You are on page 1of 10

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

2
Alamin Natin
Magandang araw sa iyo aking mag-aaral. Natatandaan mo pa ba ang mga pangyayaring
naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig? Ang mga dahilan kung bakit ito sumiklab, ang
mga naging bunga nito at kung paano ito nagwakas? Sa Bago nating aralin ngaon ating
aalamin ang mga kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Pinakamahalagang Kasanayan ng Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan,
mahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
(AP8AKD-IVb-2)
Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aralan mo ang sumusunod na paksa:

• Mga sanhi ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


• Mga pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo ang
sumusunod:
1. natutukoy ang mga dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. natatalakay ang mahalagang pangyayari sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
3. naisa-isa ang mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Subukin Natin
Subukan mong sagutin ang mga tanong kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa
na ating pag-aaralan sa modyul na ito.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginawa ng United States sa Japan sa pagsiklab ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Nagtayo ng Base-Militar.
B. Nagpasabog ng Atomic Bomb.
C. Nakipag-alyansa sa mga Hapones.
D. Nagpautang ng napakalaking halaga.
2. Ang pag-iral ng iba’t ibang ideolohiya ay isa sa mga naging sanhi ng pagsiklab ng
Ikalawang digmaang Pandaigdig. Aling ideolohiya ang sinuportaha ng US na
nagsusulong na mag-iipon ng kapital para mapalago ang negosyo.
A. Sosyalismo B. Komunismo C. Kapitalismo D. Pasismo
3. Ano ang katangian ng ideolohiyang pinalaganap ni Adolf Hitler sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Sosyalismo B. Demokrasya C. Komunismo D. Totalitaryanismo

4. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing dahilan sa pagtiwalag ng Germany sa Liga


ng mga bansa?
A. Pag-alis ng Liga sa Pagsasandata ng Germany.
B. Pag-alis ng karapatan sa Germany na mag-armas.
C. Pagtatag ng Germany ng sandatahang lakas ng bansa.

3
D. Pagbabawal ng Liga sa Germany na gumamit ng sandata.
5. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pag-atras ng Estados Unidos sa Kasunduang
Versailles na naging sanhi sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A.Hindi naisakatuparan ang kasunduang pangkapayapaan na nakasaad sa
Treaty of Versailles.
B. Hindi ito sang ayon sa mga patakarang nakasaad sa kasunduan.
C. Para sa US, mali ang lugar na pinaglalagdaan ng kasunduan.
D. Hindi nagustuhan ng US ang mgalumagda sa kasunduan.

Aralin Natin
Gawain: Magbasa at Matuto

I. Mga Sanhi sa Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Hindi pa man lubusang nakakabangon sa mga pinsala sa unang digmaan ang mga
bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin
ito nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang
pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayaring naganap at
nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang sumusunod.
❖ Ang pag-atras ng Amerika sa pagpapatibay sa Treaty of Versailles
Ang Treaty of Versailles ay isang kasunduan sa pagitan ng Allies at Germany na
nilagdaan noong Hunyo 28, 1919 na naging dahilan sa pagwakas ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Dahil sa hindi paglagda ng Amerika ang Great Britain at France ang naatasang
magbabantay sa pagsasakatuparan sa nasabing kasunduan. Ang kasunduan ay hindi
maituturing na kasunduang Pangkapayapaan sa dahilang nasundan ito ng mas Malaki
pang digmaan.
❖ Ang Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
Noong 1931, inagaw ng Japan ang lungsod ng Mamchuria. Kinundena ng Liga ng mga
Bansa ang Japan at sinabing mali ang ginawang paglusob. Kasunod ng pagkundena,
itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan.
❖ Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa. Ang Germany
Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga
Germany, ang pag-alis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan
ng pag-alis ng Karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler,
ang lider ng Nazi, ang muling pagtatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na
labagin ang kasunduan ng Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.
Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang
Mabuti Adolf Hitler ang muling pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng
Germany, ang France ay nakipag-alyansa sa Russia laban sa Germany. Pinalilimitan
naman ng England ang bilang o laki ng puwersa ng Germany. Ngunit sa kabila nito’y
nagpadala pa rin ng tropa sa SONA ang Germany.
❖ Ang Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong
1935. Tuwirang nilabag ng Italy ang Kasunduan sa Liga ( Covenant of the League)
❖ Ang Digmaang Sibil sa Spain
Nagsimula ang digmaang Sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig:
ang pasistang Nationalist Front at ang Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga

4
Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang Sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng
ibang bansa.

