You are on page 1of 14

8

8
Department of Education
National Capital Region
SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pangalawang Markahan – Modyul 1

Manunulat: Carolyn P. Belar

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1

Alamin

Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, ay inaasahang madadagdagan na naman ang


iyong kaalaman tungkol sa mga dahilan, mahalagang pangyayari, at epekto ng pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig o World War II (WWII)
Narito ang mga layunin ng araling ito:

1. nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
1.1 natatalakay ang mga dahilan na nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig o World War II (WWII);
1.2 natutukoy ang mahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (WWII); at
1.3 nailalahad ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Subukin

Gawain 1: Unang Kaalaman Sukatin, Tanong Sagutin!


Susukatin natin ang unang kaalaman mo sa gawaing ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang

____1. Ang kinikilalang lider ng Nazi.


A. Adolf Hitler C. Benito Mossulini
B. Dwight Eisenhower D. Hideki Tojo
____2. Ang taong namuno nang sakupin ang Ethiopia ng Italya noong 1935.
A. Adolf Hitler C. Benito Mossulini
B. Hideki Tojo D. Dwight Eisenhower
____3. Ito ay kasunduan ng hindi pakikidigma na kapwa pinirmahan ng Germany at Russia.
A. Lend Lease C. Atlantic Charter
B. Ribbentrop-Molotov D. Blitzkrieg
____4. Noong 1940, ang Phony War ay biglang natapos sa dahilang sinimulan ni Hitler ang biglaang
paglusob ng walang babala. Ano ang ibang tawag nito?
A. Treaty of London C. Lend Lease
B. Treaty of Versailles D. Blitzkrieg

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
____5. Ito ay ang huling pangyayaring nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang
pagpasok ng mga Aleman sa bansang _____ noong 1939.
A. France B. Italy C. Japan D. Poland
____6. Sino ang Punong Ministro ng Japan na nagpunta kay Embahador Saburu Kusuro upang
tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan upang maiwasan ang krisis ng
America at Japan?
A. Hideki Tojo B. Benito Mussolini C. Adolf Hitler D. Dwight Eisenhower
____7. Kailan tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila?
A. Enero 10, 1942 B. Enero 2, 1942 C. Enero 1, 1942 D. Enero 3, 1945
____8. Ito ay isa sa hukbong dagat ng United States sa Hawaii na sinalakay ng Japan noong
Disyembre 7, 1941.
A. Pell Harbor B. Pill Armor C. Pearl Armor D. Pearl Harbor
____9. Ang tawag sa pataksil na pagsalakay ng Japan sa America?
A. Day of Victory B. Infamy C. I-Day D. Day of Imfamy
____10. Ilang bansa ang tinatayang naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. 50 B. 55 C. 60 D. 70

Balikan

Gawain 2: Nakaraang Aralin, Alalahani’t Paunlarin!


Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang tamang sagot nito sa
mga salitang nakasulat sa loob ng table. Isulat ito sa sagutang papel.

nasyonalismo $200 bilyon Enero, 1918


imperyalismo Italy Hunyo 28, 1919
Versailles Hunyo 28,1914 kanluran
18 milyon $200 milyon Gavrilo Princip
___1. Ang kabuoang pinsala o nagastos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
___2. Tawag sa kasunduang opisyal na nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig na
naganap noong Hunyo 28, 1919 sa pagitan ng Allies at Germany.
___3. Saang bahagi ng Europa naganap ang pinakamainit na digmaan ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
___4. Ito’y isa sa dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig na
nangangahulugang isang makabayang pilosopiya na tumutugon
sa pagiging makabayan na may paninindigan, karapatan, diwa, at
pakikisangkot para sa lipunan.
___5. Dalawang alyansa ang nabuo noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay ang
Triple Alliance na kinabibilangan ng bansang Germany, Austria-Hungary at___.
___6. Ang pagpapalawak ng teritoryo na isinagawa ng mga bansang Europeo sa
pamamagitan ng pagtatag ng kolonya ay isa sa naging sanhi ng Unang
Digmaang Pandaigdig, ano ang tawag nito?
___7. Bilang ng sibilyang namatay sa sakit, gutom at pagpapahirap.
___8. Ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand na tagapagmana ng trono ng

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Austria-Hungary kasama ang kanyang asawang si Sophie.
___9. Kailan opisyal na nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?
___10. Kailan nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig?

