You are on page 1of 17

Pangalan: __________________________ Baitang:___________________

Pangkat:_______________________ Petsa:_____________________

Araling Panlipunan 8
th
4 Quarter – Modyul 2 (Week 2)
Mga Sanhi at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
TAYAHIN
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.
_____1. Ito ay tumutukoy sa kasunduang pinirmahan nina Pangulong Franklin Roosevelt ng United
States at Punong Ministro Winston Churchill ng United Kingdom. Nilalaman ng kasunduang ito ang
mga demokratikong prinsipyong ipinaglalaban ng mga Allied Forces sa digmaan.
a. Atlantic Charter c. Non-Aggression Pact
b. Armistice Agreement d. Treaty of Zaragoza
_____2. Ang sumusunod ay mga naging sanhi sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
maliban sa .
a. Pag-alis ng Germany sa Liga c. Pagbuo ng mga Alyansa
b. Digmaang Sibil sa Spain d. Anschluss
_____3. Siya ang pinuno na nagtaguyod sa Republika ng Weimar at nagpalaganap ng totalitaryang uri
ng pamamahala sa Europe.
a. Eisenhower c. Mussolini
b. Hitler d. Wilson
_____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
a. Nabuo ang Liga ng mga Bansa
b. Isinilang ang mga malalayang bansa
c. Napagtibay ang simulating command responsibility
d. Bumagsak ang mga pamahalaang itinatag nina Hitler, Mussolini at Hirohito
_____5. Layunin ng taktika na ito na tuluyang palayain ang kanlurang Europe mula sa kamay ng mga
Nazi.
a. blitzkrieg c. enigma
b. D-Day d. V-J Day
_____6. Ito ang pinakamalaking naval base ng mga Amerikano sa Pasipiko. Ito ay binomba at
pinasabog ng mga puwersang Hapones na nagdulot ng malubhang pinsala.
a. Leyte c. Neptune Port
b. Maginot Line d. Pearl Harbor
_____7. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Allied Forces?
a. Austria a. Great Britain
b. France d. United States
_____8. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Axis Powers?
a. Germany c. Japan
b. Italy d. United Kingdom

1
_____9. Noong Hunyo 22, 1940 ay humingi ng isang armistice France sa Germany at tuluyang
nasakop ng Germany ang hilagang bahagi ng France. Saan nagtatag ng isang puppet na pamahalaan
ang Nazi sa France?
a. Bordeaux c. Paris
b. Dunkirk d. Vichy
_____10. Ito ay tumutukoy sa samahang itinatag ni Charles de Gaulle sa London na may pangunahing
layuning palayain ang France mula sa mga Nazi.
a. Free Vichy c. Free Paris
b. V-J Day d. Free France
_____11. Ito ay isang teknolohiyang pandigma na ginamit ng Royal Air Force upang tukuyin ang bilis,
dami, at direksyon ng mga paparating na eroplanong Nazi.
a. Enigma c. Radar
b. Luftwaffe d. Teleskopo
_____12. Ito ay isang gamit pandigma ng Royal Air Force na tumulong upang i-decode ang mga lihim
na mensahe ng mga Nazi.
a. Enigma c. Morse Code
b. Luftwaffe d. Radar
_____13. Ito ang batas na naipasa sa kongreso ng United States na nagbibigay-pahintulot sa mga
Allied Forces na hiramin o upahan ang mga gamit pandigma ng United States.
a. Allied Law c. Lease Law
b. Atlantic Charter d. Lend-Lease Act
_____14. Siya ang nanguna sa mga sundalo ng Allied Forces sa kanilang pagsalakay sa Normandy,
France noong Hunyo 6, 1944.
a. Heneral Eisenhower c. Heneral Montgomery
b. Heneral MacArthur d. Heneral Selassie
_____15. Ito ang pangunahing estratehiyang militar na ginamit ng puwersang Nazi upang mabilis na
malupig ang kanilang mga kalaban.
a. Blitzkrieg c. Luftwaffe
b. Enigma d. Radar

