You are on page 1of 2

AP7 IKAAPAT NA MARKAHAN

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1. Anong Kanluraning bansa ang nanguna sa pananakop sa Timog-Silangang Asya?
A. Spain at Portugal B. Portugal at Netherlands
C. England at Netherlands D. Portugal at England
2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas? A. Isolationism C.
Bandala B. Polo y Servicio D. Encomienda
3.Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?
A. Pagtangkilik ng sariling produkto B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
C. Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa D. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
4. Bakit tinawag na “Great War” ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Dahil maraming tanyag na bansa ang sangkot sa digmaan.
B. Dahil ang mga natalong bansa ay kinikilala sa buong mundo.
C. Dahil sa masalimuot na digmaang nakita ng buong mundo.
D. Dahil lahat ng nasangkot na bansa sa digmaan ay nagtagumpay
5. . Anong ideolohiya ang nagsasaad na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang tao na namumuno at
ang tawag sa kaniya ay hari o reyna?
A. Sosyalismo C. Komunismo B. Monarkiya D. Demokrasya
6. . Alin sa sumusunod ang anyo ng pakikibaka ng kababaihan para sa pantay na karapatan?
1. Karapatang bumoto
2. Ang pantay na karapatang makibahagi sa pang-ekonomiyang kabuhayan
3. Ang pantay na karapatan ng babae at lalaki
4. Karapatang makapagtrabaho
A. 4 at 3 C. 2 at 4 B. 3 at 1 D. 1 at 2
7.Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang TAMA sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Hilagang-Silangan at
Timog-Silangang Asya?
A. Patuloy na pagtanggap at pagsunod sa mga kanluranin.
B. Takot na makitil ang sariling buhay sa pakikipaglaban.
C. Paggamit ng iba’t ibang pamamaraan para matamo ang kasarinlan.
D. Pagyakap at pakikiisa sa mga kanluranin.
8. Ang mga Brahmin ang tinaguriang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Budismo. Ano ang kanilang pangunahing
tungkulin sa lipunan?
A. Sila ang tagapanguna sa espirituwal na gawain na binubuo ng hanay ng kaparian.
B. Sila ang mga mamamayan mula sa hanay ng mga mandirigma.
C. Nagmula sa hanay ng mga aliping nakagawa ng mabuti at nabigyan ng pagkakataong manungkulan sa lipunan.
D. Mga hanay ng mga edukador, artisan, at mangangalakal.
9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging epekto ng neokolonyalismo sa larangan ng ekonomiya?
A. Continued Enslavement C. Loss of Pride B. Cultural Exchange D. Over Dependence
10. Ang Zarsuela ay isang dulang may kantahan at sayawan na nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may
kinalaman sa kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ano ang halaga ng Zarsuela sa mga Pilipino?
A. Ang Zarsuela ay nakaaaliw sa damdamin.
B. Ang Zarsuela ay nakapagpapasigla ng katawan.
C. Ang Zarsuela ay nakapagpapadakila sa puso at kaluluwa.
D. Ang Zarsuela ay nagbibigay halaga sa larangan ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.

AP7 Q4 ASYA KEY ANSWER

1. A
2. A
3. A
4. C
5. B
6. D
7. C
8. A
9. C
10. D

You might also like