You are on page 1of 3

FRANCISCO P.

CONSOLACION NATIONAL HIGH SCHOOL


Macasing, Pagadian City

ARALING PANLIPUNAN – 8
IKA-APATMARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2019-2020

Pangalan: ______________________________ Seksiyon: _______________ Iskor: _______


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong
sagot ang isulat sa sagutang papel o kwaderno.
1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig maliban sa _____.
a. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
b. Pagpapalakas ng hukbong militar
c. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
d. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa
2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Alin sa sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
a. Labanan ng Austria at Serbia
b. Paglusob ng Russia sa Germany
c. Digmaan ng Germany at Britanya
d. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa Switzerland
3. Ang pagsisimula sa Unang Digmaang Pandaigdig ay maiuugnay sa
a. Pagpatay sa mga Hudyo
b. Paglusob ng Japan sa Pearl Harbor
c. Pagpaslang ni Archduke Franz Ferdinand at sa kanyang asawa
d. Pagtitiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa
4. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa _______
a. Nasyonalismo at militarismo M c. Digmaang Sibil sa Spain
b. Imperyalismo d. Pagbuo ng Alyansa
5. Ang kasunduang opisyal na nagwawakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.
a. League of Nations c. United Nations
b. Kasunduan sa Versailles d. Kasunduan sa Tordesillas
6. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa pangyayaring pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider
ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa? Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na
naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Digmaang Sibil sa Spain
B. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
C. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria
D. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
7. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939?
A. Paglusob sa Czechoslovakia
B. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
C. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria
D. Paglusob ng Germany sa Poland
8. Kailan biglang sinalakay ng ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa
Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy?”
A. ika-8 ng Disyembre 1941
B. ika-9 ng disyembre 1941
C. ika-7 ng Disyembre 1941
D. ika-10 ng disyembre 1941
9. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony
War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala) Ano
ang ibig sabihin ng blitzkrieg?
A. Paglusob ng marahas
B. Paglusob ng mahinahon
C. Hindi biglaang paglusob
D. Biglaang paglusob ng walang babala13
10. Habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa
Pasipiko. Upang itoy masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula United States. Ano
marahil ang magiging bunga ng pagpigil ng Amerika sa pagpapadala ng langis sa Japan?
A. Ito ay mauuwi sa digmaan
B. ito ay hahantong sa pagbuo ng alyansa
C. Daan tungo sa pagkamit ng kapayapaan
D. lubusang paghahanda para sa isang digmaan
11. Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
I. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa Pransya
II. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor
III. Ang pagpasok ng Alemanya sa Poland
IV. Ang pananakop ng Hapon sa Manchuria
A. II, IV, III, I B. I, IV, III, II C. IV, III,II,I D. III, IV, II, I
12. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:
A. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War
B. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power
C. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal
D. Isang taga suporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa
13. Saan naganap noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang pag bomba atomika ng Amerikano sa japan?
A. Nagasaki B. Okinawa C. Tokyo D. Hiroshima
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa mga bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig?
A. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig.
B. Nagpatuloy ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler sa pagwawakas ng ikalawang digmaang pandaigdig
C. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at
mga pinunong militar.
D. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany,
Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at
iba pa.
15. Alin sa mga sumusunod na kasunduan ang naging dahilan ng pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa?
A. Treaty of Paris B. League of Nation C. Kasunduang Versailles D. NATO
16. Anong salita ang tumutukoy sa isang sistema o kalipunan ng mga ideya?
A. Armistice B. Ideolohiya C. Ideya D. Pilosopiya
17. Anong kategorya ng ideolohiya ang nakasentro sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mamamayan sa
pamamahala?
A. Pangkabuhayan B. Panlipunan C. Pampolitika D. Panrelihiyon
18. Anong ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng panya na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang
kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon?
A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo
19. Lahat ng pahayag sa ibaba ay mga mahalagang katangian ng isang ideolohiyang demokrasya na nararanasan ng mga
mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, MALIBAN sa?
A. May karapatang makaboto C. May karapatan sa edukasyon
B. May kalayaan sa pananampalataya D. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan
20. Anong ideolohiya ang nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya at paraan ng paghahati ng mga kayamanan
para sa mga mamamayan?
A. Pangkabuhayan B. Panlipunan C. Pampolitika D. Panrelihiyon
21. Alin ang tamang pangungusap na tumutukoy sa ideolohiyang panlipunan?
A. Hindi pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas.
B. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa ilalim ng batas at sa iba pang aspekto ng pamumuhay.
C. Pagkakapantay-pantay sa harap ng angkan o lahi.
D. Makikita Ang pangunahing aspeto ng pamumuhay.
22. Anong uri ng ideolohiya na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng
pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao?
A. Awtoritaryanismo B. Sosyalismo C. Totalitaryanismo D. Demokrasya
23. Anong ideolohiya na nakatuon sa pagmamay-ari ng estado sa lahat ng mass media ng bansa?
A. kapitalismo B. pasismo C. sosyalismo D. konserbatismo
24. Sino ang nagpasimula ng ideolohiya bilang isang agham?
A. Karl Marx B. Margaret Thatcher C. Destutt de Tracy11 D. Adolf Hitler
25. Anong ideolohiya ang nagbigay-diin na ang pag-iipon ng kapital ay higit na kailangan upang na mapalago ang
negosyo at mapalaki ang tubo ng mga namumuhunan?
A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo
26. Aling ideolohiya sa ibaba na mas pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraan kaysa makabagong sistema ng
inaakala nito na walang malinaw na direksyon?
A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo
27. Anong uri ng ideolohiya na ang pangkat ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital at
mekanismo ng produksiyon?
A. Sosyalismo B. Kapitalismo C. Demokrasya D. Liberalismo
28. Anong bansa ang nangunguna sa pagpapatupad ng ideyang Liberalismo?
A. Canada B. United Kingdom C. Japan D. United States
29. Sa hinuha mo, anong uri ng ideolohiya ang ipinatutupad sa Pilipinas?
A. Sosyalismo B. Totalitaryanismo C. Komunismo D. Demokrasya
30. Anong kategorya ng ideolohiya ang tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at
sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan?
A. Pampolitika B. Pangkabuhayan C. Panlipunan d. Panrelihiyon
31. Anong samahan ng mga bansang Muslim ang naglalayong siguruhin at protektahan ang interes sa pamamagitan ng
pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan?
A. European Union C. Organization of Islamic Cooperation
B. Organization of American State D. Association of Southeast Asian Nation
32. Anong organisasyong pandaigdig ang naitatag upang mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-
internasyunal?
A. World Bank B. International Monetary Fund C. European Union D. World Trade Organization
33. Alin sa ibaba ang halimbawa ng trade blocs?
A. ASEAN Free Trade Area B. International Monetary Fund C. Organization of American States D. World Bank
34. Anong pandaigdigang samahan ang nakabase sa Washington,D.C., Estados Unidos na binubuo ng 35 na kasaping
nagsasariling estado sa Amerika?
A. European Union C. Organization of Islamic Cooperation
B. Organization of American State D. Association of Southeast Asian Nation
35. Alin sa ibaba ang pangunahing layunin ng mga organisasyon tulad ng European Union, Organization of American
States, OIC at ASEAN?
A. Ang bawat organisasyon ay naglalayong paunlarin ang ekonomiya ng kani-kanilang bansa.
B. Ang mga organisasyon ay nabuo upang magtulungan ang mga kasaping bansa na iangat ang kanilang
ekonomiya, kultura at paniniwala.
C. Ang mga bansa ay nagkaisa upang itaguyod ang pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran.
D. Ang mga bansang kasapi ay bumuo ng mga alyansa upang maging handa sa anumang panganib na darating.
36. Paano nakatutulong ang mga organisasyong World Bank, IMF at WTO sa mga bansa sa daigdig?
A. Ang mga organisayong ito ay nagpapautang sa mga bansang nangangailangan ng tulong pinansiyal para
saprogramang pangkaunlaran.
B. Hinihikayat ang mga bansa na palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pangungutang.
C. Layunin ng mga organisasyong ito na tulungan at ibangon ang industriya ng mga mahihirap na bansa.
D. Tinutulungan ng mga organisasyong ito ang mga bans ana ipalaganap ang kapayapaan, pagkakaisa at
kaunlaran.
37. Alin sa ibaba ang mabuting naidudulot ng trade bloc?
A. Nagbibigay sa mga bansa ng kalayaan sa kalakalang internasyunal at sa loob ng bansa.
B. Naglalayong bawasan, paliitin o tanggalin ang mga taripa sa mga miyembrong bansa.
C. Naglalayong hikayatin ang mga kasaping bansa na maging bukas ang kalakalan o pagpapalitan ng mga kalakal.
D. Nagtutulungan ang mga kaalyadong bansa sa pamamagitan ng pangtangkilik sa mga produkto nito.
38. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyong pinansiyal tulad ng World Bank, IMF at WTO?
A. Mahihirapan ang mga bansa na isakatuparan ang mga programang pangkaunlaran.
B. Magsisikap ang mga bansa na gumawa ng paraan upang maitagayod ang pambansang kaunlaran
C. Makikipag-alyansa ang mga bansa upang may tumulong sa kanilang magpahiram ng salapi na kanilang magagamit.
D. Makikipagdigmaan sa mga bansa upang masakop at makamkam ang kanilang likas na yaman.
39. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang organisasyon?
A. Ang mga organisasyong ito ay binubuo ng mga bansa na may layuning magtulungan sa panahon ng pangangailangan.
B. Isa ito sa mga solusyon upang maiwasan ang panibagong digmaan na magdudulot na malaking kapinsalaan.
C. Nakatutulong ito na maipalaganap ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran.
D. Mahalaga ang mga organisasyong ito dahil tinutulungan ang mga bansang nasalanta ng sakuna at epidemya.
40. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran sa iyong
komunidad o bansa?
I. Magbebenta ng mga kakanin, load at kung ano-ano pa para kahit sa munting paraan nakatulong sa ekonomiya.
II. Makiisa sa mga programa o gawaing pangkapayapaan at kaunlaran ng barangay.
III. Sumunod sa batas o ordinansa na ipanapapatupad ng komunidad at bansa.
IV. Mag-aral ng mabuti upang sa paglaki maging kapaki-pakinabang at responsible.
A. I,II,III,IV B. I,II,III C. II,III,IV D. I,II,IV

------------------------------------------------------------- G O O D L U C K ----------------------------------------------------------

You might also like