You are on page 1of 5

BUOD NG PAG-ULAT

Pangalan: Ferriza G. Cunanan Petsa ng pagpasa: 05/29/23


Katulong ng pinuno: Jackielyn Elejeda Petsa ng paguulat o presentasyon: 05/29/23
Seksyon: 8-Aristotle

MGA SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

I. INTRODUKSYON
Magandang buhay sa lahat, ako nga pala si Ferriza Cunanan ang mag uulat
ngayong araw, Ano nga ba Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ang
ikalawang digmaang pandaigdig ay tumagal mula 1939 hanggang 1945. Kilala
ang digmaang ito bilang pinakamalaking internasyonal na kaganapan ng
ikadalawampu siglo at isa sa mga pangunahing dahilan sa pagbabago ng
kasaysayan ng mundo.

II. BUOD
Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga
bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa.
Dala na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na
ipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo.

Mga pangyayaring naganap at nagpasiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig:

→ Paglusob ng Japan sa manchuria


- Noong September 1931 ay nilusob ng japan ang lungsod ng Manchuria.
Ito ay mariin na kinundena ng League of Nations at agad na itiniwalag ang
Japan.
→ Pag-alis ng germany sa liga ng mga bansa
- Ang Germany ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga
Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-armas.
- Matapos tumiwalag, Sinimulan ni Adolf Hitler ang muling pagtatatag ng
sandatahang lakas ng Germany. Layunin ni Hitler na labagin ang
kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya hiyang
kondisyon.
- Upang makabangon sa pagkatalo ng unang digmaang pandaigdig, pinag
planuhang mabuti ni hitler ang muling pananakop
→ Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
- Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia noong
1935. Ito ay tuwirang paglabag sa kasunduan ng Liga ng mga Bansa.
→ Digmaang Sibil sa Espanya (1936)
- Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng
dalawang panig: Ang Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular
Army. Nanalo ang mga nasyonalista ngunit, marami ang nadamay sa
digmaang sibil ng espanya dahil sa pakikialam ng ibang bansa.
→ Ang Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)
- Nais ng mga mamamayang Austriano na masama ang kanilang bansa sa
Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang
kasapi sa Allied Forces (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos).
→ Paglusob ng Germany sa Czechoslovakia
- September 1938 ay hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na
pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya.
→ Paglusob ng Germany sa Poland
- Ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939 ang huling
pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

III. KONKLUSYON
Marami ang naging sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig. Kabilang
dito ang Paglusob ng Japan sa manchuria, Pag-alis ng Germany sa liga ng
mga bansa, Pagsakop ng italy sa Ethiopia, Digmaang Sibil sa Spain,
Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss), Paglusob sa
Czechoslovakia, at Paglusob ng Germany at Poland

IV. MGA ARAL


Ang pangunahing aral na natutunan ko ay ang pagpapahalaga sa
kapayapaan, kasarinlan at paggalang sa iba't-ibang kultura at paniniwala.
Ito rin ay nagpapakita na ang digmaan ay hindi lamang nagdadala ng
kasawian, kahirapan, at maraming pagkakasira, ngunit may mga malalim
na dahilan, tulad ng di-pagkakaintindihan, pagkakaiba ng mga paniniwala,
at kapangyarihan. Kaya't nagiging mahalaga ang pagbigay halaga sa
diplomasya, negosyasyon at pagmamahal sa kapawa, upang maiwasan
ang susunod pang digmaan at mapanatili ang pagkakaisa at kapayapaan
sa mundo.

V. MGA PAMPROSESONG KATANUNGAN


1. Bakit nag uumpisa ng digmaan ang mga bansa?
POSIBLENG SAGOT: May iba't ibang dahilan kung bakit nag-uumpisa ang
digmaan, kabilang na rito ang mga teritoryal na pag-aangkin,
pananampalataya, ideolohiya, at limitadong pinagkukunang-yaman.

2. Bilang isang mag-aaral ano ang maitutulong mo para maiwasan o


matigil ang hidwaan sa pagitan ng mga bansa?
POSIBLENG SAGOT: Bilang mag-aaral, maaari akong magbigay ng
pagpapahalaga sa pagkakaroon ng respeto sa ibang mga bansa, kultura,
at paniniwala. Pag-aralan ang iba't ibang paraan upang magkaroon ng
malayang komunikasyon at diplomasya bilang alternatibo sa pagresolba
ng mga hidwaan.

3. Ano ang epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig?


POSIBLENG SAGOT: Ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nagdulot ng
matinding pagkasira sa mga bansa at ekonomiya, at nagbigay ng
oportunidad sa ilang bansa na magkaroon ng malaking pagbabago sa
kanilang pamamahala at pampulitikang sistema.

4. Kung ikaw ay naging pinuno ng mga bansa sa ikalawang digmaang


pandaigdig mag uumpisa ka din ba ng digmaan?
POSIBLENG SAGOT: Hindi dahil ito ay sangkot ang sadyang pagpatay o
pananakit ng mga tao, at ito ay maraming masamang epekto.

5. Paano natapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?


SAGOT: Natapos ang ikalawang digmaang pandaigdig noong 2 Setyembre
1945 ng matapos isuko ng Japan ang kanilang paglaban sa pangkat ng
mga Alleado.

VI. PAGSUSULIT O SHORT QUIZ (MULTIPLE CHOICE)


1.Sino ang pinuno ng Italy?
A. Adolf Hitler
B. Benito Mussolini
C. Allied forces
D. Lahat ng nabanggit

2. Ano ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
A. Paglusob ng Japan sa Manchuria
B. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
C. Digmaang Sibil sa Espanya
D. Paglusob ng Germany sa Poland

3. Ano ang nasi ng mamayang Austriano?


A. Masama ang kanilang bansa sa Allied Forces
B. Masama ang kanilang bansa sa Germany
C. Sakupin ang Manchuria
D. Labagin ang kasunduan sa Versailles
4. Kailan hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudetan na matamo ng kanilang
awtonomiya?
A. October 1938
B. January 1939
C. Setyembre 1938
D. July 1939

5. Ano ang mga panig sa digmaang sibil sa Spain?


A. Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army
B. Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos
C. Italy at Ethiopia
D. Japan at Manchuria

Mga sagot:
1.B 2.D 3.B 4.C 5.A

VII. MAGHANDA NG PALARO O SHORT GAMES


Panuto: Ayusin ang mga JUMBLED WORDS upang mabuo ang mga salitang
nauugnay sa ating paksa. Gamitin ang mga pahiwatig na ibinigay upang sagutin
ang aktibidad na ito.

Bansang itinawalag sa League of nations


JNAPA ➝ JAPAN

Bansang nilusob ng Japan


CRIMANAHU ➝ MANCHURIA

Mamayang nais masama ang kanilang bansa sa Germany


NISTAROAU ➝ AUSTRIANO
Siya ay pinuno ng Italy
NBIOTE OSUIMISNL ➝ BENITO MUSSOLINI

Bansang sinakop ng Italy


HPOIETAI ➝ ETHIOPIA

Bansang nilusob ng Germany


ZALECOSKAOHCIV ➝ CZECHOSLOVAKIA
Bansang nilusob ng Germany
LPADON ➝ POLAND

WORD OF THE DAY:


Ribbentrop-Molotov - Ito ay isang kasunduan ng hindi pakikidigma.

You might also like