You are on page 1of 12

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan

Modyul 3 – Ang Pagsisikap ng mga


Bansa na Makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig at Kaunlaran
WEEK 5

Naikonseptwalisa ni
Miah C. Auman
Tisa National High School

1
Modyul 3: Ang Pagsisikap ng mga
Bansa na Makamit ang
Kapayapaang Pandaigdig at
Kaunlaran
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-
ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas
ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

Kakayahan:
Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran.

Paksa/Subject:

Ang Pagsisikap ng mga Bansa na Makamit ang Kapayapaang Pandaigdig at


Kaunlaran. (AP8AKD-IVh-8)

Subukin
Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay
sa Modyul 3 sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o
Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang
matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot
ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.

PANUTO: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Bilang tugon sa pakikipagpulong sa Yalta Conference ay ang pagbuo ng bagong


United Nations. Kailan itinatag ang United Nations?
A. February 24, 1945 C. May 10, 1945
B. March 10, 1945 D. October 24, 1945
2
2. Maraming mga bansa ang nagmamadali na makabili ng bakuna para sa Covid-
19. Anong sangay ng United Nations ang makakatulong nito upang mabigyan
ang mga mahihirap na bansa?
A. Ang Kalihim (Secretariat)
B. Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council)
C. Konseho ng Pagkakatiwala ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Trusteeship
Council)
D. Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (UN Economic and Social
Council)
3. Alin sa mga sumusunod ang susi ng kaunlaran ng ekonomiya ng isang bansa?
A. hanapbuhay B. kapayapaan C. mamamayan D. pinuno
4. Isang pagpupulong ng tatlong mga kakampi sa Ikalawang Digmaan. Anong
pagpupulong ito?
A. Berlin Conference C. United Nations Conference
B. Paris Conference D. Yalta Conference
5. Sino ang Pangulo ng United States na isa sa mga pinuno ng Big Three?
A. Abraham Lincoln C. Josef Stalin
B. Franklin D. Roosevelt D. Winston Churchill
6. Ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na nagpapatupad sa mga
gawaing pang-araw-araw. Anong sangay ito ng United Nations?
A. International Court of Justice C. Secretariat
B. General Assembly D. Security Council
7. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang naging matagumpay sa pagpigil
ng pagsiklab ng isa pang digmaang pandaigdig?
A. Big Three B. European Union C. League of Nations D. United Nations
8. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa Big Three?
A. Britanya B. Estados Unidos C. Italya D. Soviet
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang masasabing nagtagumpay ang United
Nations sa kanilang layunin?
A. Nasugpo ang karahasan sa mga kababaihan.
B. Napigilan ang pagdami ng mga taong namamatay.
C. Napigilan ang pagsiklab ng isa pang digmaang pandaigdig.
D. Muling pagsama ng mga pamilyang pilit na nagkahiwalay.
10. Anong taon ang tinaguriang Year Zero?
A. 1941 B. 1943 C. 1945 D. 1946
11. Aling sangay ng United Nations na tagapagbatas ng samahan, binubuo ito ng
mga kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, at dito isinagawa ang mga
pangkalahatang pagpupulong.
A. Pangkalahatang Assembleya (General Assembly)
B. Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council)
C. Konseho ng Pagkakatiwala ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Trusteeship
Council)
D. Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (UN Economic and Social
Council)
12. Alin ang pangunahing layunin ng United Nations?
A. Upang puksain ang hukbong sandatahan.
B. Ang mapalitan ang makaluma at mahinang liga ng mga bansa.
C. Ang higpitan muli ang mga sandatahang militarismo.
D. Upang wakasan ang kaguluhan at hindi na muling magkaroon ng
pandaigdigang digmaan.

