You are on page 1of 24

8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Sanhi at Bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Siya ang pinuno na nagtatag ng pasistang pamahalaan sa Italy.


A. Adolf Hitler C. Georges Clemenceau
B. Benito Mussolini D. Woodrow Wilson

2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Allied Forces?


A. France C. Italy
B. Great Britain D. United States

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging sanhi ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Digmaang Sibil sa Spain
B. Pagbuo ng mga alyansa
C. Paglusob ng Germany sa Poland
D. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa

4. Sino ang nagtatag sa Republika ng Weimar at nagpairal ng totalitaryang Nazi na


uri ng pamahalaan?
A. Adolf Hitler C. Emperador Hirohito
B. Benito Mussolini D. Franklin Roosevelt

5. Ano ang tawag sa pagsasanib-puwersa ng Germany at Austria?


A. Anschluss C. Imperyalismo
B. Alyansa D. Team work

6. Ang pag-aasam ng Japan na mapalawig ang kaniyang nasasakupan ay nagdulot


ng mga sigalot sa Silangan Asya. Isa sa mga ito ay ang naganap na pagsalakay
ng mga puwersang Hapones sa sa Peking, China na nagdulot ng digmaan. Anong
digmaan ito?
A. Digmaang Tsino-Koreano C. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Digmaang Tsino-Hapones D. Lahat ng nabanggit

7. Siya ang lider ng Nationalist Front sa naganap na digmaang sibil sa Spain.


A. Benito Mussolini C. Francisco Franco
B. Edouard Daladier D. Haile Selassie

8. Ito ay isang maliit na lupain na humihiwalay sa Silangang Prussia at Germany.


A. Danzig C. Dunkirk
B. Dardanelles Strait D. Polish Corridor

3
9. Ito ang kasunduan sa pagitan ng Germany at Russia na nagsasaad ng pagiging
magkaibigan ng dalawang bansa.
A. Non-Aggression Pact C. Treaty of Berlin
B. Pact of Friendship D. Treaty of Versailles

10. Ito ang pangunahing estratehiyang militar na ginamit ng puwersang Nazi upang
mabilis na malupig ang kanilang mga kalaban.
A. Blitzkrieg C. Luftwaffe
B. Enigma D. Radar

11. Ang mga sumusunod na bansa ay kabilang sa Axis Powers, maliban sa ________.
A. Germany C. Japan
B. Italy D. Poland

12. Siya ang Pranses na nagtatag ng samahan na Free France sa London na


naglalayong palayain ang France mula sa kamay ng mga Nazi.
A. Charles de Gaulle C. Henri Philip Pétain
B. Franklin Roosevelt D. Winston Churchill

13. Ito ang kasunduang pinirmahan nina Pangulong Franklin Roosevelt ng United
States at Punong Ministro Winston Churchill ng United Kingdom. Nilalaman ng
kasunduang ito ang mga demokratikong prinsipyong ipinaglalaban ng mga Allied
Forces sa digmaan.
A. Atlantic Charter C. Non-Aggression Pact
B. Armistice Agreement D. Treaty of Zaragoza

14. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.
I. Nagdeklara ang France at Britain ng digmaan laban sa Germany
II. Sinakop ng Soviet Union ang kalahati ng Poland
III. Nilusob ng Germany ang Poland
IV. Sinalakay ng mga Nazi ang Norway at Denmark

A. I, II, III, IV C. II, I, IV, III


B. I, III, IV, II D. III, I, II. IV

15. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.
I. Sinalakay ng puwersang Nazi ang Norway at Denmark
II. Niligtas ng hukbong British ang mga puwersang Allies na nagipit sa Dunkirk
III. Idineklara ang Paris bilang isang open city
IV. Nagtatag ng isang puppet na pamahalaan sa Vichy

A. I, II, III, IV C. III, IV, I, II


B. IV, I, III, II D. IV, III, II, I

4
Binabati kita! Kung nasagutan mo nang tama ang lahat ng katanungan sa
bahaging ito, maaari mo ng laktawan ang susunod na bahagi ng modyul. Kung
may mga katanungan naming hindi mo nasagot nang tama ay tutulungan kita
upang linangin pa natin ang iyong mga kaalaman tungkol sa paksa.

Modyul Mga Sanhi at Bunga ng


2 Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Ang paghahangad ni Adolf Hitler, pinuno ng Germany, na mapalawak ang
teritoryo ng Germany, gayundin ang mga hindi naresolbang mga isyu noong
nagdaang Unang Digmaan ang mga nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Sa ikalawang pagkakataon ay naglaban-laban ang Allied
Forces na binubuo ng France, Great Britain, at United States, at Axis Powers na
binubuo naman ng Germany, Japan, at Italy. Sumiklab ang digmaan nang atakihin
ng Germany sa pangunguna ni Hitler ang Poland noong Setyembre 1939 at
nagwakas naman ito sa pagsuko ng Japan matapos pabagsakan ng United States
ng mga bombang atomika ang mga lungsod ng Nagasaki at Hiroshima.

Balikan

Concept Map

Panuto: Bumalangkas ng isang graphic organizer na naglalaman ng mga naging


sanhi at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. Gawin ito sa sagutang papel.

