You are on page 1of 27

IKALAWANG

DIGMAANG
PANDAIGDIG
(1939-1945)
 Itinuturing na pinakamalawak,
pinakamahal at pinakamadugong
labanan sa kasaysayan ng
sangkatauhan.

 Europe (September 1, 1939-May 7, 1945)


Asia (Dec. 7, 1941-September 2, 1945)
SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 Nasyonalismo
a. Paghihiganti ng Germany
-Pinasimulan ni Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling
pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.
-Paglabag sa kasunduan sa Versailles
-Binalak ang muling pananakop upang makabangon sa
pagkagapi nito sa Unang Digmaang Pandaigdig.
b. Greater East Asia Co-Prosperity-layunin ng Japan na
pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa ilalim ng
kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong
panlipunan, pampulitika, pangkultura, at pang
kabuhayan ng rehiyon.
Pagkakampihan/Alyansa

Pagsasanib ng Austria at Hungary-nais ng mga


mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa
sa Germany na sinalungat naman ng mga bansang kasapi
sa Allied Powers (Pransya, Great Britain, US).
Pagkakaiba ng Ideolohiya

Digmaang Sibil sa Espanya-nagsimula noong 1936 sa


pagitan ng dalawang panig: ang pasistang
Nationalist Front at ang sosyalistang Popular
Army.
-Nanalo ang mga nasyonalista ngunit maraming
nadamay sa pakikialam ng ibang bansa (Germany,
Italya, France)
-Nagkalapit ang Germany (Hitler) at Italya
(Mussolini) dahil sa digmaan sa Espanya.
PASISMO-ideolohiyang naniniwalang mas malakas ang estado
kaysa sa mga mamamayan o napapailalim ang kapakanan
ng mamamayan sa tungkulin o interes ng estado.
-Magkaugnay ang Pasismo sa Totalitaryanismo na
nakabatay sa paniniwalang higit na nakatataas ang
interes ng estado sa kahit ano o sino man.

NAZISMO-kilala bilang National Socialism o isang ideolohiyang


nagtataguyod ng paniniwala sa pagiging superior ng lahing
Aryan na kinabibilangan ng mga German.
-pakikipagtunggali sa mga kalabang bansa upang
mapalawak ang kanyang kapangyarihan.
-Malawakang pagpatay sa mga Jew sa mga concentration
camp sa Germany at Poland.

Holocaust o sistematikong genocide (ethnic cleansing),


pagpapapatay ni Hitler sa anim (6) na milyong Jew sa
paniniwalang marumi ang kanilang lahi at walang
karapatang mabuhay, itinuturing na salot sa lipunan.

-Ang German o lahing Aryan ang superior sa lahat


PANG-AAGAW

Paglusob sa Czechoslovakia
-Noong Sept. 1938, hinikayat ni Hitler ang Aleman
sa Sudeten na pagsikapan na matamo ang kanilang
awtonomiya.
-Hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang
pulong sa Munich.
-Nasakop ni Hitler ang Sudeten noong 1939 pati na
rin ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia
PAGLABAG SA KASUNDUAN
a. Pananakop ng Japan sa Manchuria (1931), Beijing at
Nanjing sa China(1937)
-kauna-unahang bansa na humamon sa kapangyarihan
ng League of Nations
-Tumiwalag sa League of Nations
b. Pananakop ng Italya (Benito Mussolini) sa Ethiopia na
lumabag sa Covenant of the League (1935)
-Pagprotesta ng emperador ng Ethiopia sa Liga ng mga
Bansa, pag-udyok sa mga miyembro na i-boycott ang
pagbenta ng armas sa Italya.
-Nasakop ng Italya ang Ethiopia
PAGLABAG SA KASUNDUAN
Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa (1933)
-pagbabawal sa pagsasandata at paglilimita sa bilang ng
puwersa.
-pagpatayo pa rin ng Germany ng hukbo, 550,000 tao
sa layuning manakop.

Paglusob ng Germany sa Poland (1939)-ang huling


pangyayaring nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa Europa.
-Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa
Russia na kapwa pumirma sa kasunduang
Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi
pakikidigma.
APPEASEMENT-ipinatupad ng Great Britain at France
sa pagpapanatili ng kapayapaan.

