You are on page 1of 3

Summative Q4

Panuto: Isulat ang pangalan at seksyon sa kalakip na sagutang papel. Pagkatapos ay basahin at
unawain ang sumusunod na pahayag/tanong. Piliin ang tamang sagot.

1. Silangang Asya: North Korea; Timog Silangang Asya ______________?


A. South Korea B. Mongolia C. Japan D. Indonesia

2. Sino ang Asyanong pinakatanyag, hinahangaan sa daigdig bilang manlalaro ng NBA na may taas na 7’ 6”, at nagmula
sa China?
A. Wang Zhizhi B. Mengke Bateer C. Yao Ming D. Mave Ricks

3. Ang martial arts ng Japan ay hango sa wikang Hapones, tulad ng Ju-jitsu na ang ibig sabihin nito ay sining sa
pagkamahinahon. Ano ang nililinang sa manlalaro nito?
A. Ang kakayahang harapin ang kalaban manalo man o matalo
B. Ang kakayahan ng manlalaro na makipagkasundo upang manalo
C. Ang kakayahang makipagkamay sa kalaban kapag nanalo sa laro
D. Ang kakayahan ng manlalaro na hindi magalit o mayamot sa kaniyang katunggali habang nakikipaglaban

4. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan ukol sa neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Karamihan sa dating mga imperyalisatng bansa ay wala ng kakayahan upang sakupin pa ang kanilang dating
kolonyang bansa.
B. Nakasentro ang makabagong pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa paggamit ng relihiyon upang
madali nila itong mapaniwala sa mga taglay nitong doktrina ng simbahan.
C. Ito ay may tuwirang pananakop sa mga mahihirap na bansa dahil ginagamitan sila ng madugong labanan at
palitan ng nakamamatay na mga armas ng mga mayayaman na bansa.
D. Ang mga industriyalisadong bansa ay may makabagong paraan ng pananakop sa pamamagitan ng di – tuwirang
paraan na halos matatanaw sa aspektong pulitikal, militar, ekonomiya at kultural.

5. Alin sa sumusunod na hakbang ang dapat gawin ng bawat bansa upang matugunan ang mga suliraning dulot ng
neokoloyanlismo na nararanasan sa Silangan at Timog – Silangang Asya?
A. Pagyamanin at tangkilikin ang lokal na produkto
B. Lumaban sa anumang uri ng panghihimasok na ginawa ng ibang bansa
C. Tumutol sa mga polisiya kung saan magbebenepisyo lamang ang mga malalaking bansa
D. Lahat ng nabanggit

6. Ang G8 o Group of Eight ay samahan ng mga estadong higit na mayayaman o mas industriyalisadong bansa sa buong
mundo na hanggang sa ngayon ay napananatili ang kanilang pagiging malakas at makapangyarihang bansa. Ano-ano ang
mga bansa na bumubuo o kabilang sa G8?
A. Canada, France, Germany, Italy, Japan, Russia, UK, USA
B. Canada, China, France, Germany, Japan, Russia, UK, USA
C. Australia, Canada, France, Germany, Japan, Italy, Russia, USA
D. Australia, Canada, China, France, Germany, Japan, Russia, USA

7. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng digmaan?


A. Pagkasira ng kapaligiran
B. Pagkamatay ng maraming mamamayan
C. Pagiging masaya ng mamamayan sa Kanluranin
D. Pagkaggutom ng mamamayan sa iba’t ibang panig ng Asya
8. Anong paraan ang ginamit ng mga Katipunero sa Pilipinas upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa bayan at
maisakatuparan ang hangaring kasarinlan?
A. Himagsikan B. Negosasyon C. Propaganda D. Protesta

9. Anong ideolohiya ang nagsasaad na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang tao na namumuno at
ang tawag sa kaniya ay hari o reyna?
A. Sosyalismo B. Monarkiya C. Komunismo D. Demokrasya

10. Sino ang pinuno ng kilusang nasyonalista sa Vietnam na nanguna sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng
pagtanggap sa ideolohiya at pamamaraang komunismo?
A. Ba Maw B. Diponegoro C. Ho Chi Minh D. Sukarno

11. Sino ang nanguna sa pag-aalsa sa Indonesia laban sa mga mananakop na Dutch?
A. Sukarno B. Ho Chi Minh C. Diponegoro D. Ba Maw

12. Hango sa salitang kaugnay sa karapatang bumoto sa eleksyon o reperandum at mahalal sa pamahalaan. Ano ito?
A. Asociacion B. Feminismo C. Suffrage D. Suffragist
13. Paano nagamit ng mga sinaunang kababaihan ang kanilang karapatan sa lipunan?
A. Bilang artisan B. Pagiging Babaylan C. Magsilbing kapitan D. Pinuno ng isang bayan

14. Ano ang bansang nagbigay ng karapatang bumoto sa mga kababaihan noong 1937?
A. China B. Indonesia C. Japan D. Pilipinas

15. Pinakamahalagang kilusang nabuo sa panahong ito na nagsilbing koalisyon ng iba’t ibang grupong pangkababaihan
sa Pilipinas. Ang kilusang ito ay kilala sa tawag na ____________________.
A. AWARE B. Makibaka C. GABRIELA D. PILIPINA