•_____________________________________
•_____________________________________
Mga Sanhi ng Unang •_____________________________________
Digmaang Pandaigdig •_____________________________________
•_____________________________________

• _____________________________________
• _____________________________________
Mga Bunga ng Unang • _____________________________________
Digmaang Pandaigdig
• _____________________________________
• _____________________________________

5
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang naging pinakamasidhing epekto ng digmaan?
2. May natutuhan ba ang mga tao mula sa digmaan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Tuklasin

Fact o Bluff

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung alin sa mga
pahayag na ito ang totoo (fact) o hindi (bluff). Iguhit ang kung ang pahayag ay
fact, at iguhit naman ang kung ang pahayag ay bluff. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at


naapektuhan ang halos lahat ng bansa sa mundo.
2. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay idineklara bilang open
city ang Maynila at Paris.
3. Pasismo ang ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini sa
Italy.
4. Ang mapusok na pamumuno ni Hitler sa Germany ay isa sa mga
nagdulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
5. Binagsakan ng Amerika ng bomba atomika ang Hiroshima at
Nagasaki.

Data Retrieval Chart

Panuto: Punan ang talahanayan ng mga bansang nasakop noong Ikalawang


Digmaang Pandaigdig ng mga pasistang pinuno. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Bansang Nasakop ni Mga Bansang Nasakop ni Mga Bansang Nasakop ni


Hitler Mussolini Tojo

6
Suriin

Aralin 1: Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Hindi pa man ganap na nakakabangon mula sa mga naidulot na pinsala ng


Unang Digmaang Pandaigdig ay muli na namang namuo ang tensyon sa pagitan ng
mga bansa sa Europa. Dahil sa masidhing ambisyon na mapalawak pang lalo ang
teritoryo, unti-unting niyanig ang mundo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bago pa man tuluyang sumiklab ang digmaan, ang daigdig ay nahati sa
dalawang ideolohiya: ang pasista at diktadurang mga bansa tulad ng Germany, Italy,
at Japan; at ang demokratikong mga bansa gaya ng United States, Britain, at France.
Pinasimulan ng mga pasistang diktador gaya nina Adolf Hitler at Benito Mussolini
noong 1930’s ang paglusob at pangangamkamkam ng mga teritoryo sa Europa na
naging sanhi ng muling pagkakaroon ng isang malawak na digmaan na kumitil sa
buhay ng milyung-milyong tao.
1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
Ang pag-aasam na magpalawak ng teritoryo ay hindi lamang naganap sa
Europa kundi maging sa Asya rin. Noong 1931, nilusob ng hukbong militar ng
Japan ang Manchuria, isang lalawigan sa hilagang silangan ng China na
mayaman sa bakal at karbon. Ang pangyayaring ito ay mariing kinundena ng
Liga ng mga Bansa ngunit wala silang nagawa upang pigilan ang agresyon ng
Japan. Kinalaunan ay tumiwalag ang Japan sa Liga at ipinagpatuloy ang
paglusob sa mga lugar sa Asya.
Noong Hulyo 1937, naglaban ang mga puwersang Hapon at Tsino malapit
sa Peiping (Peking), China. Ang pangyayaring ito ang naging daan sa pagsiklab
ng Digmaang Tsino-Hapones. Taong 1938 ay tuluyang nasakop ng Japan ang
mahahalagang lugar sa China tulad ng Canton, Shanghai at mga baybaying
lungsod nito.

2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa


Sumali ang Germany sa Liga ng mga Bansa at
nakilahok sa mga ilang mga gawain nito upang
mapanatili ang kapayapaan. Subalit, karamihan sa mga
Germans ay hindi sang-ayon sa mga probisyon ng
Kasunduan sa Versailles dahil nilagay nito ang Germany
sa isang kahiya-hiyang posiyon. Dahil dito, tumiwalag sa
Liga ang Germany at nilabag ang mga napagkasunduan
sa Versailles. Itinatag ni Adolf Hitler ang Republika ng
Weimar at unti-unti niyang isinakatuparan ang
kaniyang mga plano para sa muling pagbangon ng Adolf Hitler (Larawan
mula sa
Germany. Layunin ni Hitler na muling ilagay sa rurok ng https://www.flickr.com
/photos/89449499@N0
2/17505759135

7
kapangyarihan sa Europa ang Germany sa pamamagitan ng pagpapalawak muli
ng mga teritoryo nito at pagpapalakas sa kaniyang hukbong sandatahan. Noong
1935 ay idineklara ni Hitler na ang Germany ay bubuo ng mas malakas na
sandatahang lakas na binubuo ng 550,000 na sundalo, isang malaking paglabag
sa Kasunduan ng Versailles.
Bilang tugon ng mga bansa sa agresyong ipinapamalas ng Germany,
nakipag-alyansang muli ang France sa Russia kontra sa Germany.

3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia


Sa pangunguna ni Benito Mussolini, sinakop
ng Italy ang noong-malayang kaharian ng Ethiopia
sa Africa noong 1935. Humingi ng tulong si
Emperador Haile Selassie sa Liga ng mga Bansa at
agad naming kinundena ng Liga ang agresyon ng
Italy laban sa Ethiopia. Bilang tugon sa kahilingan
ng Ethiopia, hinikayat ng Liga na huwag bumili ng
mga hilaw na materyales mula sa Italya at huwag din
Benito Mussolini (Larawan itong pagbentahan ng mga armas. Sa kasamaang
mula sa
https://www.nationalww2mus palad, kakaunting bansa lamang ang tumugon sa
eum.org/death-of-mussolini) liga at hindi nagtagal ay tuluyang nasakop ng Italya
ang Ethiopia.