3
13. Sino ang Punong Ministro ng Great Britain o Britanya na isa sa mga Big Three?
A. Abraham Lincoln C. Josef Stalin
B. Franklin D. Roosevelt D. Winston Churchill
14. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa kapalaran ng Germany na napag-
kasunduan sa Yalta Conference ay tama maliban sa.
A. Pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas.
B. Pagbayarin ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad pinsala.
C. Ang mga islang nasakop tulad ng Sakhalin Island, Kurile Islands, at Port
Arthur ay mapunta sa Russia.
D. Magbabayad ang Germany sa Russia bilang kabayaran sa pagkasalanta
nito bunga ng paglusob nila noong 1941.
15. Ano ang tawag sa sadyang pagpatay sa anim (6) na milyong mga Hudyo ng
Europe na mga miyembro ng Nazi?
A. democide B. homicide C. genocide D. parricide

Alamin
Sa araling ito tatalakayin natin ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ikaw ay inaasahang
matutuhan ang mga sumusunod:
A. Natutukoy ang mga paraan ng mga bansa upang makamit ang kapayapaan;
B. Napahahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig at kaunlaran; at
C. Nakagagawa ng isang Chronological Event ng mga hakbang tungo sa kapayapaan
at kaunlaran.

Panimulang Gawain
Mga mag-aaral, bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa araling ito,
suriin natin ang larawan at isaayos ang mga letra upang makabuo ng salitang
tumutukoy sa larawan.

Anong organisasyon ang sagisag na ito?

INDTEU SNATOIN

___________ ______________

4
Tuklasin at Suriin

Basahin ang teksto at umpisahan natin ang pagtatalakay sa paksang ito.

Ang Pagbuo Muli ng Kapayapaan at Kaunlaran sa mga Bansa Pagkatapos


ng Digmaang Pandaigdig.

Nang matapos ang pandaigdigang digmaan naging mithiin ng bawat bansa na


makabangon muli para sa kaunlaran. Masidhi ang hangarin ng mga bansa sa Asya
at Africa na lumaya. May mga bansang naglunsad ng rebolusyon para wakasan ang
imperyalismo at kolonyalismo upang makamtan ang kanilang kalayaan. Kabilang
dito ang Indonesia laban sa Netherlands; Vietnam laban sa France at United States;
at China laban sa mga Kanluraning bansa.
Ang taong 1945 ay tinaguriang Year Zero dahil sa napakalaking pinsala ang
natamo ng mga bansa sa Europe at Asia. Naging malaking hamon ang pagbangon
muli partikular sa kaunlaran at kapayapaan.

Una, Sa pagkakataong ito hindi lamang ang mga militar ang kanilang naging
target pati ang mga sibilyan. Nasa 60 milyong katao ang namatay, 25 milyon sa
kanila ay nasa Soviet. Ang genocide ay ang sadyang pagpatay sa 6 na milyong mga
Jew o Hudyo ng Europe ng mga Nazi.

Pangalawa, milyun-milyon ang tumakas sa kanilang mga tahanan o


sapilitang inilipat upang magtrabaho sa Alemanya (Germany), Hapon o (Japan). Sa
kaso ng Unyong Sobyet o Soviet Union natatakot si Josef Stalin na baka sila ay
magtaksil. Noong 1945 lumitaw ang salitang DP o displaced persons o lumilikas na
tao. Milyun-milyon sa kanila ay kusang-loob na umaalis na tinawag na mga refugees
patungong kanlurang bahagi ng Europe. Sa kabila ng pag-atake ng Red Army ang
iba ay ipinatapon bilang hindi kanais-nais na mga minorya.

Pangatlo, Maraming daungan sa Europe at Asia ang napinsala; ang mga tulay
ay nawasak; ang mga riles at rolling stock ay nawala. Ang mga dakilang lungsod
tulad ng Warsaw, Kiev, Tokyo at Berlin ay naging tambak ng mga labi at abo.

5
Yalta Conference

Ang Yalta Conference ay isang


pagpupulong ng tatlong magkakampi sa
Ikalawang Digmaan: Pangulo ng Estados
Unidos na si Franklin D. Roosevelt, Punong
Ministro ng Britanya na si Winston Churchill at
ang Punong Ministro ng Soviet na si Josef
Stalin. Nagtagpo ang tatlo noong Pebrero 1945
sa Yalta, ang lugar na matatagpuan sa
baybayin ng Black Sea, Crimean Peninsula.
Tinalakay ng mga pinunong "Big Three" o Allied
leaders upang pagpasyahan ang kapalaran ng
Germany.
Yalta Conference

Mga napagkasunduan sa nasabing pagpupulong:

1. Ipatupad sa Germany ang disarmament, demilitarization o pagbabawal na


magtatag ng sandatahang lakas, at dismemberment o paghahati rito.
2. Pagbayarin ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala. Ang kalahati nito
ay mapunta sa Russia bilang kabayaran sa pagkasalanta nito bunga ng paglusob
ng Germany noong 1941.
3. Ang kapalaran ng Japan at ang teritoryong nakuha nito bilang resulta ng
Digmaang Russo-Hapones tulad ng Sakhalin Island, Kurile Islands, at Port
Arthur ay napunta sa Russia. Dahil sa nasabing kasunduan, nagkaroon ng
estratehikong posisyon ang Russia sa Asya, bagay na kinalaunay isinisi ng mga
Amerikano kay Roosevelt.
4. Pagbuo at pagpapatakbo ng bagong United Nations.

Ang Pagtatag ng United Nations o Mga Bansang Nagkakaisa

Pagkatapos ng Yalta Conference, matindi ang


pagnanais ng mga pinuno na makamit ang
kapayapaan at kaunlaran sa buong daigdig.
Bilang tugon nito, nabuo ang United Nations
na bahagi rin ng napag-usapan ng mga
puwersang Allies sa Yalta. Noong 1945,
dumalo sa San Francisco, California ang 50
kinatawan ng mga bansa upang itatag ang
organisasyong itinuring na tagapagmana ng
League of Nations. United Nations Official Flag

6
Naitatag ang United Nations noong October
24, 1945, upang mapapanatili ang
kapayapaan sa daigdig. Mahalaga ang papel
nito bilang organisasyon para sa paglutas ng
mga hidwaan. Naging tugon ng nasabing
organisasyon ang pagpapalaganap ng
demokrasya; pagtataguyod ng kaunlarang
panlipunan at karapatang pantao,
pangangalaga sa kapaligiran; at pagsugpo sa
nuclear arms proliferation o ang pagkalat ng
armas nukleyar. Kung ihahambing sa
sinundan nitong League of Nations, United Nations Conference on
International Organization, in San
masasabing mas matagumpay ang United Francisco in 1945
Nations sa pagkamit ng mga layunin nito.
Kung susuriin, matagumpay ang United Nations na pigilan ang pagsiklab ng
isa pang digmaang pandaigdig. Ito ay naging pandaigdigang forum upang pag-
usapan ang mga sigalot ng iba’t ibang mga bansa. (Mateo, et al. 2012)

Ang Anim na Pangunahing Sangay ng United Nations:

1. Ang Pangkalahatang Assembleya (General Assembly) – ang sangay na


tagapagbatas ng samahan. Binubuo ito ng mga kinatawan ng lahat ng mga
kasaping bansa, at dito isinagawa ang mga pangkalahatang pagpupulong.
2. Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay
tagapagpaganap at para sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at
seguridad. Binubuo ito ng 11 na kagawad kung saan ang lima ay permanenteng
miyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na panunungkulan na
dalawang taon.
3. Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng
U.N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.
4. Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang
siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga
bansa.
5. Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (UN Economic and Social Council)
ay binubuo ng 54 na kasaping bansa. Ito ay sangay na namamahala sa aspeto ng
pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko at pangkalusugan ng
daigdig. (Blando, et al. 2013)
6. Konseho ng Pagkakatiwala ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Trusteeship Council)
ay upang itaguyod ang pagsulong ng mga naninirahan sa ilalim ng Trust
Territories at ang kanilang progresibong kaunlaran tungo sa self-government o
kalayaan.

7
Isaisip
Natunghayan natin sa paksang natalakay ang pagsisikap ng mga
bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran pagkatapos ang
digmaang pandaigdig. Sa puntong ito, sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang naging unang hakbang tungo sa pandaigdigang kapayapaan?


2. Bakit itinatag ang United Nations? Nakatulong ba ito sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa daigdig? Pangatwiranan ang sagot.

Isagawa o Pagyamanin

A. Tickle the Mind. Gamitin ang mga sumusunod na pagpipilian para sa mga
tanong isulat ang …
A – Kung ang dalawang pangungusap ay TAMA.
B – Kung ang dalawang pangungusap ay MALI.
C – Kung ang unang pangungusap ay TAMA, pero ang pangalawang
pangungusap ay MALI.
D – Kung ang unang pangungusap ay MALI, pero ang pangalawang
pangungusap ay TAMA.

Halimbawa:
1. *Inaabuso ng mga Red Armies ang mga kababaihan. Tama
*Naitatag ang United Nations pagkatapos ng Unang Digmaan. Mali
1. C
---- Ang sagot sa unang pangungusap ay TAMA at ang pangalawang
pangungusap naman ay MALI samakatuwid ang sagot sa dalawang
pangungusap ay letrang C.

1. * Nasa 60 milyong katao ang namatay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


* Sadyang pinatay ang 6 milyong mga Jews ng mga Nazi.

2. * Nagtagpo ang tatlong pinuno ng Big Three noong Pebrero 1945 sa San Francisco.
* Naitatag ang United Nations noong October 1945 pagkatapos ng Digmaan.

3. *May limang sangay ang United Nations.


* Ang General Assembly ay ang sangay na tagapagbatas ng samahan.

4. * Ang taong1945 ay tinaguriang Year Zero dahil sa laking pinsala ng digmaan.


* Ang mga dakilang lungsod tulad ng Tokyo at Warsaw ay nanatiling progresibo.

8
5. * Pinagbabawalan ang Germany na makikipagkalakalan sa ibang bansa.
* Ang Germany ay naging kasapi ng Allied Powers.

B. Cloud it Right. Isulat ang mga layunin ng United Nations sa pagsisikap ng


kapayapaan at kaunlaran.

Mga
layunin ng
United
Nations

Tayahin

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong sangay ng United Nations na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-


araw?
A. International Court of Justice C. Secretariat
B. General Assembly D. Security Council
2. Alin sa mga sumusunod ang KABILANG sa mga bansang gustong lumaya mula
sa pananakop ng mga taga Netherlands?
A. Indonesia B. Philippines C. Thailand D. Vietnam
3. Ano ang naging dahilan sa pagbagsak ng kalakalan ng mga dakilang lungsod
gaya ng Tokyo at Berlin pagkatapos ng Ikalawang Digmaan?
A. Nawalan ng mga manggagawa.
B. Nawasak ang mga daungan at riles.
C. Pinigilan ng Big Three ang kalakalan.
D. Naubos ang mga hilaw na sangkap para sa produksiyon.
4. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ano ang naging mithiin ng
bawat bansa?
A. Maparusahan ang Germany.
B. Makabangon muli tulad ng kaunlaran.
C. Makapaghiganti sa mga bansang kasali sa digmaan.
D. Makikipag-alyansa sa Big Three at paghandaan ang muling digmaan.
5. Anong bansa kabilang ang mga Red Armies?
A. Germany B. Italy C. Japan D. Russia
6. Ano ang tawag sa sadyang pagpatay sa anim (6) na milyong mga Hudyo ng
Europe ng mga Nazi?
A. democide B. homicide C. genocide D. parricide