IMPORMASYON PARA SA MAG-AARAL


Pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay inaasahang: AP8AKD-IVb-2
1. Natutukoy ang mga dahilang nagbigay-daan sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig;
2. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig; at
3. Natutukoy ang mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Aralin 1: Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Hindi pa man ganap na nakakabangon mula sa mga naidulot na pinsala ng Unang Digmaang
Pandaigdig ay muli na namang namuo ang tensyon sa pagitan ng mga bansa sa Europa. Dahil sa
masidhing ambisyon na mapalawak pang lalo ang teritoryo, unti-unting niyanig ang mundo ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bago pa man tuluyang sumiklab ang digmaan, ang daigdig ay nahati sa dalawang ideolohiya:
ang pasista at diktadurang mga bansa tulad ng Germany, Italy, at Japan; at ang demokratikong mga
bansa gaya ng United States, Britain, at France. Pinasimulan ng mga pasistang diktador gaya nina
Adolf Hitler at Benito Mussolini noong 1930’s ang paglusob at pangangamkamkam ng mga

2
teritoryo sa Europa na naging sanhi ng muling pagkakaroon ng isang malawak na digmaan na
kumitil sa buhay ng milyung-milyong tao.
1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
Ang pag-aasam na magpalawak ng teritoryo ay hindi lamang naganap sa Europa kundi maging
sa Asya rin. Noong 1931, nilusob ng hukbong militar ng Japan ang Manchuria, isang lalawigan sa
hilagang silangan ng China na mayaman sa bakal at karbon. Ang pangyayaring ito ay mariing
kinundena ng Liga ng mga Bansa ngunit wala silang nagawa upang pigilan ang agresyon ng Japan.
Kinalaunan ay tumiwalag ang Japan sa Liga at ipinagpatuloy ang paglusob sa mga lugar sa Asya.
Noong Hulyo 1937, naglaban ang mga puwersang Hapon at Tsino malapit sa Peiping (Peking),
China. Ang pangyayaring ito ang naging daan sa pagsiklab ng Digmaang Tsino-Hapones. Taong 1938
ay tuluyang nasakop ng Japan ang mahahalagang lugar sa China tulad ng Canton, Shanghai at mga
baybaying lungsod nito.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
Sumali ang Germany sa Liga ng mga Bansa at nakilahok sa mga ilang mga gawain nito upang
mapanatili ang kapayapaan. Subalit, karamihan sa mga Germans ay hindi sang-ayon sa mga
probisyon ng Kasunduan sa Versailles dahil nilagay nito ang Germany sa isang kahiya-hiyang
posiyon. Dahil dito, tumiwalag sa Liga ang Germany at nilabag ang mga napagkasunduan sa
Versailles. Itinatag ni Adolf Hitler ang Republika ng Weimar at unti-unti niyang isinakatuparan ang
kaniyang mga plano para sa muling pagbangon ng Germany. Layunin ni Hitler na muling ilagay sa
rurok ng kapangyarihan sa Europa ang Germany sa pamamagitan ng pagpapalawak muli ng mga
teritoryo nito at pagpapalakas sa kaniyang hukbong sandatahan. Noong 1935 ay idineklara ni Hitler
na ang Germany ay bubuo ng mas malakas na sandatahang lakas na binubuo ng 550,000 na sundalo,
isang malaking paglabag sa Kasunduan ng Versailles.
Bilang tugon ng mga bansa sa agresyong ipinapamalas ng Germany, nakipag-alyansang muli
ang France sa Russia kontra sa Germany.
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
Sa pangunguna ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang noong-malayang kaharian ng Ethiopia
sa Africa noong 1935. Humingi ng tulong si Emperador Haile Selassie sa Liga ng mga Bansa at agad
naming kinundena ng Liga ang agresyon ng Italy laban sa Ethiopia. Bilang tugon sa kahilingan ng
Ethiopia, hinikayat ng Liga na huwag bumili ng mga hilaw na materyales mula sa Italya at huwag din
itong pagbentahan ng mga armas. Sa kasamaang palad, kakaunting bansa lamang ang tumugon sa
liga at hindi nagtagal ay tuluyang nasakop ng Italya ang Ethiopia.
4. Digmaang Sibil sa Spain
Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng pasistang Nationalist Front
at sosyalistang Popular Army. Sinuportahan nina Hitler at Mussolini ang laban ng Nationalist Front
sa pangunguna ni Francisco Franco. Bagaman labag sa probisyon ng Kasunduan ang Versailles ang
pagkakaroon ng mga sasakyang militar na panghimpapawid, ipinadala ni Hitler ang kaniyang
pinakabagong eroplanong militar na tinawag na Luftwaffe. Dahil sa tinamong suporta mula sa
dalawang pasistang bansa, nakuha ni Franco ang tagumpay sa digmaang sibil at nakapagtatag ng isa
pang pasistang rehimen sa Kanlurang Europa.
5. Pagsasanib puwersa ng Austria at Germany
Gamit ang prinsipyo ng self-determination, hinikayat ni Hitler na magkaisa ang lahat ng
bansang nagsasalita ng German. Kabilang sa mga bansang ito ang malaking populasyon sa
Czechoslovakia, Poland at Austria. Ang pagsasanib o mas kilala sa tawag na Anschluss sa pagitan ng
Germany at Austria ay mahigpit na ipinagbabawal sang-ayon sa Kasunduan ng Versailles. Bagaman
tutol sa Anschluss ang ibang Austriyano dahil nais nilang panatilihin ang kanilang pagiging malaya,
nilusob ng puwersa ni Hitler ang Austria noong Marso 1938 at idineklara itong probinsya ng
Germany