4. Digmaang Sibil sa Spain


Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng
pasistang Nationalist Front at sosyalistang Popular Army. Sinuportahan nina
Hitler at Mussolini ang laban ng Nationalist Front sa pangunguna ni Francisco
Franco. Bagaman labag sa probisyon ng Kasunduan ang Versailles ang
pagkakaroon ng mga sasakyang militar na panghimpapawid, ipinadala ni Hitler
ang kaniyang pinakabagong eroplanong militar na tinawag na Luftwaffe. Dahil
sa tinamong suporta mula sa dalawang pasistang bansa, nakuha ni Franco ang
tagumpay sa digmaang sibil at nakapagtatag ng isa pang pasistang rehimen sa
Kanlurang Europa.

5. Pagsasanib puwersa ng Austria at Germany


Gamit ang prinsipyo ng self-determination, hinikayat ni Hitler na magkaisa
ang lahat ng bansang nagsasalita ng German. Kabilang sa mga bansang ito ang
malaking populasyon sa Czechoslovakia, Poland at Austria. Ang pagsasanib o
mas kilala sa tawag na Anschluss sa pagitan ng Germany at Austria ay mahigpit
na ipinagbabawal sang-ayon sa Kasunduan ng Versailles. Bagaman tutol sa
Anschluss ang ibang Austriyano dahil nais nilang panatilihin ang kanilang
pagiging malaya, nilusob ng puwersa ni Hitler ang Austria noong Marso 1938 at
idineklara itong probinsya ng Germany

6. Paglusob sa Czechoslovakia
Sa 15 milyong taong naninirahan sa Czechoslovakia noong 1938, halos 3
milyon sa kanila ay German na naninirahan sa Sudetenland. Hinikayat ni Hitler
ang mga German sa Sudetenland na pagsikapan ang kanilang kalayaan mula sa

8
pamahalaang Czech. Ang hakbang na ito ni Hitler ay mariing tinutulan ng mga
bansang kaalyado ng Czech gaya ng France at Great Britain. Nagpatawag ng
isang pagpupulong si British Prime Minister Neville Chamberlain upang pag-
usapan ang kanilang hakbang na gagawin upang hindi tuluyang atakihin ni
Hitler ang Czechoslovakia. Ang pagpupulong ay ginanap sa Munich, Germany at
dinaluhan nina Punong Ministro Chamberlain, Hitler, Mussolini, at Premier
Edouard Daladier. Bagaman kaalyado ng Czechoslovakia ang France at Great
Britain, hindi tinutulan ng mga pinuno ng dalawang bansa ang kagustuhan ni
Hitler na masakop ang Sudetenland. Bilang kapalit, nangako si Hitler na hindi
niya lulusubin ang Czechoslovakia. Dahil sa kawalan ng suporta, isinuko na
lamang ng Czechoslovakia ang Sudetenland sa Germany.

Taliwas sa kaniyang binitiwang pangako sa kumperensya sa Munich,


nilusob ng hukbo ni Hitler ang Prague, kapital ng Czechoslovakia, noong Marso
1939. Dito ay tuluyang nasakop ni Hitler ang kabuuan ng Czechoslovakia.

7. Paglusob ng Germany sa Poland


Ang paglusob ng kampo ni Hitler sa Poland ay maituturing na huling mitsang
tuluyang nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ninais ni Hitler na
maibalik sa kontrol ng Germany ang lungsod ng Danzig na naging daungan na
kontrolado ng Poland. Maliban dito, ninais din ni Hitler na mabigyan ng daan
ang Germany sa Polish Corridor. Ang Polish Corridor ay isang maliit na lupaing
humihiwalay sa Silangang Prussia at Germany. Ito ay nalikha matapos ang
Unang Digmaang Pandaigdig.

Mga ilang kuhang larawan mula sa pananalakay ng Nazi sa Poland (Mga larawan mula
sa https://www.life.com/history/world-war-ii-erupts-color-photos-from-the-invasion-of-
poland-1939/)

Mariing tinutulan ng pamahalaan ng Poland ang mga kondisyong ito ni


Hitler, at nangako rin ang Britain at France na tutulungan ang Poland kung
sakaling ito ay salakayin ng mga puwersang Nazi. Hinikayat din ng France at
Britain na makiisa sa kanila ang Russia, ngunit laking gulat ng lahat nang
makipagkasundo ang Russia sa Germany noong Agosto 1939 nang pirmahan ng
dalawang bansa ang Non-Aggression Pact.

9
Aralin 2: Mga Mahahalagang Pangyayari sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

Ang Blitzkrieg o Lightning War

Sa unang araw ng Setyembre 1939, nilusob ng Germany ang Poland. Walang


humpay napag-atake mula sa Germany ang tinamo ng Poland na ikinasira ng mga
daan, riles, pabrika, at pagkamatay ng libo-libong Polish. Dalawang araw matapos
ang unang pag-atake sa Poland, nagdeklara ang France at Britain ng digmaan laban
sa Germany.

Isa sa mga taktikang ginamit ni Hitler at ng mga Nazi sa kanilang paglusob sa


mga teritoryo sa Europa ay ang blitzkrieg o lightning war. Ito ay isang estratehiya
na ginamitan ng mga mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng mga sundalo
sa kanilang paglusob. Halimbawa nito ay ang Luftwaffe o mga eroplanong pandigma
ng Germany na nagbagsak ng mga bomba habang ang mga tangke naman ay
pumapasok sa mga hangganan na sinusundan ng mga trak na naglalaman ng libu-
libong sundalo para sa pagsalakay.

