Teaching Filipino Jun Yang Badie, MAEd Paglalarawan Ang Fil 254- Simulain, Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino ay isang kurso na naghahanda nang lubusan sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino upang maging matagumpay at mabisang guro sa wikang Filipino. Naglalayong ipaangkin sa mag-aaral ang iba't ibang kabatiran at kasanayang kakailanganin ng isang guro gaya ng iba't ibang estratehiya, dulog sa pagtuturo, kasanayan sa pagbuo ng layuning pampagtuturo, paghahanda ng banghay ng pagtuturo at ng iba pang kagamitang Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino 1 Kahulugan ng mga Katawagan sa Pagtuturo ng Filipino 1.1 Dulog - Ito’y set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo 1.2 Estratehiya - Ito’y isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog (Anthony, 1963) 1.3 Kognitibo - Ito’y isang estratehiyang nagbibigay ng estruktura na humihikayat sa pag-unawa at pagsasaulo ng mga kaalamang pangkaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang nagtutulak upang mabatid ang hangganan ng isip. 1.4 Sosyo-apektibo - Ito’y isang estratehiyang ang pokus ay ang pakikipag- ugnayan sa ibang tao at ang mga pagpapahalagang natutuhan. 1.5 Teknik - Ito’y mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog 1.6 Metakognitibo - Ito’y teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto, gamit ang estratehiyang tutugon sa sa pangangailangan ng iba’t ibang uri ng mag-aaral. 1.7 Pagdulog Interaktibo - Tumutukoy sa pagsasangkot sa mga mag-aaral sa makabuluhang interaksiyon. 1.8 Pagdulog Integratibo - Sa pagdulog na ito, malawak na sinisiyasat mga mag- aaral ang mga kaalaman sa iba’t ibang asignatura. 1.9 Pagdulog Kolaboratibo - Ito’y nakasentro sa mga mag-aaral na sama-samang gumagawa ng mga gawain. 2. Mga Katangian ng Isang Mabuting Estratehiya 2.1 Ang mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak at madaling maisakatuparan. 2.2 Ito’y dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga gawain. 2.3 Ito’y nagbibigay ng mabuting bunga ng kahihinatnan. 2.4 Ito’y humuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag- aaral. 2.5 Ito’y humahamon sa kakayahan ng mga mag- aaral. 2.6 Ito’y dapat magtaglay ng maraming gawaing pangguro kaysa gawaing pang-mag-aaral. 2.7 Ito’y umaayon sa makabuluhang kahulugan, mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo. 3. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino 3.1 Batay sa Pagdulog Integratibo 3.1.1 Pagtuturong Tematik - Ito’y pagsasanib ng iba’t ibang asignatura upang lalong mapaunlad at maging higit na makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. 3.1.2 Pagtuturong Batay sa Nilalaman - Ito’y pagpili ng nilalaman na gagamitin sa makabuluhang pagtuturo ng wika. 3.2 Batay sa Pagdulog Kolaboratibo 3.2.1 Brain Storming - Ito’y teknik na gumagamit ng imahinasyon at / kritikal na pag-iisip upang malutas ang isang problema. 3.2.2 Simposyum - Inilalahad dito ang paksa at nagsasagawa ng malayang talakayan pagkatapos makapaglahad ng impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita 3.2.3 Paggamit ng Awtentikong Materyales - Ginagamit sa pagtuturo ang mga babasahin mula sa mga polyeto, magasin, diyaryo bilang lunsaran o inilalaman ng araling ituturo. 3.3 Batay sa Pagtuturo ng Komprehensyon 3.3.1 Ugnayang Tanong- Sagot - Ito’y estratehiyang sumasanay sa mga mag- aaral upang magsuri ng mga tanong ungkol sa binasa. 3.3.2 Estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip - Ito’y pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat sa teksto. 3.3.3 Estratehiyang Biswal - Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa.