You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 7

PERIODICAL EXAM – Ika-apat na Markahan


S.Y: 2022-2023

PANGALAN:_______________________________ PETSA:___________ PUNTOS:_____________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang. Gumamit ng MALALAKING TITIK.
___1. Saan nagmula ang pangalang Indo-China?
A. Indonesia at China B. India at China
C. Hindu at China D. Indones at China
___2. Ano ang tawag sa mga unang gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas lulan ng
barkong S.S. Thomas?
A. Augustinians B. Franciscans C. Dominicans D. Thomasites
___3. Ano ang pinakamataas na pinunong Kastila sa Pilipinas?
A. Gobernador- Heneral B. Gobernadorcilio
C. Alcalde Mayor D. Cabezza de Barangay
___4. Sino ang humalili kay Sun Yat Sen nang siya ay namatay?
A. Mao Zedong B. Menchu C. Chiang Kai-shek D. Lao Tzu
___5. Tumutukoy ito sa rebelyon sa Tsina kung saan ang kanilang mga miyembro ay may
kasanayan sa gymanastic exercise?
A. Rebelyong Tsino B. Rebelyong Sepoy
C. Rebelyong Boxer D. Rebelyong Taiping
___6. Sino ang nanguna sa nasyonalismong tradisyunal?
A. Chiang Kai Shek B. Mao Zedong C. Samahang Boxers D. Sun Yat Sen
___7. Sino ang nanguna sa ideolohiyang demokratiko?
A. Chiang Kai Shek B. Mao Zedong C. Samahang Boxers D. Sun Yat Sen
___8. Si _______ ang kinilalang Ina ng Demokrasya ng Pilipinas
A.Gloria Macapagal Arroyo B. Leni Robredo
C. Corazon Aquino D. Cynthia Villar
___9. Si __________ ay isang Pilipinang nakilala bilang tanyag na manunulat
A. Ninotchka Rosca B. Meena Alexander
C. Amy Tan D. Anita Magsaysay-Ho
___10. Ano ang tawag sa mga Pilipinong mayayaman at may posisyon sa pamahalaang kolonyal
ng mga Espanyol sa Pilipinas?
A. Propagandista B. Katipunero C. Ilustrado D. Principalia
___11. Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo del Pilar ang naglunsad ng Kilusang
Reporma o Propaganda. Ano ang naging opisyal na pahayagan ng Kilusang Reporma?
A. Propagandista B. La Solidaridad
C. El Filibusterismo D. Noli Mi Tangere
___12. Ito ay tumutukoy sa bagong paraan ng kolonyalisasyon.
A. Kolonyal B. Neo-kolonyalismo C. Globalisasyon D. Kolonyalismo
___13. Ano-ano ang mga instrumentong ginagamit ng neokolonyalismo upang makuha nito ang
gusto sa malalayang bansang Asyano?
A. Pangkurtura at military
B. Pulitikal, Pang-ekonomiya, Pangkultura at military
C. Pang-ekonomiya, Pangkultura at military
D. Pulitikal, Pang-ekonomiya, Pang-edukasyon at military
___14. Tumutukoy ito sa mga umusbong na tradisyon, paniniwala, at gawaing panlipunan ng
mga pangkat ng tao sa isang lugar.
A. Kinagawian B. Kultura C. Nakasanayan D. Relihiyon
___15. Ito ay isang gawain kung saan isinasabuhay ang emosyon o damdamin sa pamamagitan
ng pag-guhit ng mga larawan.
A. Arkitektura B. Pagpinta C. Pag-ukit D. Palakasan
___16. Ano ang tawag sa sa paglilipat ng mga katutubo na naninirahan sa malalayong lugar
upang matiyak ang kapangyarihan sa kolonya at pagpapalaganap ng Kristyanismo?
A. Reduccion B. Tributo C. Monopolyo D. Polo y Servicio
___17. Ano ang resident system?
A. Lahat ng British sa Burma ay opisyal na residente ng bansa.
B. Ang Burma ay opisyal na magiging provincial resident ng England.
C. May kinatawan ang pamahalaan ng England sa Burma at kailangan itong manirahan
doon
D. Lahat ng nabanggit
___18. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsakop sa ilang bahagi ng Malaysia?
A. Paglaganap ng kanilang wika
B. Paghahanap ng mga ginto sa mga bundok.
C. Pagkontrol sa sentro ng kalakalan sa Malaysia.
D. Pagpatay sa mga pinuno o mga tribo para maangkin ang lupain
___19. Nadama ng maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa
sumusunod ang isa sa mga pamamaraang ginamit sa Timog-Silangang Asya kagaya ng
Pilipinas, Indonesia, Myanmar, at iba pa upang lumaya?
A. Pagsunod at paghintay
B. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti
C. Pagtutol at pakikipagtulungan
D.Pananahimik at pagwawalang bahala
___20. Alin sa mga ideolohiya ang tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaan na nasa kamay
ng mga tao?
A. Autokrasya B. Demokrasya C. Komunismo D. Sosyalismo
___21. Binubuo ng mga magulang at anak na walang asawa ang pamilyang __________.
A.Extended Family B. Single Family C. Complete Family D. Nuclear Family
___22. Nang hindi nagtagumpay ang mga Propagadista sa kanilang pakikibaka, may umusbong
ng grupo na pinamunuan ni Andres Bonifacio. Ano ang tawag sa kilusang ito?
