You might also like