Tuklasin
Gawain 3: Teksto Basahin, Tanong Sagutin!
Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa paksa. Pagkatapos, sagutan mo ang Gabay na Tanong na
makikita sa ibaba.

Mga Dahilan na Nagbigay-daan sa Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

1. Manchuria, Inagaw ng Japan


Inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria noong 1931. Kinundena ito ng Liga ng mga
Bansa at itiniwalag ang Japan sa Liga ng mga Bansa (League of Nations).

2. Germany, Umalis sa Liga ng mga Bansa


Noong 1933 ay lumisan ang Germany sa Liga ng mga Bansa dahil ayon sa kanila ang
pag-aalis at pagbabawal ng liga sa pag-aarmas ng Germany ay isang paraan sa pag-alis ng
karapatang mag-armas.
Adolf Hitler, lider ng Nazi, pinasimulan niya ang muling pagtatag ng sandatahang lakas
ng bansa. Layunin nito na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Alemanya sa
kahihiyang kondisyon at dito nagbalak si Hitler ng muling pananakop.
Ang France ay nakipagsabwatan sa Russia laban sa Germany bilang sagot din sa
paghahanda ng Germany.
3. Ethiopia, Sinakop ng Italya
Sinakop ng Italya ang Ethiopia taong 1935 sa pangunguna ni Benito Mussolini. Dahil
dito ay tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League).
4. Digmaang Sibil sa Spain
Noong 1936, nag-umpisa ang digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng dalawang panig. Ito
ay ang pasistang Nationalist Front at ang Socialist Popular Army na napagtagumpayan ng
Nasyonalista. Sa digmaang ito, marami ang nadamay dahil sa pakikialam ng iba pang bansa.
5. Pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss)
Ang pagnanais ng mga mamamayang Austriano na mapabilang ang kanilang bansa sa
Germany ay hindi sinang-ayunan ng mga bansang kasapi sa Allied Powers na binubuo ng
France, Great Britain, at United States dahil sa kasunduan ng bansang Italya at Germany na
Rome-Berlin Axis noong 1936.
Ang paghadlang ni Mussolini sa nabanggit na unyon ng Austria at Germany ay nawalan
rin ng bisa taong 1938.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
6. Pagsakop ng Germany sa Czechoslovakia
Hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagpursigehan ang kanilang
awtonomiya upang mapagtagumpayan ito noong Setyembre, 1938. Bunga nito, pinaanyayahan
ng England si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich.
Noong 1939, nasakop ni Hitler ang Sudeten at ang iba pang teritoryo sa Czechoslovakia.

7. Pagpasok ng Germany sa Poland


Ito ang huling pangyayaring nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong
1939, ang pagpasok ng mga Germany sa Poland. Ang pagsakop na ito ay ang pagbaliktad ng
Germany sa Russia na kapwa pumirma ng kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan
nang hindi makikipaglaban. Ang ugat ng pagbabaliktad na ito ay bunga ng mga sumusunod:
a. Hindi pag-anib ng Russia sa negosasyon tungkol sa kaguluhan sa
Czechoslovakia.
b. Pagkainis ng Russia sa England nang magpadala ito ng negosyador na hindi
mahalagang tao sa kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact).
A. Mga Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel).

1. Sa mga tinukoy na sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Alin dito ang sa palagay
mo ang pinakamabigat na dahilan? Bakit?
2. Pumili ng isang dahilang nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ilarawan
mo ito ayon sa pagkakaunawa mo.

Mahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Sinalakay ni Adolf Hitler, lider ng Nazi at ng kanyang sundalo ang Austria at
Czechoslovakia upang gawin itong teritoryo noong tag-araw ng 1939. Nais kunin ni Hitler
mula sa Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor. Sinalungat ito ng Poland na nagbunga
ng pagkaroon ng krisis.
Pagsapit ng Ika-1ng Setyembre, 1939 (sinasabing opisyal na nagsimula ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig) ang puwersang Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa
Poland. Ginamit ng hukbong Germany ang estratehiya sa pakikidigma na blitzkrieg o
lightning war, (biglaang paglusob ng walang babala). Nang malaman ito ng Great Britain ay
nagpahayag sila ng pakikipaglaban sa Germany.
Ika-17 ng Setyembre 1939, ang Russia na may nakatagong kasunduan kay Hitler ay
nakipaglaban na rin sa Poland sa bahaging Silangan. Bunga ng pagkatalo ng Poland ay
pinaghahatian ito ng Germany at Russia ng walang naganap na digmaan.

Ang Digmaan sa Europa


Sa bahaging kanluran ng Europa ay naghihintay sa Maginot Line ang magkaalyansang
Pranses at Ingles habang nagkukuta naman ang hukbong Germany sa Siegfried Line. Ang
Maginot Line ay isang bakal at konkretong moog na itinayo pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa pagitan ng France at Germany, samantalang ang Siegfried Line ay depensa ng
Germany na itinayo noong dekada 1930. Magkatapat ang dalawang linya ng depensa at
nagkakakitaan ang dalawang sundalo ng dalawang pangkat.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Ang Phony War ay nagwakas ng isinagawa ni Hitler ang blitzkrieg (biglaang paglusob ng
walang babala) pagsapit ng Abril, 1940.
Noong Ika-9 ng Abril 1940, sinalakay ng Germany ang Denmark at Norway sa
dahilang nais ng Germany na magtayo dito ng base militar sa dalampasigan na magsilbing
lunsaran sa pag-atake ng Britain. Nakipaglaban ang Norway, samantalang ang Denmark ay
hindi na nakipaglaban. Tumagal ng dalawang buwan ang digmaan bago napasuko ang
Norway.
Pagsapit ng Ika-10 ng Mayo 1940, nang simulang salakayin ni Hitler at hukbo nito
ang Holland, Belgium, at Luxembourg. Winasak ng bomba ng eroplanong Germany ang
paliparan, pahatiran at tulay ng nasabing mga bansa.
Sa utos ng Punong Ministro ng England na si Winston Churchill ay umurong ang
hukbo sa tabing-dagat ng Dunkirk dahilan sa kabiglaan nito sa mga pangyayari. Itinuturing na
Epiko ng Dunkirk ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalong Pranses.
Noong Ika-10 ng Hunyo 1940, ay dumating sa pintuan ng Paris ang Aleman. Natalo
ang Paris at ang pamahalaan nito ay inilipat sa Bordeux.

Ang Pagsapi ng United States sa Alyadong Bansa


Nag-aalala ang mga Amerikano sa pagkapanalo ng Nazi na pinamumunuan ni Hitler
sa kontinenteng Europa. Nabahala rin ito sa kaligtasan ng bansang England lalo na ang
layuning demokrasya. Sa pag-alala ng kanilang kaligtasan ay pinaigting ng kongreso ang
Lend Lease Program ngUnited States na naglalayong magpahiram ng $50 bilyong halaga ng
mga kagamitan at armas sa mga Alyadong bansa. Pagsapit ng 1941, sumapi sa Alyadong
bansa ang United States.
Nagsagawa ng isang pagpupulong sina Pangulong Roosevelt ng United Sates of
America, Winston Churchill, Punong Ministro ng England sa baybayin ng New foundland
noong 1941, upang isagawa ang kasunduang tinatawag na Atlantic Charter. Nilalaman ng
kasunduang ito na “Pagkatapos sirain ang tinariya ng Nazi, ang lahat ng mga bansa ay
mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit pa ng puwersa.”

