You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHAN: ARALING PANLIPUNAN 7

LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: ______________________________ Petsa: ____________
Baitang at Seksiyon: ______________________ Iskor: ___________

A. Panuto:Basahin ng Mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot at itiman ang bilog
ng letra ng tamang sagot.

1. Ang Britain ang nagtatag ng pinakamalaking imperyo sa mundo. Alin sa sumusunod na bansa
HINDI kabilang sa kanilang imperyo?
A. Brunei B. Burma C. Formosa D. Singapore
2. Ano ang dahilan kung bakit nakuha o nasakop ng United States ang kapangyarihan sa Pilipinas?
A. Resulta ng pagwawagi nila laban sa Spain
B. Bahagi ng kanilang paglalayag at paggagalugad
C. Ipinambayad ng Japan sa pagkatalo nila sa labanan
D. Sila ang unang nakipagkalakalan sa mga Pilipino
3. Anong pananaw ang umusbong dahil sa matinding sigalot at pag-aagawan ng mga
makapangyarihang bansa ng kanilang mga territory?
A. Komunismo C. Militarismo
B. Imperyalismo D. Piyudalismo
4. Marami ang naging epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya. Alin sa sumusunod ang
HINDI?
A. Pagkakaroon ng mga Kanluraning bansa ng Sphere of Influence.
B. Ipinakilala ng mga mananakop ang kanilang relihiyon at politikal na istruktura.
C. Nagpatayo ang mga Kanluranin ng mga simbahan, paaralan at iba pang institusyon.
D. Nanatili ang kultura ng mga katutubo dahil tinutulan nila ang anomang impluwensiyang
Kanluranin dahil sa kanilang paghihimagsik.
5. Maraming dahilan kung bakit naitatag ang Imperyalismo at Kolonyalismo ng mga Kanluranin sa
Silangan at Timog-Silangang Asya. Alin dito ang HINDI?
A. Kapangyarihang Politikal C. Pagpapalakas ng Ekonomiya
B. Maparami ang kanilang lahi D. Estratehiya at seguridad
6. Pagpapalakas ng ekonomiya ang isa mga pangunahing motibo ng mga Kanluranin sa pananakop.
Marami silang nga mithiin. Alin sa mga ito ang HINDI?
A. pagkontrol sa kalakan
B. pagkuha ng mga likas na yaman
C. gagamitin nilang tambakan ng kanilang mga basura
D. magkaroon ng pamilihan sa mga surplus na produkto
7. Ito ang unang bansa sa Europe na nakarating sa Asya sa pamamagitan ng paglalayag sa karagatan.
A. Britain B. France C. Portugal D. Spain
8. Anong taon nasakop ng mga Portuges ang Macau?
A. 1517 B. 1521 C. 1535 D. 1715
9. Ano ang nag-iisang bansa na nasakop at naging kolonya ng Spain sa Asya?
A. China B. Indonesia C. Japan D. Pilipinas
10. Ang Dutch India Company ay itinatag ng aling bansa sa Indonesia na may layuning higitan ang mga
kakumpetensiyang bansa nito?
A. France B. Netherlands C. Portugal D. Spain
11. Upang matigil na ang Japan sa pakikidigma at pagsakop ng mga bansa ipinasyang gamitin ng
Amerika ang kanilang bagong sandata na atomic bomb. Sa anong lungsod sa Japannila ito inihulog?
A. Iwo Jima at Okinawa C. Osaka at Toyohashi
B. Hiroshima at Nagasaki D. Tokyo at Nagoya
12. Magkaiba ang ideolohiyang sinuportahan ng dalawang bansang superpower ang United States at
Sovite Union. Anong panig ang sinuportahan ng United States?
A. Monarkiya C. Komunismo
B. Nasyonalista D. Sosyalismo
13. Ano ang tawag sa di tuwirang labanan sa pagitan ng United States at Soviet Union noong panahon
ng Cold War?
A. Proxy War B. Korean War C. Vietnam War D. World War
14. Dahil sa pagkasangkot sa proxy war hinati ng Japan ang Korea at Vietnam, ang North Korea at
North Vietnam na isang komunismo ay pinamahalaan ng anong bansa?