Ito rin ang taktikang ginamit ng Germany nang salakayin nila ang Poland noong
Setyembre 1939, at Denmark at Norway noong Abril 1940. Dahil sa pagkatalo,
pinaghatian ng Russia at Germany ang Poland, samantalang ang kabuuan naman
ng Denmark at Norway ay nasakop ng Germany.

Sa Kanlurang Europa naman, pitong buwan matapos ang pagbagsak ng


Poland, ang mga hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang lamang sa likod ng
Maginot Line, isang hanay ng mga moog na pandepensa sa hangganan ng France
at Germany, para sa pagsalakay ng Germany. Subalit, hindi naglunsad ng opensiba
ang puwersang German kung kaya’t tinawag ito na phony war ng ilang pahayagan
at sitzkrieg o sitting war ng mga sundalong German dahil sa kawalan ng labanan.
Nagwakas ang phony war noong Abril 9, 1940 nang salakayin ng puwersa ni Hitler
ang Norway at Denmark.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA EUROPE NOONG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
Kailan Ito
Ano ang Nangyari? Ano ang Naging Resulta?
Naganap?
Setyembre 1, Nilusob ng puwersang Nazi ang Nagdeklara ang France at
1939 Poland. Britain ng digmaan laban sa
Germany dalawang araw
matapos ang paglusob.
Setyembre 17, Sinakop ng Soviet Union ang Pinaghatian ng Germany at
1939 kalahati ng Poland. Soviet Union ang Poland.
Mayo 1940 Sinalakay ng puwersang Tuluyang napalibutan ng
German ang Norway ngunit mga sundalong German ang
sila ay madaling nagapi ng Allied Forces sa lungsod ng
Germany, at ang Denmark Lille, at upang makaligtas sa
naman ay hindi na nilabanan nagbabadyang pagkagapi sa

10
ang agresibong paglusob ng digmaan ay tumakas sila
Germany. Sinalakay rin ng patungo sa daungan ng
Germany ang mga nyutral na Dunkirk, isang daungan sa
bansa ng Belhika, Holland, at France na nasa English
Luxembourg, isang estratehiya Channel.
ni Hitler upang mapalibutan Ang gipit na
ang France. Binomba ng mga kalagayan ng mga
eroplanong militar ng Germany sundalong Pranses sa
ang mga bansang ito na kung Dunkirk ang nagtulak kay
tawagin ay mga low countries Punong Ministro Winston
at sinira ang mga paliparan, Churchill ng Great Britain
pahatiran, mga tulay, at iba upang ipamalas ang
pang mga imprastraktura. pagkakaisa ng Allied Forces.
Hunyo 1940 Nagdeklara si Benito Mussolini Upang maiwasan ang
ng Italy ng digmaan laban sa lubhang pagkapinsala sa
France noong Hunyo 10, 1940. bansa, idineklara ng
Sa hilaga naman, naglunsad pamahalaang Pranses ang
ang Germany ng agresibong Paris bilang open city at
opensiba laban sa France inilipat ang sentro ng
noong Hunyo 14, 1940. pamahalaan sa Bordeaux.
Nagtamo ang France ng walang Humingi ng armistice sa
humpay na pag-atake mula sa Germany ang France noong
mga Italyano sa timog, at Nazi Hunyo 22, 1940. Sa ilalim
naman sa hilaga. ng kasunduan, tuluyang
sinakop ng Germany ang
hilagang bahagi ng France,
kabilang ang Paris, at
nagtatag naman ng isang
pamahalaang puppet sa
Vichy na pinamunuan ng
isang beterano ng WWI na si
Marshal Henri Philippe
Pétain
Itinatag naman ni Charles de Gaulle ang isang samahang militar sa London
na tinawag na Free France. Layunin ng samahang ito na mabawi ang France mula
sa kamay ng Germany. Sa loob ng isang taon mula ng salakayin ng Germany ang
Poland, nasakop ng pinagsamang puwersa ng Soviet Union at Germany ang mahigit
sampung bansa sa Europa.

Ang Digmaan sa Britain

Dahil sa pinagsanib na puwersa ng Soviet Union at Germany, halos nasakop


nila ang kabuuan ng Europe, maliban sa Great Britain. Dahil sa naging tagumpay
ng puwersa ni Hitler at Mussolini sa France, bumuo ng isang plano si Hitler kung
paano susunod na masasakop ang Britain. Umpisa pa lamang sa kaniyang
pagkakaluklok sa pagiging punong ministro ay inihayag na ni Winston Churchill na
hindi susuko ang Britain sa Germany. Dahil dito, inilunsad ni Hitler ang Operation

11
Sea Lion noong Agosto 1940.Ito ay isang opensiba at agresibong pagsalakay sa mga
plota ng Britain na nakadaong sa English Channel gamit ang mga Luftwaffe. Hindi
rin nakaligtas sa pangbobomba ang mga paliparan, daungan, pagawaan ng mga
eroplano, at mga siyudad sa Britain. Ito ay bahagi ng Operation Sea Lion upang
maging madali para sa mga sundalong Nazi ang paglusob sa Britain.

Ang tila walang humpay na pag-atake ng mga puwersang Nazi sa Britain ay


hindi nagpatinag sa katapangan ng mga Ingles. Lumikas ang mga sibilyan palayo sa
London na naging sentro ng mga air raids. Buong tapang din na lumaban ang
hukbong panghimpapawid ng Britain na kilala sa tawag na Royal Air Force.
Bagaman higit na mas kakaunti ang kanilang mga eroplanong pandigma kaysa sa
Germany, nagawa pa rin ng Royal Air Force na magdulot ng mabigat na pinsala sa
mga Nazi.

