You are on page 1of 16

Mga Sanhi

ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Inihanda ni:
Bb. Marisol P. Policarpio
1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
Ang pag-aasam na magpalawak ng teritoryo ay hindi
lamang naganap sa Europa kundi maging sa Asya rin.
Noong 1931, nilusob ng hukbong militar ng Japan ang
Manchuria, isang lalawigan sa hilagang silangan ng
China na mayaman sa bakal at karbon.
Noong Hulyo 1937, naglaban ang mga puwersang
Hapon at Tsino malapit sa Peiping (Peking), China.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga
Bansa
Sumali ang Germany sa Liga ng mga Bansa at
nakilahok sa mga ilang mga gawain nito upang
mapanatili ang kapayapaan.
Subalit, karamihan sa mga Germans ay hindi sang-
ayon sa mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles
dahil nilagay nito ang Germany sa isang kahiya-hiyang
posiyon.
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
Sa pangunguna ni Benito Mussolini, sinakop ng
Italy ang noong-malayang kaharian ng Ethiopia
sa Africa noong 1935.
Humingi ng tulong si Emperador Haile Selassie
sa Liga ng mga Bansa at agad naming kinundena
ng Liga ang agresyon ng Italy laban sa Ethiopia.
4. Digmaang Sibil sa Spain
Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan
ng pasistang Nationalist Front at sosyalistang Popular Army.
Sinuportahan nina Hitler at Mussolini ang laban ng Nationalist
Front sa pangunguna ni Francisco Franco.
Bagaman labag sa probisyon ng Kasunduan ang Versailles ang
pagkakaroon ng mga sasakyang militar na panghimpapawid,
ipinadala ni Hitler ang kaniyang pinakabagong eroplanong
militar na tinawag na Luftwaffe.
5. Pagsasanib puwersa ng Austria at
Germany
Gamit ang prinsipyo ng self-determination, hinikayat
ni Hitler na magkaisa ang lahat ng bansang nagsasalita
ng German.
 Kabilang sa mga bansang ito ang malaking
populasyon sa Czechoslovakia, Poland at Austria.
Ang pagsasanib o mas kilala sa tawag na Anschluss sa
pagitan ng Germany at Austria ay mahigpit na
ipinagbabawal sang-ayon sa Kasunduan ng Versailles.
6. Paglusob sa Czechoslovakia
Sa 15 milyong taong naninirahan sa Czechoslovakia
noong 1938, halos 3 milyon sa kanila ay German na
naninirahan sa Sudetenland.
Hinikayat ni Hitler ang mga German sa Sudetenland
na pagsikapan ang kanilang kalayaan mula sa
pamahalaang Czech.
Ang hakbang na ito ni Hitler ay mariing tinutulan ng
mga bansang kaalyado ng Czech gaya ng France at
Great Britain
7. Paglusob ng Germany sa Poland
Ang paglusob ng kampo ni Hitler sa Poland ay maituturing
na huling mitsang tuluyang nagpasiklab sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ninais ni Hitler na maibalik sa
kontrol ng Germany ang lungsod ng Danzig na naging
daungan na kontrolado ng Poland.
Maliban dito, ninais din ni Hitler na mabigyan ng daan ang
Germany sa Polish Corridor.
Ang Polish Corridor ay isang maliit na lupaing humihiwalay
sa Silangang Prussia at Germany.
Mahahalagang Pangyayari sa
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Ang Blitzkrieg o Lightning War
Ito ay isang estratehiya na ginamitan ng mga
mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng mga
sundalo sa kanilang paglusob.
Halimbawa nito ay ang Luftwaffe o mga eroplanong
pandigma ng Germany na nagbagsak ng mga bomba
habang ang mga tangke naman ay pumapasok sa mga
hangganan na sinusundan ng mga trak na naglalaman
ng libu-libong sundalo para sa pagsalakay.
Ang Digmaan sa Britain
Dahil sa naging tagumpay ng puwersa ni Hitler at Mussolini sa
France, bumuo ng isang plano si Hitler kung paano susunod na
masasakop ang Britain.
Umpisa pa lamang sa kaniyang pagkakaluklok sa pagiging punong
ministro ay inihayag na ni Winston Churchill na hindi susuko ang
Britain sa Germany.
Dahil dito, inilunsad ni Hitler ang Operation 12 Sea Lion noong
Agosto 1940.Ito ay isang opensiba at agresibong pagsalakay sa
mga plota ng Britain na nakadaong sa English Channel gamit ang
mga Luftwaffe.
Ang United States at ang Digmaan
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng
pangamba sa mga Amerikano.
Batid ni Pangulong Franklin Roosevelt na kapag nagpatuloy
ang pagkapanalo ng puwersang Axis sa digmaan ay
mapipilitan ang United States na makilahok sa labanan.
 Dahil dito, ipinagtibay sa Kongreso ng Amerika noong 1941
ang Lend-Lease Act, isang batas na nagbibigay-pahintulot sa
mga Allies na manghiram o upahan ang mga armas at suplay
ng digmaan ng United States.
Ang Digmaan sa Pasipiko
Ang digmaan sa Pasipiko ay nilahukan ng Allies at Japan na tumagal
hanggang Agosto 1945.
Bago pa man ilunsad ng Japan ang kanilang pag-atake sa Timog
Silangang Asya, nauna na nitong sinalakay ang Korea, Manchuria, at
ilang bahagi sa China.
Sinalakay rin ng Japan ang mga isla sa Pasipiko gaya ng Guam at
Wake Island. Hindi nagtagal, naglunsad din ng isang malawakang
pagsalakay ang puwersang Hapones sa Pilipinas.
Pinasok ng hukbong Hapones ang lungsod ng Maynila noong Enero
1942.

You might also like