A. Kalakhang China C. Superpower
B. Soviet Union D. United States
15. Sino ang naging pinuno ng China na nagtatag ng Nationalist Republic of China na sinuportahan ng
mga Kanluraning bansa?
A. Chiang Kai-shek C. Mao Zedong
B. Karl Max D. Sun Yat-sen
16. Saang bansa naganap ang Great Depression noong 1930 na nagkaroon ng matinding epekto sa
ekonomiya ng maraming bansa sa mundo?
A. Australia B. Europa C. Japan D. United States
17. Ano ang ipinatupad ng United States bilang pagpapakita ng pagtutol sa pagsakop ng Japan sa
Manchuria?
A. Cold War B. Martial Law C. Open City D. total embargo
18. Ano ang nilalaman ng slogan na ipinalaganap ng Japan sa mga bansang kanyang nasakop?
A. “Asya para sa mga Asyano.”
B. “Asya, Japan ang magpapalaya.”
C. “Kalayaan ng Asya dapat nang makamtam.”
D. “Asya, kasarinlang ang kailangan tungo sa kaunlaran.”
19. Saang bansa nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Asya B. Europa C. Japan D. United States
20. Alin sa sumusunod na bansa ang hindi nasakop ng Japan sa Timog-Silangang Asya?
A. Burma B. Indochina C. Pilipinas D. Thailand
21. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang hindi nasakop ng mga bansang Kanluranin?
A. Burma B. Hongkong C. Laos D. Thailand
22. Sino ang pinangalanan na “Woman of the Year” ng Time Magazine noong1986?
A. Anita Magsaysay-Ho C. Gloria Macapagal Arroyo
B. Aung San Suu Kyi D. Maria Corazon C. Aquino
23. Anong bansa ang nagkaloob ng Karapatan ng mga kababaihan na bumoto noong 1976?
A. Philippines B. Taiwan C. Thailand D. Timor Leste
24. Ano ang pangunahing tungkulin ng mga kababaihan noong unang panahon?
A. maghanap-buhay C. magtrabaho sa plantasyon
B. maging asawa at ina D. katulong ng asawang lalaki
25. Ano ang dalawang bansang hindi lumagda sa Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women?
A. Burma at Vietnam C. Philippines at Laos
B. Laos at Vietnam D. Thailand at Laos
26. Ano ang kolektibong kilusan at ideolohiya na layunin na magkaroon ng pantay na karapatang
politikal, kultural, at panlipunan ang kababaihan?
A. Association B. Constitution C. Peminismo D. Suffragist
27. Ano ang tawag sa babaeng nagsasagawa ng katutubong ritwal noong sinaunang panahon?
A. Alipin B. Babaylan C. Prinsesa D. Reyna
28. Ano ang nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya?
A. Rebelyon C. Unang Digmaang Pandaigdig
B. Ikalawang Digmaang Pandaigdig D. Kristiyanismo
29. Ano ang tawag sa pangkat ng kababaihan ang unang humingi ng pantay na karapatang political
noong 1905?
A. Women’s Suffrage Association
B. Kilusan ng Kababaihang Pilipino
C. National Commission on the Role of Filipino Women
D. General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Liberty and Action
30. Ano ang tungkulin ng mga kababaihan sa Asya noong panahon ng Kolonyalismo?
A. pinuno at mandirigma C. maging mabuting asawa at ina
B. manilbihan sa mga lalaki D. magtrabaho sa plantasyon at pabrika
31. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia de Vega Mercado at Lea Salonga at
iba pa ay pawang mga Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng katanyagang tinamo ng mga nabanggit na kababaihan?
A. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae.
B. May taglay na karapatan at kalayaan ang mga babae.
C. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalake.
D. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae.
32. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong
nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano naka-apekto ang tagumpay
na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
A. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
B. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
C. Maraming mga atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga bansa.
D. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang
sariling hangarin.
33. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na
bansa, bilang isang kinatawan ng iyong bansa alin sa sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa
iyong gagawing resolusyon?
A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bans ana interesado sa usapin upang magkaroon ng layaan.