Sa tulong ng dalawang makabagong teknolohiyang ginamit ng Royal Air Force


sa pakikidigma, naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang panig. Ginamit

Eroplano ng Royal Airforce na gumamit ng radar Enigma Machine (Larawan mula sa


(Larawan mula sa https://www.smithsonianmag.com/smar
https://www.warhistoryonline.com/world-war-ii/raf- t-news/wwii-enigma-machine-found-flea-
luftwaffe-different-ways-adapted-challenges-world- market-sells-51000-180964053/)
war-two-xb.html)
ng RAF ang radar at Enigma – mga teknolohiyang wala sa Luftwaffe. Ang radar ay
isang elektronikong gamit na tumutulong upang matukoy ang bilang, bilis, at ang
direksiyong tinatahak ng mga paparating na Luftwaffe. Ang Enigma naman ay isang
uri ng decoding machine na tumulong sa RAF upang malaman ang palitan ng lihim
na mensahe ng mga Nazi. Dahil sa mga ito ay mabilis nakagawa ng hakbang ang
RAF kontra sa Nazi kung kaya’t hindi naging madali para sa Nazi na pasukuin ang
puwersang Ingles.

Ang United States at ang Digmaan

Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga


Amerikano. Batid ni Pangulong Franklin Roosevelt na kapag nagpatuloy ang
pagkapanalo ng puwersang Axis sa digmaan ay mapipilitan ang United States na
makilahok sa labanan. Dahil dito, ipinagtibay sa Kongreso ng Amerika noong 1941
ang Lend-Lease Act, isang batas na nagbibigay-pahintulot sa mga Allies na
manghiram o upahan ang mga armas at suplay ng digmaan ng United States. Noong
taong 1941 rin ay nagkaroon ng isang kasunduan sa pagitan ni Pangulong Roosevelt
at Punong Ministro Churchill na tinawag na Atlantic Charter. Ang kasunduang ito

12
ay naglalaman ng mga demokratikong prinisipyong ipinaglalaban ng mga Allies sa
digmaan. Nakapaloob din sa kasunduan na sa oras na matapos ang digmaan at
matalo ang mga Nazi, ang lahat ng mga bansa ay mabubuhay nang payapa, malayo
sa takot, at hindi na muling gagamit pa ng dahas.

Noong Agosto 1940, natuklasan ng United States ang lihim na balak ng Japan
na sakupin ang mga bansa sa Timog Silangang Asya. Direktang maapektuhan ang
United States sa balak na ito ng Japan dahil sa kaniyang mga kolonya na nasa Timog
Silangang Asya tulad ng Pilipinas at Guam. Nakipagtulungan ang US sa China
upang mapahinto ang Japan sa kaniyang planong pananakop sa Timog Silangang
Asya at Pasipiko.

Naganap noong Disyembre 7, 1941 ang isang malagim na pag-atake ng mga


puwersang Hapones laban sa mga Amerikano. Binomba ng puwersang Hapones ang
Pearl Harbor, ang pinakamalaking naval base ng Amerika sa Pasipiko. Lumubog
ang 18 malalaking barko ng US at tinatayang humigit sa 2,400 na sundalo ang
nasawi sa malagim na pagsalakay.

Malagim na pag-atake ng mga hapones sa Pearl Harbor (Mga larawan mula sa


https://pearlharborwarbirds.com/jaw-dropping-color-photos-of-pearl-harbor/

Tuluyang nakilahok ang United States sa digmaan noong Disyembre 8, 1941


bilang tugon sa naganap na pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor. Sinasabi na ang
pagpasok ng United States sa digmaan ang nagbukas ng pintuan ng pagkakaroon
ng digmaan sa Pasipiko.

Ang Digmaan sa Pasipiko

Ang digmaan sa Pasipiko ay nilahukan ng Allies at Japan na tumagal hanggang


Agosto 1945. Bago pa man ilunsad ng Japan ang kanilang pag-atake sa Timog
Silangang Asya, nauna na nitong sinalakay ang Korea, Manchuria, at ilang bahagi
sa China. Sinalakay rin ng Japan ang mga isla sa Pasipiko gaya ng Guam at Wake
Island. Hindi nagtagal, naglunsad din ng isang malawakang pagsalakay ang
puwersang Hapones sa Pilipinas. Pinasok ng hukbong Hapones ang lungsod ng
Maynila noong Enero 1942. Tinalo ng puwersang Hapones ang pinagsamang
puwersa ng mga Pilipino at Amerikano sa Bataan kung saan maraming sundalong
Pilipino at Amerikano ang pumanaw dahil sa Death March. Naglunsad din ng
agresibong pananalakay ang Japan sa Hong Kong, Malaya, Singapore, at East Indies

13
noong 1942. Sa loob ng anim na buwan, matagumpay na nasakop ng Japan ang
mga bansa sa Timog Silangang Asya at ilang isla sa Pasipiko.

Aralin 3: Ang Tagumpay ng Allied Powers at mga Bunga ng


Digmaan

Nabago ang ihip ng hangin para sa Allied Forces noong 1943 kung saan
nagsimula ng matalo ang Axis Powers. Noong Hunyo 6, 1944, lumapag at dumaong
sa Normandy ang hukbong Allies, samantalang tinalo naman ng hukbong Ruso ang
ang Nazi at nasakop nila ang Berlin.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA PAGWAWAKAS NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
Pagbagsak ng Sicily
Nabihag ang Sicily noong Hunyo 11, 1945, at
matapos ang ilang buwan ay tuluyan nang
sumuko ang Italy noong Setyembre 3, 1945.