3
6. Paglusob sa Czechoslovakia
Sa 15 milyong taong naninirahan sa Czechoslovakia noong 1938, halos 3 milyon sa kanila ay
German na naninirahan sa Sudetenland. Hinikayat ni Hitler ang mga German sa Sudetenland na
pagsikapan ang kanilang kalayaan mula sa pamahalaang Czech. Ang hakbang na ito ni Hitler ay
mariing tinutulan ng mga bansang kaalyado ng Czech gaya ng France at Great Britain. Nagpatawag
ng isang pagpupulong si British Prime Minister Neville Chamberlain upang pag- usapan ang kanilang
hakbang na gagawin upang hindi tuluyang atakihin ni Hitler ang Czechoslovakia. Ang pagpupulong
ay ginanap sa Munich, Germany at dinaluhan nina Punong Ministro Chamberlain, Hitler, Mussolini,
at Premier Edouard Daladier. Bagaman kaalyado ng Czechoslovakia ang France at Great Britain,
hindi tinutulan ng mga pinuno ng dalawang bansa ang kagustuhan ni Hitler na masakop ang
Sudetenland. Bilang kapalit, nangako si Hitler na hindi niya lulusubin ang Czechoslovakia. Dahil sa
kawalan ng suporta, isinuko na lamang ng Czechoslovakia ang Sudetenland sa Germany.
Taliwas sa kaniyang binitiwang pangako sa kumperensya sa Munich, nilusob ng hukbo ni
Hitler ang Prague, kapital ng Czechoslovakia, noong Marso 1939. Dito ay tuluyang nasakop ni Hitler
ang kabuuan ng Czechoslovakia.
7. Paglusob ng Germany sa Poland
Ang paglusob ng kampo ni Hitler sa Poland ay maituturing na huling mitsang tuluyang
nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ninais ni Hitler na maibalik sa kontrol ng Germany
ang lungsod ng Danzig na naging daungan na kontrolado ng Poland. Maliban dito, ninais din ni Hitler
na mabigyan ng daan ang Germany sa Polish Corridor. Ang Polish Corridor ay isang maliit na lupaing
humihiwalay sa Silangang Prussia at Germany. Ito ay nalikha matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
Mariing tinutulan ng pamahalaan ng Poland ang mga kondisyong ito ni Hitler, at nangako
rin ang Britain at France na tutulungan ang Poland kung sakaling ito ay salakayin ng mga puwersang
Nazi. Hinikayat din ng France at Britain na makiisa sa kanila ang Russia, ngunit laking gulat ng lahat
nang makipagkasundo ang Russia sa Germany noong Agosto 1939 nang pirmahan ng dalawang
bansa ang Non-Aggression Pact.

Aralin 2: Mga Mahahalagang Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Blitzkrieg o Lightning War

Sa unang araw ng Setyembre 1939, nilusob ng Germany ang Poland. Walang humpay napag-
atake mula sa Germany ang tinamo ng Poland na ikinasira ng mga daan, riles, pabrika, at
pagkamatay ng libo-libong Polish. Dalawang araw matapos ang unang pag-atake sa Poland,
nagdeklara ang France at Britain ng digmaan laban sa Germany.