❖ Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)


Nais ng mga mamamayang Austriano na maisam ang kanilang bansa sa Germany.
Ngunit ang pagsisikap nito ay sinalungat ng mga bansang kasapi ng Allied Powers (1.France
, 2.Great Britan, at 3.United States). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany
na kinalabasan ng Rome-Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing
union ng Austria at Germany ay nawalan ng bisa noong 1938.

❖ Ang paglusob sa Czechoslovakia


Noong Setyember 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikap
na matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng England si Hitler na
magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939,
ang mga natitirang teritoryosa Czechoslovakia ay napunta sa Germany.

❖ Ang Paglusob ng Germany sa Poland


Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdigan ay ang
pagpasok ng mga Germany sa Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng
Germany sa Russia na kapuwa pupirma sa kasunduang RibbentropMolotov, isang
kasunduan ng hindi pakikipagdigma. Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng sumusunod na
pangyayari.

1. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.


2. Pagkainis ng Russia sa England nang ang ipinadalang negosyador ng England sa
Kasunduan Ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao.

❖ Pagkakaroon ng Iba’t-ibang Ideolohiya sa Europa

Hindi magkapareho ang ipinatupad na ideolohiya ng mga bansa kaya hindi


maiiwasan ang hidwaan, Ang Russia ay nagsusulong ng Sosyalista, samantalang ang
Amerika, Great Britain at ibang kaalyado nito ay nagpapatupad ng kapitalismo. Ang
Germany ay Totalitaryanismo at Italy ay Pasismo.
❖ Ang Pagkawatak-watak ng Europa sa mahihinang Estado
Sa pagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig nabuo ang mga maliliit na estado sa
Europa tulad ng Yugoslavia, Czechoslovakia, Estonia, Latvia, Lithuania, Finland, Poland,
Austria at Hungury.

II. Mga Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

 Ang Digmaang Naganap sa Europa


Malaki ang naging papel ni Adolf Hitler, ang lider ng Germany sa pagsiklab ng
digmaan sa Europa. Naging mananakop si Hilter sa tulong ng kanyang hukbong
sandatahan. Sinalakay nila ang Austria at Czechoslovakia maging ang Poland. Ninais ng
Germany na manakop ng mga teritoryo sa mga bansang Europeo.
Nang malaman ng France at Great Britain ang ginawang pananakop ng Germany
sila ay nagpapahayag ng pakikidigma dito. Pagkatapos nasakop ng Aleman ang Poland,
sinimulan ni Hitler ang biglaang paglusod sa mga bansang Europeo na hindi nagbibigay ng
babala at ito ay tinawag na Blitzkrieg.

5
Tinulungan ng Russia ang Germany sa pakikipagdigmaan na ito. Maraming bansa
ang natalo sapakikipaglaban at ang kagitingan na ipinaalas ng mga sundalo sa
pakikipaglaban na ito ay itinuring na Epiko ng Dunkirk. Ang labanan na ito ay naging
labanan ng dalawang grupo: ang Allied Powers na binubuo ng France, Great Britain at
U.S.; at ang Axis Power na binuo naman ng Germany na pinamunuan ni Adolf Hitler, Italy
ni Benito Mussolini at Japan ni Hirorito.
Si Benito Mussolini ay isang pinuno ng Italya. Ang taong nagpasimula ng
Facism/Pasismo. Isa rin siya sa pinakamalalakas na lider katulad ni Hitler.
Ang Pasismo ay kilusang politikal na namayani sa Italya mula 1922 hanggang 1943 sa
ilalim ng pamumuno ni Mussolini.

Kumalat sa buong Europa ang mga katulad na kilusan, ang Unang Digmaang
Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagmula ang salitang "pasismo" sa salitang
Italyo na fascio, na ibig sabihin ay "bigkis", na parang sa politika o militanteng grupo o sa
isang bansa.

Bilang sistemang pampolitika, tumuturing ito sa isang sistemang nagtatampok,


pumupuri, dumarakila, nag-aangat ng antas o uri, o nagpapatingkad ng nasyon at lahi o
lipi, na hindi nagpapahintulot ng pagkalaban o oposisyon, at nagpapanatili ng pagtaban o
kontrol sa lahat ng mga aspeto ng mga buhay ng mga mamamayan ng bansang nasa ilalim
ng ganitong sistema.