KOMPERENSYA SA MUNICH-naganap noong


Setyembre 29, 1938 sa pagitan ng
Germany, Great Britain, France at
Italy.
-Napagkasunduan sa Munich na mananatili
ang Sudetenland sa ilalim ng Germany sa
kondisyong ititigil nito ang pananakop ng
mga bagong teritoryo.
-Pakikipagkasundo ng France at Great
DIGMAAN SA EUROPE
France/Great Britain vs Germany

Ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag-


abang sa likod ng Maginot Line (bakal at
konkretong moog)
Ang Phony War ay biglang natapos sapagkat
sinimulan ni Hitler ang BLITZKRIEG o
biglaang paglusob ng walang babala.
Nasakop ng Germany ang Belgium, Netherlands,
Luxemburg, at ilang bahagi ng France,
Yugoslavia at Greece.
UNITED STATES AT DIGMAAN

Pinagtibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease


na nagsasaad na ang United States ay
magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat
ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers.

Ang United States ay naging kasapi ng


puwersang Alyado noong 1941
DIGMAAN SA PASIPIKO
Pataksil na pagsalakay ng Japan sa Pearl Harbor
sa Hawaii, isa sa mga himpilan ng hukbong
pandagat ng US sa Pasipiko, noong Dec. 7,
1941. Tinawag din itong “Day of Infamy”.
Hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Pasipiko.
Sinalakay ang Pilipinas at winasak ang hukbong
panghimpapawid ng mga Amerikano sa
Pilipinas.
 Pananalakay at tuluyang pagsakop sa Pilipinas (1941-45)
Pagbagsak ng Bataan (April 9, 1942)
Death March (April 9-13, 1942)
Pagbagsak ng Corregidor (May 6, 1942)
Pamahalaang Puppet ng Hapon sa Pilipinas

 Pagsalakay ng Hapon sa Thailand, British Malaya, Hongkong,


Guam, at Wake Islands.

 Tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at itinatag


ang “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”
WAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
I-Tagumpay ng Allies sa Europe
 Pagbagsak ng Germany (June 6, 1944)-natalo ang mga Nazi
ng puwersa ni Hen. Eisenhower ng bansang Pransya sa
paglapag nito sa Normandy.
 Nilumpo ng mga Russo sa silangang Europe ang hukbong
Nazi at nasakop ang Berlin.
 Labanang Bulge (Dec. 6, 1944) isang labanan sa pagitan ng
tropa ni Hitler at ng Alyado na ikinatalo ng mga Nazi.
 Nagpakamatay si Hitler (April 30, 1945), Si Mussolini ay
nahuli sa Lombardy, N. Italy at pinatay (April 25, 1945)
 Sumuko ang Germany sa Allies, May 8, 1945 na tinaguriang
Victory in Europe Day
II-Tagumpay sa Pasipiko
 Pagkatalo ng mga Hapon sa Pilipinas
 Ideneklara ni Hen. Douglas McArthur ang kalayaan ng mga
Pilipino mula sa mga Hapon (July 5, 1945)
Potsdam Declaration (July 26, 1945)-isang ultimatum na
pagpapasuko sa Japan ng walang anumang kondisyon kung
hindi ay makakaranas ito ng matinding pagkasira.
Aug. 6- Hiroshima bombing
Aug. 9- Nagazaki bombing
Aug. 15-pagsuko ng Japan (Emperador Hirohito)

Pormal na nilagdaan ang kasunduan ng pagsuko ng Japan kay


Gen. McArthur noong Sept. 2, 1945 sa barkong pandigma
na USS Missouri sa Tokyo Japan.
BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 Malaking bilang ng mga namatay (higit 50 milyon katao) at
nasirang ari-arian, tinatayang mahigit 1 trilyong dolyar
ang gastos sa digmaan, at halos 60 mga bansa ang
naapektuhan ng digmaan.
 Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa
pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at
pananalapi ng maraming bansa.
 Bumagsak ang pamahalaang Totalitaryang Nazi ni Hitler,
Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
 Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa-Silangan
at Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina(Taiwan),
Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Sri Lanka,
India, Pakistan, Iran, Israel, Iraq atbp.
 Pagkakatatag ng United Nations

You might also like