You are on page 1of 3

a.

Biglaang paglusob ng walang babala


1. Saan naganap noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang pag bomba atomika ng Amerikano sa japan?
a. Nagasaki c. Tokyo
b. Okinawa d. Hiroshima
2. Habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa
pagsalakay sa Pasipiko. Upang itoy masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis
sa Japan mula United States. Ano marahil ang magiging bunga ng pagpigil ng Amerika sa
pagpapadala ng langis sa Japan?
a. Ito ay mauuwi sa digmaan
b. Ito ay hahantong sa pagbuo ng alyansa
c. Daan tungo sa pagkamit ng kapayapaan
d. lubusang paghahanda para sa isang digmaan
3. Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig:
I. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa Pransya
II. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor
III. Ang pagpasok ng Alemanya sa Poland
IV. Ang pananakop ng Hapon sa Manchuria
a. II, IV, III, I c. IV, III, II, I
b. I, IV, III, II d. III, IV, II, I
4. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:
a. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War
b. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power
c. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal
d. Isang taga suporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa
5. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na, “Ang Kasunduan sa Versailles ang
nagsilbing binhi ng World War II?
a. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles
b. Ang Kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa
Unang Digmaang Pandaigdig
c. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang
maghimagsik sa mga arkitekto nito
d. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan upang
mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa mga bunga ng ikalawang digmaang
pandaigdig?
a. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig.
b. Nagpatuloy ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler sa pagwawakas ng ikalawang
digmaang pandaigdig
c. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga
opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
d. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang
Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon,
India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.
7. Alin sa mga sumusunod na kasunduan ang naging dahilan ng pagtiwalag ng
Germany sa liga ng mga bansa?
a. Treaty of Paris b. League of Nation
c. Kasunduang Versailles d. NATO
8. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang hindi
kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
a. Naitatag ang United Nations d. Nagkaroon ng labanan ng
b. Nagkaroon ng World War III ideolohiya
c. Nawala ang Fascism
9. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probinsyon ng Treaty of Versailles?
a. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany
b. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
c. Dahil ito sa kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente
d. Naniniwala si Hitler na labis na naaapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito
10. Anong Samahang Pandaigdig na may Layuning protektahan ang mga Kasapi nito mula sa agresyon
at panatilihin ang kapayapaan?
a. European Union (EU)
b. United Nations (UN)
c. Organization of American States. (OAS)
d. World Health Organization (WHO)
11. Kailan naitatag ang United Nations?
a. October 24, 1945 c. February 14, 1945
b. December 7, 1941 d. June 12, 1898
12. Ang kauna-unahang UN Secretary General mula Sweden.
a. Winston Churchill c. Woodrow Wilson
b. Karl Max d. Trygve Lie
13. Ang sumusunod ay mga sangay ng United Nations maliban sa,
a. General Assembly c. International Court of Justice
b. International Red Cross d. Security Council
14. Alin sa sumusunod ang nagtatakda sa UN?
a. Ang mga bansang nanalo sa digmaan.
b. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw.
c. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan.
d. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
15. Ang kasunduan sa pagitan ng USA at England na nangakong sisirain ang tiraniya ng Nazi at
itataguyod ng kapayapaan, at seguridad ng lahat ng mga bansa.
a. Ribbentrop-Molotov
b. Atlantic Charter
c. Potsdam Agreement
d. Versailles
16. Alin sa mga naging layunin ng United States ang di kabilang?
a. Panatilihin ang Pandaigdigang Kapayapaan at Seguridad
b. Mapaunlad ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa.
c. Maging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa
d. Lahat ng nabanggit
17. Bilang isang mag – aaral, paano mo ipapakita ang suporta mo sa pagsisikap ng mga
bansang panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan?
a. Magsagawa ng rally sa harap ng Malacanang Palace
b. Mag – imbento ng mas malakas na bomba kaysa sa atomic bomb
c. Itaboy ang mga sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea
d. Magpost sa social media at hikayatin ang mga kapwa mag – aaral na magpost ng
pakikiisa sa adhikahing pangkapayapaan sa mundo
18. Paano binigyang – solusyon ng mga bansa sa mundo ang naganap na pandaigdigang
digmaan?
a. Pinagpapatay ang mga Aleman hanggang sa mawala ang lahi nila sa mundo
b. Nagpulong – pulong ang mga bansa upang itatag ang United Nations na ang
pinakalayunin ay ang pandaigdigang kapayapaan
c. Pinagbayad – pinsala ang Germany at ikinulong si Adolf Hitler
d. Pinasabog ang mga sasakyang pandagat ng US sa Pearl Harbor
19. Paano mo ipakikita ang malasakit sa bansa sa kabila ng digmaan?
a. Tutulungan ang mga nasugatan
b. Tulad ni Hitler, pipili ng magiging kapalit bilang pinuno
c. Makikipagkasundo sa mga kalaban upang matigil na ang digmaan
d. Iisip ng paraan kung paano tutugunan ang pangangailangan ng walang digmaan
20. Paano tinapos ng USA ang digmaan sa Asia-Pacific laban sa Japan?
a. Binagsak ng USA ang mapaminsalang bomba atomika.
b. Sumuko ang Japan kasabay ng pagkamatay ni Adolf Hitler.
c. Napasuko ng USA ang Japan sa pamamagitan ng diplomasya.
d. Tama lahat ng nabanggit.

You might also like