9
7. Alin sa mga sangay ng United Nations ang nakatulong sa mga bansang
nangangailangan ng mga bakuna tulad ng Covid 19 Vaccine?
A. Pangkalahatang Asembleya
B. Sangguniang Pangkatiwasayan
C. Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan
D. Konseho ng Pagkakatiwala ng mga Nagkakaisang Bansa
8. May ibang mga bansa na hindi lamang ikalawang digmaan ang naranasan kundi
naglunsad din sila ng rebolusyon upang wakasan ang imperyalismo. Kabilang
na dito ang bansang Indonesia at Vietnam. Samakatuwid, hindi nakamtan ng
ibang bansa ang mithiin na maging __
A. malaya B. mangangalakal C. mayaman D. maunlad
9. Alin ang pangunahing layunin ng United Nations?
A. Upang puksain ang hukbong sandatahan.
B. Ang mapalitan ang makaluma at mahinang liga ng mga bansa.
C. Ang higpitan muli ang mga sandatahang militarismo.
D. Upang wakasan ang kaguluhan at hindi na muling magkaroon ng
pandaigdigang digmaan.
10. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa kapalaran ng Germany na napag-
kasunduan sa Yalta Conference ay tama maliban sa.
A. Pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas.
B. Pagbayarin ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala.
C. Magbabayad ang Germany sa Russia bilang kabayaran sa pagkasalanta
nito bunga ng paglusob nila noong 1941.
D. Ang mga islang nasakop tulad ng Sakhalin Island, Kurile Islands, at Port
Arthur ay mapunta sa Russia.
11. Bakit tinaguriang Year Zero ang 1945?
A. Dahil sa pinsalang natamo pagkatapos ng lindol.
B. Matinding pandemya ang nanalasa sa buong daigdig.
C. Nawasak ang mga tulay at riles at maraming mga tao namatay dahil sa
digmaan.
D. Kinuha ng Germany ang lahat ng mga ari-arian at ang iba sinira ang
bansang nasakop.
12. Ang isa sa mga problema ng ating mundo ngayon ay ang kawalan ng sapat na
pagkain at ang pandemya. Kabilang na dito ang mga bansang nasa Africa,
India at pati na ang Pilipinas. Ang UN World Food Organization ay nagbibigay
ng tulong tulad ng mga pagkain. Bilang isang mag-aaral, paano mo
matutulungan ang mga taong nangangailangan ng pagkain?
A. Ipaghanda sila ng mga pagkain araw-araw.
B. Mag organisa ng isang grupo para sa pagkain.
C. Kumain ng sapat lamang at iwasan ang magtapon ng pagkain.
D. Magbigay ayon sa kakayahan at mag volunteer sa isang organisasyon
upang makapagserbisyo.
13. Bilang tugon sa pakikipagpulong sa Yalta Conference ay ang pagbuo ng bagong
United Nations. Kailan itinatag ang United Nations?
A. February 24, 1945 C. May 10,1945
B. March 10, 1945 D. October 24, 1945
14. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang naging matagumpay sa pagpigil
ng pagsiklab ng isa pang digmaang pandaigdig?
A. Big Three B. European Union C. League of Nations D.United Nations
15. Alin sa mga sumusunod ang susi ng kaunlaran ng ekonomiya ng isang bansa?
A. hanapbuhay B. kapayapaan C. mamamayan D. pinuno
10
Karagdagang Gawain
Ang larawang ito ay kuha sa lugar ng Syria. Makikita natin ang lawak ng
pinsalang dulot ng isang kaguluhan. Sagutin ang mga katanungan tungkol sa
larawang ito.

1. Ano ang kaganapang nangyari sa


lugar na ito?

2.Paano mo maiiwasan ang


kaguluhan?

3. Anu-ano ang mga hakbang tungo sa


pagbangon mula sa pagkalugmok sa
digmaan?

Sanggunian
Aklat:

Blando, R. C. et al. (2013). Kasaysayan ng Daigdig. Meralco Avenue, Pasig,


Philippines: DepEd -Instructional Materials Council Secretariat.
Bustamante, E., & Abendaño, F.,(2015,2016). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig.
Quezon City, Philippines: St. Bernadette Publishing House Corporation.
Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Online References:
Britanica World Map. (n.d.). World Map Cartography. Retrieved on April 20, 2021
from https://www.britannica.com/science/world-map

Burrowes, Robert. (2019). Ending Violence, Exploitation, Ecological Destruction and


War: Creating a Culture of Peace. Retrieved on April 20, 2021 from
https://www.pressenza.com/

Carey, Glen. (2018). Syria’s Civil War. Retrieved on April 20, 2021 from
https://www.bloomberg.com/quicktake/syrias-civil-war
HISTORY.COM EDITORS. (2019). Yalta Conference. Retrieved on April 13, 2021
from https://www.history.com/topics/world-war-ii/yalta-conference

11
LIBRARY. (n.d.). The United Nations Flag. Retrieved on April 12, 2021 from
https://research.un.org/en/maps/flags

MacMillan, Margaret. (2009). Rebuilding the world after the second world war.
Retrieved on April 13, 2021 from https://www.theguardian.com

Wikipedia. (n.d.). Yalta Conference. Retrieved on April 13, 2021 from


https://en.wikipedia.org/wiki/Yalta_Conference

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

12

You might also like