Ang Digmaang Naganap sa Pasipiko


Habang nanalakay sa Europa ang hukbong Nazi, naghahanda naman ang hukbong
Hapones sa Pasipiko.Upang masugpo ang pagsalakay, ipinagbawal ng Kongreso ng United
States ang pagpapadala ng langis at pinigil ang lahat ng ari-arian ng Japan sa United States.
Ipinadala ni Heneral Hideki Tojo si Embahador Saburu Kurusu sa Washington
upang tulungan si Admiral Kichisakuro Nomura sa pakikipag-usap upang maiwasan ang
krisis ng Amerika at Japan. Ngunit hindi tapat si Tojo sa kanyang pakay dahil habang pinag-
uusapan ang kapayapaan, naghahanda naman ng digmaan ang Hapones.
Noong Ika-6 ng Disyembre 1941, habang isinagawa ang pag-uusap ng Amerika at
Hapones sa Washington ay patraydor na sumalakay ang Hapones pagsapit ng Ika-7 ng
Disyembre 1941 sa Pearl Harbor, isang hukbong pandagat sa Hawaii. Ang pataksil na
pananalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy”. Dahil sa biglang pananalakay
na iyon ng mga Hapones sa Amerika ay nasira nito ang US Pacific Fleet. Limang (5) bapor
pandigma ang napalubog; tinatayang 200 Amerikanong eroplano ang nawasak; 2,043 ang
nasawing Amerikano; at 1,178 ang sugatan. Sa galit ng Great Britain at United States sa
Hapones ay nagdeklara ito ng pakikipaglaban. Noong Ika - 11 ng Disyembre 1941, ang

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Germany at Italy na kapwa kakampi ng Japan ay sumugod sa United States at nagdeklara rin
ng pakikipagdigma na naging dahilan ng paglaganap ng kaguluhan sa buong mundo.
Pagkatapos salakayin ang Pearl Harbor ay sinalakay din ng mga Hapones ang
Pilipinas. Sinira nito ang Clark Field, Pampanga. Lumaban ang mga Pilipino sa pangunguna
ni Pangulong Manuel L. Quezon at Heneral Douglas McArthur.
Kasabay sa pananalakay ng Hapones ay ang pakikidigma rin nito sa Thailand, British
Malaya, Hongkong, Guam at Wake Islands kung saan napasakamay ng Hapones ang tatlong
(3) huling bansang nabanggit bago matapos ang Disyembre. Ang sundalong Pilipino at
Amerikano ay nagkuta sa Bataan at Corregidor at iba pang panig sa Pilipinas. Ang Maynila
ay ipinakilala bilang isang Open City ngunit kinuha pa rin ito ng Hapones noong Ika-2 ng
Enero, 1942.
Noong Ika-6 ng Mayo 1942 ang Corregidor, ang pinakahuling pananggalang ng
demokrasya sa Asya ay sumuko sa mga Hapones. Ito ang tanggulang nagbigay ng
pinakamahigpit na digmaan sa mga Hapones.
Nagwagi ang Hapones sa pananakop sa Pacific taong 1942. Nasakop nito ang
500,000,000 katao sa Timog-Silangang Asya at nagtayo ng Greater East Asia Co-prosperity
Sphere, sa layuning isailalim ang Asya sa kanyang kontrol, at paunlarin para sa mga Asyano.

B. Mga Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel).

1. Paano nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


2. Bakit ang bansa natin (Pilipinas) ay nakasali sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
3. Tama ba ang ginawang pagbagsak ng bomba atomika ng United States sa ilang lugar ng mga
Hapones? Pangatwiran ang napili mong sagot.

Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Pagkapanalo ng Alyadong Bansa sa Europa at Hilagang Africa

Noong 1943, nagbago ang ihip ng labanan pabor sa Alyadong Bansa. Dumaong at
lumapag sa Normandy ang hukbong Alyado samantalang nilumpo ng mga Russian ang
hukbong Nazi at nasakop ang Berlin noong Ika - 6 ng Hunyo 1944. Noong Ika - 13 ng Mayo
1945, nag-umpisang magtagumpay ang Allied Powers sa Hilagang Africa. Sinundan ito ng
pagkabihag sa Sicily pagsapit ng Ika - 11 ng Hunyo, at ang pagsuko nito ng bansang Italy
pagsapit ng Ika - 3 ng Setyembre, 1944.
Sinalakay ng mga pwersang Anglo-Amerikano ang Morocco at Algeria sa
pangunguna ni Heneral Dwight Eisenhower habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang
Nazi sa Egypt. Noong Ika-13 ng Mayo ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga
Alyadong Bansa. Ang pagkatalo ng hukbong Italy ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini
(leader ng fascist) sa Hilagang Africa at Sicily. Muling nagtatag si Mussolini ng bagong
pamahalaang fascist ngunit hindi ito pinansin ng mga Italyano. Ika-4 ng Hunyo 1944, nakuha
ng Alyado ang Rome. Noong Ika - 25 ng Abril 1945, tumakas sa burol si Benito Mussolini
nang makita niyang wala ng pag-asa. Ngunit nahuli siya ng gerilyang Italyano at pinatay siya
kasama ang kanyang pangalawang asawa na si Clara Petacci.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Nabihag ng mga Russia ang Berlin noong Ika-2 ng Mayo. Pagsapit ng Ika-7 ng Mayo,
ay naganap ang pagsuko ng mga Aleman sa Rheims at nang sumunod na araw sa Berlin. Sa
kabutihang palad ay napasakamay rin ang tinatawag na V-E Day o (Victory in Europe).

Ang Pagkatalo ng Nazi ng Germany

Lumapag sa Normandy, France ang pwersa ni Heneral Eisenhower noong ika - 6 ng


Hunyo 1944. Pagkatapos ng ilang linggong digmaan ay napabagsak rin ang Nazi. Pinalaya ng
Alyado ang Belhika noong Setyembre 1944.
Pagsapit ng ika-6 ng Disyembre 1944, sinalakay ng mga Aleman ang mga sundalong
Amerikano sa kagubatan ng Ardennes subalit hindi sapat ang bilang ng mga hukbo at
petrolyo ng Germany upang mapagtagumpayan ang laban na ito. Ang pananalakay na ito sa
Ardennes ay kilala sa tawag na Battle of the Bulge dahil sa pagbabalik anyo sa mapa ng
pinangyarihan ng digmaan.
Noong ika-30 ng Abril 1945, gumuho ang Germany sa pamamagitan ng
kolaborasyong pagdurog ng mga Alyado mula sa kanluran at ng Ruso mula sa silangan.
Hinirang ni Hitler si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili niya, nagpakamatay din si Hitler at
ang asawang si Eva Braun dakong katanghalian ng araw ring ito.

Ang Tagumpay ng US sa Pasipiko

Bumalik sa Leyte si Heneral Douglas McArthur sa gitna ng kasiyahan ng mga Pilipino