A. Propagandista B. Kuomintang C. Komunista D. Katipunan
___23. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng neo-kolonyalismo?
A. Ang pagsakop ng mga mahihirap na bansa at kontrolin ito.
B. Ang pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhan pamumuhunan at kalakalan
C. Ang pagpapautang ng pera sa bansang mahirap.
D. Ang pagpapalaganap ng tagapayong military
___24. Alibata: Pilipinas, Han-gul:____________________
A. China B. Japan C. Laos D. Korea
___25. Alin sa mga arkitektura na matatagpuan sa Asya ang tanging istruktura na makikita
mula sa buwan?
A. Angkor Wat sa Cambodia B. Great Wall sa China
C. Mosque sa Malaysia D. Pagoda Sa Korea
___26. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-
16 hanggang ika-19 na siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
___27. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng culture system sa mga Indones?
A. Naging sagana ang mga Indones sa sariwang produkto.
B. Naging maunlad ang agrikultura at ekonomiya ng mga Indones.
C. Nakaranas nga paghihirap ang mga Indones dahil hindi sila makapagtanim ng
produkto para sa sarili nila.
D. Nakilala ang Indonesia bilang numero unong pinagmumulan ng mga produkto tulad
ng bulak, palms, tsaa at tabako.
___28. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan?
A. Nasakop ang Pilipinas.
B. Naging maganda ang takbo ng ekonomiya ng mundo.
C. Napatunayan niya sa kanyang paglalakbay na bilog ang mundo.
D. Naging mayaman ang mga bansang kanyang napuntahan dahil sa mga tulong nito.
___29. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong
kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya noong ika-
16 hanggang ika-19 na siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
___30. Bilang isang Pilipino paano mo maipapakita ang damdaming Nasyonalismo?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto B. Paggalang sa mga nakatatanda
C. Pag-awit ng Lupang Hinirang D. Lahat ng nabanggit.
___31. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng mga pagbabago dulot
ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya?
A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano
B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan
D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa
___32. Sa Pilipinas, may tanyag na mitong Maganda at Malakas kung saan sabay silang
lumabas sa buho ng kawayan. Nasasalamin ito ng _________ na pagtingin sa babae at
lalaki.
A.bawal B. pantay C.labis D. matamis
___33. Sa Silangang Asya, nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at
Taoism bilang relihiyon. Ano naman sa Timog-Silangang Asya?
A. Judaismo at Jainismo B. Hindusimo at Zoroastrianismo
C. Sikhismo at Legalismo D. Kristiyanismo at Islam
___34. Ang mga sumususunod ay kondisyon ng nagpapautang gaya ng International Monetray
Fund (IMF), World Bank (WB) o ng Estados Unidos sa mga umuutang na bansa MALIBAN
isa. Ano ito?
A. Pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan
B. Pagsasapribado ng mga kompanya
C. Pagbaklas ng mga monopolyo
D. Pasakop sa kanilang bansa
___35. Bakit nagbigay ng sapilitan at libreng edukasyon ang halos mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya, MALIBAN sa isa?
A. Maipag-malaki ang mataas na antas ng iliterasi ng bansa
B. Sa pamamagitan ng edukasyon mahuhubog ang kulturang Asyano
C. Sapagkat ang edukasyon ay karapatan ng bawat isa.
D. Upang malunasan ang di pantay na gawain sa lipunan
___36. Bakit mahalaga para sa Netherlands and Dutch East India Company?
A. Naging monopoly ito ng tabako.
B. Tagapagtanggol laban sa mga pirate.
C. Nakipagkasundo sa mga lokal na pinuno.
D. Nakontrol nito ang spice trade sa Timog- Silangang Asya.
___37. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at Timog-
Silangang Asya sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kasarinlan
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan
D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira
___38. Bakit hindi gaanong pinahahalagahan ang babae sa India at China?
A. Dahil siya ang nagbibigay ng dote kapag ikinakasal.
B. Dahil siya ang nagbibigay ng kaban kapag ikinakasal.
C. Dahil siya ang nagbibigay ng regalo kapag ikinakasal.
D. Dahil siya ang nagbibigay ng singsing kapag ikinakasal.