Isa sa mga taktikang ginamit ni Hitler at ng mga Nazi sa kanilang paglusob sa mga teritoryo sa
Europa ay ang blitzkrieg o lightning war. Ito ay isang estratehiya na ginamitan ng mga mabibilis na
eroplano at tangke na sinundan ng mga sundalo sa kanilang paglusob. Halimbawa nito ay ang
Luftwaffe o mga eroplanong pandigma ng Germany na nagbagsak ng mga bomba habang ang mga
tangke naman ay pumapasok sa mga hangganan na sinusundan ng mga trak na naglalaman ng libu-
libong sundalo para sa pagsalakay. Ito rin ang taktikang ginamit ng Germany nang salakayin nila ang
Poland noong Setyembre 1939, at Denmark at Norway noong Abril 1940. Dahil sa pagkatalo,
pinaghatian ng Russia at Germany ang Poland, samantalang ang kabuuan naman ng Denmark at
Norway ay nasakop ng Germany.
Sa Kanlurang Europa naman, pitong buwan matapos ang pagbagsak ng Poland, ang mga
hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang lamang sa likod ng Maginot Line, isang hanay ng mga moog
na pandepensa sa hangganan ng France at Germany, para sa pagsalakay ng Germany. Subalit, hindi
naglunsad ng opensiba ang puwersang German kung kaya’t tinawag ito na phony war ng ilang
pahayagan at sitzkrieg o sitting war ng mga sundalong German dahil sa kawalan ng labanan.
4
Nagwakas ang phony war noong Abril 9, 1940 nang salakayin ng puwersa ni Hitler ang Norway at
Denmark.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA EUROPE NOONG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
Kailan Ito Ano ang Nangyari? Ano ang Naging Resulta?
Naganap?
Setyembre 1, Nilusob ng puwersang Nazi ang Nagdeklara ang France at
1939 Poland. Britain ng digmaan laban sa Germany
dalawang araw matapos ang paglusob.
Setyembre 17, Sinakop ng Soviet Union ang Pinaghatian ng Germany at
1939 kalahati ng Poland. Soviet Union ang Poland.
Mayo 1940 Sinalakay ng puwersang Tuluyang napalibutan ng
German ang Norway ngunit sila ay mga sundalong German ang Allied Forces sa
madaling nagapi ng Germany, at ang lungsod ng Lille, at upang makaligtas sa
Denmark naman ay hindi na nilabanan nagbabadyang pagkagapi sa digmaan ay
ang agresibong paglusob ng tumakas sila
Germany. Sinalakay rin ng Germany ang patungo sa daungan ng Dunkirk, isang
mga nyutral na bansa ng Belhika, daungan sa France na nasa English Channel.
Holland, at Luxembourg, isang Ang gipit na
estratehiya ni Hitler upang mapalibutan kalagayan ng mga sundalong Pranses sa
ang France. Binomba ng mga eroplanong Dunkirk ang nagtulak kay Punong Ministro
militar ng Germany ang mga bansang ito Winston Churchill ng Great Britain upang
na kung tawagin ay mga low countries at ipamalas ang pagkakaisa ng Allied Forces.
sinira ang mga paliparan, pahatiran, mga
tulay, at iba pang mga imprastraktura.
Hunyo 1940 Nagdeklara si Benito Mussolini Upang maiwasan ang
ng Italy ng digmaan laban sa France lubhang pagkapinsala sa bansa, idineklara ng
noong Hunyo 10, 1940. Sa hilaga naman, pamahalaang Pranses ang Paris bilang open
naglunsad ang Germany ng agresibong city at inilipat ang sentro ng pamahalaan sa
opensiba laban sa France noong Hunyo Bordeaux. Humingi ng armistice sa Germany
14, 1940. Nagtamo ang France ng walang ang France noong Hunyo 22, 1940. Sa ilalim
humpay na pag-atake mula sa mga ng kasunduan, tuluyang sinakop ng Germany
Italyano sa timog, at Nazi naman sa ang hilagang bahagi ng France, kabilang ang
hilaga. Paris, at nagtatag naman ng isang
pamahalaang puppet sa Vichy na
pinamunuan ng isang beterano ng WWI na si
Marshal Henri Philippe Pétain
Itinatag naman ni Charles de Gaulle ang isang samahang militar sa London na tinawag na
Free France. Layunin ng samahang ito na mabawi ang France mula sa kamay ng Germany. Sa loob ng
isang taon mula ng salakayin ng Germany ang Poland, nasakop ng pinagsamang puwersa ng Soviet
Union at Germany ang mahigit sampung bansa sa Europa.
Ang Digmaan sa Britain
Dahil sa pinagsanib na puwersa ng Soviet Union at Germany, halos nasakop nila ang kabuuan
ng Europe, maliban sa Great Britain. Dahil sa naging tagumpay ng puwersa ni Hitler at Mussolini sa
France, bumuo ng isang plano si Hitler kung paano susunod na masasakop ang Britain. Umpisa pa
lamang sa kaniyang pagkakaluklok sa pagiging punong ministro ay inihayag na ni Winston Churchill
na hindi susuko ang Britain sa Germany. Dahil dito, inilunsad ni Hitler ang Operation Sea Lion noong
Agosto 1940.Ito ay isang opensiba at agresibong pagsalakay sa mga plota ng Britain na nakadaong sa
English Channel gamit ang mga Luftwaffe. Hindi rin nakaligtas sa pangbobomba ang mga paliparan,
daungan, pagawaan ng mga eroplano, at mga siyudad sa Britain. Ito ay bahagi ng Operation Sea Lion
upang maging madali para sa mga sundalong Nazi ang paglusob sa Britain. Ang tila walang humpay
na pag-atake ng mga puwersang Nazi sa Britain ay hindi nagpatinag sa katapangan ng mga Ingles.
Lumikas ang mga sibilyan palayo sa London na naging sentro ng mga air raids. Buong tapang din na
5
lumaban ang hukbong panghimpapawid ng Britain na kilala sa tawag na Royal Air Force. Bagaman
higit na mas kakaunti ang kanilang mga eroplanong pandigma kaysa sa Germany, nagawa pa rin ng
Royal Air Force na magdulot ng mabigat na pinsala sa mga Nazi.