noong ika - 20 ng Oktubre, 1944.
Matapos ang ilang buwang pakikidigma ng mga Pilipino sa Hapones ay ipinahayag ni
Mc Arthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng Hapones.
Noong ika-26 ng Hulyo 1945, nagpahayag ng pinirmahang Deklarasyong Potsdam
ang Great Britain, China at United States ng ultimatum, hinihingi ang pagsuko ng Japan nang
walang anumang kondisyon ngunit benalewala ito ng Japan.
Ika-6 ng Agosto 1945, ibinagsak ang unang bomba atomika sa Hiroshima upang
tuluyan ng mapasuko ang mga Hapones na pumatay ng 200,000 sibilyan at sinira ang halos
60% ng lungsod.
Pagkatapos ng tatlong araw, ibinagsak ang pangalawang bomba atomika sa Nagasaki
na nagwasak ng 40% ng lungsod at pumatay ng 100,000 ng sibilyan noong ika - 9 ng Agosto
1945.
Noong ika-15 ng Agosto 1945, tinanggap ng Hapones ang walang kondisyong
pagsuko sa mga Alyado dahil sa labis na takot sa sandatahang nakamamatay.
Pagsapit ng ika-2 ng Setyembre 1945, lumagda na ang Hapones sa kasunduang
pagsuko na ginanap sa USS Missouri sa Tokyo Bay. Nawala ang minimithi ng Hapones na
magkaroon ng imperyo sa Asya. Sa pagkakataong ito ay natalo ang Hapones sa digmaan.
Idineklarang V-J Day o (Victory in Japan) ng Alyado ang araw na ito na nagbigay-saya sa
buong daigdig dahil senyales ito ng pagwakas ng Ikalawang Digmaan sa Daigdig.

C. Mga Gabay na Tanong: (Ilagay ang sagot sa isang papel)

1. Paano nagtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


2. Sa mga mahalagang pagyayaring nagbigay-daan sa pagwakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, Alin dito ang nakapagbibigay-saya sa iyo? Bakit?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Suriin
Gawain 4: Pagsusuri Gawin, Kaalaman Palawakin!
Pagkatapos mong suriin ang nilalaman ng teksto, sasagutan mo ngayon ang ilang katanungan
na matatagpuan sa ibaba.

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) ay nagbunga ng malaking kapinsalaan


ng buhay at ari-arian ng tao at pagbabago sa kasaysayan ng buong mundo katulad ng mga
sumusunod:

1. $1,384,000,000 ang kabuoang nagastos sa digmaan.


2. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler; Pasismo ni Mussolini; at
imperyong Japan ni Hirohito.
3. Higit na mas marami ang nasawi kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
4. Itinatag ang United Nations (UN) upang mapangalagaan ang
kapayapaan, kalayaan, at katarungan sa daigdig.
5. Naging daan ito sa pagsilang ng malalayang bansa – ang East Germany, West
Germany, Nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia, Malaysia,
Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at iba pa.
6. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng
mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
7. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkasira ng agrikultura,
industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
8. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan.
9. Umabot ang kabuoang bilang ng nasawi ng mahigit 50,000,000 (20,000,000 kawal: at
30,000,000 mamamayan).
Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel)
Kung ihahambing mo ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig o anumang uri
ng kaguluhan sa mundo sa epekto ng epidemyang naranasan ngayon na tinatawag na Covid-
19, Alin ang mas mapaminsala para sa iyo? Bakit? Patunayan ang iyong sagot.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Pagyamanin
Gawain 5: Mag-isip ng Patas Para sa Ikalulutas!

Bigyan mo ng dalawang kasagutan ang tanong na matatagpuan sa loob ng hugis bilog


(Isulat ito sa Unang Plano at Ikalawang Plano). Ibigay ang dalawang layunin ng iyong Plano.
Sundan ang format sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Unang Plano Ikalawang Plano

Kung bibigyan ka ng
pagkakataong
pamunuan ang hukbong
Hapones noong
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, Ano ang
gagawin mo para
walang mamamayang
magbuwis ng buhay?

Magbigay ng tig-dadalawang layunin ng iyong plano.