Pagkapanalo sa Hilagang
Habang maigting na nakikipaglaban sa Egypt si
Africa
Heneral Montgomery laban sa mga puwersang
Nazi, sinalakay naman ng puwersang
pinamumunuan ni Heneral Dwight
Eisenhower ang Morocco at Algeria. Matapos
ang madugong labanan, tuluyang nabawi ng
Allied Forces ang Hilagang Africa. Ang pagkatalo
ng puwersang Nazi sa Hilagang Africa at ang
pagbagsak ng Sicily ang naging hudyat upang
tuluyang bumagsak mula sa kapangyarihan si
Mussolini.

D-Day sa Normandy
Sa pangunguna ni Hen. Eisenhower, lumapag
sa Normandy, France ang puwersang Allies
noong Hunyo 6, 1944. Layunin ng D-Day na
tuluyang palayain ang kanlurang Europe mula
sa puwersang Nazi. Ang Belhika ay napalaya
mula sa mga Nazi noong Setyembre 1944.
Bumagsak naman ang Germany noong Abril 30,
1945 dahil sa ginawang pagsalakay ng mga
Allies sa kanluran at ng mga Ruso sa silangan.

V-J Day (Victory in Japan Day)


Noong Agosto 6, 1945, ibinagsak ng United
States ang unang bomba atomika sa Hiroshima
kung saan libu-libong tao ang nasawi.
Sinalakay naman ng puwersang Ruso ang
Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin upang
bawiin mula sa mga Hapon. Ilang araw matapos
ang masaklap na pagbomba sa Hiroshima,

14
muling nagbagsak ng bomba atomika ang mga
Amerikano sa Nagasaki noong Agosto 9, 1945.
Dahil sa dalawang beses na pinasabugan ng
mga bomba atomika, tuluyang nang tinanggap
ng Japan ang pagkatalo at noong Agosto 15,
1945 sumuko na ang Japan sa digmaan.

Kaakibat ng ginawang pagsuko ng Japan, nilagdaan ng mga pinuno ng Japan


ang kanilang pormal na pagsuko sa digmaan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang
naging hudyat ng pagtatapos ng Digmaan sa Pasipko at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Tinatayang nasa humigit-kumulang 2 milyong Hapones ang nasawi
mula sa digmaan at 100 lungsod naman ang nawasak. Hindi naging madali para sa
bansang Japan ang pagbangon, at ito ay tumagal ng maraming taon bago tuluyang
makabangon mula sa bangungot ng digmaan ang mga industriyang Hapon.

Mga Naging Bunga ng Digmaan

Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang


itinuturing bilang pinakamagastos na digmaan sapagkat tinatayang umabot sa halos
2 trilyong dolyar ang kabuuang halagang nagastos dito. Maliban sa napakalaking
halagang nagastos, narito pa ang ilan sa mga naging bunga ng malagim na digmaan:

Mga Bunga ng Digmaan


1. Malaking bilang ng mga - Tinatayang halos 60 na bansa ang
namatay at nasirang ari- naapektuhan ng digmaan at higit na mas
arian. marami ang namatay kaysa noong Unang
Digmaang Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng - Dahil maraming lungsod at bayan ang
pandaigdigang ekonomiya nawasak, nahinto rin ang mga gawaing
agricultural, industriyal, at komersyal na
mahalaga sa paglago ng ekonomiya.
3. Bumagsak ang mga - Dahil sa kanilang pagkatalo, bumagsak ang
pamahalaang itinatag totalitaryang Nazi ni Hitler sa Germany, ang
nina Hitler, Mussolini, at pasistang pamumuno ni Mussolini sa Italy,
Hirohito gayundin ang imperyal na pamahalaan ni
Hirohito sa Japan.
4. Napagtibay ang simulaing - Ang command responsibility ay naglalayong
command responsibility bigyang-kaparusahan ang mga pinunong
militar dahil sa mga nagawa nila at ng kanilang
mga tauhan noong digmaan.
5. Isinilang ang mga - Ang mga bansang East at West Germany,
malalayang bans ana Nasyonalistang China, Pulahang China,
noo’y alipin ng digmaan Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India,
Pakistan, Israel, Iran, Iraq ay ilan lamang sa
mga bansang naging Malaya matapos ang ilang
taong pagiging kolonya ng ibang bansa.

15
Pagyamanin

A. Sino Ako
Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra upang matukoy ang mga pinunong
inilalarawan sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ako ang nagtatag sa Republika ng Weimar at


nilayon kong pamunuan ang muling pagbangon ng
(OFADL IELTHR)
mahal kong Germany mula sa kaniyang pagkatalo
noong Unang Digmaang Pandaigdig.

2. Ipinalaganap ko ang ideolohiyang pasismo sa


Italya at nang malupig ang Italya, tumakas ako
(NOTEIB MSLNIOISU)
papuntang hilagang Italya kapiling ang aking
sinisintang si Clara.

3. Ako ang nanguna sa mga Allied Forces noong D-


(GHIWDT ESWIOHEERN)
Day sa Normandy, France.

4. Matapos ang pagkapanalo ng mga puwersang


Allied sa digmaan, ako ang hinirang bilang Supreme
(ASDOLUG UMCARATRH)
Commander of the Allied Powers. Tanyag din ako sa
aking sinabi na “I shall return.”