___39. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng
damdaming nasyonalismo. Alin sa sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga
Pilipino na naglalayong ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Bodi Utomo at Sarekat Islam
B. Kilusang Propaganda at Katipunan
C. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang
D. Anti-Facist People’s Freedom League
___40. Alin sa mga susmusunod ang hindi epekto ng neo-kolonyalismo?
A. Nakaapekto ng malaki ang pag-aanunsyo sa mass media sa pagbabago ng panlasa at
kagustuhan ng tao
B. Pangunguna ng mga produktong imported sa kaso ng Pilipinas
C. Nagbunga ng paglikas mula sa pook na rural tungo sa pook urban na nagbunga ng
kulturang Slum o Squatter
D. Nagbunga ng kaisipang kolonyal lalo na sa bansang maunlad
___41. Bakit maraming naghahangad na masakop ang Moluccas?
A. Dahil marami itong ginto.
B. Dahil isa itong malaking lupain.
C. Dahil may magandang tanawin o mga dalampasigan.
D. Dahil dito nagmumula ang iba’t ibang pampalasa o spices
___42. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin sa pananakop ng
Silangan at Timog – Silangang Asya?
A. Hindi, dahil iba ang karanasan ng Silangang Asya sa Timog Silangang Asya
B. Hindi, dahil mas umunlad ang Silangang Asya sa Timog – Silangang Asya
C. Oo, dahil kinamkam ng mga kanluranin ang kanilang kabuhayan at kinontrol ang
kanilang kalakalan
D. Oo, dahil pareho silang inabuso ngunit umunlad ang kanilang kabuhayan
___43. Paano tinugunan ng Myanmar ang mga pagkamit nito ng kalayaan mula sa mga Ingles?
A. Tumulong ang bansang Japan at Estados Unidos upang makamit nito ang kalayaan.
B. Hinintay nito ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang mabaling ang
atensyon ng mga Ingles.
C. Linisan ng mga mamamayan ang kanilang bansa at binalikan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
D. Kinumpiska ng pamahalaan ang anumang negosyo at pangkalakalan, bangko at mga
pribadong ari-arian kung kayat nawalan ng hanapbuhay ang mga dayuhan.
___44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging patakaran o batas ng mga Espanyol na
nagpahirap sa mga Pilipino?
A. Pantay na karapatan sa pamumuno sa pamahalaan
B. Labis na koleksyon sa buwis
C. Sapilitang pagtatrabaho at monopolyo
D. Pagtatangi ng lahi o racial discrimination
___45. Bakit lumitaw ang makabagong uri ng pananakop o neo-kolonyalismo pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig?
A. Upang makamit ang kapayapaan
B. Upang mapanatili ang kapangyarihan
C. Upang magkaroon ang katahimikan
D. Upang maprotektahan ang sariling bansa
___46. Paano nagkatulad ang China at Japan sa pakikitungo sa dayuhan?
A. Malaya ang paglabas-masok ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
B. May kinatawan ang mga bansang kanluranin sa pamahalaan ng China at Japan.
C. Hindi nila pinahintulutan na makapasok ang mga bansang Kanluranin na makapasok
sa kanilang bansa.
D. Nawala sa kamay ng China at Japan ang pamamahala sa kanilang bansa dahil
tuluyan itong nasakop ng mga kanluranin.
___47. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan,
ano ang dapat na isasaisip sa pagsusulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran
___48. Para sa aytem na ito ano ang pagkakatulad na nagawa ng mga kababaihan sa larawan.

A. Nakibaka para sa Karapatan ng mga babae sa kanilang bansa


B. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa.
C. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan sa kanilang bansa
D. Nagpairal ng bagong uri ng pamahalaan-Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang
bansa
___49. Ang pagdating ng iba’t-ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay
nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa sumusunod
ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong political ng mga nasakop na bansa?
A. Pagtatayo ng mga imprastraktura
B. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
C. Pagtataguyod ng makabagong Sistema ng edukasyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
____50. Paano nahubog ang kulturang Asyano mula sa mga pagbabagong dala ng makabagong
panahon?
A. Namuhay ayon sa kanilang sariling kagustuhan
B. Patuloy na nilinang at pinaunlad ang kanilang kultura
C. Sinasabayan lamang nila ang agos ng buhay
D. Tinangkilik ang mga pag-babago at kinalimutan ang lumang Gawain

You might also like