Unang Plano:
1._______________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________
Ikalawang Plano:
1._______________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________

Isaisip
Gawain 6: Kaganapan sa Tagumpay sa Pasipiko, Itala’t Alalahanin Mo!
Isulat mo ang mahalagang kaganapan sa petsang nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Oktubre 20, 1944__________________________________________________________________
2. Agosto 6, 1945____________________________________________________________________
3. Agosto 9, 1945____________________________________________________________________
4. Agosto 15, 1945___________________________________________________________________
5. Setyembre 2, 1945_________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Isagawa
Gawain 7: Sikaping Italahanayan, Pangyayaring Makasaysayan!
Punan mo ang table ng mga dahilan, mahalagang pangyayari at epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
A. Dahilan B. Mahalagang Pangyayari C. Epekto
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
6. 6. 6.
7. 7.
8.
9.

Tayahin
Basahing mabuti ang mga sumusunod na konsepto. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
patlang.
____1. Pagsapit ng ika-16 ng Disyembre 1944, sinalakay ng mga Aleman ang mga sundalong
Amerikano sa kagubatan ng Ardennes. Ang pananalakay na ito ay kilala sa tawag na
____dahil sa pagbabalik anyo sa mapa ng pinangyarihan ng digmaan.
A. Epiko ng Dunkirk C. Atlantic Charter
B. Battle of the Bulge D. Lend Lease
____2. Kailan inihulog ang unang bomba atomika sa Hiroshima upang tuluyan ng mapasuko ang
mga Hapones na pumatay ng 200,000 sibilyan at sinira ang halos 60% ng lungsod?
A. Ika-16 ng Agosto 1945 C. Ika-6 ng Agosto 1945
B. Ika-26 ng Agosto 1945 D. Ika-6 ng Hunyo 1945
____3. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya sa Asya ay sumuko sa mga Hapones noong
ika-6 ng Mayo 1942. Ano ang tawag sa tanggulang ito na nagbigay ng pinakamahigpit
digmaan sa mga Hapones?
A. Bataan C. Coreador
B. Corregidor D. Clark
____4. Ano-anong bansa ang lumagda ng Deklarasyong Potsdam na nagpahayag ng paghingi ng
ultimatum na pagsuko ng Japan nang walang anumang kondisyon noong ika-26 ng Hulyo
1945?
A. China, Great Britain at US C. Great Britain, China at Japan
B. China, Great Britaian at Russia D. Italy, Germany, at China
____5. Hinding-hindi mababayaran ng salapi ang sakit na ibinunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa puso at isipan ng mga mamamayan, Magkano ang tinatayang nagastos ng
digmaang ito?
A. $200 bilyong C. $1.384,000,000
B. $1,000,000 D. $1,282,000,000
_____6. Ito ang turing sa kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa Aleman.
A. Epiko ng Dunkirk C. Lend Lease
B. Atlantic Charter D. Death March

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
____7. Batas na pinagtitibay ng kongreso na nagsasabing ang United States ay magbibigay ng
kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers.
A. Atlantic Charter C. Blitzkrieg
B. Lend Lease D. Epiko of Dunkirk
____8. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong
Roosevelt ng America at Winston Churchill, Punong Ministro ng Inglatera. Isinagawa dito ang
isang kasunduan na pagkatapos was akin ang tinariya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay
mabubuhay ng may kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa. Ano
ang tawag sa kasunduang ito?
A. Lend Lease B. Atlantic Charter C. Blitzkreig D. Ribbentrop-Molotov
____9. Tawag sa isang bakal at konkretong moog na itinayo pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa pagitan ng France at Germany.
A. Maginot Line B. Siegfried Line C. V-Day D. M-Day
____10. Tinatayang bilang ng taong nasakop ng Hapones sa Timog-Silangang Asya.
A. 500,000 B. 500,500 C. 500,000,000 D. 500,5000,000

Karagdagang Gawain

Gawain 8: Slogan ng Kapayapaan Para sa Sanlibutan!