Sa tulong ng dalawang makabagong teknolohiyang ginamit ng Royal Air Force sa pakikidigma,


naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang panig. Ginamit
ng RAF ang radar at Enigma – mga teknolohiyang wala sa Luftwaffe. Ang radar ay isang
elektronikong gamit na tumutulong upang matukoy ang bilang, bilis, at ang direksiyong tinatahak ng
mga paparating na Luftwaffe. Ang Enigma naman ay isang uri ng decoding machine na tumulong sa
RAF upang malaman ang palitan ng lihim na mensahe ng mga Nazi. Dahil sa mga ito ay mabilis
nakagawa ng hakbang ang RAF kontra sa Nazi kung kaya’t hindi naging madali para sa Nazi na
pasukuin ang puwersang Ingles.
Ang United States at ang Digmaan

Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano. Batid ni


Pangulong Franklin Roosevelt na kapag nagpatuloy ang pagkapanalo ng puwersang Axis sa digmaan
ay mapipilitan ang United States na makilahok sa labanan. Dahil dito, ipinagtibay sa Kongreso ng
Amerika noong 1941 ang Lend-Lease Act, isang batas na nagbibigay-pahintulot sa mga Allies na
manghiram o upahan ang mga armas at suplay ng digmaan ng United States. Noong taong 1941 rin
ay nagkaroon ng isang kasunduan sa pagitan ni Pangulong Roosevelt at Punong Ministro Churchill na
tinawag na Atlantic Charter. Ang kasunduang ito ay naglalaman ng mga demokratikong prinisipyong
ipinaglalaban ng mga Allies sa digmaan. Nakapaloob din sa kasunduan na sa oras na matapos ang
digmaan at matalo ang mga Nazi, ang lahat ng mga bansa ay mabubuhay nang payapa, malayo sa
takot, at hindi na muling gagamit pa ng dahas.
Noong Agosto 1940, natuklasan ng United States ang lihim na balak ng Japan na sakupin ang
mga bansa sa Timog Silangang Asya. Direktang maapektuhan ang United States sa balak na ito ng
Japan dahil sa kaniyang mga kolonya na nasa Timog Silangang Asya tulad ng Pilipinas at Guam.
Nakipagtulungan ang US sa China upang mapahinto ang Japan sa kaniyang planong pananakop sa
Timog Silangang Asya at Pasipiko.
Naganap noong Disyembre 7, 1941 ang isang malagim na pag-atake ng mga puwersang
Hapones laban sa mga Amerikano. Binomba ng puwersang Hapones ang Pearl Harbor, ang
pinakamalaking naval base ng Amerika sa Pasipiko. Lumubog ang 18 malalaking barko ng US at
tinatayang humigit sa 2,400 na sundalo ang nasawi sa malagim na pagsalakay.
Tuluyang nakilahok ang United States sa digmaan noong Disyembre 8, 1941 bilang tugon sa
naganap na pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor. Sinasabi na ang pagpasok ng United States sa
digmaan ang nagbukas ng pintuan ng pagkakaroon ng digmaan sa Pasipiko.