5. Ako ang punong ministro ng Britain na hindi


(SONTWIN LUHHIRCLC) basta-basta sumuko sa mga Nazi na nais manakop
sa aking bansa.

6. Ako ang pangulo ng United States na humikayat


(RFIANNKL SLVOOTEER)
sa Kongreso upang isabatas ang Lend-Lease Act.

7. Ako ang sikat na Pranses na nanguna sa


(LSECHRA DE AELLUG)
samahang Free France.

8. Hinirang ako ng mga Nazi bilang lider sa itinatag


(IENRH NIATEP)
nilang pamahalaang puppet sa Vichy.

16
B. Word Hunt

Panuto: Mula sa word hunt puzzle, hanapin ang mga salita na may kinalaman sa
mga mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos mo
itong mahanap, bigyan ng isang maikling paliwanag o paglalarawan ang mga
salitang ito. Gawin ito sa sagutang papel.

I Y V F Q R R W L K A T H W G Q W L R D O B A G S
F K J X R X I X G X R S B C F W H Y Q J V P K E R

F D X U K Y R B A B N I E T R Q S A N X L H G D E
V O T Y O Z W A O O S V K E R A O T D T R P J O W
C A A C G N T N L W G N D N W G M S D K A D V U O
X S H H Y F A N E W J A L E U K B H C A D M F V P
A T L A N T I C C H A R T E R D O X T Z A K P D S
E N I L T O N I G A M U T P E A R L H A R B O R I
D S E C R O F D E I L L A T G P I H L V E L U U X
E F F A W T F U L P B L I T Z K R I E G E D X W A

1. Allied Forces
2. Axis Powers
3. Atlantic Charter
4. Blitzkrieg
5. Death March
6. Dunkirk
7. Luftwaffe
8. Maginot Line
9. Pearl Harbor
10. Radar

17
B. Match Tayo!
Panuto: Hanapin ang mga salitang magkatugma sa Hanay A at Hanay B. Isulat ang
letra ng iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

HANAY A HANAY B
______1. Adolf Hitler a. Free France
______ 2. Dwight Eisenhower b. Germany
______ 3. Douglas MacArthur c. I shall return
______ 4. Charles de Gaulle d. Italy
______ 5. Benito Mussolini e. Normandy

C. Punuan Mo Ako!
Panuto: Matapos ang talakayan, punan mo ang mga hinihinging impormasyon sa
concept map.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Mga Sanhi ng Mga Tanyag na Mga Bansa o


Digmaan Personalidad na Teritoryong Nasakop
Sangkot sa Digmaan

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Bakit sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


2. Bakit naging madali para kay Hitler na sakupin ang halos buong Europe?

18
D. Cause and Effect
Panuto: Upang matiyak ang iyong pang-unawa sa mga mahahalagang salik na
nagbigay-daan sa pagsiklab ng digmaan, punan ang tsart na naglalaman ng mga
sanhi ng digmaan. Isulat sa kolum A ang mga naging dahilan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at sa kolum B naman ang mga naging epekto ng ng mga
pangyayaring ito. Gawin ito sa sagutang papel.

Cause Effect

Mga Pamprosesong Tanong:

1.Ano-ano ang mga pangyayaring naging dahilan ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
2.Sa mga naitala mong sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ano sa iyong
palagay ang naging pinakamabigat na dahilan ng digmaan? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

19
E. Talaan ng mga Pangyayari

Panuto: Itala ang mga bansa, taon, at mga lugar na sinalakay at sinakop bago ang
tuluyang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gawin ito sa sagutang
papel.

Taon: ____________________

Sinalakay na Bansa:
Mananalakay: ___________________
_________________

Taon: ____________________

Sinalakay na Bansa:
Mananalakay: ___________________
_________________

Taon: ____________________

Sinalakay na Bansa:
Mananalakay: ___________________
_________________

Isaisip

Concept Map
Panuto: Gamit ang graphic organizer, ilahad ang mga mahahalagang impormasyon
patungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


Mga
Pangkat na
Mga Sanhi Mahahalagang Mga Epekto
Naglaban Pangyayari
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________

20
Isagawa

History Frame
Panuto: Pumili ng isang mahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Punan ng impormasyon ang history frame sa ibaba. Gawin ito sa
sagutang papel.

Pangyayari: Mga Sangkot na Personalidad:

Suliranin o Mithiin: Saan:


Kailan:

Kinalabasan:
Mahalagang Pangyayari:

Aral na Nakuha:

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyo?


Bakit?
2. Para sa iyo, ano ang pangkabuuang aral ang ating makukuha mula sa
naganap na digmaan?
3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng
kabuhayan, pulitika, at kultura ng mga bansang nasangkot sa digmaan

21
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa kasunduang pinirmahan nina Pangulong Franklin Roosevelt
ng United States at Punong Ministro Winston Churchill ng United Kingdom.
Nilalaman ng kasunduang ito ang mga demokratikong prinsipyong ipinaglalaban
ng mga Allied Forces sa digmaan.
A. Atlantic Charter C. Non-Aggression Pact
B. Armistice Agreement D. Treaty of Zaragoza

2. Ang sumusunod ay mga naging sanhi sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig maliban sa __________.
A. Pag-alis ng Germany sa Liga C. Pagbuo ng mga Alyansa
B. Digmaang Sibil sa Spain D. Anschluss