Bumuo ng isang slogan na may temang “Kapayapaan Para sa Sanlibutan”. Sundan mo ang Rubrik
sa Pagmamarka. Gumamit ng isang bond Paper at iba pang kagamitan upang mapaganda ang iyong
slogan.
Rubrik sa Pagmamarka ng slogan
Pamantayan Indikador Puntos Nakuhang
Puntos

Nilalaman Naipakita ng maayos ang ugnayan ng bawat salita ng 15


konseptong nabuo sa slogan.
Kaangkupan ng Salitang Malinaw at angkop ang mga salitang ginamit sa 10
Ginamit paglalahad ng konsepto.

Pagkamapanlikha (Originality) Orihinal ang ideya sa pagbuo ng slogan. 10

Kabuuang Presentasyon Maayos at malinis ang kabuoang presentasyon. 8

Pagkamalikhain (Creativity) Gumamit ng angkop na pangkulay na kagamitan 7


upang mapaganda ang slogan at maging kaaya-aya
tingnan.

Kabuoang Puntos 50

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Maikling Pagsusulit
I. Pagpipilian:
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa espasyong nakalaan sa kaliwang
bahagi ng papel.

____1. Tawag sa mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na binubuo ng Germany, Italy at Japan.
A. Axis Powers C. Allied Powes
B. Central Powers D. Entente
____2. Bakit sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia?
A. Upang pagbayarin ito sa mga pagkakasala.
B. Upang gawing tagapagsaka sa kanilang lupain.
C. Upang gawing teritoryo ang mga ito.
D. Upang may makukuhanan ng hilawa na sangkap.
____3. Ang eroplano ng Japan ay sumalakay sa Pilipinas at sinira nito ang hukbong panghimpapawid
sa Clark Field Pampanga. Kailan lubusang nasakop ng Japan ang Maynila?
A. Ika-4 ng Enero, 1942 C. Ika-6 ng Enero, 1942
B. Ika-2 ng Enero, 1942 D. Ika-6 ng Disyembre, 1942
____4. Noong Ika-7 ng Disyembre 1941, sumalakay ang Japan sa Pearl Harbor, isa sa himpilang
hukbong pandagat ng United States sa Hawaii, Ano ang tawa sa pataksil na pagsalakay na
ito?
A. “Day of Famine” C. “Day of Liberty”
B. “Day of Infamy” D. “Day of Loneliness”
____5. Kailan bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake ng mga Alyado sa kanluran at mga Russian
sa silangan?
A. Huling araw ng Abril, 1945 C. Kalagitnaan ng Abril, 1945
B. Unang araw ng Abril, 1945 D. wala sa tatlo ang tamang sagot
____6. Tawag sa batas na nagsabing ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa
lahat ng lalaban na mga kasapi ng Axis Powers.
A. Atlantic Charter C. Blitzkreig
B. Epiko ng Dunkirk D. Lend Lease
____7. Ano ang tawag sa kasunduang naglalaman ng hindi pakikidigma na kapwa pinirmahan ng
Germany at Russia?
A. Blitzkreig C. Atlantic Charter
B. Lend Lease D. Ribbentrop-Molotov
____8. Taong 1940, biglang natapos ang Phony war sa dahilang sinimulan ni Hitler ang biglaang
paglusob ng walang babala. Ano ang ibang katawagan sa biglaang paglusob ng walang
babala?
A. Blitzkreig C. Lend Lease
B. Atlantic Charter D. Ribbentrop-Molotov
____9. Sino ang pinuno ng Pasismo ng Italy na pinatay ng gerilyang Italyano kasama ang kanyang
pangalawang asawa na si Clara Petacci.
A. Benito Mussolini C. Heneral Dwight Eisenhower
B. Adolf Hitler D. Heneral Douglas McArthur
____10. Kailan lumagda ang Hapones ng kasunduang pagsuko nito na ginanap sa USS
Missouri sa Tokyo Bay?
A. ika-10 ng Oktubre 1945 C. ika-22 ng Hunyo 1945
B. ika-12 ng Setyembre 1945 D. ika-2 ng Setyembre 1945

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carolyn P. Belar


Editor: Aaron S. Enano
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Gwendelene Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14

You might also like