Ang Digmaan sa Pasipiko


Ang digmaan sa Pasipiko ay nilahukan ng Allies at Japan na tumagal hanggang Agosto 1945. Bago pa
man ilunsad ng Japan ang kanilang pag-atake sa Timog Silangang Asya, nauna na nitong sinalakay
ang Korea, Manchuria, at ilang bahagi sa China. Sinalakay rin ng Japan ang mga isla sa Pasipiko gaya
ng Guam at Wake Island. Hindi nagtagal, naglunsad din ng isang malawakang pagsalakay ang
puwersang Hapones sa Pilipinas. Pinasok ng hukbong Hapones ang lungsod ng Maynila noong Enero
1942. Tinalo ng puwersang Hapones ang pinagsamang puwersa ng mga Pilipino at Amerikano sa
Bataan kung saan maraming sundalong Pilipino at Amerikano ang pumanaw dahil sa Death March.
Naglunsad din ng agresibong pananalakay ang Japan sa Hong Kong, Malaya, Singapore, at East Indies
noong 1942. Sa loob ng anim na buwan, matagumpay na nasakop ng Japan ang mga bansa sa Timog
Silangang Asya at ilang isla sa Pasipiko.

6
Aralin 3: Ang Tagumpay ng Allied Powers at mga Bunga ng Digmaan

Nabago ang ihip ng hangin para sa Allied Forces noong 1943 kung saan nagsimula ng matalo
ang Axis Powers. Noong Hunyo 6, 1944, lumapag at dumaong sa Normandy ang hukbong Allies,
samantalang tinalo naman ng hukbong Ruso ang ang Nazi at nasakop nila ang Berlin.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


Pagbagsak ng Sicily Nabihag ang Sicily noong Hunyo 11, 1945, at matapos ang ilang
buwan ay tuluyan nang sumuko ang Italy noong Setyembre 3, 1945.
Pagkapanalo sa Hilagang Habang maigting na nakikipaglaban sa Egypt si Heneral Montgomery
Africa laban sa mga puwersang Nazi, sinalakay naman ng puwersang
pinamumunuan ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at
Algeria. Matapos ang madugong labanan, tuluyang nabawi ng Allied
Forces ang Hilagang Africa. Ang pagkatalo ng puwersang Nazi sa
Hilagang Africa at ang pagbagsak ng Sicily ang naging hudyat upang
tuluyang bumagsak mula sa kapangyarihan si Mussolini.
D-Day sa Normandy Sa pangunguna ni Hen. Eisenhower, lumapag sa Normandy, France
ang puwersang Allies noong Hunyo 6, 1944. Layunin ng D-Day na
tuluyang palayain ang kanlurang Europe mula sa puwersang Nazi. Ang
Belhika ay napalaya mula sa mga Nazi noong Setyembre 1944.
Bumagsak naman ang Germany noong Abril 30, 1945 dahil sa
ginawang pagsalakay ng mga Allies sa kanluran at ng mga Ruso sa
silangan.
V-J Day (Victory in Japan Day) Noong Agosto 6, 1945, ibinagsak ng United States ang unang bomba
atomika sa Hiroshima kung saan libu-libong tao ang nasawi. Sinalakay
naman ng puwersang Ruso ang Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin
upang bawiin mula sa mga Hapon. Ilang araw matapos ang masaklap
na pagbomba sa Hiroshima, muling nagbagsak ng bomba atomika ang
mga Amerikano sa Nagasaki noong Agosto 9, 1945. Dahil sa dalawang
beses na pinasabugan ng mga bomba atomika, tuluyang nang
tinanggap ng Japan ang pagkatalo at noong Agosto 15, 1945 sumuko
na ang Japan sa digmaan.
Kaakibat ng ginawang pagsuko ng Japan, nilagdaan ng mga pinuno ng Japan ang kanilang
pormal na pagsuko sa digmaan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng
Digmaan sa Pasipko at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang nasa humigit-kumulang 2
milyong Hapones ang nasawi mula sa digmaan at 100 lungsod naman ang nawasak. Hindi naging
madali para sa bansang Japan ang pagbangon, at ito ay tumagal ng maraming taon bago tuluyang
makabangon mula sa bangungot ng digmaan ang mga industriyang Hapon.
Mga Naging Bunga ng Digmaan

Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang itinuturing bilang
pinakamagastos na digmaan sapagkat tinatayang umabot sa halos 2 trilyong dolyar ang kabuuang
halagang nagastos dito. Maliban sa napakalaking halagang nagastos, narito pa ang ilan sa mga naging
bunga ng malagim na digmaan:

Mga Bunga ng Digmaan


1. Malaking bilang ng mga - Tinatayang halos 60 na bansa ang
namatay at nasirang ari- arian. naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay
kaysa noong Unang Digmaang Pandaigdig.

7
2. Natigil ang pagsulong ng - Dahil maraming lungsod at bayan ang
pandaigdigang ekonomiya nawasak, nahinto rin ang mga gawaing agricultural,
industriyal, at komersyal na mahalaga sa paglago ng
ekonomiya.
3. Bumagsak ang mga - Dahil sa kanilang pagkatalo, bumagsak ang
pamahalaang itinatag nina Hitler, totalitaryang Nazi ni Hitler sa Germany, ang pasistang
Mussolini, at Hirohito pamumuno ni Mussolini sa Italy, gayundin ang imperyal na
pamahalaan ni Hirohito sa Japan.
4. Napagtibay ang simulaing - Ang command responsibility ay naglalayong
command responsibility bigyang-kaparusahan ang mga pinunong militar dahil sa mga
nagawa nila at ng kanilang mga tauhan noong digmaan.
5. Isinilang ang mga - Ang mga bansang East at West Germany,
malalayang bans ana Nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia,
noo’y alipin ng digmaan Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq ay ilan
lamang sa mga bansang naging Malaya matapos ang ilang
taong pagiging kolonya ng ibang bansa.

Sanggunian

Adolf Hitler. 2020. Image. Accessed July 2.


https://www.flickr.com/photos/89449499@N02/17505759135.

Amadeo, Kimberly. 2020. "How World War II Changed America's Economy". The Balance. Accessed July 1.
https://www.thebalance.com/world-war-ii- economic-impact-4570917.
Benito Mussolini. 2020. Image. https://www.nationalww2museum.org/death-of- mussolini.
Blando, Rosemarie, and Michael Mercado. 2014. Modyul Ng Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 8 Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed.
Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon.
"Dunkirk Evacuation | Facts, Pictures, & Summary". 2020. Encyclopedia Britannica. Accessed July 1.
https://www.britannica.com/event/Dunkirk-evacuation.
Enigma Machine. 2020. Image. Accessed July 1.
https://www.smithsonianmag.com/smart-news/wwii-enigma-machine- found-flea-market-sells-51000-
180964053/.
Eroplano Ng Royal Air Force Na Gumamit Ng Radar. 2020. Image. Accessed July 2. https://www.warhistoryonline.com/world-
war-ii/raf-luftwaffe-different- ways-adapted-challenges-world-war-two-xb.html.
Malagim Na Pag-Atake Ng Mga Hapones Sa Pearl Harbor. 2020. Image. Accessed July
1. https://pearlharborwarbirds.com/jaw-dropping-color-photos-of-pearl- harbor/.

Mga Ilang Kuhang Larawan Mula Sa Pananalakay Ng Nazi Sa Poland. 2020. Image. Accessed July 1.
https://www.life.com/history/world-war-ii-erupts-color- photos-from-the-invasion-of-poland-1939/.
"Most Essential Learning Competencies". 2020. Deped LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275.

Perry, Marvin. 1995. History Of The World. Boston, MA: Houghton Mifflin Co. Smith, Royde, John Graham, and Thomas Hughes.

2020. "World War II | Facts,


Summary, Combatants, & Causes". Encyclopedia Britannica. Accessed July
2. https://www.britannica.com/event/World-War-II.

"World War II". 2018. HISTORY. https://www.history.com/topics/world-war-ii. "World War II". 2009. History.Com.

https://www.history.com/topics/world-war-
ii/world-war-ii-history.

8
9
10
11
12
13
14
15
16
17

You might also like