Si Emperador Hirohito ay naging prinsipe siya ng bansang Japan sa edad na 15 at


hinirang bilang ika-124 na emperador ng bansang Japan . Siya ang kahulihulihang
kinilalang Diyos-Emperador ng mga Hapones at ginawaran ng titulo bilang Emperador
Showa na ang ibig sabihin ay "Enlightened Peace".
Umupo siya sa trono sa loob ng 63 taon. Itinuturing na siya ang pinakamatagal na
pinuno na niluklok sa bansa. Siya ang namuno sa panahong magulo ang bansang Japan
at panahon ng digmaan. Taong 1927 nang alanganin nitong sinuportahan ang pananakop
ng mga opisyal ng Hukbong Japan sa Manchuria na nagdala ng ligalig sa Japan. Hulyo ng
taong 1937 nang nagsimula ang alitan sa pagitan ng Japan at Tsina.
Nangyari din sa panahon ng kanyang pamumuno nang hulugan ng bomba atomika
ang mga bayan ng Hiroshima at Nagasaki ng Amerika. Sa isang makasaysayang
pagpupulong noongika-9 ng Agosto 1945, ipinahayag ni Hirohito ang kanyang pagsuko sa
Estados Unidos ngunit nanatili siya bilang opisyal na pinuno ng Japan hanggang sa
pumanaw siya noong 1989.
 Digmaan sa Hilagang Africa

Ang Hilagang Aprika ay ang bahagi ng kontinente ng Aprika na malapit sa ilang


bahagi ng Asya. Binubuo ito ng pitong bansa, ito ay ang Algeria, Egypt, Libya, Morocco,
Sudan, Tunisia, at Kanlurang Sahara. Naganap ang digmaan sa hilagang bahagi ng Aprika
noong Setyembre 13, 1940 at ito ay nagwakas noong Mayo 13, 1943. Ang ilan sa mga
bansang nakalaban nito ay ang Italya, Alemanya, United Kingdom at Estados Unidos.
Naganap ang labanan sa pagitan ng Libya at Egypt.
Nagresulta ito sa pagkatalo ng Italya at ang pagsuko ng Alemanya sa labanan.
Namuno rito si Anglo Montgomery at si Rommel. Napabagsak nila ang pwersa ng mga
Aleman gayundin ang labing dalawang dibisyon na binuo ng Italya. Natalo ang hukbo ng
mga Italyano sa Hilagang Aprika at Sicily na nagresulta sa pagbagsak ng Mussolini. Ito ay
naganap habang kasalukuyang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

6
Upang makasatuparan operasyong militar sa Aprika, naglunsad ng dalawang hukbo
ang Italya. Ang unang hukbo ay ipinadala sa Silangang bahagi ng kontinente, at ang
pangalawang hukbo naman ay ipinadala sa Hilagang bahagi nito.
Inumpisahan ng mga Italyano ang pagsugod sa Hilagang bahagi mula Hulyo hanggang
Agosto ng taong 1940. Sinimulan nila mula sa Sudan, Etyopya, Kenya at hanggang Somalia
ang kanilang pag-atake. Sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower sa puwersa ng
Anglo-Amerikano ay sinalakay ang Morocco at Algeria habang nakikipaglaban si
Montgomery sa mga Nazi upang depensahan ang Egypt.

 Digmaan sa Pasipiko at Pagkasangkot ng Amerika sa Digmaan

Ang hukbong Japan ay naging mananakop rin tulad ng mga Aleman at ito ay
naghahanda sa pagsalakay sa Pasipiko. Sa pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor, pormal
na itong sumali sa digmaan sa panig ng Germany at Italy.
Ikinagalit ng United States ang pagiging mananakop ng Japan kaya’t pinatigil nito
ang pagpapadala ng langis. Tumulong ang Germany at Italy at nagpahayag rin ito ng
pakikidigma sa United States. Narating ng Japan ang tugatog ng tagumpay sa pananakop
sa Pasipiko noong 1942 at itinatag ang Greater East Asia CoProsperity Sphere.
Ang Battle of Leyte Gulf sa Pilipinas noong Oktubre, 1944 ang sinasabing
pinakamalaking digmaang pandagat sa kasaysayan. Sumuko ang Japan ng ibagsak ng
U.S. ang Atomic Bomb sa Hiroshima noong Agosto 6, 1945 at Nagasaki noong Agosto 9,
1945.
Inatake ng pwersangAmerikano atAustralian ang mgalugar sa Asia-Pacificna
nasakop ng Japan. Ang Japan ay sumuko noong Setyembre 2, 1945 sa barkong USS
Missouri na nakadaong sa Tokyo Bay.Unti-unting natalo ang Japan at nabawi ang mga
bansang nasakop kasama ang ating bansa, ang bansang Pilipinas.

