You are on page 1of 5

GOV.

EVELIO B JAVIER MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Tubudan, San Remigio, Antique

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN GRADE 8
I.PAGPIPILI
A. Hanapin sa loob ng Kahon ang tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik lamang.
A. Mein Kampf F. Militarismo
B. Apollo II G.Aparthied
C. Neokolonyalismo H.Genocide
D. League of Nation I. Imperyalismo
E. Demokrasya J. Blitkrieg
______1. Ang “biglaang paglusob” na isinagawa ng mga Aleman o German noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
______2. Ang patakarang pagpaparami ng kolonya upang matamo ang kayamanan at kapangyarihan.
______3. .Akda ni Hitler na pinagbatayan ng ideolohiyang Nazismo
______4. Ang patakarang pagpapalakas ng depensa ng mga bansa upang matamo ang kapangyarihan
______5. Liga ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan na itinatag pagkaraan ng UnangDigmaang Pandaigdig.
______6. Ang maramihang pagpatay sa mga Hudyo sa panahon ng Nazi
______7.Unang sasakyang panghimpapawid na nakarating sa buwan na ipinadala ng United States.
______8. Makabagong anyo ng kolonyalismo kung saan higit nakapanlinlang ang estratehiya sapagkat ang paraan na
ginagamit ay ang political, ekonomiko at kultural upang sakupin at kontrolin ang ibang bansa.
______9. Isang patakarang paghiwa-hiwalay ng mga taong may kulay sa mga taong puti sa Timog Africa.
______10. Uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan upang pumili ng
kanilang kinatawan sa pamahalaan.

B. PAGPIPILI: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong.Pillin ang tamang sagot at isulat ang titik lamang.
1. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A.Pagtatag ng Nagkakaisang Bansa.
B.Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
C.Pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa.
D. Pagkakaroon ng Diwang Nasyonalismo ng mga Kolonyang bansa.
2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Alin sa sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Digmaang ng Germany at Britain
C. Paglusob ng Russia sa Germany
D. Digmaang mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland.
3. Ang kasunduan ng mga bansa na naghudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Treaty of Paris. C. League of Nations
B.United Nations. D. Treaty of Versailles
4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers.
B.Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson.
C. Pagpaslang Kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tukad ng Germany, Austria,Hungary, Russia at Ottoman.
5. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na "Ang kasunduan sa Versailles ang nasilbing binhi ng World
War II."
A. Pabor sa lahat ng bansang mangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles.
B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
C. Ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga
arkitekto into.
D. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang
kapayapaan ng mga bansa.
6. Mga pandaigdigang Krisis na naging hudyat sa Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. Krisis sa Morocco (1905). C. Krisis sa Balkan (1913)
B.Krisis sa Balkan (1908). D. Krisis sa Golpo (1990)
7. Magkakamping bansa bago pumasok ang Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. England. C.United States
B. France. D.Russia
8. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Treaty Versailles ?
A.Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany.
B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon.
C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang sa samahang Triple Entente.
D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito.
9. Ang pamahalaang bumagsak kasabay ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Sosyalismo. C. Monarkiya
B. Demokrasya. D.Totalitarian
10. Ang ginamit ng mga puwersang Alyado sa lungsod ng Hiroshima at Nagasaki.
A. Atomika. C. Raiders
B.Poisonous Gas. D. Submarine
11. Ang Unang tagumpay ng Alyado sa Timog Kanlurang Pasipiko sa Ikalawang Dimaang Pandaigdig ay naganap sa:
A. Battle of Bulge. C.Battle of the Coral Sea
B. Battle of Jutland. D. Battle of Marne
12. Ang pagsalakay sa lugar na ito ay tinatawag na " Araw ng Kataksilan."
A. Nagasaki. C.Pearl Harbor
B. Oklahoma. D. Hiroshima
13.Ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nilagdaan ng Japan ang isang walang pasubaling pagsuko sa
barkong:
A. Atlantic. C.Lusitania
B. US Missouri. D. Royal Bay
14. Ito ay kasunduan " na lahat ng mga bansa ay mabubuhay na sa kapayapaan" pagkatapos mawasak ang Nazi.
A. Atlantic Charter. C. Four Points
B. Lend Lease. D. Treaty of Versailles
15. Batas na nagpapahayag sa pagbibigay ng United States ng kagamitang pandigma sa mga kalaban ng puwersang Axis.
A. Atlantic Charter. C. Four Points
B. Lend Lease. D. Versailles Treaty
16.Ang bumubuo sa tinatawag na Big Four ay sina Wilson, Lloyd George , Orlando at si:
A. Churchill. C. Clemenceau
B. Roosevelt. D. Bismarck
17. Ang organisasyon na nabuo upang matamo ang katahimikan pagka tapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang:
A. Liga ng mga Bansa (League of Nations). C. Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
B.NATO. D. Warsaw Pact.
18.Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang Hindi kabilang sa mga
pangyayari pagkatapos ng digmaan.
A. Naitatag ang United Nations. C. Nawala ang Nacismo at Facismo
B. Nagkaroon ng World War III D. Nagkaroon sa daigdig ng labanan sa Ideolohiya.

19. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaling Ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o super power.
Anong dalawang bansa ang nakakaranas nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. United States at Union of Soviet Socialist Republics.
B.United States at France
C. Germany at Union of Soviet Socialist Republics.
D. Germany at France..
20. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at Kanlurang. Paano nagsimula ang Cold
War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States.
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States.
C. Nangingibabaw ang Ideolohiya ng dalawang makapanyarihang bansa.
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Russia na makapasok sa kanilang bansa.
21. Ang tunggalian ng dalawang Ideolohiya; ang Komunismo at Kapitalismo ay tinatawag na :
A. Phony War. B. Nuclear War. C. Cold War. D. World War
22. Tumutukoy ito sa pagsasara ng mga komunistang bansa sa Europe sa mga kapitalistang bansa sa daigdig.
A. Kurtinang Kawayan. B. Kurtinang bakal. C. Pader ni Hadrian D. Dakilang Pader.
23. Ang tulong pang -ekonomiko ng United States para sa mga bansa sa Europe na nabiktima ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
A. Planong Marshall. B. Planong Truman. C. COMECON. D. Planong Monroe
24. Ang samahang pandepensa ng Soviet Union laban sa mga kapitalistang bansa.
A. EEC. B. ASEAN. C. NATO. D. Warsaw Pact
25. Isang Epiko na naglalarawan sa kagitingan ng mga kawal Ingles laban sa mga Kawal Aleman.
A Epiko ng Channel C.Epiko ng Marne
B. Epiko ng Dunkirk D. Epiko ng Trierry
26. Unang Cosmonaut na lumigid sa mundo sakay ng Vostok I noong 1961.
A. Niel Armstrong C. Edwin Aldrin
B. Yuri Gagarin D. Michael Collins
27. Idoelohiyang tumutukoy sa sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay
kontrolado ng mga pribadong mangangalakal pphanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamalaansa mga
patakarang pangkabuhayan.
A. Kapitalismo C.Komunismo
B. Sosyalismo D. Totalitaryanismo
28. Ang pagkabuo ng mga bansang Nagkakaisa ay napapaloob sa:
A. Kasunduan ng Munich C. Kasunduan ng Versailles
B. Kasunduan ng Moscow D. Kasunduan ng Yalta
29. Ang bansang namuno upang mabuo ang mga Bansang Nagkakaisa.
A. Britain C. France
B.United States D. Soviet Union
30. Tinaguriang “Tigre ng Malaya” sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Hen. Masaharu Homma C. Hen. Tomoyuki Yamashita
B. Hen. Yamato Wasuki D. Hen. Erwin Rommel
III. . ANALOHIYA: Suriin ang batayan ng paghahambing sa Unang pares. Isulat ang angkop na sagot sa patlang upang
mabuo ang paghahambing. Isulat ang titik lamang.
1. Unang Digmaang Pandaigdig: Liga ng mga Bansa; A.Axis
Ikalawang Digmaang Pandaigdig: _________ B.United States
2. Hitler: Nazismo; Mussolini ________ C. Yuri Gagarin
3. Yamashita: Tigre ng Malaya; Erwin Rommel: _______ D. Marshall Plan
4. Japan: Pearl Harbor; America:________ E. Warsaw Pact
5. Woodrow Wilson:14 na puntos; Roosevelt: _______ F. Desert Fox
6. Demokrasya: NATO; Komunista:______ G. Hiroshima
7. United States: Alyado(Allied); Germany:________ H. Atlantic Charter
8. Sputnik: USSR; Friendship 7:________ I. Facismo
9. United States: John Glenn Jr.; USSR:______ J. United Nations
10. Komunista: CENTO; Demokrasya:_______ K. League of Nations
IV. PAGTUTUKOY
A. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War. Sabihin kung anong bansa ang may
kaugnayan sa mga nasa ibaba. Isulat US para sa United States at RS para sa Russia.
___________1. Planong Marshall
___________2.COMECON
___________3.NATO
___________4.komunismo
___________5. Warsaw Pact
___________6. Kurtinang bakal (Iron Curtain)
___________7. Doktrinang Monroe
___________8. Silangang Europe
___________9. Kapitalismo
___________10.Demokrasya
B. Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo ang talata. Hanapin sa loob ng kahon ang tamang
kasagutan. Isulat ang titik lamang.
A. Emir, Prinsesa/ Prinsepe. F. Diktatorya
B. Sultan H. Pederal
C. Absoluto I. Unitaryo
D. Konstitutusyunal J. Pariyamentaryo
E. Sosyalismo K.Presidensiyal

Republika, (1) _______________ ang tawag kapag ang Pangulo ang pinuno ng
estado at (2) _______________ naman kapag ang namumuno sa gabinete ay ang
Punong Ministro. Saklaw ng pamahalaang pambansa ang pamahalaang lokal sa
sistemang (3) _______________. Malaya naman sa isa’t isa ang pamahalaang lokal at
pang-estado sa sistemang (4) _______________.

(5) ________________ ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng iisang


tao na gumagamit ng dahas at pamimilit. Samantalang ang pamamaraan ng pagkontrol
ng produksyon at distribusyon ng isang bansa ay ang tinatawag na (6) _____________.
Monarkiyang (7) ________________ ang tawag kapag limitado ang
kapangyarihan ng pinuno at monarkiyang (8) ________________ kung labis ang
kanyang kapangyarihan. Sa Sultanato, hawak ng (9) __________________ ang
kapangyarihan samantalang mga (10) _________________ naman ang namumuno sa
pamahalaang Emirate.

“Always remember that life is a journey not a destination.”

----------------------------------------------------------GOD BLESS--------------------------------------------------------------
Inihanda ni: Bb. Levymae C. Ollague

You might also like