3. Siya ang pinuno na nagtaguyo sa Republika ng Weimar at nagpalaganap ng


totalitaryang uri ng pamamahala sa Europe.
A. Eisenhower C. Mussolini
B. Hitler D. Wilson

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Nabuo ang Liga ng mga Bansa
B. Isinilang ang mga malalayang bansa
C. Napagtibay ang simulating command responsibility
D. Bumagsak ang mga pamahalaang itinatag nina Hitler, Mussolini at Hirohito

5. Layunin ng taktika na ito na tuluyang palayain ang kanlurang Europe mula sa


kamay ng mga Nazi.
A. blitzkrieg c. enigma
B. D-Day d. V-J Day

6. Ito ang pinakamalaking naval base ng mga Amerikano sa Pasipiko. Ito ay


binomba at pinasabog ng mga puwersang Hapones na nagdulot ng malubhang
pinsala.
A. Leyte C. Neptune Port
B. Maginot Line D. Pearl Harbor

7. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Allied Forces?


A. Austria C. Great Britain
B. France D. United States

22
8. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Axis Powers?
A. Germany C. Japan
B. Italy D. United Kingdom

9. Noong Hunyo 22, 1940 ay humingi ng isang armistice France sa Germany at


tuluyang nasakop ng Germany ang hilagang bahagi ng France. Saan nagtatag ng
isang puppet na pamahalaan ang Nazi sa France?
A. Bordeaux C. Paris
B. Dunkirk D. Vichy

10. Ito ay tumutukoy sa samahang itinatag ni Charles de Gaulle sa London na may


pangunahing layuning palayain ang France mula sa mga Nazi.
A. Free Vichy C. Free Paris
B. V-J Day D. Free France

11. Ito ay isang teknolohiyang pandigma na ginamit ng Royal Air Force upang
tukuyin ang bilis, dami, at direksyon ng mga paparating na eroplanong Nazi.
A. Enigma C. Radar
B. Luftwaffe D. Teleskopo

12. Ito ay isang gamit pandigma ng Royal Air Force na tumulong upang i-decode ang
mga lihim na mensahe ng mga Nazi.
A. Enigma C. Morse Code
B. Luftwaffe D. Radar

13. Ito ang batas na naipasa sa kongreso ng United States na nagbibigay-pahintulot


sa mga Allied Forces na hiramin o upahan ang mga gamit pandigma ng United
States.
A. Allied Law C. Lease Law
B. Atlantic Charter D. Lend-Lease Act

14. Siya ang nanguna sa mga sundalo ng Allied Forces sa kanilang pagsalakay sa
Normandy, France noong Hunyo 6, 1944.
A. Heneral Eisenhower C. Heneral Montgomery
B. Heneral MacArthur D. Heneral Selassie

15. Ito ang pangunahing estratehiyang militar na ginamit ng puwersang Nazi upang
mabilis na malupig ang kanilang mga kalaban.
A. Blitzkrieg C. Luftwaffe
B. Enigma D. Radar

23
Karagdagang Gawain

Likguhit
Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng mga epekto o bunga ng
digmaan. Gawin ito sa sagutang papel.

Gabay sa Pagmamarka
Kraytirya Iskala Marka
Kaugnayan sa
10
Paksa
Pagkamalikhain 10
Organisasyon 10
Kabuuang
30
Puntos

24
25
Subukin: Gawain 1 Concept Map Gawain 2 Fact or Bluff
1. B Mga Sanhi:
2. A 1.
3. B • militarismo
4. A • nasyonalismo 2.
5. A • pagbuo ng alyansa 3.
6. B • imperyalismo
7. C Mga Epekto: 4.
8. D
9. A • pagkamatay ng mga 5.
10. A tao
11. D • pagkasira ng
12. A kabuhayan
13. A • nabago ang
14. D kalagayang pulitikal
15. A sa Europa Gawain 5 Word Hunt
1. Ito ang puwersang
Gawain 3 Data Retrieval binubuo ng United
Chart States, France,
Gawain 4 Sino Ako? Britain, at Russia.
Hitler: 2. Ito ang puwersa ng Nazi
1. Adolf Hitler Germany at Pasistang
Netherlands, Belgium, 2. Benito Mussolini Italy.
Luxembourg, France, 3. Dwight Eisenhower 3. Kasunduan sa pagitan
Denmark, Norway, 4. Douglas MacArthur ni Franklin Roosevelt at
kanlurang Poland 5. Winston Churchill Winston Churchill.
6. Franklin Roosevelt 4. Taktika na ginamit ng
Mussolini: 7. Charles de Gaulle Germany upang mabilis
8. Henri Petain na malupig ang
Ethiopia, timog ng France kalaban.
5. Ito ang nakamamatay
Tojo: na paglalakad ng mga
nadakip na Pilipino at
Peking, Manchuria,
Amerikanong sundalo
Philippines
sa Bataan.
6. Iniligtas ng mga
sundalong British ang
mga sundalo ng Allied
Tayahin Forces ditto,
7. Eroplanong pandigma
1. A ng Nazi.
Gawain 6 Match Tayo 2. C 8. Hanay ng mga moog ng
3. B France.
1. B 4. B 9. Pinakamalaking naval
2. E 5. D base ng Amerika sa
3. C 6. B Pasipiko.
4. A 7. A 10. Gamit pandigma na
5. D
8. D ginamit ng Royal Air
9. D Force.
10. D
11. C
12. A
13. C
14. A
15. A
Susi sa Pagwawasto

You might also like