Sanayin Natin
Gawain: Timbangin Mo ang Bunga!

Panuto: Basahin ang mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ibaba.
Isulat ang salitang TAMA sa ‘buslo’ kung wasto ang ipinapahiwatig ng pangungusap at
MALI naman kung salungat sa katutuhanan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Mas Malaki ang bilang ng pinsala at namamatay sa Unang Digmaang Pandaigdigan


kumpara sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig.

3. Sa pamumuno ni Adolf Hitler, sinakop ng Germany ang Ethiopia noong 1935.

4. Bumagsak ang pamahalaang totalitariang Nazi ni Adolf Hitler, Pasismo ni Mussolini


at Imperyong Japan ni Hirohito.

7
5. Ang kasunduang Versailles ay hindi maituturing na kasunduang pangkapayapaan
sa dahilang nasundan ito ng mas Malaki pang digmaan.

6. Nagkaarmas at nagkaroon ng tunay na pagsasanay militar ang mga bansang naging


kolonya.

7. Nahahati ang daigdig sa tatlong nagtutunggaling ideolohiya ang Kapitalismo ng


U.S. at Sosyalismo sa USSR at demokrasya sa Asya

8. Pumasok ang daigdig sa panahon ng Cold War, isang nakagigimbal na panahon ng


armas at takutan.

9. Nagsimula ang digmaang Sibil sa Italya noong 1936.

10. Si Benito Mussolini ay naging prinsipe siya ng bansang Japan sa edad na 15


at hinirang bilang ika-124 na emperador ng bansang Japan.

Tandaan Natin
Binabati kita! Malapit mo ng matapos ang mga gawain sa modyul na ito. Ang ibig
sabihin nito ay lubos mo nang naunawaan ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ang epekto nito sa buong mundo.
Huwag mong kalimutan ang mahahalagang aral na iyong natutunan. Narito ang mga
dapat mong tandaan.
• Ang digmaan ay isang palitan at marahas ng paglalapat ng lakas sa pagitan ng
magkalabang pampolitika na entidad na naglalayong matamo ang minimithing
huling kondisyong pampolitika sa pamamagitan ng sandatahaang sagupaan.
• Allied powers -kinabibilangan ng bansang France, Great Britain at United States.
• Axis Powers- mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Kabila dito ang Germany, Italy, at Japan.
• Alyansa (Allies)- pagbubuong grupo o lupon ng mga makapangyarihang bansa sa
Europe
• Digmaang Sibil (civil war) - isang digmaan sa pagitan ng mga itinayong mga grupo
sa isang bansa o republika. Ang layunin ng isang grupo ay upang pangasiwaan ang
buong bansa o isang rehiyon upang makamit ang kalayaan o upang palitan ang
namumunong kasalukuyang gobyerno ng isang bansa.
• Kasunduan ng Versailles (Treaty of Paris)- kasunduang opisyal na nagwakas sa
Unang Digmaang Pandaigdig, naganap noong Hunyo 28, 1919 sa pagitan ng Allies
at Germany
• Liga ng mga Bansa (League of the Nations)- itinatag ng 42 bansa noong Enero 10,
1920 na ang pangunahing layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng
negosasyon at diplomasya
• Setyembre 2, 1945 pormal na pagsuko ng Japan sa USS Missouri na nagwakas sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

8
• Benito Mussolini ay isang pinuno ng Italya at nagpasimula ng Pasismo.
• Adolf Hitler ang lider ng Germany sa pagsiklab ng digmaan sa Europa.
• Emperador Hirohito ay naging prinsipe sa bansang Japan sa edad na 15 at hinirang
bilang ika-124 na emperador. Ginawaran ng titulo bilang Emperador Showa na ang
ibig sabihin ay "Enlightened Peace".

9
Sanggunian

Soriano, Celia D. et al, Kayamanan. Kasaysayan ng Daigdig, Sampaloc Manila,


Philippines, Rex Book Store, Pebrero 2017 ph. 472-523

Blando, Rosemarie C. et al,Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan-Kagamitan


ng Mag-aaral, Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS), Meralco Ave., Pasig City, Philippines, 2017

Mateo, Grace Estela C. et al, Kasaysayan ng Diagdig, Batayang Aklat sa Araling


Panlipunan, Ikatlong Taon, Bagong Edisyon 2012

Most Essential Learning Competencies (MELCS), 2020, Department of Education,


Pasig City, Philippines
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


hy

You might also like