34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong political ng mga nasakop na
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Pagtatayo ng mga imprastraktura
B. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
C. Pagtataguyod ng makabagong Sistema ng edukasyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
35. Paano nakamit ng bansang Indonesia ang kanilang kalayaan?
A. nagpalabas si Sukarno ng deriktibo upang mapalaya.
B. kusang ibinigay ng mga kanluranin ang kanilang bansa.
C. pilit nilang ipinaglaban ang kanilang kalayaan hanggang ito ay makamit.
D. matagumpay na rebulosyon na kanilang inilunsad matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
36. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila’y magbuklod at labanan ang mga
dayuhang mananakop.
A. Imperyalismo C. Komunismo
B. Kolonyalismo D. Nasyonalismo
37. Anong batas ng Hinduismo ang nagsasaad na “Anumang mabuti ay galing sa mabuti at anumang
masama ay galing sa masama”?
A. Batas ng Dharma C. Kanatta
B. Batas ng Karma D. Reinkarnasyon
38. Sino ang nagtatag ng relihiyong Buddhismo na siya ring tinaguriang Buddha?
A. Abraham C. Lao Tzu
B. Kutam Mohhamad D. Siddharta Gautama
39. Ano ang tawag sa “isang isinuko ang sarili kay Allah’?
A. Buddha B. Hindu C. Kristiyano D. Muslim
40. Ano ang pangunahing relihiyon na may pinakamaraming tagasunod at nakabatay ang turo sa buhay
ni Hesukristo?
A. Buddhismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
41. Anong relihiyon ang tinaguriang relihiyon ng mga mananakop?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
42. Alin sa mga sumusunod ang unang pinaniniwalaan ng mga Muslim?
A. Pagiging makatotohanan.
B. Buhay pagkatapos mamatay.
C. Ang pagkakaroon ng isang Diyos.
D. Pagkakapantay-pantay sa mata ng Diyos.
43. Ano ang isinasaad ng batas ng mga Hinduismo sa karma?
A. Ang dharma ay tumutukoy sa tungkulin ng isang Hindu.
B. Ang reincarnasyon ay itinuturing na gantimpala o kaparusahan.
C. Ang karma ay mga pamamaraan upang matupad ang misyon.
D. Lahat ng mabuti ay nagmula sa mabuti at lahat ng masama ay mula sa masama.
44. Ano ang tawag sa katangian ng mga Hindu kung saan sila ay naniniwala sa maraming diyos at
diyosa?
A. karma B. polytheism C. polygamy D. reinkarnasyon
45. Sino ang nagtatag ng relihiyong Jainismo?
A. Allah B. Buddha C. Gautama D. Mahavira
46. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng salitang relihiyon?
A. Pamumuhay ng maraming mga Asyano
B. Pagkakaloob ng sarili sa may kapangyarihan
C. Paniniwala sa iisang diyos na siyang may lalang ng lahat nang may buhay sa mundo.
D. Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at
pagbabalik-loob.
47. Paano naitatag ang mga relihiyon?
A. Kapag naging sunod-sunuran ang mga mamamayan.
B. Kapag nagkaroon ng masamang pangyayari sa kanilang buhay.
C. Sa pagkakabuklod at pagbabalik-loob ng mga tao sa pamayanan.
D. Kapag may nagkusang mag-alay sa kanyang masaganang pamumuhay kapalit ng pagtatag ng
relihiyon.
48. Alin sa mga sumusunod na aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano ang naimpluwensiyahan ng
kanilang relihiyon?
A. Lipunan C. Pamahalaan
B. Pagpapahalaga at Moral D. Lahat ng nabanggit
49. Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga bagay na gawa ng dayuhan.
A. Pagtangkilik ng sariling atin C. Isipang Kolonyal
B. Pagtangkilik ng produktong banyaga D. Kolonyalismo
50. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamalaking epekto ng neokolonyalismo sa Silangan at
Timog – Silangang Asya?
A. Ang kulturang Kanluranin ay bahagi ng halos lahat ng bansa sa Silangan at Timog – Silangang
Asya.
B. Ang kulturang Kanluranin kailaman ay hindi makikita sa mga bansa sa Silangan at Timog –
Silangan Asya.
C. Ang kulturang Kanluranin ay halos bahagi na ng mga bansa sa Timog at Silangang Asya.
D. Lahat ng mga nabanggit

You might also like