16. Alin sa sumusunod ang anyo ng pakikibaka ng kababaihan para sa pantay na karapatan?
1. Karapatang bumoto
2. Ang pantay na karapatang makibahagi sa pang-ekonomiyang kabuhayan
3. Ang pantay na karapatan ng babae at lalaki
4. Karapatang makapagtrabaho
A. 4 at 3 B. 3 at 1 C. 2 at 4 D. 1 at 2

17. Ano ang tawag sa dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika,
pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan?
A. Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Protectorate D. Extraterritoriality

18. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na dahilan ng paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya?
A. Nasyonalismo B. Pagkukunan ng hilaw na materyales
C. Pagpapalawak ng kapangyarihan D. Panibagong ruta ng kalakalan

19. Ano ang tawag sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang
mga kalalakihan na may edad 16 hanggang 60?
A. Tributo B. Polo y Servicio C. Monopolyo D. Encomienda

20. Ano ang tawag sa direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop?
A. Colony B. Sphere of influence C. Isolationism D. Protectorate

21. Ano ang bansang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na
matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas?
A. China B. Pilipinas C. Indonesia D. Malaysia

22. Ang Kasunduaang naglalaman ng pag-angkin ng England sa Hongkong.


A. Kasunduang Tientsin B. Kasunduang Yandabo
C. Kasunduang Versailles D. Kasunduang Nanking

23. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas? A. Isolationism
B. Polo y Servicio C. Bandala D. Encomienda

24. Ano ang isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o
mga naninirahan sa isang lugar?
A. Extraterritoriality B. Divide and Rule Policy C. Tributo D. Polo y Servicio

25. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng mga imperyalistang bansa para makakuha ng bagong lupain?
A. Paggamit ng kasunduan B. Paggamit ng puwersa
C. Pagbili ng lupain sa mga pinuno ng bansa D. Pakikipagkaibigan

26. Ano ang kasunduang nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Opyo?


A. Kasunduang Tientsin B. Kasunduang Yandabo
C. Kasunduan Versailles D. Kasunduang Nanking

27. Kilalang peminista at politiko sa Japan na namuno sa Kilusang Suffragist na naglalayon ng karapatan para sa
kababaihan.
A. Ichikawa Fusae B. Iwasaki Chihiro C. Haritsuka Raicho D. Nogami Yaeko

28. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagpapakita ng sitwasyon ng bansang nakamit ang hinahangad na
kasarinlan?
A. May pangulo at ikalawang pangulo.
B. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga dayuhan.
C. Nakakagawa ng sariling pasya o desisyon para sa ikabubuti ng bansa.
D. Ang mga likas na yaman ay kontrolado at pinakikinabangan ng mga dayuhan.

29. Damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan:


A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Patriotismo

30. Ang salitang ito ay nangangahulugang “re-ligare” na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
A. Islam B. Qur’an C. Relihiyon D. Torah

31. Batay sa pananampalatayang Kristiyano, sino ang pinakamataas na lider ng simbahang Katolika at pinakamataas sa
hanay ng kaparian na sumisimbolo bilang unibersal?
A. Hesukristo B. Pablo C. Pedro D. Santo Papa

32. “Anumang mabuti ay galing sa mabuti at anumang masama ay galing sa masama.” Ano ang nais ipabatid ng
pangungusap na ito?
A. Ang tao ay gumagawa ng naaayon sa pansariling kagustuhan.
B. Ang kalikasan ng tao ay masama at dapat baguhin ayon sa aral ni Confucius.
C. Ang tao ay may likas na pag-iisip at may kakayahang malaman ang masama at mabuti.
D. Ang pagpapasya sa tama o maling gawi ay dapat nakabatay sa pansariling pananaw.

33. Tumutukoy sa tradisyunal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan at paniniwala sa mga diyos o anito na mula sa
kalikasan.
A. Budismo B. Jainismo C. Shintoismo D. Taoismo

34. Anong Kanluraning bansa ang nanguna sa pananakop sa Timog-Silangang Asya?


A. Spain at Portugal B. Portugal at Netherlands
C. England at Netherlands D. Portugal at England

35. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng kononisasyon?


A. Komersyal na paraan B. Militar na paraan
C. Industriyal na paraan D. Lokal na kontroladong pagpapalawak

36. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tributo?


A. Sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas upang matustusan ang pamahalaan nito.
B. Sapilitang pagbili sa mga ani ng katutubo sa mababang halaga.
C. Sapilitang pagtatrabaho sa kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
D. Buwis na binabayaran ng mga kalalakihan upang makaligtas sa sapilitang paggawa

37. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang hindi nasakop ng mga Kanluranin?
A. Indonesia B. Malaysia C. Singapore D. Thailand

38. Ano ang paraan na ginawa ng Vietnam upang makamtan ang pinakaaasam-asam na kalayaan?
A. Digmaan B. Kalakalan C. Pakikipagkaibigan D. Ugnayan

39. Ano ang ginamit ng mga Katipunero upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Propaganda B. Himagsikan C. Reporma D. Pagbabago

40. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay
matutong ________________.
A. maging mapagmahal sa kapwa.
B. maging laging handa sa panganib.
C. makisalamuha sa mga mananakop.
D. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.

You might also like